Chapter 46//revised version»»Jaxon was shot on his left chest. We immediately rushed to the hospital after what happened. He became unconscious. Nakatulala lamang ako hanggang sa pagdating namin sa ospital. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Ang anak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising o si Jaxon na walang malay dulot ng tama ng bala sa dibdib. Oh God.. Napapapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Tila ngayon ko naramdaman ang panghihina pagkatapos ng mga nangyari. Si Hawk.. na hindi ko akalaing nagtatago sa pangalang Apollo. Wala akong ideya kung paano nagsimula ang pagiging obssessed niya sa akin. Maayos ko siyang nakasama sa loob ng ilang taon dahil sa pagiging magkapatid nila ni Arianne at wala akong nakitang kakaiba sa mga kilos at pananalita niya noon. I never imagined that he's behind all the threats I received from Apollo. "Lhaurize!" Patakbong lumapit sa akin si Arianne at lumuhod sa tabi ko. Kasama niya si Sebastian na karga si Margaux
Chapter 47//revised version»»"What are you thinking?"Nilingon ko si Jaxon nang makita itong gising na. Nakaangat ang hospital bed niya habang nakadapa si Malik sa dibdib niya habang natutulog ito. Nagising na rin ang anak namin at ipinagsalamat ko na kahit paano ay nakausap ko nang maayos ang anak ko. Hindi naging matagal dahil muling natulog si Malik. Wala naman daw problema ayon sa doktor. Ilang araw lang din at magiging maayos na rin siya at hindi na mapapadalas ang pagtulog dahil na epekto ng drugs na ipinaamoy sa kanya ni Hawk. Lumapit ako kay Jaxon at hinalikan ito sa labi. "How are you feeling?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon ng isa pang kamay niya. "I'm getting better. You already gave me my medicine." Natawa na lang ako sa gamot na tinutukoy niya. "Ikaw? Are you doing well, hon?" Ako? Ayos ba ako? "I am. Nandito ka na, eh." "I love you, Lhaurize." "I am in love you too, Jaxon Dela Vega." Nanatili kaming magk
Chapter 48//revised version»»"So.. what will happen now?" I sighed when Sebastian asked me that question. Two days had passed since we spoke with Rusty. Tuwing gabi siya dumadalaw kay Jaxon para magbigay ng balita tungkol sa paghahanap kay Margareth. Ang kapatid nitong si Hawk ay dinala na sa presinto at naipasa na sa korte ang kaso nito. Mamayang ala una ng hapon na rin ang labas ni Jaxon at Malik sa hospital. Mabilis ang naging paggaling ng mag-ama ko kaya pwede na silang madischarge. Ayoko pa sanang ilabas sila pero mapilit si Jaxon. Ang rason niya ay mas mapapabilis ang paggaling ni Malik kung nasaan ito. "Magkakaroon ng paglilitis sa kaso ni Hawk. Mas mabuti na rin iyon para maging maayos na ang lahat. Si Margareth na lang talaga ang problema ngayon." "Hindi pa rin ba siya nahahanap?" "Hindi pa. Pero sana ay mahanap na siya." "I hope so." Pareho kaming natahimik ni Sebastian at pinagmasdan ang natutulog kong anak katabi ni Jaxon. Hinihiling ko na sana, matapos na ang probl
//revised version--Flashback(one month after the secret wedding)"Oh my g! Jaxon Dela Vega is here!" Agad kong tinigil ang ginagawa ko nang marinig ang malakas na boses ni Arianne mula sa labas ng classroom. Sinara ko ang librong binabasa saka tumayo at lumabas para lapitan ang kaibigan ko. Nakita kong nagkumpulan na rin ang ilang estudyante sa tabi niya at nasa iisang direksiyon ang atensiyon nila. Nang sundan ko iyon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatayo ito sa tapat ng isang estudyanteng lalaki habang hawak ng isang kamay ang kwelyo ng una. Mukhang may alitan sila dahil hindi maipinta ang mukha ng matangkad na lalaki. Kahit nakatagilid ang pwesto nito mula sa amin ay kapansin-pansin ang makapal na kilay nito at ang tila perpekto ang pagkakaukit sa pangahan ng lalaki. Maputi at tila aakalain mo na nakalipstick ang mapulang labi nito. Almost perfect na sana kung hindi ko lang kilala kung sino ang lalaking iyon. "Grabe! Ano kayang kasalanan ng lalaking 'yon kay Jax
