“WOW! This calls for a celebration!” Natutuwang sabi ni Roy sa kabilang linya. “At last, this is the moment you’ve waited for, pare. Congratulations!”“Salamat, pare.” ani Vincent na malapad na malapad ang ngiti. Bakit hindi, isa siya sa local young entrepreneur na naimbitahan na dumalo sa business conference and convention na gaganapin sa Japan sa isang linggo.Matagal niya nang hinihintay ang mga ganoong pagkakataon na i-expose sa mas malawak na market ang maliit niyang negosyo. At upang mas madagdagan pa ang knowledge niya sa pagpapatakbo nito hindi lang sa import level kun’di maging pagdating sa export level.Bagama’t nag-umpisa na rin ang kan’yang kompanya sa exporting, batid niyang hindi pa ganoon kalawak ang naaabot nito pagdating sa mga sistema na magtataas ng antas at kalidad ng ipino-promote nilang mga produkto gamit ang local materials, para mas maibenta ito sa iba pang panig ng daigdig.Base nga doon sa isang article na nabasa niya, importers and exporters have to know the
GUSTONG makatiyak sa nararamdaman sa katawan, nagpa-antigen pa si Andrea at negatibo naman ang naging resulta. Walang virus sa kan’yang katawan. Ordinaryong mild flu lamang ang dumapo sa kan’ya bunsod nga ng pagkabasa niya sa ulan nang nagdaang gabi.Sobrang pasasalamat niya na ganoon lamang ang nangyari at hindi niya na kinakailangan pang inuman ng antibiotics ang bahagyang karamdaman. Masuwerte pa rin talaga siya. Kasabay noon, kinumpirma na rin sa kan’ya ng OB Gynecologist na tatlong linggo na nga siyang nagdadalangtao. Napaka-suwerte talaga niya. Nakiayon sa kan'yang mabuti ang tadhana. At tila walang pagsidlan ang umaapaw na kaligayahang nadarama ng puso niya sa mga sandaling iyon.“Well, congrats Mrs. Domingo. It’s confirmed.” Nakangiting sabi pa sa kan'ya ng Doktora.Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang salitang - misis. Gusto sanang itama ni Andrea ang doktor. Parang gustong bigkasin ng labi niya - Mrs. Valderama, doc. Hindi Mrs. Domingo. Natawa siya sa sarili. Nagiging il
SI TRINA…SI TRINA ang babaeng iniibig ni Vincent. Noon hanggang sa kasalukuyan. Dahil mula nga noon hanggang sa mga sandaling ito, nananatiling kasama pa rin ni Vincent ang presensiya ni Trina sa kan’yang sistema.Kakaiba ang gandang taglay ni Trina. Siya ang tipo ng babaeng hindi mo pagsasawaang pagmasdan ang maamo ngunit makarismang mukha. Ika nga’y, maalindog. Malakas ang sex appeal. Takaw pansin sa mga kalahi ni Adan.Ang kagandahan niya ang bumihag sa noo’y bata pang puso ni Vincent. Si Vincent nama’y nabihag din ang puso ni Trina sa kabila ng maraming kalalakihang humahanga rito noon. Ito ang nakitaan ni Trina ng mga katangiang hinahanap niya na wala sa iba.Ngunit si Trina, sa kabila ng relasyon noon kay Vincent, may ibang lalaking umangkin nang ganap sa kan’yang puso. Itinali siya nito nang tuluyan. Hinandugan si Trina ng magarbong kasal sa simbahan.Hindi tinanggihan ni Trina ang kasal na inihandog ni Dan dahil sa maraming kadahilanan. At ang pinakaunang dahilan – ang kan’y
MAHIGIT TATLONG BUWAN ang matuling lumipas…Kung ikukumpara ang dating itsura ni Andrea noong hindi pa niya nakikilala si Vincent, at sa itsura niya ngayong dinadala niya na ang ‘binhi’ ng lalaking ‘natagpuan’ niya, mahahalata na ang umbok ng kan’yang tiyan. Bahagya na ring nagkalaman ang kan’yang mga pisngi dahil sadyang napapalakas talaga ang kain niya sa paglipas ng mga araw.Totoo nga pala talaga ang sinabi ni Meldy. Magtatakaw siya sa pagkain. At madalas, marami siyang gustong kainin. Lamang, hindi niya mabili lahat o makaing lahat.May mga gabi kasi na bigla siyang maaalimpungatan. Hindi naman siya nagugutom pero kung bakit parang gusto niya lang kumain.Noong minsan nga, parang ibig niyang kumain ng balot. At parang tanga siya na manunungaw sa bintana upang mag-abang ng nagtitinda ng balot pero bigo siyang makabili kasi bihira ang naglalako ng penoy-balot sa dakong iyon ng lugar nila.Noong nakaraan naman, buti maaga-aga pa, parang nasabik siyang bigla na kumain ng lugaw na m
MADALING nagkasundo ang Mayor ng bayan na iyon at si Andrea hinggil sa bentahan ng bahay at lupa ng dalagang ina.Hindi na tumawad si Mayor Alcala sa presyong inilatag ni Andrea sa kan’ya lalo na nang sabihin niya ritong ibibili niya rin ng lupa’t bahay ang mapagbibilhan nito at magtatayo siya ng maliit na negosyo sa probinsiya’ng lilipatan niya.Madali lang ang naging proseso nang pag-aayos at pagsasalin ng mga dokumento, palibhasa’y nasa gobyerno ang naging buyer ni Andrea. Wala nang kuskos balungos, ika nga. Madaling nakapaglabas ng salapi dahil ang proyekto ay para sa kapakanan ng taong bayan. Agad itong inaprubahan ng mga departamentong nangangasiwa sa pananalapi ng lokal na gobyerno.Nang gabing iyon, na siyang huling gabi ni Andrea sa bahay nilang iyon, ewan ba niya kung bakit kasalukuyan siyang nakararamdam ng labis na kalungkutan. Kung kelan, ganoon siya kabilis na nagdesisyon na ibenta na lang iyon, bakit saka pa siya nalulungkot ngayon?Bukas, aalis na siya sa bahay na ito.
