Share

Chapter 3

Ace POV

Pagpasok ko sa loob ay bakas sa kanyang mukha ang gulat at takot.

"K-kanina ka pa ba diyan Ace?" tanong niya sa akin, pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kanya. "Gusto mo bang kumain muna? May hinanda ako para sayo." dagdag pa nito.

"Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga, sobrang nahihilo ako. Tumawag lang ang kaibigan ko kaya sinagot ko na muna 'yon. Siguro ay napagod ako kanina kaya nanghina na naman itong katawan ko alam mo naman na bawal ako mapagod dahil sa sakit ko." aliw na aliw talaga ako sa mga sinasabi niya, ang galing niyang magsinungaling sa harap ko. Siguro kung hindi ko lang narinig ang usapan nila ng kaibigan niya ay maniniwala na naman ako.

"Hanggang kailan ka magpapanggap Riley?" anas ko.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. "A-ano bang sinasabi mo Ace."

"Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang ibig kung sabihin diba? Alam mong mababa ang pasensya ko Riley at ayaw ko ng paulit ulit." saad ko.

"Hindi kita maintindihan." pagmamaang maangan niya.

Tiningnan ko siya ng seryoson at nakita ko ang paglunok niya. "You're good at acting pero hindi ka marunong mag ingat."

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Alam mo Ace pagod ka lang sa trabaho kung gusto mo ay dito ka na matulog, tawagan mo na lang ang asawa mo para ipaalam sa kanya na hindi ka makakauwi para hindi na siya mag alala pa."

"At sa tingin mo susundin ko 'yang sinasabi mo? Bakit naman ako hindi uuwi sa bahay eh nando'n ang asawa ko." wika ko.

"Mukha kasing pagod ka kaya baka mapaano ka pa sa daan kung uuwi ka pa."

"Pumunta ako dito dahil naaawa ako sayo pero hindi para matulog dito." madiin na wika ko. Tumayo ako at unti unting naglakad palapit sa kanya.

"Kung sa tingin mo maloloko mo pa ako ay nagkakamali ka Riley." saad ko.

"Ace, hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo. Alam kung naaawa ka sa kalagayan ko pero hindi naman kita pinipilit na puntahan ako kung ayaw mo o busy ka. Alam ko naman na may asawa ka na."

Natawa naman ako ng pagak. "Galingan mo pa baka sakaling maniwala ako!" hindi ko na mapigilan ang hindi lakasan ang boses ko.

"Tell me Riley ano ang nagawa kung kasalanan sa akin para gaguhin mo ako ng ganito? Huwag kang magtangkang magsinungaling dahil boking ka na! Narinig ko na ang buong usapan niyo ng kaibigan mo! Putangina lang! Ginawa mo akong tanga! Pinaniwala mo ako sa kasinungalingan mo! Nagugulo ang buhay namin ng asawa ko dahil sayo pero dahil sa may pinagsamahan tayo ay palagi akong nakikiusap kay Kylline na intindihin niya." sigaw ko sa kanya.

"A-ace, let me explain please."

"Explain what? Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo ngayon? Boking ka na nga eh! At ano pa ang gusto mong mangyari na buntisin kita? Nababaliw ka na ba? Kung may gusto man akong anakan 'yon ay ang asawa ko at hindi ang ibang babae!"

"I-im sorry Ace, please hear me out. G-ginawa ko lang naman 'yon dahil mahal kita at ayaw kitang mawala."

"Damn you! Kung talagang mahal mo ako ay hahayaan mo akong maging masaya at 'yon ay sa asawa ko lang! Hindi ko alam na hahantong ka sa ganito dahil hindi naman ganito ang pagkakilala ko sayo."

"Ace please, huwag mo akong iwan. I'm willing to be your mistress, basta manatili ka lang sa tabi ko. Hindi ko hihilingin sayo na ibigay mo lahat ng atensyon mo, kahit konti lang ang sa akin ay ayos lang."

Natawa naman ako. "You're a bitch! Hindi ko aakalain na ganito ka kadesperada na kayang manira ng relasyon para lang masunod ang gusto mo. Sa tingin mo ba ay gusto kung magkaroon ng kahati ang asawa ko? She's prefect in my eyes at walang makakapantay sa kanya. Siguro nga minahal kita noon pero hindi na ngayon dahil mahal na mahal ko ang asawa ko. Ito na ang huling beses na kakausapin kita dahil sa susunod ay hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko sayo."

Akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa aking mga braso. "Ace, please.

"Let me go Riley."

"H-huwag mo akong iiwan, hindi ko kaya."

"Huwag mong hintayin na mawala ang respeto ko sayo bilang babae Riley." mahinahon na saad ko.

"Ano bang meron kay Kylline na wala sa akin? Wala naman espesyal sa kanya para mahalin mo siya at pakasalan! Pwede mo naman siyang iwan!"

"Tangina! Hindi ka ba makatindi? Asawa ko siya at mahal ko siya! Walang makakapabago do'n!" sigaw ko sa kanya.

"Subukan mo akong iwan Ace dahil hindi ako titigil hangga't hindi kita nababawi ulit. Wala akong pakialam sa asawa mo dahil gagawin ko ang lahat para lang mawala siya sa landas natin!" at dahil sa sinabi niyang 'yon ay mas lalong nag init ang ulo ko.

Mabilis kung hinila ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at marahas siyang sinakal. "Subukan mong kantiin ang asawa ko Riley dahil ako ang makakalaban mo! Alam mong hindi mo ako kaya at alam ko din kung ano ang kaya kung gawin. Baka gusto mong mawala sayo ang lahat at magmakaawa ang mga magulang mo?" nakangising turan ko.

"Sa tingin mo ba matatakot mo ako sa ganyan Ace? Alam ko kung gaano mo nirerespeto ang mga magulang ko at hindi mo sila magagawang saktan o kunin ang pinaghirapan nila."

"Oh try me Riley, baka gusto mo bukas na bukas mismo ay gawin ko." madiin na wika ko dahilan para mapatahimik siya.

"I'm warning you Riley, isang maling galaw mo lang at mawawala sayo ang lahat. Baka naman gusto mong ipakulong din kita dahil sa panggagago mo sa akin? I still have all the copies of your fake medicals at pwede ko din isama ang doctor na binayaran mo, alam mong pwede siyang matanggalan ng lisensya." nakangiting anas ko.

"Natahimik ka yata? Mali ka ng kinalaban mo, handa akong gawin ang lahat para sa asawa ko Riley. Hindi ako magdadalawang isip na gumastos ng kahit gaano kalaking halaga para lang maipakulong ka. Pasalamat ka at nagtitimpi pa ako kahit na kanina pa kita gustong saktan. This is my first and last warning to you Riley. Lay a finger to my wife at sisingilin kita ng mahal." dagdag ko pa at tuluyan ng umalis sa kanyang unit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status