Share

Chapter 4

Chapter 4

"Kahit nasa 21st century na tayo, uso pa rin pala ang arranged marriage. Does that mean you don't love each other and were forced to marry by both of your mothers?"

Hindi ko napigilang itanong noong itinutupi ko na ang mga towel na ginamit ko sa pagma-massage. Curious kasi ako.

Kasasabi lang kasi niya kanina na magpapakasal pa rin sila dahil utos ng mga mommy nila. Kawawa naman silang dalawa kung mapipilitan silang magsama dahil lang sa family tradition. And they both have two months to enjoy the freedom of being single, though they both agreed to keep their freedom even if they are married. Sa papel lang daw sila kasal.

Medyo TMI, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina disappointed ako, ngayon medyo magaan na ang pakiramdam ko.

Natigilan sa pagtatali ng roba si Miss Faith at sinulyapan ako. Ngumiti siya ng mapait at wala siyang imik na lumabas ng kuwarto. Mas lalo tuloy akong naging curious.

Ibinalik ko ang lahat ng massage oils and creams sa backpack ko, at inilagay ko naman sa laundry bag ang ginamit kong mga tuwalya. After washing my hands in the bathroom, I said, Bumaba na ako.

But when I saw who had arrived, my feet stiffened. The drop-dead gorgeous guy was downstairs, talking to his sister, Miss Cressida.

"I just had a meeting with investors. Is she still here?" He was loosening his tie while staring at his sister.

"Yes, she's upstairs," said Miss Cressida. Sa pag-angat ng tingin niya dito sa itaas ay sumunod din ang tingin ni Jacques kaya parang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko.

Kalma, self. Bulong ko sa sarili ko.

Kahit nagrarambulan ang mga daga sa puso ko, nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa ko. Iyon nga lang, nakahawak ako sa barandilya ng hagdanang marmol dahil hindi ko kinakaya ang intensidad ng titig ni Jacques. Parang kakapusin ako ng hininga.

"What is she doing here?

Hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

"Oh, she gave us a massage. Inirekomenda ni Kuya Levitt."

Nang sinubukan kong salubungin ang tingin niya ay nagsisi ako. His gaze is piercing through me. Kaagad akong nagyuko ng tingin at kunwaring tinitingnan ko ang baitang ng hagdanang binabagtas ko.

Ngumiti ako nang makababa ako. "Good evening, Sir." Bati ko sa kanya. Tumingin ako kay Miss Cressida. Mabuti na lang at naiabot na niya kanina ang tip sa akin. "Aalis na po ako, Miss Cressida—"

"Ano ka ba? Cress na lang. Please take out the Miss, nakakatanda." Tumawa siya, sabay hampas ng marahan sa braso ko.

"O, sige, Cress. Mauuna na ako. Salamat nga pala, ha?" Ayaw ko mang umalis kaagad ngunit dahil sa malakas na presensiya ng lalaking nagmamasid sa amin ay napilitan na akong naglakad palabas.

"Wait! Bibigyan ka pa yata ng tip ni Faith, e!" Sigaw ni Miss Cressida—este Cress pala. Umalingawngaw pa sa buong kabahayan ang boses niya.

Lumingon ako at ngumiti. "Pakisabi, salamat na lang. Sobra-sobra na iyong ibinigay mo." Kumaway ako sa kanya at iniyuko ko ang ulo ko kay Jacques. Seryoso pa rin ang titig niya sa akin. "Pasensiya na pero may hahabulin pa akong isang kliyente. Pera rin 'yon." Yumuko akong muli sa kanilang magkapatid. Agad akong naglakad ng mabilis palabas ng malaki nilang pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na ako sa company car. Pupungas-pungas pa si Mang Inasal habang isinusukbit niya ang seatbelt niya.

"Tara na, Kuya!" pangungulit ko sa kanya. Naghihikab pa kasi. Tinitigan niya ng matagal ang manibela. Nananaginip pa yata. "Bumaba ka na nga kuya!" Inis kong sabi.

"Ha?" Gulat siyang napatingin sa akin. Dumiretso siya ng upo at sinimulang i-start ang sasakyan.

"Bumaba ka na. Halatang inaantok ka pa, e. Palit po tayo. Ako ang magda-drive."

Lumaki ang mga mata niyang napatingin sa akin. "Marunong kang mag-drive?" Gulat niyang tanong

"May driver's license po ako, wala lang akong kotse. Bilis na, kuya. Baba na!" Binuksan ko ang pinto at bumaba ako. Mabilisan ang paghakbang ko paibis sa kabila. Ganoon din ang ginawa ni Mang Inasal. Pagkakabit niya ng seatbelt, agad kong pinaandar ang sasakyan.

