Share

Chapter 26

Chapter

♣♣♣

Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang bigla kaming nakarinig ng marahas na katok mula sa pintuan. Natigil ang chief sa pagkukwento at saka tumayo para tingnan kung anong nasa labas.

Hinayaan namin siyang asikasuhin kung anong mang nandoon at nanatili lang na nakaupo sa aming pwesto. Napatingin ako kay Sphere na nasa tapat ko ngayon. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin ng mariin sa kaniyang putol na binti. Kahit pa man wala na itong dugo, hindi parin ito kaaya-aya tingnan sapagkat may nakausling buto sa dulo. Nakakakilabot.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kakayahan palang ganoon ang mga tulad namin. Nakanganga ako habang kinikwento ng chief iyon kanina, nakakamangha pero nakakatakot. Nung una ayoko pang paniwaan iyon dahil napakaimposible, pero anong magagawa ko kung si Sphere ay ang mismong ebidensya na ngay

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status