Share

Chapter 4

Ala-una ng madaling araw ng maisipan niyang umuwi kahit alam nyang medyu lasing na sya ay alam parin nya ang ginagawa. Nang makarating sa bahay ay tumingin sya sa kwarto ni Juday bago sya tuluyang umakyat hindi nya mapigilan ang sariling puntahan ito bahala na.

Himbing sa pagtulog si Juday ng makita nya hindi nito nailock ang pinto kaya madali syang nakapasok. Dahan dahan syang pumasok at umupo sa kama. Gusto nyang hawakan ang muka nito damhin ang muka nito na dati ay malaya nyang nadadama at sinasamba. Nagtalo ang kanyang isip sa gustong manyari ng kaniyang puso.

Tumayo si Angelo upang lisanin ang silid nito nilock nya iyon bago umalis.

Kinabukasan ng magising si Juday, paglabas ay naabutan nyang nasa sala si Angelo na umiinom ng kape nakita pa nyang may kausap ito sa cellphone na agad naman nitong ibinaba ng makita sya. Saka ito biglang tumayo kinuha ang attache case bago nagmamadaling lumabas.

Pumanhik sya upang silipin ang kambal. Nakahiga pa ang mga bata sa magkahiwalay na kama. Nauna nyang nilapitan si Chloe at hinalikan ito sa pisnge saka nya nilapitan si Aiken ng hawakan nya ito ay mainit ito umahon ang pagaalala sa dibdib nya.

"Aiken, anak!" hindi nya mapigilan sabihin iyon.

"Daddy, daddy!" tawag nito sa ama habang nakapikit.

Nataranta si Juday, mabilis nyang kinuha ng thermometer. 38.9 ang temperatura nito.

Mabilis nyang kinuha ang cellphone tatawagan nya si Angelo.

"Hello, Angelo?" Aniya.

"Juday, bakit? nasa meeting ako ngayon mamaya ka nalang tumawag!" wika nito.

"Angelo, may lagnat si Aiken!" aniya rito na akmang puputulin nito ang tawag nya.

Natahimik sa kabilang linya bago ito nagsalita.

"Ha? bakit nilagnat si Aiken? sandali uuwi ako!" wika nito sa kabilang linya.

"Aiken inom ka ng gamot para mawala ang lagnat mo!" wika nya sa bata.

"No,no, i want daddy!" wika nito.

Maya maya naman ay dumating si Angelo.

"Judy Ann anung nangyari? bakit nilagnat si Aiken, akala ko ba inaalagaan mo sya ng maayos?" Tanong ni Angelo sa kanya.

Natameme sya naghahahagilap ng isasagot. Binuhat ni Angelo si Aiken dinala sa kotse mabilis naman syang sumunod sa mga ito at sumakay dadalhin nila sa ospital ang bata.

"Wala kayong dapat ipagalala sa bata normal na lagnat lang may sipon kasi sya marahil nasobrahan sa pagkain na malalamig, maya maya ay nawawala na rin yan painumin lang ng gamot." Wika ng doktor.

Nakahinga ng maluwag si Juday ngunit hindi si Angelo. Nang makaalis ang doktor ay agad sya nitong kinompronta.

"Bakit kong anu anung pinapakain mo sa mga bata?"

"Hindi naman, eh kasi mapilit si aiken kahapon nilantakan ang ice cream na kinuha nya sa ref. Hindi ko naman mapigilan ayaw magpaawat dahil nagwawala."paliwanag nya.

"Dapat hindi mo hinayaan e, dahil alam mo naman sensitive sila!" wika pa nito.

Napayuko sya hindi sya umimik kasalanan nya naman talaga kasi hinayaan nya.

Nang hapon din iyon ay inilabas sa ospital si Aiken. Binantayan nya ito magdamag syang hindi natulog upang mapainom ito ng gamot sa tamang oras. Binabasahan nya ng libro si Aiken at Chloe bago matulog nang makatulog ang dalawa ay saka naman sya iginupo ng antok nakatulog sya sa tabi ng mga ito.

