Share

THE WEDDING

TYRONIA:

Gaya nang sinabi ni Grey sa akin ay isang civil wedding lang ang ang naganap sa pag-iisang dibdib namin. Magkahawak kamay kami ni Grey habang nakaharap sa Judge na siyang magkakasal sa amin.

"Do you, Grey Del Rosario, take, Tyronia Gonzales, as your lawfully wedded wife?" tanong ng Judge habang nakaharap kay Grey.

"I do."

Sa akin naman sunod na humarap ang Judge. "Do you, Tyronia Gonzales, take, Grey Del Rosario, as your lawfully wedded husband?"

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Grey. Mukhang kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Mahina ko itong pinisil dahilan para mapatingin siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya para pawiin ang kaba niya. "I do, Judge. I do," sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Hindi ko man nakikita ang labi niya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya.

"And now, I pronounce you as husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs. Delo Rosario."

Nagpasalamat naman kami sa kanya at nakipagkamay. "Thank you, Judge."

Wala ng kiss the bride dahil hindi naman ako mahahalikan ni Grey dahil sa suot niyang maskara.

Tanging kami lang at ang pamilya lang ni Grey ang kasama sa naganap na kasal. Talagang hindi dumalo ang pamilya ko at alam ko naman kung bakit. Hindi naman ako anak ni Madam Charito para pumunta dito at wala na din naman akong aasahan sa ama ko dahil kahit kailan naman ay hindi niya ako tinuring na anak.

Isang simpleng paghahanda lang ang ginawa namin. Kumain lang kami sa mamahaling restaurant, sa isang private room. Kahit kami-kami lang ang nasa okasyon na ito ay naging masaya naman kami dahil habang kumakain kami ay nagkukwentohan naman kami.

Hindi ko pinakita sa kanila na malungkot ako hindi dahil sa ikinasal ako kay Grey kung hindi dahil wala man lang na dumalo sa side ko. Nalulungkot ako kasi hindi talaga pumunta ang pamilya ko sa araw ng kasal ko.

Alam kong hindi nila ako gusto pero sana naman nirespito na lang nila ang pamilya ni Grey. Kahit kasi hindi magsalita ang mga magulang ni Grey tungkol sa hindi nila pagdalo ay nahihiya ako sa kanila, lalo na sa iisipin nila sa akin.

Nang matapos na kami kumain sa restaurant ay umuwi na kami ni Grey sa bahay. Kinakabahan ako dahil ito ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Hindi pa ako handa pero wala akong magagawa lalo na't asawa na niya ako at pagmamay-ari na.

Nakatingin ako sa salamin. Kanina pa ako tapos maligo pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako lumalabas. Kinakabahan kasi talaga ako.

"Kaya mo 'yan, Tyronia. Asawa mo na si Grey kaya dapat mo ng ibigay ang sarili mo sa kanya," pagkausap ko sa aking sarili. "Mabait namang tao si Grey at 'yon ang mahalaga." Para na akong baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago tuluyang lumabas sa banyo. Mahigpit ang hawak ko sa robang suot ko. Nakita ko si Grey sa kama na nakaupo habang nakasandal sa head board. Nakasuot ito ng pantulog habang nagbabasa ng libro.

Napatingin siya sa akin nang mapansin niyang nakatayo lang ako. "What are you doing there, Wife?" nagtataka niyang tanong. Halos manginig ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba. "Come here." Tinapik nito ang kama sa tabi nito. "Wife?" tawag niya ulit sa akin ng hindi pa din ako sumagot sa kanya.

"K-Kinakabahan kasi ako, eh." Hindi ko maiwasan na mautal dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. "Hindi pa ako handa, Grey."

Maiintindihan ko kung magagalit siya sa akin dahil hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya. Malaki ba naman ang binayad niya para lang mabili ako tapos hindi ko naman pala kayang ibigay ang pangangailangan niya.

"Kinakabahan? Hindi pa handa?" nagtataka nitong tanong. "What are you talking about? What do you mean?"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon ay alam kong magkasalubong na ang mga kilay niya ngayon.

"Hindi ba mag-asawa na tayo?"

Tumango naman siya. "Yeah, we are already a married couple." Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. "Nakalimutan mo na ba na ikinasal tayo kanina?"

Umiling-iling ako. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa suot kong roba. "Total mag-asawa na tayo kaya may karapatan ka ng g-galawin ako." Napayuko ako.

"Is that what you mean?" Tumango ako bilang sagot habang hindi pa din nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang pag-alis ni Grey sa kama at ang yakap niya papunta sa akin. Hindi ako nakagalaw nang makita ko ang mga paa niya sa harapan ko. Hindi ko maiwasan na mapasinghap nang hawakan niya ang baba ko at iangat ito dahilan para magtagpo ang mga mata namin.

