Share

Chapter 74: He can't afford to lose them

ANG bilis lang ng panahon, tatlong buwan na siyang nakatira sa bahay ni Mikael. Lumaki na nga ang tiyan niya at nasanay na rin siyang magigising sa umagang may makikitang isang piraso ng bulaklak sa gilid ng kanyang kama. Makakatanggap ng mga pagkaing gusto niyang kainin at mga grocery. Ngayong araw nga'y heto siya nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakatitig sa isang piraso ng lily of valley.

"Mukhang wala siya talagang planong sukuan ako," mahinang aniya at inabot ang lily of valley at dinala iyon sa kanyang ilong.

Napapikit siya. "Ang sariwa, maganda at nakakaakit. Mahirap tanggihan at huwag pansinin ang bulaklak na ito ngunit, lily of flower is poisonous plant but it's safe to smell just don't eat it. Parang si Mikael, kahit alam kong bawal siya mahalin dahil siya ang lalaking tuluyang sumira sa tiwala ko sa mga lalaki. Ang lalaking siyang akala ko'y iba sa ama at ex husband ko ngunit hindi pala, siya pala ang puno't-dulo ng lahat pero bakit? Hindi ko siya magawang iwasan at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status