SA TULONG ng mag-asawang Meldy at Toto, mabilis na nagkaroon ng sariling bahay at lupa si Andrea sa lugar na iyon. At halos wala pang tatlong buwan buhat nang dumating sila roon, mayroon na rin siyang maliit na grocery store na kadikit lamang ng pinagawa niyang maliit pero presentableng bahay na angkop lamang para sa kanila ng magiging anak niya.Nakabili siya ng lote na may sukat na fourty square meters sa isang barangay doon, sa Barangay Mamangal. Tila paraiso ang lugar na iyon. Kaygandang pagmasdan ng dalampasigan na maituturing din na tourist spot lalo na kapag papalubog na ang araw. Tila ba nakakawala ng stress habang nakatunghay ka sa isang bahagi na iyon ng kalikasan.Bagama’t sinasabi na ang probinsiya ng Catanduanes ay ‘tahanan ng bagyo,’ dahil lagi itong dinadalaw ng masamang panahon, sa kabila naman noon ay nanatili itong nakatindig at napreserba ang kagandahan ng isla na ika-labingdalawa sa pinakamalalaking isla sa Pilipinas.Ani Andrea sa sarili, hindi niya pagsisisihan n
“WELCOME BACK!” halos sabay-sabay na bigkas ng mga kaibigan ni Vincent nang masaya siyang salubungin ng mga ito matapos siyang lumabas sa arrival area sa airport ng araw na iyon. Agad niyakap ng mga ito si Vincent nang buong kasabikan na animo’y napakatagal na panahon nilang hindi nakita.Sobrang saya rin ang nararamdaman ng binata nang mga sandaling iyon dahil makalipas ang mahigit isang taon, nakita niyang muli ang mga kaibigang itinuturing niyang bahagi ng kan’yang buhay. Iba pa rin talaga ang pagkikita-kita at usapan sa personal kesa sa madalas nilang pagbi-video call sa social media.Parang mga batang dinaluhong nina Roy, Fael at Gino si Vincent.“At last! Nandito na uli ang bachelor ng tropa!” sabi pa ni Gino. Ngumuso pa ito at hinalikan si Vincent sa pisngi.“Bachelor ka diyan, eh baka kamo natalian na ‘yan sa Japan no’ng Haponesa niya!” Sabi naman ni Roy na kinuha ang isang maleta sa kamay ni Vincent.“Ipapuputol ko ang isang daliri ko kung nagpatali na ‘yan, pare!” birong ham
ISA sa driver ng Team Vincent ang sumundo sa binata buhat sa restobar ni Fael. Habang daan kinumusta niya ang mga tauhan at ang takbo ng kompanya habang siya ay nasa ibang bansa.Bagama’t halos araw-araw naman niyang mino-monitor ang maliit niyang negosyo maging ang kan’yang mga tao sa pamamagitan ng pakikipag-usap niya sa mga ito thru video call, at malaki naman ang tiwala niya sa kan’yang mga tauhan na hindi pababayaan ng mga ito ang trabaho kahit hindi nila siya personal na kasama, mas kampante pa rin siya kung mapapakinggan ng personal ang updates sa Team Vincent. At sa dami ng mga napakinggan niya ngayon, nasiyahan siya sa mga narinig. Napatunayan niya, nasa Pilipinas man siya o wala, hindi babagsak ang Team Vincent. Maaasahan at mapagkakatiwalaan niya talaga ang kan’yang mga tauhan.Gabi na nang makarating ng bahay sina Vincent dahil sa mga dinaanang traffic pero gising pa si RJ na mat’yagang naghintay sa kan’yang papa.Halata ang kasabikan sa ‘ama’ sa naging reaks’yon ni RJ nan