"Tatlong oras ang nakalipas nagising si Scarleth nagtaka siya dahil hindi niya kwarto ang nakikita niya. At wala din doon si Lucas sa tabi niya.Hatsho hatsho!! Asan na ako? At bakit iba na ang suot ko? Sinong nagbihis sakin?Ako' sagot ko sa kanya habang papasok sa kwarto.Ay butiki' bakit kaba lagi nanggugulat sir.?At bakit din panay ang butiki mo pag-nagugulat ka?Nang gugulat kayo e. Totoo ba talaga sir ikaw nag bihis sakin? Kong ganon nakita mo ang ano ko?Ang alin?Yong ano ko? Sir naman eh alam mo na yon. Yong dalawang bundok ko!Yon lang ba? Ano kaba naman Scarleth nakita ko naman yan eh.Biglang umiinit ang mukha ko sa sinabi niya yumoko nalang ako baka mapansin niyang nag bablush ako.Okay kalang?Yes po. Sana ako nalang po ang nagbihis nakakahiya naman po as inyo.Wag kana mahiya? Ito kainin mo mainit pa ito.Kayo po? Hindi ba kaayo kakain? Tapos na ako' halika suboan na kita! Para mainom mo agad ang gamot pagkatapos.Ako na po sir!! Ang sweet niyo naman po at maalaga pa
"Nalaman ni Smart ang dahilan ni Lucas kong bakit makipaghiwalay ito sa kanya. Dahil kay Scarleth. Hindi rin masisisi ni Lucas ang asawa dahil alam din niya sa sarili na may pagkukulang siya dito. Ang maliit na problema nila ay mas lalong lumaki pa. Dahil kapwa na sila nagkasala sa isat-isa. Kong noon malaki ang tiwala ni Smart na hindi siya iiwan ng asawa. Pero ngayon ay natatakot siya sa pwedeng mangyari baka tuloyan na siyang iwan nito dahil sa isang babae. Ang malaking problema nila ay hindi pa nila nakuha ang kayamanan ni Lucas. Umuwi siya sa dating bahay nila na nagdadabog. Mapapansin din ito ni Rain at siya mismo ang magsasabi kay Smart kong sino ang babaeng nakita niya kanina na kasama ng asawa niya. " Kaya pala gusto mong makipaghiwalay sa'kin? Dahil may babae kana pala? Humanda ka sa akin Lucas. Ipapakulong kita. Buhay pa ako pero pinalitan muna ako? Itago mo ang babae mo para hindi ko makita. Kapag yan pakalat-kalat at makikita ko? Kakalbuhin ko yan. Ginagalit mo talaga ako
"Kawawang Lucas pinag kaisahan siya ng kaibigan at asawa niya. At di pa niya alam lumayo na si Scarleth sa buhay niya, dala ang sekretong magka-anak na sila. Sa ibabalita ni Larry sa mag-amang Tolentino. Malalaman na kaya nila ang totoong pagkatao ni Smart? Malalaman na kaya nila kong anong nangyari sa paligid nila? Kong bakit puro trahedya ang nangyari? At malalaman narin ba nila ang biglaang pagkawala ni Ethan? Bakit nga ba unang niligpit ni Rain ang kaibigan? Ano ang dahilan nito? Upang tapusin ang buhay ni Ethan. Ano ang buhay na naghihintay kay Scarleth? Gayong pinili niyang lumayo sa kanyang minamahal. Mapabuti kaya ang buhay ng kanyang pinili sa kanilang mag-ina? Malalaman rin kaya ni Lucas na magiging ama na siya?. "Anak dito na tayo sa Tagaytay. Maganda dito anak at tahimik ang paligid at walang makakakilala sa'tin malayo rin tayo sa gulo.Anong kailangan niyo ma'am?Ako po si Scarleth manang naghahanap po ako ng bahay pwedeng tirhan.Ah ganon ba! Sige halika samahan kita sa
(SCARLETH POV)Maaga akong ginising ni mama Lorna para makapaghanda na ako upang maaga kaming makapunta sa kanyang kaibigan. Hindi ko alam kong sino? At saan? Dahil ang mama ko ay maraming kaibigan klase-klaseng tao galing sa iba't ibang lugar galing. Naging kaibigan n'ya ang mga ito dahil sa pagsusugal ng kahit aning sugal sa casino. Adik sa sugal si mama kahit noon pang buhay ni papa. Habang nasa byahe kami muli namang sumagi sa isip ko ang buhay namin noon. Masaya at simple lang buhay namin noon. Kahit mahirap lang kami hindi naman kami hinayang magutom ni papa. Mabait at malihim ang papa ko yon ang pagkakilala ko sa kanya. Mula bata pa ako hangga't nag dalaga hindi n'ya sinasabi kay mama ang totoong trabaho n'ya ni minsan hindi n'ya naikwento kay mama ang tunay n'yang pagkatao. Manong dito nalang kami, ito po ang bayad ko. Pagbasag ni mama ng katahimikan namin sa loob ng Jeep. Pinahinto ni mama sa isang gusali ang Jeep hindi ito pamilyar sa akin. Pero alam ko kong
