Pagpasok namin sa likuran ng mansion ay nabigla ako sa pagiging busy ng lahat ng tao, pati si Madam Isa ay hindi na magkamayaw sa pag sesermon sa iba.
Kaya lumapit na ako agad sa kanya, si Lukas naman ay dumeritso na sa hawla ng mga kabayo para pakainin ito.
"Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" Natatarantang tanong ni Madam Isa, napansin naman ng kaharap niyang si Aleng Mila ang paglapit ko kaya parang nabunutan siya ng tinik at humarap agad kay Madam.
"Meron na, ito oh si Laura!" Sabay turo niya sa akin. Tinignan naman ako ni Madam at basi sa mukha niya parang guminhawa ang pakiramdam niya na makitang nandito na ako.
"Salamat naman, malapit ko ng makalimutan Mila na may isa pa pala akong alaga, oh sya! sumunod ka sa akin hija at ipapaliwanag ko sayo ang gagawin mo mamaya"
Aniya habang nagpa-paypay sa kanyang sarili.
Ipinasuot na ni Madam sa akin ang isang puting uniporme na may black below the knee skirt, tapos binigyan niya rin ako ng isang may magandang disensyo na silver tray tsaka siya nagpaliwanag sa aking dapat na gagawin mamaya sa event.
Sampu kaming lahat na serbidora ngayon sa kusina ang iba dito ay ngayon ko palang nakilala, hinanap ko rin si Lea sa loob nagbabakasakali na makita ko rin siya dito, pero wala ni kahit anino niya ang nakita ko.
Tumayo si Madam malapit sa pintuan ng kusina at pumalapak ito ng dalawang beses para kunin ang atensyon naming lahat pati na rin ng mga chef sa aming likuran.
"Ang iba sa inyo siguro'y alam na kung anong mangyayari sa gabing ito hindi ba?... Kung hindi pa ay gusto kong malaman niyo na welcome party ito dahil nakauwi na ang mga Del Fuego... Kaya sa mga bago dito pagbutihan niyo ang gagawin niyo, ayoko ng palpak na trabahon dapat alam niyo na yan..." Ma-autoridad na sambit niya sa aming lahat.
Nagsimula ng dumami ang mga tao sa loob ng sobrang malawak na living room ng mansion, meron ring sa gilid ng pool nagkukumpulan at nagkakatuwaan at lahat sila ay nakasuot ng mamahaling at nag gagandahang makukulay na gown at suits, halos lahat yata ng nandito ay puro mayaman except lang sa aming mga kasambahay dito.
The mansion is inspired by the style of European countries base on the details of its wood itself, and despite its age, it retains its grandeur and beauty, particularly the large chandelier in the center, which screams the luxurious life of the Del Fuegos.
Mukhang ilang beses na rin itong na renovate para lang mapangalagaan ang ganda at grande nito. Medyo creepy nga lang tignan ang mga malalaking statue ng gargoyle at anghel sa labas ng portico pero kahit ganon sobrang detalye naman ang pagkakabuo ng buong mansion.
Napatigil ang pagmamasid ko sa party ng biglang may kumalabit sa balikat ko, paglingon ko ay napatulala ako sa ganda ni Lea at sa suot niyang isang black and gold ruffle long dress. Umikot pa siya sa harap ko at ngumiti.
"What do you think about my outfit?" Masayang tanong niya.
"Pretty as always..." Deritsong sabi ko.
Nagbuntong-hininga naman siya at agad yumakap sa akin.
"Hindi na sana ako a-attend dito eh, worker rin naman ako... but my mom insist me to be here and dress like this, hindi niya ako pinayagan na tumulong dito." She said while pouting.
Napatawa naman ako. It's normal, anak mayaman siya and this event is for them. Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin ni Lea dahil tinawag na ako ng isa pang serbidora para kumuha pa ng mga drinks.
Naglalakad na ako sa gitna ng maraming tao habang dala-dala ang tray na may tatlong wine at dalawang champagne, may kumaway naman sa akin na isang matandang lalaki para kumuha ng inomin kaya lumapit ako sa kanya, kumuha siya ng dalawang baso ng champagne at binigay niya ang isa sa kanyang babaeng kausap, bigla namang may lumapit sa kanila na isang lalaking may mataas na balbas kaya napa-atras ako kaso hindi ko namalayan na may tao pala sa likuran ko kaya hindi ko nasadyang ma-out of balance at matapon sa kanya ang mga baso na may lamang wine.