Ito ang tagpong nabungaran ni Angelo marahan nyang hinawi ang bangs ni Juday na nakaharang sa muka nito. Napansin nya ang bukol nito sa noo bumuntong hininga sya. Sinabi ng anak na si Chloe ang ginawa ng anak na si Aiken kay Juday. Nakaramdam sya ng awa dito balak nyang ipagtapat sa mga anak na si Juday ang totoong ina ng mga ito.

Napabalikwas si Juday ng magising nakatulog sya sa tabi ng mga bata.

"Tita Juday?" palabas na sya ng silid ng mga ito ng tawagan sya ni Aiken.

"Aiken, ang aga mo naman nagising bababa muna ako iinom ka ng gamit." aniya.

"Pwede po ba, basahan mo kami ulit ng book bago kami matulog mamaya." nakangiting tanong nito.

"Oo naman, sige mamaya!" aniya na ngumiti dito sa kabila ng pagkagulat nya sa ginawi nito.

"Dito ka narin matulog tita pwede?" muling sabi ni Aiken.

"Pwede naman, basta okay lang sa tatay nyo." sagot nya sa anak masaya sya dahil nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

"Bakit naman hindi walang problema may karapatan kang makasama sila!" Wika ni Angelo na nasa kanyang likuran.

Nagulat sya sa biglang pagsulpot nito

"Salamat Angelo." aniya.

"Oras na para malaman nila ang totoo!" Sabi ni Angelo

"Anung ibig mong sabihin?" takang tanong nya.

"Oras na para malaman nila ang totoo na ikaw-!" hindi naituloy ni Angelo ang sasabihin ng may nagsalita sa likuran.

"Woww ang aga aga may nagdadrama rito, at anung gusto mong malaman ng mga bata na ang babaeng yan ang ipapalit mo sakin oh my god sa yayang yan talaga angelo sure ka?" Nakataas ang kilay ng bagong dating na si amber nakapanhik ito ng walang pahintulot.

"Anung ginagawa mo dito,amber? diba sinabi ko na sayong ayukong pumupunta ka rito baka makita ka ni Aiken magwawala ang bata." Inis na wika ni Angelo.

"Binibisita ka ofcourse, hindi moba ako namimiss?" habang palapit na wika nito kay Angelo.

"Amber pwede ba? umalis kana! wala akong nararamdaman sayo, hindi kita mahal kaya tigilan muna ako!" Sigaw ni Angelo sa kanya.

Lumabas ang dalawang bata mula sa silid nito at yumapos kay Angelo.

"What will happen dad?" Nagtatakang tanong ni Chloe.

"Why is the devil is here, dad?" Nahintakutan namang tanong ni Aiken habang kapit na kapit sa ama.

"Wow a happy family, ipagpapalit ako ng dad nyo sa yayang nyong hampaslupa!" wika nito.

"Tumigil kana,umalis kana amber wag kang mag eskandalo rito!"

"At ipinagtatanggol mo pa!" nanlilisik ang mga mata nito.

"Hindi yaya ng mga anak ko si Judy ann! Dahil sya ang ina ng mga anak ko, naiintndihan mo? ngayong alam muna,can you leave? at wag na wag ka ng babalik pa!" Galit ang boses na wika ni angelo.

Napanganga si amber sa narinig hindi nya malaman kong tatawa ba siya o hindi naniniwala.

"Oh wow? anu to the surrogate? crazy!" Mabilis na tumalikod ito.

Lumuluhang tumingin si Juday kay Angelo.

"Thank you for this Angelo!" aniya.

"Is that true dad?" Tanong ni Chloe sa ama.

"Yes Chloe."wika niya sa anak.

"I like her na dad," wika naman ni Aiken. "I like her to be my mom!"

