Share

Chapter 4

The next day, nagtrabaho ulit ako ng maaga at bumalik ako sa pagiging server. Mabuti nalang at hindi ako masyadong inalila ng mga kapatid ko kaya hindi ako lutang o pagod.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng tumunog ang chime at may pumasok. I was about to greet them when I saw who they were. Sila yong mga nanambunot sakin noong nakaraang araw.

"Good morning! What's your order ma'am?" tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila ako mula ulo hanggang paa. Mukhang mapapasabak na naman ako nito.

"Chocolate drink sakin at isang strawberry shortcake," sagot ng isang alipores niya.

"Mine's just the frappe," tugon naman ng isa.

"Two egg sandwiches with cheese and 1 cappuccino," maarteng sagot ng reyna nila.

Inulit ko ang order nila at nagtanong kung may idadagdag pa ba. Hindi naman sila sumagot kaya dumiretso na ako sa kusina. Pinaluto ko kay Charryn ang mga pagkain nila at si kuya Ian naman ang bahala sa mga drinks nila.

Lumabas ako para punasan ng ibang mga mesa, kinuha ang mga pinggan at baso, at dinala ito sa kusina para mahugasan. Kapag kasi walang bagong dating sa labas, tumutulong ako dito sa kusina. 

"Kae!" tawag sa akin ni kuya Ian. lumabas naman ako at tinanong kung anong kailangan niya. Iyon pala ay dahil may kailangan ang mga babaeng kulang sa pansin. I went to them and asked what they want.

"Do you have service water?" tanong ng alipores na may maikling buhok. Sinabihan ko naman siya ng 'sandali' at kinuha yong pitsel na may tubig at tatlong baso. Ibinigay ko sa kanila ang mga iyon. "Thanks," dugtong niya.

Bumalik ako sa pagtatrabaho nang tinawag na naman nila ako. Lumapit naman ako sa kanila.

"Can we play some music while waiting?" tanong ng alipores na may mahabang buhok. Hindi ko naman kasi alam ang mga pangalan nila.

I opened the Bluetooth speaker para mai-connect niya ang cellphone niya. Nagpatugtog siya ng To The Bone ng Pamungkas. Maganda naman pala taste sa music ng isang 'to.

I got their food and served it to them. Humingi ang reyna ng mga kutsara kaya binigyan ko naman. Iyong isa naman ay pinapalitan sakin yong baso dahil amoy sabon daw. I sniffed it at wala namang amoy. Maarte talaga yon.

Sa buong shift ko, halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa mga pinag-uutos ng tatlong babae sakin. Ni hindi ko na maramdaman ang paa ko. So that was their way of bullying me for today, huh? Tss. Grabe sila, walang magawa sa buhay.

Umupo muna ako sa isang monoblock sa loob ng kusina at kumain ng order ko. Hindi pa kasi ako nag-breakfast. Bahala na ma-late, wala naman kaming quiz. 

Nang naging okay na ang mga paa at tuhod ko, pumasok na ako sa school. Kakadating lang din pala ng teacher namin kaya sakto lang ang dating ko. Nagsimula siyang mag discuss at nagte-take down notes naman ako.

Pagkatapos ng discussion ay nagpa-quiz siya. Mabuti nalang at nakinig ako nang mabuti kaya naka-perfect ako. Masaya si Aesther para sakin kahit may two mistakes siya.

At dahil ako 'yong may pinakamataas na score, ako ang lumigpit ng mga papel at dalhin ko raw sa teacher's office. Sinunod ko naman ang utos ni ma'am.

Habang nag ga-gather ng papel, ang daming nagpaparinig, na kesyo hindi ko daw deserve ang score, na nag cheat daw ako, na baka tsamba lang daw, at madami pang iba.

Meron ding mga babae na umiirap sakin dahil mas mataas ang score ko sa kanila. Hindi ko nalang sila pinansin. Ewan ko ba sa kanila, hindi ko naman kasalan na nakikinig ako ng mabuti kaya mataas score ko.

When I finished gathering the paper, umalis na ako ng room at pumunta sa teacher's office. Dalawang rooms lang naman ang pagitan mula sa room namin. Pagdating ko ay kumatok ako at pumasok.

Si ma'am lang pala mag-isa sa loob. Binigay ko sa kanya ang mga papel at akmang aalis na ng may iutos siya sakin.

"Sinong next teacher niyo?" tanong niya. 

"Si Sir Bocano po," sagot ko naman.

"Ah okay. Kilala ko naman iyon, i-eexcuse nalang kita sa kanya," tugon niya.

"Okay po," sagot ko at umalis. Pinapabili niya ako ng isang milktea at dalawang burger sa Morning Dew.

Sumasakit parin yong paa ko pero naglalakad na naman ako ulit. Hindi ko naman kayang humindi sa mga guro eh, kaya tiis nalang ako ngayon. 

Nang dumating ako sa shop, hapong-hapo ako. Binigay ko kay Charryn ang order at umupo muna. Sabi niya ay matatagalan dahil hindi pa dumadating yong delivery ng patty. 

Tinext ko si ma'am na matatagalan yong order niya at sagot naman niya ay okay lang daw. Kaya naman naghintay muna ako doon at umidlip. Sabi ko kay Charryn ay gisingin ako kapag tapos na.