"F-fuck!..."
Isang malutong na mura ang narinig ko sa kanya habang ako ay nakahiga sa malaking dibdib niya. Napatingin siya sa akin at mukha siyang nagulat.
Nakakahiya...
Nagmadali akong tumayo at isa isang pinulot ang mga baso ng wine at mabilis na yumuko at humingi ng tawad sa taong natapunan ko.
"I-im sorry po..."
Hindi ko matignan ang lalaki sa harapan ko at halos lahat ng mga tao ay nakatingin na rin sa akin o sa amin dahil sa nangyari.
Pinikit ko na lang ang mata ko habang naghihintay sa masasakit na salita na maaring marinig ko sa lalaking nasa harapan. I ruined his suit or even his night at alam kong kasalanan ko talaga iyon.
Pero ilang segundo na ang lumipas, hindi pa rin siya nagsasalita kaya unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya.
"Are you okay?"
Malumanay at walang bahid ng iritasyon ang tanong niya sa akin. Natigilan ako dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
I didn't expect him to say that...
Hindi ko alam kung imagination ko lang ito pero kita ko sa mukha niya ang pagkamangha ng makita ako.
And I can't help to be fascinated by him cause this Man infront of me is like a Demi-God straight from Mt. Olympus, his damp jet black hair, set of dark eyes and thick eyebrow and lashes screams perfection, and his aristocratic nose is really attractive, lalo na ang kanyang manipis at mapula-pulang labi, May pagka-moreno rin siya at may matipunong katawan.
This guy infront of me is truly the definition of tall, dark, and godly handsome.
"Hey?? Are you alright?"
Ulit na tanong niya na nagpabalik sa aking ulirat.
"Ah... Eh, sorry po talaga..." Natatarantang sabi ko.
His gray suit is now tainted with red color because of the wine, pero mukhang wala lang ito sa kanya. May agad na lumapit sa kanya na maid para bigyan siya ng pangpunas pero hindi niya ito kinuha instead binigay niya iyon sa akin.
Nakakahiya man pero kukunin ko sana kaso biglang may ibang humablot nito, at galit niyang pinukol ang tingin sa akin bago siya bumaling sa lalaking nasa harapan ko.
She's wearing a bold high cut slit red dress at halos magmukha siyang dyosa dahil sa ganda niya. her curly blonde hair is so shiny and bouncy, para siyang sikat na supermodel sa magazine.
"My goodness! your suit is now ruined... Are you okay Arch?"
Nag aalalang sabi niya sabay punas sa mga bakas ng wine sa tuxedo ng lalaki pero pinigilan siya nito, kaya bumaling ulit sa akin ang babae dahil sa inis.
"What are you still doing here!? Get out!" Galit niyang sigaw sa akin. Tumango naman ako at lumakad na pabalik sa kusina kong saan naghihintay sa akin si Madam Isa na dismayadong nakatingin sa akin at sa nangyari.
"Magpahinga ka na lang muna sa labas Laura..." Sabi niya at pinasa sa ibang serbidora ang tray ko pati na rin ang mga wine glass sa kamay ko, buti na lang hindi yon nabasag kanina.
Pumasok muna ako sa comfort room at saka naghilamos ng mukha, may mantsa na rin ang uniporme na bigay ni Madam dahil sa natapon na wine kanina.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka inayos ang mukha ko sa harapan ng salamin pagkatapos lumabas, saktong paglabas ko ay ang pag-ingay ng mga bulong-bulongan ng mga tao sa gitna ng party.
Nagbalik ulit ang kanilang sigla dahil sa pag-anunsyo ng MC sa pagbaba nilang Don Anton at Donya Mathilda sa grand staircase ng mansion, sobrang ganda ni Donya Mathilda at halos masilaw ako sa kinang ng gown na suot niya, nakangiti ito sa lahat ng tao habang naka-angkla ang kamay niya kay Don Anton, na ngayo'y kumakaway sa kanyang kakilala, hindi nga maipagkakaila ang sumisigaw na karangyaan nila lalo na sa ganda ng lahi nila, natigilan ako ng napadako ang tingin ko sa nakasunod sa kanilang si Senyorito Sebastian.
