Kasalukuyan silang nasa Gov. Feliciano V, Mercado Gymnasium nang tawagin ni Sir Aniano ang mga boys upang magpa assists sa pag - aayos ng volleyball court para sa kanilang practical ng nasabing laro. Mabilis namang tumugon ang mga kaklase nilang lalaki para tulungan ang kanilang professor.
"Ash.. sa iyo muna 'to. Tulungan ko lang si Sir." habilin sa kanya ni Zanjoe ng mga gamit nito bago tuluyang bumaba sa bleachers.
Tumango siya sa kaibigan at kinuha ang gamit nito. Itinabi niya ang gamit ni Zanjoe sa mga gamit niya.
"There's something in the way he looks at you."
Napatingin naman siya sa katabing si Bergz, kaibigan at kaklase nila ni Zanjoe. Mismong taga San Diego naman ito.
"Hindi ako nagkakamali Ash. May something talaga."
'Nakakaloka naman 'to. Kung anu - ano ang naiisip.'
Natatawang umiling na lamang siya. "Hahaha.. you and your dirty mind my friend. Hindi kami talo ni Zanjoe. We're childhood friends. We practically grew up together."
"Ewan ko sa you Ash. Basta ako, I think I know what I saw." naniningkit ang dati nang singkit na mata nito. Pure Pinoy naman ito pero aakalain mong may lahing Tsino sa pagka singkit ng mata.
Maya - maya pa'y nakita na nilang natapos na ng mga boys at ni Sir Aniano ang pag - aayos sa volleyball court kaya bumaba na rin sila mula sa mga bleachers. Nang makita siya ni Zanjoe na pababa na ay sinalubong agad siya nito upang alalayan pagbaba.
Bergz smirked and raised her eyebrows. 'See. I told you.'
'Whatever!"
********************
Nakatulalang nakangiti lang si Ashley habang nakaharap sa kanyang laptop. Nangangarap lang ng gising ang peg. Katatapos lang kasi niyang panoorin ang Acoustic Cover ni Hugh ng awit na Flying Without Wings originally sang by 90's boyband WestLife. Tagos sa puso ang bawat liriko at tunay na napakasarap pakinggan ng boses ng binata. Kahit yata paulit ulit niyang panoorin sa you tube ay hindi siya magsasawa. Katunayan ay naka 86k views ito mula nang ma upload 1 month ago.
"Hoy!"
"Ay kabayo!" halos malaglag sa kinauupuan niya si Ashley sa gulat kay Zanjoe. "Ano ka ba naman Zan.. nakakagulat ka naman. Kung may sakit ako sa puso, kanina pa ako nakabulagta diyan."
Saglit siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa screen ng kanyang laptop.
"Paano namang hindi ka magugulat, tulala ka na naman diyan sa idolo mong si Hugh. Hamak na mas guwapo naman ako diyan ano." anitong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Oo na, oo na payag na ako kasi birthday mo ngayon. Ngayon lang ha." aniyang ngumiti sa kaibigan. "Anyway, Happy Birthday!"
"Thanks. Dumaan lang ako sandali dito para sabihan sina Tita na lumipat sa kabila mamayang 3 pm sa bahay. Nandiyan ba sila?" anitong bahagyang lumingon sa gawi ng kabahayan.
"Nandiyan silang lahat. Ang alam ko nasabihan na tin sila ni Ninang Karren. Don't you worry, we're coming. Para namang napakalayo namin para hindi pumunta. I heard kumpleto ang buong barkada nina mama eh." aniya sa kaibigan. Nasaksihan nila ang magandang samahan ng magkakaibigan ng kanilang mga magulang. Hanggang pati silang mga anak ng mga ito ay malalapit sa isa't isa. Pinakamatanda na sa kanila si Ate Sabina na kasalukuyang nasa Amerika though paminsan minsan ay bumibisita sa Pilipinas.
"Okay. O pano, huwag mong kalimutan ang gift mo sa akin ha." natatawang biro ni Zanjoe sa kanya.
