NAISIP ni Chrismith na umuwi kahit na nagkakasiyahan pa ang mga kaibigan. Ngunit hindi pa nakakarating sa kanilang bahay ay tumawag ang hindi inaasahang taong tatawag ng ganoong oras.
"May problema po ba, Mom?" nag-aalala niyang tanong sa ina. Madaling araw pa lang sa kinaroroonan nito kaya agad siyang kinabahan.
"Walang problema dito sa amin, anak. Tinawagan lamang kita para kumustahin ka at ang ina ni Janice?"
Nangunot ang noo ni Chris sa tanong ng ina. "Gumising kayo ng maaga para itanong sila sa akin?" Nagugulohan niyang tanong dito. Alam niyang close ang ina niya sa pamilya ni Janice lalo na sa ina nito.
"Anak, anong klaseng boyfriend ka at hindi mo alam ang nangyayari sa pamilya ng nobya mo?"
"Mom, sandali, "pigil niya sa panenermon ng ina. "First of all, we're not in relationship." Paglilinaw niya sa relasyon nila ni Janice sa ina.
"What?!"
&nbs
Mula sa kinatatayuan ay may pag-aalinlangan sa paghakbang si Chrismith. Naroon siya ngayon sa harap ng opisina ni Nica."Papasok po ba kayo, Sir?" tanong ni Rose sa binata nang maabutan ito sa labas ng pinto."Ah, yes!" Agad siyang kumatok sa pinto at nang marinig ang tinig ng dalaga mula sa loob ay pumasok na siya kasunod ang secretary nito."Ma'am, Mr. Yuchan is already here." Bigay paalam ni Rose sa amo sa presensya ng bisita nito."You may go." Malamig ang tinig na pagtataboy ni Nica kay Rose. Nanatili siyang nakayuko at hindi nag-abalang batiin ang bisita."Ano ang kailangan mo?" emotionless niyang tanong sa binata nang tumikhim ito. Hindi pa rin humuhupa ang kaniyang galit na nadarama mula kagabi kaya wala siya sa mood makipag-usap kahit na kanino.Umupo na si Chris sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ng dalaga kahit hindi siya inalok nito. "I just th
PINAKATITIGAN ni Chrismith ang dalaga na mahimbing natutulog sa malambot na kama. Dinala niya ito sa malapit na hotel sa halip na iuwi ito sa bahay ng mga ito. Malikot itong matulog at kailangan pa niyang ayusin ang kumot sa katawan nito upang hindi lumantad ang makinis nitong hita. Kung kapatid niya lang ito ay katakot-takot na sermon ang maririnig nito sa kaniya. Nagawa nitong maglasing sa isang lugar na walang kakilala at mag-isa pa. Nang masigurong maayos na ito ay kumilos siya upang iwan na ito."Mommy..."Napaligon siya nang marinig ang pag-ungol ng dalaga at tinatawag nito ang ina. Humakbang siya palapit dito upang salatin ang noo."Ayaw ko na dito, Mommy!"Mabilis na inilayo ni Chrismith ang kamay nang hawakan iyon ng dalaga. Alam niyang nanaginip lang ito pero tila napaso siya nang dumikit ang palad nito sa kaniyang braso."Ayaw ko na po sa impyernong buhay k
"IWANAN niyo muna kaming tatlo." Utos ni Alfonso sa asawa at sa panganay na anak."Honey, huwag kang pumayag sa...""Margaret, this is a serious matter!" hindi na pinatapos ni Alfonso magsalita ang asawa.Hindi na nagawang kontrahin ni Margaret ang asawa nang tawagin siya nito sa pangalan lamang. Nagpupuyos ang kalooban sa galit at napilitang lumabas kasama ang anak.Kalmado lang si Chrismith at pinatili ang nang-aarok na tingin kay Nica. Lihim siyang napangiti nang biglang nawala ang tapang sa mukha nito nang wala na sa paningin nila sina Janice."Sigurado ka ba diyan sa disisyon mo?" tanong ni Alfonso sa anak.Biglang nalito si Nica sa kung ano ang isagot sa ama. Bigla rin siya natakot para sa sarili dahil hindi pa siya handang pumasok sa magulong buhay. Bigla niya rin naalala ang ina at ayaw niyang matulad sa naging buhay nito bilang legal wife pero