Hindi gaya ng huling kita ko sa kanya, ngayon ay mas nag-mature na ang kanyang itsura, Mas tumangos ang kanyang ilong, lumaki na rin ang katawan niya pero kahit ganon ay ma-amo parin ang mukha niya at ang higit sa lahat ay hindi parin nagbabago ang kanyang mga tingin na kaya kang tunawin sa isang iglap.
My young heart is now happy seeing this man walking down the stairs, kahit malayo ako sa kanya ay masayang masaya pa rin ako na makita siya.
Pagkababa nila ng grand staircase ay dumiretso na sila sa isang maliit na entablado na may apat na bangko.
Umupo na silang Don at Donya sa harapan pati na rin si Sebastian sa tabi ng Mama niya. may mga bodyguards naman na alerto na sa likod at paligid nila, isa-isa namang lumapit sa maliit na stage ang bawat inimbitang bisita para sa saglit na pag-uusap at kamustahan.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay bakas sa mukha ni senyorito na medyo nababagot na siya sa paglahad ng kamay sa mga bisita at pag ngiti sa kanila.
Gusto ko pa sanang tignan pa si Senyorito Sebastian pero ng makita ko si Madam Isa na palapit na sa kusina ay natataranta ako bigla kaya pinili ko na lumabas muna saglit.
Sino kaya yung natapunan ko kanina...
Hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon, sa katunayan ay hinahanap ko siya kanina sa alon ng mga bisita, hindi ko rin siya napansin o nakita man lang na lumapit sa kila Don at Donya Mathilda para bumati.
Naisip ko tuloy na baka nagpaalam na siya sa party dahil sa damit niyang natapunan at nasira ko.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansion. May veranda kasi dito na nakaharap sa magandang hardin sa likuran, medyo dim na rin ang ilaw dito at halos walang ka tao-tao dahil ang lahat ay nasa harapan ng mansion at nagsasaya dahil sa pag-uwi ng mga Del Fuego.
Mula dito sa likuran ng Mansion ay nakikita ko dito ang mga dambuhalang alon sa dagat kahit madilim dahil sa ilaw ng lighthouse, rinig na rinig ko rin mula dito ang mga hampas nito sa mga bato. Sobrang mahangin rin kaya halos tangayin ng hangin ang buhok ko na nilugay ko kanina. Sumandal lang ako sa veranda at tsaka nagpahalumbaba habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan ko.
"Sana...nandito si Sebastian..."
Wala sa sarili akong napangiti dahil sa nasabi ko.
"Do you like him?"
Nagulat ako at napatingin sa aking likuran kung saan may lalaking nakasandal sa pillar ng veranda habang s********p ng champagne, medyo madilim sa kinasasandalan niya kaya hindi ko siya mamukhaan agad.
"K-kanina ka pa dyan?" Gulat kong tanong.
"Uh... Yes, you just didn't notice me when you enter" prenteng sabi niya at humakbang palapit sa akin at tumingin na rin sa bandang dagat.
Namilog ang mata ko ng makita na ang lalaking nakasandal kanina ay ang lalaking natapunan ko ng wine sa party.
Pero hindi na siya nakasuot ngayon ng gray tuxedo, at pinalitan niya ito ng kulay itim.
Hindi ako komportable sa lapit niya sa akin, hindi ko rin alam kung bakit nenerbyos ako at natataranta sa presensya niya.
My heart beats drumming fast na halos hindi ako makahinga, lalo ng nasimhot ko ang pabango niya.
He has a minty cool scent at medyo basa rin ang buhok niya mukang bago siyang ligo.
Unti-unti akong umatras para sana bumalik na kaso napansin niya iyon na siyang dahilan ng pagdugtong ng kilay niya.
"Where are you going?" He asked with a familiar low but cold baritone voice.
"Ah... E, babalik na po ako sir. B-baka kasi hinahanap na ako sa loob" sagot ko at tatalikod na sana, kaso hinawakan niya ang braso ko kaya natigilan ako habang nakatingin sa kamay niya.
Naghi-hysteria na ang buong sistema ko dahil lang sa hawak at lapit niya.
Nang napansin niyang hindi ako naging komportable sa ginawa niya ay agad niyang binitawan ang braso ko.
"I'm sorry, I just want to talk to someone, I don't really like parties...in fact, I hate it" aniya sa malumanay at mababang boses.
His dark pierce of eyes sets on me, mukha itong nangungusap sa akin na wag akong umalis.
But his presence is overwhelming hindi ko yata kayang hindi umalis dito o magtagal dito ng kahit sampung minuto.
