Share

WSS4

Chapter 4

ARSENIA RUIZ POV

"Good morning ma'am, " kaliwa't kanan na bati ng mga empleyado sa akin.

Nakakatuwa. Kung ganito ang maririnig mo araw-araw ay talaga na mapapangiti ka, kahit pa pangit ang naging gising mo.

"Morning," tipid kung balik bati sa mga ito.

Hindi man ako madalas dito, ay ramdam na ramdam ko naman ang magandang pakikitungo ng mga empleyado namin. Hindi naman kasi ako mahigpit sa kanila maging si Dad, kaya parang magkakaibigan lang kami. Maganda rin ang sistema na ito na naiisip ni Mommy at Daddy para bigyan ng boses ang lahat. We are all entitled to tell our opinions or suggestions para sa ikabubuti ng kompanya. Sabi nga ni Dad our employees is our assets not liability.

Hindi man malaki ang kompanya namin pero nakikipag-kompetensiya din kami. We're not the number one pero 'di rin naman kami kulilat. Nanatili kami sa puwesto namin. At hindi kami bumaba sa top 10. Ang kompanya namin ang binasagang small but terrible.

"Kumusta ang bagong project ngayon?" tanong ko sa secretarya ni Daddy. Kasabay ko ito at napag-uusapan nga namin ang mga aberiya na meron ang kompanya.

"They're working on it miss. Ang alam ko may group meeting sila mamaya para sa software analysis nila," she said.

Tumango ako bago pumasok sa loob ng opisina ni Daddy. Dito na muna ako magtratrabaho dahil wala naman talaga akong sariling opisina dito. Ang Cebu branch kasi talaga ang hawak ko, kaya doon ang opisina ko.

"Tell them, that I will be joining them," pagbibigay alam ko sa sekretarya, bago tuluyan pumasok sa loob ng silid.

Gusto ko malaman ang bagong proyekto nila. Sabi ni Daddy ito ang pinakamalaki at mahalagang project ng kompanya.

"Yes miss, "aniya saka tumalima sa inutos ko.

Pagkalapat ng pang-upo ko sa upuan ay agad kong kinuha ang aking selpon. I browse the messenger and looked for Drix name. Nasa unahan ito at naka-bold dahil sa mensahe na pinadala niya.

I smiled. Picture kasi iyon ng kanyang mesa. Nasa ibabaw noon ang mga pinggan at mangkok na wala ng mga laman. Akala ko hindi niya iyon kakainin dahil may pagkamaarte siya. Bago ko kasi siya layasan sa condo niya kanina ay ginawan ko siya ng almusal na may kasamang kalokohan. At mukhang natakot sa banta ko kaya ayon sinimot.

"'Di ako naniniwala na naubos mo iyon. Sigurado ka ba na hindi mo tinapon?" reply ko sa litrato na ipinadala niya. .

Inayos ko ang mga folder na nasa ibabaw ng mesa at binuksan ang desktop, habang hinihintay ang reply niya. Subalit natapos ko na basahin ang isa sa monthly report ng engineering department ay wala pa rin dumarating na reply. I get my phone and checked kung online ba siya. Na-seen niya pala ang reply ko na iyon pero wala siyang reply, pabalik. I called him. Unang ring pa lang, ay agad na sinagot niya iyon.

"I'm busy," pagsusuplado niya agad sa kabilang linya.

Ngumiti ako ng lihim. Kailan pa naging busy ang sumagot agad ng tawag?

"I have something important to ask, kaso naistorbo pala kita," kunwari nalulungkot kong sagot sa kanya.

"No. Hindi naman ako ganon ka busy, ano ba yon?" maagap niyang sagot at tanong. Tumawa ako. Hindi ko na iyon napigilan. Napakadali niya kasi paniwalain.

"Shit," mahina niyang mura na mas ikinatawa ko. Alam niya na pinaglololoko ko na naman siya.

"Did you call, just to teased me?" nayayamot niyang tanong. Umiling ako, kahit 'di naman niya nakikita.

"No " I answered. He sigh.

"Then why?" He asked in low voice.

"To checked on you," sagot ko na nagpatahimik sa kanya. And It took him 55 second before he responded.

"Okay lang ako, nasa work na," he said in low and calming voice. I closed my eyes. Minsan lang siya kalmado sa akin. Madalas kasi galit siya at iritable sa presensiya ko. Lalo na at pinaglololoko ko siya.

"May maganda bang nangyari? " malumanay kong tanong sa kanya. Ayaw kong maging iretable ulit siya sa akin. Gusto ko muna namnamin ang pagiging kalmado niya. Masarap iyon sa pakiramdaman at nakakasabik.

"Nothing special. Just that am in good mood," he replied. 'Di ko man siya nakikita, ramdam ko naman ang ngiting nakaukit sa mga labi niya.

"Masarap siguro ang luto kong almusal kanina," panunukso ko sa kanya. He chuckled.

"Nagsisimula ka na naman."

