Finally.After almost 2 weeks of staying in Pontevedra, bumalik kami sa Manila. Nauna na nga roon sina Gabriella at Cartier dahil sila raw muna ang mag-aasikaso sa kompanya habang inaayos namin ang kaso rito.Nasasaktan ako para kay Charlynn. I know that she loves him a lot and sending him to jail will hurt her even more. I don't want to sound selfish but I really think that he deserves it. Hindi ko alam kung paano ang relasyon nila pero alam kong grabe rin ang sugat na iniwan sa kaniya ni Louis.Tuloy-tuloy ang pag-iimprove ng mental health ko, salamat sa psychiatrist na tumulong sa akin doon. Carlo and Rouge were always outside whenever I'm in my therapy. They helped me a lot, too. But, I should thank myself more raw dahil tinulungan ko ang sarili ko para mapabilis ang pag-improve ng mental health ko."Where do you want to eat?" Tanong ni Carlo nang makalabas kami ng clinic.I rolled my eyes. "Nakakalimutan mo na ba?" Sagot ko."Hindi, Rei. Next week pa naman iyon. Let's eat for now
Trigger Warning: Mention of Rape, Self-harm, Suicide, and Trauma.Wakas."I said, he's not yours! I was raped."Para akong nabingi nang marinig iyon sa kaniya. Hindi maproseso ng utak ko, hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.Umiiyak siya habang nakatingin sa aking mga mata. Kilala ko siya, kabisado ko siya kaya kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at hirap na sabihin sa akin ang nangyari sa kaniya. Nanghihina ako. Putangina! Gusto kong isisi sa lahat ang nangyari sa kaniya. How could they do this to her?Kaya ba takot na takot siya noong hinawakan ko siya noon? Kaya ba tumitili at mabilis siyang magulat sa tuwing may lalapit sa kaniya? Kaya ba siya umalis? Kaya niya ba ako iniwan? Ano? Tangina! Ito ba ang sagot na hinihintay ko? Ang tagal kong gustong marinig sa kaniya ang paliwanag niya kung bakit takot na takot siya sa akin noon pero ang marinig ito sa kaniya... Hindi ko yata kaya. I witnessed her being brave, being strong. She'll do whatever she wan
Simula.I grew up having all the things that I wanted. I can get everything that I like. My parents were rich, and I am their Unica Hija—the bunso sa dalawa nilang anak.I never imagined that I will be what I am now. Ni hindi ko pinangarap na pumasok sa modelling, I just want my parents to be mad at me that's why I chose to do it."Hindi ka ba talagang pupuntang hospital, Ineng?" Tanong ng isang kilalang komadrona rito sa amin.Umiling ako. "M-May tiwala po ako sa inyo. Just please, take care of me and my baby," iyon ang sagot ko.Takot akong pumuntang hospital. I don't want anyone to know that I am pregnant. I'm sure some people will laugh at me, sasabihin nila na I deserve it dahil masama ang ugali ko—na lumaki ang ulo ko dahil mabilis akong nakaakyat sa tuktok.Ipinagawa sa akin ng komadrona ang mga dapat gawin. I let her get whatever she needed inside my house. I was groaning in pain while slowly pushing the baby. It hurts so much. Humawak na lang ako sa bakal sa gilid ng kama ko
Pontevedra.Nakita ko kung paano siyang nabigla sa sinabi ko. Unti-unting umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Sunod-sunod niyang iniling ang kaniyang ulo, hindi naniniwala—o hindi makapaniwala.I nodded. "Yes, Carlo. I was raped so please don't come near me again. Wala na tayong kahit anong ugnayan pa. Wala kang aasahan sa akin."Buong-buo ang boses ko habang sinasabi ko iyon pero unti-unti akong nadudurog habang sinasabi ito sa kaniya. Kung hindi lang sana ito nangyari sa akin, siguro masaya kami ngayon. Baka sakaling no'ng pagbalik niya galing ibang bansa, ako na mismo ang tumakbo palapit sa kaniya."N-No, Rei. Hindi totoo 'yan."Nagulat na lang ako nang hatakin niya ako palapit sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay.Napapikit ako hanggang sa tuloy-tuloy na ang bawat pagpatak ng luha ko. Malakas akong humagulgol nang mararamdaman ko ang pamilyar niyang haplos sa akin.Sobra-sobra ang pangungulila ko sa kaniya."Put