"P-pasensya po sir... And I'm sorry po kanina... pero baka mapagalitan ako kapag magtatagal pa ako dito."
Lumipas ang isang tahimik na segundo habang nakatingin siya sa akin na para bang isa akong puzzle na mahirap buohin, bigo siyang tumango at tumikhim bago iniwas ang tingin sa akin. Tumalikod na ako sa kanya agad at humakbang na paalis pero bago pa ako makapasok sa loob ay bigla siyang nagsalita habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Wait... Kung ako ba si Sebastian... will you stay here with me?"
May bahid na iritasyon sa boses niya pero hindi ko na iyon pinansin, at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob.
Isang lingo na rin ang lumipas mula nong party, pero kahit ganon parang wala namang nagbago sa mansion parati parin itong tahimik.Sabi ni Madam Isa, ang Don at Donya kasama ng dalawang anak nila ay busy sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya kaya hindi parating nakaperme dito. Ni hindi sumipot ang panganay na anak ni Donya Mathilda sa party dahil raw sa busy ito basi sa mga sabi-sabi ng mga kasambahay dito.Pinapunta ako ni Madam sa harapan ng hardin upang diligan ang mga natutuyong halaman dito. I didn't notice that I was getting closer to the fountain earlier so, I couldn't help but remember the man who was standing here before. I keep on wondering kung sino ba siya o bagong tauhan ba siya ni Madam pero ang boses niya ay talagang kapareha nong lalaking natapunan ko ng wine sa party.Pinilig ko na lang ang ulo ko kasi impossible naman na siya yong lalaking mukhang guwardya dito. Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose kaso biglang may tumapik sa balikat ko kaya n
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ang isa sa tagapagmana ng yaman ng mga Del fuego. "Buti naman at nandito kana Senyorito, pupunta kaba ngayon sa ubasan?" Tanong ni Madam Isa, nang nakalapit siya sa amin, kasi mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina."Yes, I never been there, Mom want me to check out the building. Marami daw kailangan ayusin doon..." He said coolly while his eyes are darted on me.Tumango naman si Madam at napatingin na rin sa akin."Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival?... minsan lang itong pumunta dito kaya maraming hindi nakakilala sa kanya"Sasagot na sana ako kaso naunahan niya ako."We met already, though she doesn't have any idea who I am" He said like almost a whisper, he licked his lower lip when I'm looking at him and I saw those ghost smile of his again.Sa hindi malamang dahilan, para akong naiirita sa ka-preskohan niya. Umirap ako ng hindi ko namalayan at nakita niya iyon."N-ngayon ko pa lang po nalaman Madam
Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nag di-discuss ang professor namin sa aming major subject. Classmate ko dito si Lea at napansin ko na kanina pa siya matamlay at palaging nagbubuntong-hininga. Nag take-down lang ako ng mga notes kasi next week na ang exam namin."Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo, I'll write some pointers here to guide you." ani ng Prof, at nagsulat siya ng mga formula sa blackboard."So if mababa lang ang score niyo sa exam. Hindi ko na yan kasalan" sabi niya pa at ilang sandali lang ay nagpaalam na."Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?." nagaalalang tanong ko.Naghalumbaba lang siya dito sa bench habang nagdudugtong ang mga kilay."Hindi ko na alam Lau, I'd been so stress lately hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko"nalulungkot na sabi niya. Hindi nga niya halos nakain ang binili niyang snacks dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya. "Ano bang problema? Mind to share?"tumingin lang si Lea sa can juice ni
Dahil sa nangyari hindi muna ako pinagduty ni Madam Isa, sa mansion, sabi niya na magpahinga na lang muna ako ng kahit isang lingo. Dahil 'yon ang sinabi ni Archival kay Madam, sumang-ayon naman siya kaya wala na akong magawa.Nalaman na rin ni mama ang nangyari kaya pinagbawalan niya na rin akong dumaan sa dalampasigan simula ngayon.Pinakulong na ni Archival ang tatlong lalaking planong gumahasa sa akin sa kabilang nayon. Sabi niya siya na raw ang bahala sa kanila at sisiguraduhin niyang hindi na sila makakalapit pa sa akin.Naging mahaba ang araw na ito sa akin. I still can't process everything that happened to me. Umupo lang ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa bintana ng biglang nag vibrate ang cellphone ko sa desk kinuha ko naman ito at nakita ko ang mga text nilang Lukas at Lea sa akin.Lea: Laura! I heard what happened from Madam Isa, are you okay? I'm worried. Please call me if you need someone to
Isang linggo na ang lumipas simula noong nangyari sa akin sa tabing dagat, at hangang ngayon ay iniiwasan ko pa ring dumaan ulit doon. I still don't feel safe anymore when I'm walking alone, mabuti na lang at nandyan parati silang Lukas at Lea para sa akin. They kept on making me comfortable at sinasamahan sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas, pero medyo naging madalang na lang kami nag-uusap ni Lea this past few days dahil sa busy niyang schedule.Sunday ngayon kaya nakahiga lang ako sa loob ng kwarto, tapos na rin ako sa mga ginagawang paglilinis kanina.I'm just now starring blankly at our ceiling. Gustong-gusto ko ng lumabas ng bahay upang mamulot ng shells sa dalampasigan o hindi kaya maligo sa dagat.Pero natatakot pa talaga akong lumabas na ako lang mag-isa.Napabangon ako ng pagkahihiga ng biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa desk. Napatitig pa ako ng ilang minuto sa pangalan ng tumatawag sa akin na si Archival."
Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko ng pintuan ay si Mama agad ang sumalubong sa akin.Pinagbihis niya muna ako ng damit at tsaka pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin at siya naman ay nasa harapan ko sumisipsip ng kape.Mukhang seryoso si Mama at maraming iniisip kaya nagtataka ako kung bakit."Mama, may problema ba?"nagaalalang tanong ko at mas lumapit sa kanya.Tinignan niya naman ako at hinawakan ang magkabilang kamay ko."Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon? Laura."tumango naman ako at naguguluhang nakatingin sa kanya."Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..."Tipid lang ngumiti si Mama at kalaunan ay napabuntong-hininga sa lalim ng iniisip niya na hindi ko maintindihan, ngayon lang kasi ganito si Mama sa akin."Laura, alam ko ang mga tinginan na may ibang ibig sabihin. Ang lalaking 'yon ay may gusto sa'yo at napapansin kong...""Naku! Hindi po 'yan toto
Pagkatapos ng klase namin ay dumeritso na kami ni Lukas sa Mansion ng mga Del Fuego. "Kita na lang tayo mamaya Laura...papakainin ko pa kasi si Makisig"Nagmamadaling sabi ni Lukas at pumunta na sa mga kwadra ng mga kabayo. Sa lahat ng mga inaalagaang kabayo ni Lukas, si Makisig ang pinakagusto niya, dahil sobra nitong maamo sa kanya at napalapit na rin siya nito dahil simula bata pa lang si Makisig ay siya na ang kinalakihan nitong taga-pakain sa kanya ng dayami.Pagpasok ko ng gate ay agad kong nakita si Madam Isa, na masungit na namang nanenermon sa isang tauhan niya."Napakadali na nga lang magtabas ng damo hindi mo pa nagagawa ng maayus... Mag break ka na nga lang muna Jose, naha-highblood na ako sa'yo!"Nasa likuran ako ni Madam, habang naglilintaya kay Jose na mukhang bago lang dito. Tumango at nagmadaling umalis naman siya sa harap ni Madam, at pumunta na sa labas ng gate sa may likuran ng Mansion. Humarap na ngayon si Madam sa akin na ngayo'y nakat
Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko.Ang lutang ng isip ko simula pa kanina pag-alis ko sa mansion. Halos hindi ko na nga masagot ang mga katanungan ni Lukas dahil sa rami ng mga iniisip ko lalo na ang nangyari kanina.Binagsak ko lang ang sarili ko sa kama at nakatulalang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. Napahawak agad ako sa labi ko.Hindi ko talaga malimutan ang lambot ng labi niya.Lalo na ang mga inasta ko kanina, kinuha ko agad ang unan ko at ibinaon ko ang mukha ko dito at sumigaw ng walang boses dahil sa kahibangan na ginawa ko. "Nakakahiya talaga, nababaliw na yata ako!"Gusto ko na ba talaga siya? hindi naman kasi ganito ang feelings ko kay Sebastian, iba itong nararamdaman ko kay Archival. Mas mabigat kaysa sa kong anong pagtingin at pag-hanga ko kay sa kapatid niya.I can't accept this. Pero the more I deny it, the more lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.So should I accept this feelings? ***Isang linggo na ang lumipas simula ng huling ki