Hinaplos niya ang mukha ko. "Sorry kung hindi ko maibigay ang kailangan mo ngayon, Grey. Pero pangako kapag handa na ako ay ibibigay ko sa 'yo ang pangangailangan mo. Please, huwag kang magalit sa akin."

"Why should I be mad at you, Wife?" Umiling siya dahilan para magtaka ako. "You don't have to hurry yourself, Wife. Hindi kita pinakasalan dahil gusto kong maangkin ang katawan mo." Hinawakan niya ang mga kamay ko na medyo nanginginig pa sa kaba. Napalunok ako nang halikan niya ang kamay ko. "I can wait until you're ready, okay? There is no need to rush lalo na ngayon na mag-asawa na tayo. Take your time, Wife. At isa pa, mas gusto kong makuha ang puso mo kaysa ang katawan mo."

Napatitig ako sa mga mata niya. "Bakit ang bait mo sa akin, Grey?"

"Because you are my wife." Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "And I like you."

Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang yakapin siya ng mahigpit. Parang napupuno ng sobrang kasiyahan ang puso ko ngayon at dahil 'yon sa kanya.

"Gusto din kita, Grey. Sana huwag kang magbago kahit anong mangyari."

Sana magustuhan niya pa din ako kahit na malaman niyang anak lang ako sa labas. Sana hindi siya magalit kapag nalaman niyang niloko ko lang siya dahil itinago ko ang totoo kong pagkatao sa kanya. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko lang dahil magtataka si Grey kapag umiyak ako.

Hinaplos niya ang buhok ko. Pakiramdam ko ay ligtas at payapa ang loob ko sa tuwing kasama ko siya. Ngayon lang din kasi ako nakakakilala ng lalaki na kagaya niya. Hindi man siya kagwapohan pero mabait at may mabuting puso naman siya.

"Don't worry, Wife. I won't change no matter what happen." Sana nga hindi ka magbago.

Napagdesisyunan na namin mahiga sa kama. Nakayakap ako sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga. Hindi ko inaasahan na masarap pala sa pakiramdam na may kayakap ako sa pagtulog.

"Pasensya ka na, Grey, kung ni isa sa pamilya ko ay walang dumating sa kasal natin. Nakakahiya sa 'yo at sa pamilya mo."

Hinaplos niya ang buhok ko. "Wala 'yon. Wala naman sa akin kung dumating sila o hindi dahil ang mahalaga sa akin ay nandoon ka at masaya ako dahil hindi ka umatras sa kasal natin. Dapat nga ay magpasalamat ako sa 'yo dahil hindi nagbago ang isip mo at nagpakasal ka pa din sa akin."

"Hindi ko naman pwedeng gawin 'yon dahil binili mo na ako. Nakapagbayad ka na ng malaki para sa akin."

Hinawakan niya ang baba ko at pinatingin sa kanya. "Huwag mong isipin na binili kita, Tyronia. Oo, may katotohanan ang bagay na 'yon pero ayaw kong isipin mo habang buhay na kasal tayo na kaya lang tayo kinasal at nagsasama dahil binili kita. Gusto kong maging mabuting asawa sa 'yo at alam kong sobra na pero gusto kong mahalin mo din ako. Gusto kong mahalin natin ang isa't-isa at maging masaya. Gusto kong magkaroon tayo ng sarili nating pamilya. Pero kung palagi mong iisipin na binili lang kita ay sa tingin ko ay hindi tayo magiging masaya."

Napaiyak na lang ako. Ito na ba ng hinihiling kong lalaki na magmamahal sa akin? Pero mamahalin pa rin kaya niya ako kapag nalaman na niya ng totoo? Napailing na lang ako. Tama si Grey, hindi ako magiging masaya, hindi kami magiging masaya kung ang mga bagay na 'yon ang iisipin ko palagi.

Hinaplos ko ang mukha niya. "Simula ngayon ay hindi ko na iisipin 'yon. Magiging mabuting asawa ako sa 'yo at pagsisilbihan kita. Papasayahin at mamahalin." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. "Alam ko sa puso ko na hindi magtatagal ay mamahalin din kita, Grey, dahil mabait ka sa akin."

"Let's be happy together, Wife." Tumango ako sa kanya at niyakap siya.

Sa tingin ko ay ito na ang magiging simula ng panibago kong buhay kasama si Grey. Ipinapangako ko na magiging masaya ako kasama siya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana all mabait na husband
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
ayieeehhh ......
goodnovel comment avatar
Kathleen Rheyn Codillo
sana all .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status