Tumawa ako kasabay niya. Ang sarap sa feeling 'yong ganito. Masaya at magaan lang. Tuwing magkalayo lang kami at magka-usap sa selpon nakakatawa ng sabay. Kapag nagkikita kami ay madalas magbangayan at asaran. Minsan ay naghihiwalay kaming inis at galit sa isa't-isa.

"Okay fine, am hanging out. Ayaw kong masira ang mood mo," sabi ko paglaun. Wala naman kasi aking balak na asarin siya. I just want to check on him.

"What?! That's it?" 'di makapaniwala niyang tanong. Nabigla man, ay natuwa din ako sa naging reaksyon niya.

"Bakit? Dapat ba tagalan ko pa? O may gusto ka bang mari—"

"Fine, goodbye," pagpuputol niya sa tanong ko. Tumawa ako at nailing. Kung nasa harap ko siya, siguradong mamumula na ang mga tainga niya.

"Miss you babe," I smiled. Maybe this it what he wanted to hear.

"Oh, natahimik ka? 'Yan siguro gusto mong narinig no?" nang-aasar kong tanong, ng manahimik siya sa kabilang linya.

"Tsk! Bye," then hung up.

Tumatawa akong inilapag ang selpon ko sa ibabaw ng mga folder na nasa harapan ko. Sigurado na hindi iyon mapakali ngayon. 'Di ko alam kung bakit ayaw pang umamin, sasagutin ko din naman agad. Mahirap kasi magpakipot pa, lalo na't maraming naka aligid sa kan'ya.

"Ibig sabihin, puwede na tayong makipagsabayan sa Korea? "

Matapos maka-usap si Drix sa selpon ay nagbasa ako ng mga reports ng bawat department. Pumirma din ako sa mga proyekto ng kailangan ko permahan. I also studied other project proposals. Pero hindi ako nangalahati ng ipaalam sa akin ng sekretary ni Daddy, na magsisimula na raw ang meeting para sa software analysis. At ngayon nga ay napag-uusapan namin ang internet upgrading solution, kasama ang mga system managers ng kompanya.

The team is planning to upgrade our 4G internet to 6G. Hati ang pananaw ko sa protekto na ito. Bukod kasi sa maayos na plano at masususing pag-aaral, ay kailangan ng maayos na sistema ng bansa. Magandang proyekto ito kung tutuosin. We will be the first telecom company to provide the 6G internet sa bansa. But it is risky at the same time. Bukod sa malaking pera ang kakailanganin. nakasalaylay dito ang pangalan ng kompanya. At isa pa, hindi pa laganap ang 4G internet sa buong bansa.

"Not really. But that's what we are aiming," Kuya B answering my question. Nasa Davao siya ngayon pero kasali sila sa meeting namin via zoom.

"Magandang proyekto nga ito. Pero gaano kasigurado o is it 100 percet na magwowowrk?" I asked again.

"The percentage rate of this roject is above fifty but still,we are aiming for 80 to 90 atlest. And yes, we are still working on it, miss," sagot ng isang system manager namin na si Keen.

"Ibig sabihin hindi pa nakalatag ang plano at puwede pa ito magbago? "

I asked again, and looked at everyone in the room.

"Do we need ng actual experiment in this project?" I continued asking.

"Yes. It's the thing we should do. And I'm suggesting to have a private company or organization, para sa testing." sabat naman ni Kuya B.

We all agreed to kuya B's suggestions, and stop the forum for a moment. Lunch break na kasi at kailangan namin mag-recharge. Nakakahiya naman sa tiyan ko na panay na reklamo, samantala ang utak ko naman ang sumabak sa laban.

Binaybay ko ang daan patungo sa office ni Daddy. I'll have my lunch there. Pina-order ko ang secretary niya ng lunch ko sa canteen. Malamang na roon na iyon at nakahain sa mesa. I'm craving for pritong galonggong at monggo— and just thinking of it, naglalaway na ako.

Sumalubong sa pagbukas ko ng pinto ang masarap na amoy ng monggo. Nagdiwang agad ang tiyan ko. Mabils akong naupo. Sunod sunod ang naging subo ko. Nakakamiss ang ganito. Simula kasi na nagsarili ako at tumira sa condo ay bihira na ako makakain ng lutong bahay. Kalimitan kasi ay nag-ooder na lang ako. At madalas sa labas kumakain. Mas conviniet kasi iyon sa akin, dahil pagod na ako pagka-uwi galing trabaho.

"Thank you G, sa masarap na pagkain," pasigaw kong pasasalamat after eating the last bite of my banana.

Busog na busog ako na sumandal sa likod ng swivel chair. At sa subrang kabusugan ko ay nakakaantok subalit mas gusto kong makausap si Drix ngayon. I took my phone and checked it. May mga messeges ito. Galing sa nag-iisang tao. I hurriedly take my bag and went out from my dad's office, after reading the messages.

"Mina, tell the team, to continue their meeting without me," utos ko sa sekretarya ni dad, at nagmadaling umalis.

Yohann Z

Under revision po qng story na ito. Mas mabuti po kung babasahin niyo kong nai-publish na ang chapter 10. Tatanggalin ko rin ang note na to pag may chapter 10 na ito. Salamat po. 🥰

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status