Nakatulog ako ng ilang minuto bago ako ginising ni Charryn. Mainit-init pa yong order kaya umalis agad ako at bumalik kay ma'am. Pagdating ko doon ay binigay ko sa kanya ang pagkain niya. Binigyan niya naman ako ng suhol na 100 pesos.

"Nako, huwag na po ma'am. Ok lang naman po," sabi ko nang ibigay niya sakin yong pera.

"Sige na, tanggapin mo na to, naubos oras mo eh," sagot naman niya at pilit na inilagay ang pera sa kamay ko. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin iyon.

"Thank you po," sabi ko at tumango naman siya. Nagpaalam ako at umalis na. 

Bumalik ako sa classroom at may lalaking lumabas doon. Mukhang di ko naman siya kaklase pero parang pamilyar ang likod niya. Nakatalikod kasi siya akin habang naglalakad palayo. 

Napatigil ako sa paglalakad at napa-isip kung saan ko siya nakita. Bigla kong naalala ang lalaki sa bus stop. Siya nga yon. Wavy yong buhok, matangkad, at katamtaman ang katawan. Na sa akin ang panyo niya!

Hahabulin ko sana siya pero naka-alis na siya. Tatanungin ko nalang si Aesther kung sino yon since nagmula naman siya sa classroom. Pumasok na ako sa klase at nadatnan kong paalis na si Sir.

"Oh, Kaela, in-excuse ka ni Miss Sean, tapos na?" tanong ni Sir nang makasalubong ako sa pintuan.

"Tapos na po. Tapos na din po yong class niyo? Hindi pa naman po time eh," tanong ko pabalik.

"Nako, I have somewhere to go. Binilin ko na ang assignments niyo. Ask your classmates about it," sagot niya at umalis na.

Lumapit ako kay Aesther at tinanong siya about the assignment. Binigay naman niya sakin yong notebook niya. Mabuti nalang at nagte-take down notes din ang isang 'to. 

Habang nagsusulat, sinimulan ko nang itanong sa kanya ang tungkol sa lalaki kanina. Malakas ang kutob ko kasing siya 'yong lalaki sa bus stop. Dala ko na kasi ang panyo niya ngayon kaya kung malalaman ko kung sino siya, maibibigay ko sa kanya ito.

"Waaaaahhhh," tili ni Aesther. Nagulat ako sa kanya. Bakit bigla-biglang sumisigaw to?

"Anong nangyari sayo? Nagtanong lang eh," sabi ko sa kanya.

"Eh, kasi naman girl, si Sidhean Fernandez magiging kaklase na natin!" sagot naman niya na isinigaw at pinahaba ang 'natin'. Loko din minsan to eh.

"Oh, eh ano ngayon?" tanong ko.

"Well, kanina kasi, pinakilala siya ni Sir at sinabing dito na siya satin kasi masyado ng madami doon sa kabilang section, kaya 'yong nakita mong lalaki kanina, siya 'yon," mahabang litanya niya.

"Kung ganon, siya nga 'yong sa bus stop," tumatangong tugon ko.

"Bus stop?" tanong ni Aesther.

"Ah, nong isang araw kasi, pauwi ako noon, may nakatabi akong lalaki, hindi ko nakita yong mukha niya pero naiwan niya yong panyo niya sa upuan," sagot ko sa kanya. Tumango tango namn si Aesther.

"Eh, nasaan na yong panyo?" tanong niya.

"Ah, nasa bahay. Nakalimutan kong dalhin," sagot ko. Ang totoo niyan ay nasa bag ko lang ang panyo. Pero hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling. May sariling utak yata 'tong bibig ko.

"Dalhin mo bukas ah. Tapos ako nalang magbabalik, hehehe," sabi niya na parang kinikilig. Tumango nalang ako sa kanya.

Natapos ang klase namin na parang bothered ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Ewan ko ba parang gusto kong hanapin yung lalaki at ibigay sa kanya 'yong panyo. Parang ayokong ibigay kay Aesther o sa Lost and Found section. 

Tss. Napailing nalang ako sa mga pinag-iisip ko. Umuwi kami ni Aesther at ang tanging bukambibig niya ay si Sidhean. Nakikinig ako pero walang pumapasok sa utak ko. Nang maka-alis Si Aesther ay dali-dali akong naglakad papuntang bus stop. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi pero hindi ko alam kung bakit ang bilis ng lakad ko.

Nang makarating ako doon, umupo ako sa dating pwesto atsaka naghintay ng bus. Ilang minuto ang lumipas at may dumating na bus. Sumakay ako ng dismayado. 

I felt weird dahil, bakit naman ako madidismaya? Dahil ba hindi ko nakita 'yong lalaki? O baka dahil interesado si Aesther sa kanya?

"Tch, ano ba 'tong iniisip ko? Sobrang labo." Napailing ako sa naisip. "Hindi. Hindi naman siguro 'yon ang dahilan," sabi ko sa sarili. 

Masyadong magulo ang katawan ko ngayon, hindi umaayon sa iniisip ko. Napagod lang siguro ako buong araw kaya ganito. Itutulog ko nalang 'to mamaya, at baka mawala din naman bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status