Natulog ulit siya sa biyahe, kaya panis ang laway ko hanggang sa bahay ng Tita ko. Gusto ko pa sana siyang ihatid hanggang sa The Sweet Desire, pero nagbago na ang isip ko. Sinusuwerte na siya. Binahagian ko na lang siya ng tip na natanggap ko. Nagpasalamat siya bago humarurot pabalik sa TSD.

Nakahinga ako ng maluwag dahil may ipadadala na ako sa bunso kong kapatid bukas. Dadaan na lang ako sa Cebuana Lhuillier bago ako mag-clock-in sa S & L.

Nagpahinga pa ako ng thirty minutes sa kuwarto ko bago ako naligo. Nag-i-skincare na ako nang maalala ko ang kapatid ko. Ngunit laking-gulat ko nang makita kong wala siya sa kanyang kuwarto! Maging sa bathroom. Wala rin sa kusina!

Agad akong kumatok sa kuwarto ni Tita kahit dis-oras na ng hatinggabi. Dinadaluhong ng kakaibang kaba ang dibdib ko. "Tita! Tita!" sigaw ko habang kumakatok ng malakas.

Pupungas-pungas si Tita, pagbukas niya ng pinto. Halatang galing siya sa mahimbing na pagtulog. "Bakit?" Humikab siya, bahagyang nakapikit ang isa niyang mata.

"Si Josue po?! Nawawala!" Kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

Huminga ng malalim si Tita. "Makikitulog na iyon kay Mac. Ayaw mahiwalay doon sa aso. Umiiyak kaya isinama na ni Mac pauwi. Safe naman siya roon. Matulog ka na." Humikab ulit siya at hinayaang bukas ang pinto. Nagkamot pa siya ng siko bago bumalik sa higaan niya. Rinig ko agad ang hilik niya.

Imbes na matulog ay binaybay ko ang dalampasigan. Kipkip ko ang sarili ko dahil kay lamig ng hangin na dala ng tabing-dagat. Mabuti na lang at pinatungan ko ng sweater ang suot kong pajamas.

Nang makarating ako sa likod ng mansion ay binagtas ko ang bakod doon. Hindi naman kataasan kaya naakyat ko. Gawain ko na 'to noong kami pa ni Maximus. Lagi ko siyang sinusorpresa noon after my work.

Nasa hardin pa lang ako ay dinig ko na ang malakas na tawa ng kapatid ko. Binilisan ko ang lakad ko. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses na naririnig ko. Then I noticed them sitting on the veranda. Nagkalat ang basyo ng bote ng alak sa mesang nasa harap nila.

"Ayos din pala 'tong si Josue. He is fluent in English, Cebuano, and Ilocano," said Miles. Ipinatong niya ang kamay niya sa katabi niyang lalaki na nakayukyok ang ulo sa mesa.

"Mind you. Magaling din siyang mag-gitara at magbuo ng Lego blocks," Mac said. Bakas na sa mga mukha nila ang kalasingan. Leon has already passed out and is slumped in his chair. Morris has already fallen asleep on the terrazzo floor, clutching a bottle of Hennesey XO.

Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid para hanapin ang kapatid ko ngunit wala siya roon. I began walking inside when I heard my brother laughing. Napalingon ako sa puwesto ng mga nag-iinuman. Pinaliit ko ang mata ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking katabi ni Miles.

Josue raised his head. When I noticed a pale Pilsen beer in his hand, my eyes widened even more. I dashed towards him while he was putting the beer bottle in his mouth. Agad ko iyong inagaw sa kanya at paasik na sumigaw sa mga kasama niya.

"Anong ginagawa niyo sa kapatid ko!" galit kong sigaw sa mga kasama niya. Halos mag-igting ang panga ko sa galit, habang umiinit ang ulo ko.

Gulat na gulat silang napatingin sa akin. Morris stood up straight and accidentally dropped the bottle on the floor. Nabasag iyon. Leon even jumped out of his chair and stumbled onto the floor. Miles stood up as well. "Hindi alam ang gagawin.

"Matino pa ba kayong tao?" Halos maglabasan ang litid sa mukha ko sa sobrang gigil ko sa kanila. I helped my brother stand from his seat, but I couldn't because his build is larger than mine.

Maximus walked towards me, but he knocked over the corner of the chair. Tumayo siyang muli at lumapit sa akin. "Pinatikim lang namin. Relax lang, Jen...." Sinubukan niyang hawakan ang braso ko ngunit itinulak ko siya. Hindi siya natinag.