Iced Coffee.I celebrated the Christmas and New Year alone. Of course, nakaramdam ako ng lungkot dito pero I don't have any other choice. This is one of the consequences of my decision.I finished my junior high school year online, too. Mabuti na lang at pumayag ang dean namin na ipaonline ko na lang ang nalalabing buwan ko sa grade 10. Usap-usapan pa ako sa school dahil sa bigla kong pagkawala. At pati na rin ang announcement ni Daddy na ikinainit na naman ng ulo ko.I bet they're happy because of that. Alam ko namang ayaw na ayaw nila sa akin. Sadyang hindi lang makapagsalita dahil isa akong Moran.I thought Daddy or Mommy will look for me but I was wrong. Ni walang tawag or text! Ni hindi sila nag-aalala! "Payat ka talaga no'ng unang punta mo rito, Hija, pero mukhang mas nangayayat ka?" Tanong sa akin ni Aling Lisa nang makita akong lumabas ng bahay."I workout po," sagot ko.O baka dahil puro unhealthy foods ang kinakain ko. I don't know how to cook. Tamad pa akong mag-aral, but
Gabriella.Mabilis kong hinarang ang paa ko nang dumaan si Gabriella bitbit ang Carbonara at Buko Juice na binili. May ilang natawa sa ginawa ko pero mas lamang ang nairita. The heck I care?"Sino ba 'yan? Bagong salta lang pero nagkakalat agad.""Nako! Pasalamat siya wala si Charlynn. Kapag nakita siya no'n, lalayas talaga siya ng Pontevedra nang wala sa oras.""Baka inggit lang kay Gabriella kasi maganda.""Maganda rin naman siya pero ang pangit ng ugali."I rolled my eyes. Wala akong pakialam kung mabait at maganda si Gabriella habang ako ay maganda lang. I don't like her! I may be mababaw but one of my reason is also Carlo. Baka kapag nalaman nilang isip-bata at bully ako, tumigil na sila. Naalala ko na naman kung paanong nasira ang birthday ko because of him. I hate him!"Gabriella, ayos ka lang?" Dinig kong tanong ng isang lalaki sa kaniya, inalalayan pa siyang tumayo."Ayos lang naman ako, Josh."Pinanood ko siyang alisin ang pasta sa uniform niya. Marahan siyang tumayo habang
Friends.Kung nakamamatay lang ang tingin, sigurado akong pinaglalamayan na ang pangalawang anak ng mga De Dios ngayon. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga nang irapan ko siya nang pang-ilang beses."I am deeply sorry for what happened, Tita," sabi ni Carlo sa Mama ni Gabriella.Matapos naming umalis sa school, dito niya ako dineretso because Gabriella is here raw. Napairap ako. Why is he sorry anyway? Hindi ba talaga siya naniniwala na hindi ako ang may kasalanan no'n? It was Ellyse! Ang babaeng iyon! Matapos gumawa ng kagaguhan, hindi pumasok! Ang kapal-kapal ng mukha niya."Ayos lang, Carlo. Ang sabi sa akin ni Gabriella, hindi talaga siya ang may gawa no'n," sabi nito."See? I told you! Kahit naman masama ang ugali ko, hindi ko gagawin iyon kay Gabriella. Dahil kapag ako ang gumawa no'n, sigurado akong hindi niyo malalaman kasi lalayas ako agad dito," inis kong sabat.Matalim akong tiningnan ni Carlo dahil sa sinabi ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin bago irapan. Mal
Cards."Bakit ka nag-HUMMS?" Tanong ni Gabriella habang binabasa ang sinusulat kong essay.Napairap ako bago bumuntong-hininga. Inis kong itinapon sa lamesa ang G-tech ballpen ko saka humalukipkip."That's the only available strand when I enrolled. You know ba I hate essays! Mas okay na ako sa Math 'no," sabi ko."Nako! Rekla-reklamo pero nasa honor naman," singit ni Charlynn.Inirapan ko siya. Mula nang maging magkaibigan kami, hindi na kami naghihiwalay bukod na lang sa school dahil hindi kami magka-klase. Magkalapit lang naman ang classroom namin at minsan naghihintayan kami. The students nga were shocked when they saw us three together."Sumasakit ang ulo ko kapag naso-sobrahan sa aral. I need to shop things," sabi ko."O sige. Lumuwas ka ng Maynila para makapagmall ka," sabi ni Gabriella.Ang sabi nila eight hours ang byahe hanggang Manila. Ayos lang naman sana iyon para sa akin kaso wala akong sasakyan. I am still a minor. I may know how to drive but it's illegal."Magpatayo ka