Napangiti si Juday sa sinabi ng mga anak agad itong yumakap sa kanya na ginantihan din nya ng mahigpit na yakap.

Iyak tawa si Juday habang niyayakap ang mga anak.

"c'mon dad,hug nyo din si mommy Judy Ann." tawag naman ni Chloe.

Nagkatawanan si Judy ann at Angelo ng nakisali at yumakap din si Angelo.

"Paano nakakapsok si amber, para siyang kabute basta basta nalang sumusulpot?" takang tanong nya kay Angelo.

"May susi sya ng bahay noon pa man, nasanay kasi yon na dito. Minsan nga pagdating ko ay nakahiga na sa kama ko."wika pa ni Angelo.

"Ganon?" aniya na nakanguso.

"Oh anu yan,wag kang magalala hindi ko pinanpansin yon!" wika nito na nakangiti. " Selos ka no?"

"At bakit ako magseselos?" kunwari ay nakasimangot nyang sabi "Halina nga kayo bumaba na tayo baka gutom na ang mga bata kailangan painumin ng gamot ni Aiken sa Oras." iwas nya baka nga mahalata ng lalaking nagseselos sya.

Tila walang kapantay na kasiyahan ang nararamdaman ni judy ann. Wala na syang mahihiling pa. Tanging si Angelo nalang ang kulang sa buhay nya.

Binuhat nya ang anak na si Aiken habang pababa,hawak naman ni Angelo sa kamay ang isang anak.

"Dito lang kayo mga anak, ipapahanda ko ang breakfast nyo at kailangan uminom nitong little sungit na ito!" wika sabay pisil sa ilong ni Aiken tumawa ito ng tumawa na paran kinikiliti haays ang sarap pala magkaroon ng sariling pamilya sa isip nya.

"Ipaubaya muna sa mga katulong yan, samahan mo ang mga anak mo dito it's your time na magpakananay sa kanila." wika n Angelo.

Ngumiti sya kay angelo " Salamat Angelo ha? hinayaan mong makilala ako ng mga anak ko!"

"May karapatan ka sa kanila judy ann, matagal na nilang tinatanong sa akin yan kong sinu ang ina nila." Sabi ni Angelo bago umupo sa sofa na naroon.Sinundan naman ng dalawang bata na kumapit sa leeg nya.

"Mommy, opo ka din dito sa tabi ni daddy." wika naman ni Aiken na hinihila sya palapit.

"Naku anak, wait babalik ako kukunin ko lang ang gamot ni Aiken ha?" wika nya bago tumalikod.

Nang makaalis si Angelo patungo sa opisina nito ay saka nya pinaakyat sa kwarto ng mga ito ang mga bata para doon maglaro habang nagaalmusal

siya kahit anung pilit ni Angelo na sabayan sya sa pagkain ay umayaw sya dahil nahihiya sya sa mga ito. 

Mas gustuhin nya pang kumain kasama ang mga katulong kesa mailang sa presensya ng lalaki.

"Miss Juday, may naghahanap sa inyu sa labas hindi ko pinapasok dahil mukang lasing." wika ng isang katulong tumingin sya rito bago binaba ang basong hawak.

"Sandali at lalabasin ko." May kutob na sya kong sinu ito.

Nang makalabas nga ay totoo ang hinala nya na si Miguel ang naroon. 

"Hoy Juday, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ha? barya barya lang naman ang hinihingi ko sayo bakit hindi mo maibigay?" Sigaw nito sa kanya sa labas ng gate.

"Baliw kaba? akala ko ba pinagkakitaan muna ako? hindi pa sapat ang kinita mo sakin ay ngayon gusto mo akong kikilan? ang kapal mg muka mo miguel wala na akong utang na loob sayo kaya tigilan muna ako!" Sigaw nya rito.

Binato nito ang gate "Sumama ka sakin pauwi at ibabalik na kita sa bahay kong san ka nararapat!"