//revised version»»Flashback (two months after the secret wedding)"Nakikita mo ba kung anong nakikita ko?" I frowned because of Arianne's question. Tahimik akong kumakain ng lunch nang umupo siya sa katapat kong upuan. "Anong nakikita mo?" tanong ko pa. May kung anong nginuso siya kaya lumingon ako at sinundan iyon ng tingin. Sa pangatlong table mula sa akin ay nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Jaxon Dela Vega is sitting on the third table. Wala itong kasama at tahimik lamang na kumakain. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang kumain sa cafeteria dahil madalas na usapan na sa mga restaurant ito kumakain tuwing lunchtime. Hindi ko alam pero baka nagbago dahil sa naging issue tungkol sa kumpanya nila. "Kung ganyang araw-araw ko makikita si Jaxon na dito kumakain baka bilhin ko na ang buong cafeteria," rinig kong saad ng isang estudyante malapit sa amin. Nang tingnan ko si Arianne ay tila kinikilig pa ito. "Ngayon ka lang nakakakita ng lalaki, Arianne?" pang-asar ko saka mu
Chapter 1"Jaxon, are you sure it's okay with your wife?"Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ko ang boses na iyon. Babae."Kahit hindi ayos sa kanya ay isasama pa rin naman kita dito."Jaxon.Marahan akong bumaba ng hagdan at sinalubong silang dalawa. Ang asawa ko at isang hindi pamilyar na babae."Nandito ka na pala," sambit ko. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay nilagpasan nila akong dalawa ng babaeng kasama niya."Oh, so you're the wife? " Maarteng tanong ng babae at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagkakasuri ng babae sa akin."I-I'm Lhaurizeth. Jaxon's-" Hindi ko pa man natatapos ang ginawa kong pagpapakilala ng hilahin ni Jaxon ang babae."Let's go Bettina." Malamig na wika ni Jaxon at hawak ang kamay na isinama niya sa ikalawang palapag ng bahay namin ang babae niya. Sinundan ko na lamang sila ng tingin
Chapter 2Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.Agad naman akong napabalikwas nang bangon ng makitang nasa tabi ko pa si Jaxon at tulog na tulog pa. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bed side table at nakitang alas-otso pasado na ng umaga."Jaxon." Mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Kumilos siya saglit at nagulat ako ng hawakan niya ako sa may pulsuhan ko at hilahin ako palapit sa kanya."Lhaurize.." Pikit-matang bigkas niya sa pangalan ko. Saglit ko siyang pinagmasdan at akmang hahawakan ang mukha niya ngunit hindi ko na lamang itinuloy."Jaxon, malalate ka na sa trabaho mo," saad ko at idinilat naman niya ang mga mata. Saglit siyang tumingin sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan muli ang asawa ko."Ah, oo nga pala may trabaho pa ako."Walang pasabi siyang bumangon at lumabas ng kwarto.Napabuntong hininga naman ako at muling humiga.
Chapter 3Kinabukasan ay nagising akong wala sa tabi ko si Jaxon. Bumangon ako at bumaba na. Wala na rin ang sasakyan niya sa garahe.'Hays'Pagkatapos nang nangyari sa amin ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya o kung paano ko siya pakikiharapan.Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ang tunog ng doorbell. May bisita ng ganito kaaga?Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang bisita. Ngunit hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa labas ng bahay namin."Rusty?" bungad na tanong ko ng makita ko siya."Good morning.""Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa. Sa halip na sumagot ay may itinaas siyang paper bag sa harap ko. Galing sa isang kilalang restaurant ang dala niyang paper bag."May dinaanan kasi akong kakilala malapit dito kaya naisipan kong dumaan sa inyo.""Gano'n ba.""Ang tahimik yata ng bahay niyo?"Lumin