( CONTINUATION )Kahit anong iyak mo d'yan Scarleth, hindi na magbago ang desisyon ng mama mo. Dati pa n'yang plano ang papasukin ka dito sa club ko. Nagpaalam narin s'ya sa akin noon kong maari daw may ipasok s'ya ditong babae. Hindi n'ya sinabing anak ka n'ya basta ang paalam lang n'ya may ipapasok lang s'ya dito. Kaya ito ka ngayon hindi lang n'ya magawa noon dahil sa papa mo takot daw s'yang mapagalitan. Noong nawala ang papa mo! Inaasahan ko na talaga ang pagdating mo sa club ko. Kaya kong ako sa'yo tanggapin mo kong saan ka ngayon at wag kang magalit sa kanya. Naging praktikal lang si Lorna dahil sa hirap ng buhay. Iniisip lang din n'ya ang kalagayan n'yong mag ina Scarleth sana naiintindihan mo yon.Gagawin ko po ito para sa mama ko ma'am, hindi para sa sarili ko. Kong nakita n'yo man pong ganito ako ngayon? Pag-pasensyahan n'yo na rin ako kong ganito ako sa harap n'yo. Walang problema sa'kin Scarleth lahat nang babaeng pumasok dito sa club ko kaga
( SANTA POV)Ako si Santa Fe Molles dalawangpot taong gulang, 15 year's old palang ako pumasok na ako sa buhay bayaran. Hindi iniisip ang sinasabi ng iba para lang mabuhay at makapag tustos sa pamilya. At mapagamot ang kapatid kong may sakit kahit mahirap. Masakit lalo na't marinig ko kung paano nila ako laitin dahil sa trabaho ko. Hindi naman ako mabubuhay sa hiya e kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Wala na akong pakialam sa mga taong mapang husga hindi rin naman sila ang nagpapalamon sa'kin oh sa pamilya ko. Tulad ng sabi nila kailan man hindi mabuti ang pagbibinta ng sarili para lang makahaon sa hirap. Hindi ba't hindi rin mabuti ang mabuhay ka sa mga nakaw? Magkaiba man kong basahin pero iisa lang ang kahulogan. Kaya wag sana agad manghusga kong wala karin namang nai-ambag sa buhay namin. Noong nakilala ko si Scarleth nakita ko ang sarili ko sa kanya. Naawa ako kaya ako na ang kusang tumolong sa kanya para di s'ya gaanong mahirapan. Ayaw kong maranasan n'ya ang na
( SCARLETH POV )Dalawang araw ang nakalipas may mga grupo ng kalalakihan ang pumasok sa bar namin mga alasyete na ng gabi. 'Di sila ordinaryong lalaki. Dahil sa unang tingin mo palang ay mayayaman na ang mga ito at mga gwapo pa. Nag palingon-lingon ang isa sa kanila upang hanapin ang waiter ng club namin. Nang makita nila ito agad din nilang tinawag para makapag order sa kanilang inumin.Magandang gabi po mga sir ano po ang order nila? Ika nga ng waiter sa kanila.Dodd's mag order na kayo ng inumin n'yo sabi ng lalaking unang pumasok kanina.Beer sa 'kin dalawa, sagot naman ng isang lalaking naka brown t-shirt at ganun din ang order ng katabi n'yang mala espanyol.Yon lang po sir? Kayo po anong inumin ang gusto n'yo sir? Tanong ng waiter sa lalaking panay ang tingin sa cellphone n'ya.Yong matapang ang sa 'kin, mabilisang sagot ng isang lalaking, gwapo at mayaman din ang awra n'ya. Pero kong titingnan kakaiba s'ya sa dalawang lalaking kasama n'ya. Pinoy na pinoy ang kutis at panganga
"Lumipas ang tatlong araw busy parin si Lucas sa kompanya at ganon din ang mga kaibigan n'ya. Dahil sa nakasanayan nilang magbabarkada papunta nanaman sila ulit sa club. Pero sa ngayon plano ng magbabarkada dalhin na si Lucas para kompleto ang samahan nila.Dodd's lumabas naman tayo. Puro ka nalang trabaho pwede bang magsaya ka naman kasama namin? Nag iisang anak ka nga at mayaman pero hindi ka naman nag e-enjoy sa buhay mo.Kilala mo ako Rain, alam mo ako lang ang namahala sa kompanya namin. Hindi basta-basta ang trabaho ko dahil sa akin nakasalalay lahat ang buong kompanya. Ayaw ko namang ma-disapoint si daddy sa'kin.Lucas alam ko naman ang setwasyon mo. Pero kailangan ba talaga lahat ng oras mo nasa trabaho lang? Ano ang silbe namin sa buhay mo? Kaibigan mo rin kami Lucas hindi mo lang kami tauhan o kasusyo sa business niyo.Alam ko, pero sige kung gusto niyong gumala? Kayo nalang hindi ko kayo pakealaman at hindi ko rin kayo pipigilan. Ang KG mo talaga Lucas hindi mo ako kayang