"Relax lang?! Nilasing ninyo ang kapatid ko, tapos relax lang?!" Sa inis ko ay isinaboy ko kay Maximus ang hawak kong bote ng beer. Napangiwi siya dahil sapol siya sa mukha. He wipes his irritated face in an instant.

Miles also tried to calm me down, but I casually splashed the beer on his face.

Leon tried to approach me as well, but I spilled the last of the beer on his face. Hindi siya makapaniwala sa naging aksyon ko. "You bitch!" Akma sana niya akong sasampalin ngunit nabitin iyon dahil may boses na nanggaling sa likuran namin.

"What's going on here?" They all freeze as his ferocious voice screams at them.

Hindi na ako lumingon dahil kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari niyon. Lumamig ang sikmura ko. I attempted to assist my brother in rising to his feet, but he can't stand!

"Tumakder ka..." Gigil kong utos sa kapatid ko. His body straightened up in an instant and he attempted to obey my command, but he sat down again. Ilan, ang nainom nito! Galit kong sinamaan ng tingin si Maximus. Nag-iwas siya ng tingin. They were all standing nervously while the new visitor walked towards us.

"Dude, we were just having a good time when this bitch appeared out of nowhere and spilled a beer on our faces." Sumbong ni Leon

"Ukininam. Ulbod. Bulong ko sa sarili ko. Sa galit ko ay muntikan ko nang ibato sa mukha niya ang boteng hawak ko pa rin hanggang ngayon.

Inagaw ni Jacques ang bote mula sa akin. I didn't dare look at him.

Gusto kong ilayo ang kapatid ko rito. Ayaw kong may isa na namang taong mandidiri sa kapatid ko. Ayaw kong makita sa mukha niya ang pangungutya. Tama na iyong nakita kong disappointment sa mukha ni Miles noong nalaman niyang intellectually disabled ang kapatid ko.

Pinilit kong itayo si Josue, at nakisama naman siya. "Tara na, ading. Uwi na tayo," bulong ko. Ipinunas ko ang laylayan ng suot kong sweater sa noo niya dahil puno na iyon ng pawis.

"Mmm. Ag-agawid t-an, ma-nang." Humalakhak siya, halatang lasing na talaga dahil namumula na ang mga mata niya, pati na ang pisngi niya. I mustered all of my strength to place his left arm on my shoulder. Nakisama naman siya. Kahit hirap na hirap ako sa bigat niya ay nagawa kong lumayo sa kanila.

Dumaan kami sa likod at bumalik sa pinanggalingan ko kanina. I tried to open the back door gate's lock, but someone's hand opened it for me. Hindi ko na kinailangan lingunin kung sino iyon dahil naamoy ko agad ang mamahalin niyang pabango.

"Salamat," ani ko. Hindi ko siya matitigan. Ayaw ko.

Nagpatuloy ako sa pag-akay sa kapatid ko kahit bigat na bigat ako sa kanya. Ngunit gumaan siya at naramdaman ko na lang na dalawa na kaming umaakay sa kanya.

Natatanglawan ng liwanag ng buwan ang pag-igting ng panga ng guwapong binatang tumutulong sa akin. "Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko. Hindi na iyon mauulit. Pinagsabihan ko na sila," sabi niya sa mapagkumbabang tinig.

Hindi ako sumagot dahil nagririgodon na naman ang puso ko.

Nagawa namin siyang ipasok sa kuwarto niya nang makarating na kami sa bahay. I rush to get a basin and a towel. Nag-init pa ako ng tubig. Pagbalik ko sa kuwarto ay naroon pa rin si Jacques. Nakaupo siya sa tabi ng kapatid kong nakahiga na sa kama.

Wala kaming imikan habang kumukuha ako ng t-shirt, brief at short ng kapatid ko sa aparador na nasa tabi lang ng kama niya.

Lumabas ako nang marinig ko ang pagsipol ng takure, senyales na kumukulo na ang tubig. Tinimplahan ko ng mainit na tubig ang tubig na nasa basin nang makabalik akong muli sa kuwarto. Pinagmasdan lang ako ni Jacques, kaya naiilang ako habang pinupunasan ko ng mamasa-masang tuwalya ang mukha ng kapatid ko.

"I'm curious how it feels to have you as a sister. You appear to be a gentle and caring person."

Napapikit ako sa sensuwalidad ng tono ng boses niya. "Wala ng vacancy for application for being my brother. Asawa, puwede," biro ko na ikinatawa niya. He bites his lower lip sexily, avoiding my gaze. "Just kidding. I'm not gentle. Kita mong basang-basa ng beer ang mga kaibigan mo." Isinunod kong pinunasan ang dalawang braso ni Josue, pati na rin sa bandang hita niya, at pababa sa paa niya.