"Para anu para ibenta mo ulit? para pagkaitaan mo?okay na ako rito kaya umalis kana at wag na wag ka ng babalik pa!" tatalikod na sana sya ng muling magsalita ito.

"Bakit, dahil ba natikman muna ang karangyaan? kaya ayaw muna umalis dahil balak mo ng sungkitin si boss?" mala demonsyong ngumisi ito. "Iba karin anu? kunwari kapa e mukang pera ka rin naman!" walang gatol na wika nito.

"Wag mo akong itulad sayo dahil hindi mo ako katulad!"

"Oh baka naman napapaligaya kana sa kama?" muli itong ngumisi.

"Tama ka! atleast si Angelo may silbi, e ikaw? sa totoo lang nakabuti nga sakin atleast hindi moko napakinabangan sa ganyang bahay kasi kong nagkataon baka nandiri na ako sa sarili ko!" mabilis na tinalikuran nya ito at hindi pinansin ang pagwawala nito.

Nang gabing iyon, ay katulad ng kagustuhan ng mga bata binasahan nya ito mg libro nang makitang tulog na ang mga ito ay hinalikan nya muna sa noo ang mga anak bago tuluyang umalis sa silid. Hindi nya alam kong nakauwi naba si Angelo hindi ito dumaan sa silid ng mga anak na nakasanayan na nitong gawin.

Kampanteng nahiga sya sa kanyang higaan dahil mag aalas onse na ng gabi ay kaagad siyang nakatulog hindi na niya nailock ang pinto ng kanyang silid na palagi nyang nakakalimutan.

Napabalikwas si Juday ng may kamay na humawak sa kanyang pisngi.

"Angelo? anung ginagawa mo dito?" Takang tanong nya dito.

"Nakalimutan mo nanamang ilock ang kwarto mo!" wika nito.

Naamoy nya ang alak sa hininga nito kaya alam nyang nakainom ito.

Napalingon sya sa pinto nakasarado iyon.

"Hindi ka parin talaga nagbabago napakaganda mo parin!" wika nito at umupo sa tabi nya.

Napalunok sya ng inilapit nito ang muka sa kanya at mabilis na tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Hindi nakagalaw si Juday sa ginawa ni Angelo,hindi nya namalayan ang pagsang-ayon nya at tinutugon ang halik nito. Kusang kumilos ang mga kamay nya at yumakap rito hanggang tuluyang syang inihiga ni Angelo sa kama.

Nagising si judy ann na wala na sa tabi nya si Angelo. Nakaramdam sya ng hiya rito napakarupok nya ang bilis nyang napapayag nito pero anung magagawa nya mahal parin nya lalaki at hindi nagbago yon.

"Hi mom!" Napatigil sa paghakbang pababa si Juday sa boses na iyon ni Chloe.

"Hi anak, good morning si Aiken tulog paba?" tanong nya dito matapos halikan ito sa pisnge at alalayan pababa ng hagdan.

"opo ginigising ko na po eh kasi first day of school namin ngayon."

"Ay oo nga pala." Natatarantang wika nya pero kagabi pa naman nya inaayos ang mga sosoutin ng mga ito at gagamitin sa school. Pagkatapos kasi ng summer ay back to school na ang mga bata. Kailangan ihatid sundo nya ang mga ito sa pinapasukang school.

"kumain kana at ako na ang gigising kay aiken." Wika nya bago hinila ang upuan sa dining table para makaupo ang anak.

Matapos maihatid sa school ang mga anak nakatanggap sya ng message mula kay angelo. May pinapakuha ito sa silid nito na nakapatong daw sa kama.

Mabilis siyang umakyat sa silid nito ng buksan nya ay maraming petals ang nagkalat sa loob. Hindi nya makita ang pinapahanap nito ng ilibot nya ang paningin ay nakita ang isang malaki frame.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status