"MASAYA ka na ba?" nang-uuyam na tanong ni Janice sa kapatid at nagawa pa nitong tumawa habang nakikinig sa pagtatalo ng mga magulang nila."Superb!" Abot hanggang taenga ang ngiting sagot ni Nica sa kapatid."Magsaya ka ngayon, pero sa akin pa rin ang huling halakhak tulad sa nangyari sa buhay ng iyong ina!" Matapang na banta ni Janice kay Nica.Biglang napalis ang ngiti sa mga labi ni Nica at naglapat ang mga ngipin habang masama ang mga tinging ipinukol sa kapatid."Naniniwala pa rin akong pumapanig ang langit sa mga taong hindi mapagkunwari," napangisi si Nica nang mapipilan ang kapatid. "Hindi magtatagal, sa basurahan ko ipapatapon ang iyong ina at kasama ka!""Huwag kang pakakasigurong makukuha mo ng buo si Chrismith dahil alam kong gagawin niya lamang ito upang sundin ang kaniyang ama na may sakit." Hindi papatalo sa pakipagbatohan ng maanghang na salita si Janice ka
HINDI sanay si Janice na uminom ng alak kaya naka dalawang lagok pa lang ay nakaramdam na siya ng hilo. Kinuha niya ang cellphone na nasa bag at nakita sa call history ang ilang beses na pagtawag ng ina. Marami ring message pero hindi niya binuksan iyon. May ngiti sa mga labi habang dina-dial ang numero ni Chrismith."Hello?" ang malagom ngunit paos na boses ng binata mula sa kabilang linya."I'm sorry, nagising ba kita?" nahihiyang tanong ni Janice sa binata mula sa kabilang linya.Napakunot ang noo ni Chrismith at pinakatitigan ang hawak na cellphone na tila ba nakikita sa screen ang mukha ng kausap. Naririnig niya ang ingay sa paligid at ang tono ng boses ni Janice ay halatang lango sa alak."Are you okay?" Tanong ni Chris sa dalaga habang inaayos sa pagkapatong ang mga papel na binabasa kanina. Kahit sa bahay ay dala niya ang nakatambak na papeles sa trabaho."I'm not!" malungkot na sagot ni Janice sa binata."Where are you?" Nag-aalala
NASIPA ni Nica ang gulong ng sasakyan nang tumirik iyon sa isang hindi mataong lugar. "Kapag minamalas nga naman oh!" Inis niyang bulong habang palinga-linga sa paligid. Takot din siyang pumara sa dumaraang sasakyan dahil baka masamang tao ang sakay niyon. Napabuntonghininga siya at naisip na ito ang kapalit ng sayang nadarama kanina. Nang maisip ang kapatid ay pumalit ang inis sa nadaramang takot.Mabilis na kinuha ni Nica ang dalang bag na nakapatong sa front seat at hinanap ang calling card ni Cris. Alam niyang ito ang pupuntahan ng kapatid at may dahilan siya upang isturbohin ang mga ito."Can you help me?" namumungay ang mga matang pakiusap ni Janice sa binata.Napakamot sa batok si Chris nang makitang nahihirapang maghubad ng blazer na suot ang kaibigan. Mukhang walang lakas ang mga kamay nito at hindi na magawang mahila pababa sa braso ang dobleng damit nito. Napilitan siyang tumayo at lapitan ito upan
"SAAN ka galing?" galit na sita ni Margaret kay Janice pagkapasok nito ng bahay. Siniguro pa niyang tulog na ang asawa upang hindi malaman na lumabas ang kanilang anak. "N
NGUMITI si Chrismith nang mapansin ang mga titig ni Nica sa kaniyang labi habang umiinum siya ng kape. Ito ang mukha ng dalaga na normal at walang inaalala tulad sa nakita niya sa kaniyang Bar and Resto noon. "You want to taste it?" Alok ni Chris sa dalaga ng hawak niyang tasa. Napalabi si Nica dahil sa nanunuksong ngiti ng binata. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero kinilig siya sa kakaibang titig at ngiti nito. Idagdag pa na gusto din nitong lumapat ang labi niya sa tasa. "Ehhhhhh, gora na para malasahan mo ang labi niya!" susog ng malanding isipan ni Nica sa sarili. "Ang sagwa naman ng iniisip mo!" kastigo niya sa sarili pero napalunok siya ng sariling laway nang muling humigop ng kape ang binata. Tila nanadya pa ito at tinatakam siya. Ang malala pa ang mga titig nitong hindi humihiwalay sa kaniya ay nakakatunaw ng nagyeyelo niyang puso. Humakbang si Chris palapit sa dalaga at muli itong inalok. Kanina pa siya nagtitimping halikan a