"It serves them right. They weren't in their right mind. I apologize once more for their actions," he stated. When he noticed me removing my brother's t-shirt, he stood up abruptly. "What are you doing?" Madiin ngunit mahina niyang tanong. Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa pagtaas ng damit ng kapatid ko.

"Papalitan ko ng damit."

He furrowed his brow.

Doon ko na-realize kung ano ang tumatakbo sa niya. Napangisi ako. "Look. Walang malisya ang pagpapalit ko ng damit ng kapatid ko. He is my younger brother, and we grew up together. I've been doing this since time immemorial. Parang nanay na nga ang turing niya sa akin."

However, his gaze was locked on me. He wouldn't let me change my brother's clothes based on how he looked at me. At tama nga ang iniisip ko dahil hinawakan niya ang magkabilang-braso ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakaimik. Inikot niya ako at iginiya palabas ng pinto.

"Ako ang magbibihis sa kapatid mo..." Strikto niyang sabi. Hindi ko naitago ang ngiti ko. Isinarado niya ang pinto. Bumalik naman ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw kasi ako sa pagod.

Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na siya. I offered him water, but he insisted on a cup of coffee.

Coffee lover din siya, e. Bakit hindi na lang ako ang mahalin niya?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para supilin ang sumusungaw na ngiti roon. I make his coffee without sugar or milk. Just pure black. Alam ko ang coffee preference niya dahil doon siya nag-aagahan sa S & L noon.

"Hindi ka na makatutulog mamaya." Iniwasan ko ang titig niya nang iabot ko sa kanya ang kape. Sa pagdantay ng daliri niya sa kamay ko ay libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

Shocks! Buti na lang, hindi ko nabitawan ang kape. Anong nangyayari sa akin?

I noticed him smirking as he shook his head while sipping his coffee. He cleared his throat. "By the way, Mac says, your brother loves my dog so much that he was crying while Mac was taking Milo away from him."

"Ganoon nga ang sabi ng Tita ko sa akin kanina. Pasensiya ka na. Sa 'yo pala iyon," ani ko. I take a seat in front of him and watch him as he sips his coffee. Naiinggit ako ngunit ayaw kong magkape. Baka hindi na ako makatulog. Maaga pa naman ang pasok ko bukas.

"Yeah. Nasabi rin ba niyang ako ang nakabili ng mansyon ni Mac?"

I was taken aback! Ayaw kong mag-assume. Baka for investment iyon. I know that in addition to being the President of Almerino TV Network, he is also the Chairman of Almerino Lands and Lifescapes and Golden Almerino Holdings, Inc., making him one of the Philippines' youngest billionaires.

"Hindi. Ngayon ko lang nalaman," said Sagot Ko.

Hindi na siya muling nagsalita ngunit bakas sa mukha niya ang misteryosong ngiti. Oh, maybe he'll spend his two months of freedom there. Iyon ang naisip ko.

He offered to watch over my brother, but I politely refused. Sobra-sobra na ang naitulong niya sa akin ngayong gabi, and besides, Miss Faith mentioned that even when he's on a two-month vacation, he still meets with investors.

I was about to close the door when he stopped it with his hands.

"Alyn, can I get your phone number just in case your brother came to my house so you wouldn't be worried?" He took his phone from his pocket.

Alyn? Shocks! Parang kiniliti ang kaloob-looban ko sa nickname na ibinigay niya sa akin. No one had ever addressed me by that name, which is quite unique. Jen is what my family and friends call me.

I was stunned, and my heart pounded in my chest. "S-sure, sure. Give me a missed call." I stammered. Para akong bumalik sa pagiging teenager, my gosh! Gusto kong magtititili sa kilig.

I entered my phone number into his phone and noticed his black dog was displayed on his lockscreen. He raised his brow at me as he pressed the call button.

"Nasa loob ang phone ko," sabi ko.

Jacques' lips curved into a smile, and it had such an impact on me that my pants dropped. This was the first time Jacques ever smiled at me, and I couldn't believe it.

"I should get going because I have an urgent meeting in the morning. It was a pleasure to speak with you. And, by the way, I like your brother. He's interesting and fun to be around. He had lunch at our house earlier."

As he walked away, I couldn't help but smile. It was a far cry from the cold and ruthless Jacques Almerino that I had imagined him to be.

I used to have a crush on him, but after that encounter, I started liking him even more. The intensity of my feelings for him was undeniable.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status