"Siyempre naman Zanjoe. Malimutan ko ba naman iyon?"
Natatawa na lang na pinisil nito ang kaniyang baba bago tuluyang umalis.
'Ouch!'
*******************
Pawang mga nakangiti ang mga bagong henerasyon habang nakamasid sa mga magulang na nagkakagulo na sa kanilang Truth and Dare game na hindi nawawala tuwina sa mga ganitong pagkakataon. Ang pamilyang palaki nang palaki sa pagdaan ng panahon.
Sa tuwina'y ang pasimuno ay ang kanyang amang si Jerson na sari - sari na ang naiisip na pakulo. Napapailing na lamang sila ni Apollo.
"Kumain ka na ba Ash?" ang tanong sa kanya ni Ate Yna (short for Martheena) na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Kararating lang nito dahil galing sa duty nito sa SDGH as heart surgeon. Kinaiingitan at hinahangaan ng marami si Yna hindi lang sa husay nito as a heart surgeon kundi maging sa taglay nitong ganda . For her, papasa itong model o artista given a chance. She was tall, lean and really pretty. Pero mukhang malabo rin sapagkat napaka conservative ng Ninong Martin niya.
"Yes po ate Yna. Tapos na po ako. Dinalhan na po ako kanina ng pagkain dito ni Zan." sagot niya sa dalaga.
Tumago - tango naman ito. "I see."
Kasunod nitong dumating si Zeus na may dalang pagkain. Tumabi naman ito sa nakatatandang kapatid. Mukhang wala sa mood ang kapatid ni ate Yna.
"Bakit naman ganyan ang itsura mo Zeus?" tanong niya dito.
"Because the sight of the witch makes me feel sick." anito sa gitna ng pagkain. Saka tinapunan ng masamang tingin si Fritzene na anak nina Tita Bing at Tito Celso sa kabilang table. Kasama naman nito sa table ang kakambal niyang si Apollo, ang anak nina Tita Mhelai at Tito Lucas na si Zach, sina Jared at Jamie na anak nina Tita Mhelrose at Tito Jim, ate Aezzle na anak naman nina Tita Eden at Tito Jigs.
Yeah. The famous war between Zeus and Fritzene is not yet over after almost 2 decades. Kailan kaya ang mga ito magkakasundo?
Maya - maya pa'y umupo sa kanyang tabi ang birthday boy na si Zanjoe. Binati naman ito ng magkapatid na Zeus at Yna.
"Happy birthday Zan!" ani Zeus na mukhang nag - iba na ang mood.
"Happy Birthday Zan! Sorry. Medyo nahuli ako. Galing pa kasi akong duty eh." anang dalaga.
Tumago naman si Zanjoe bago nagpasalamat sa dalawa.
"Anong gusto mo? Ikukuha kita sa loob?" Tanong ni Zanjoe sa kanya.
"Hindi na. Sobrang busog ko na oh." aniya showing her bloated tummy to him.
Nagpalipat lipat naman sa kanila ang tingin ng magkapatid na Zeus at Yna.
"You know what, kung hindi lang namin kayo kilala, we'll be thinking that you're more than friends."
'Yeah great! There goes the line again.'
************************
When the visions around youBring tears to your eyesAnd all that surrounds youAre secrets and liesI'll be your strengthI'll give you hopeKeeping your faith when it's goneThe one you should callWas standing here all alongAnd I will takeYou in my armsAnd hold you right where you belongTill the day my life is throughThis I promise youThis I promise you Nang matapos umawit ng This I Promise You ng NSYNC ay kaagad na nagpaalam sa crowd si Hugh. Tilian at sigawan ang maririnig lalo na sa mga kababaihan. Nagpunta na siya sa backstage at dumiretso sa dressing room nila. Nadatnan niya doon si Matthew. "What's up?" aniya "Just fine bro.. I'd better prepare. I'm next." Kagaya niya ay singer - actor din ito. Halos nagkakapareho sila ng genre. Kasalukuyan niton
One of the biggest regret ni Ashley ay hindi man lang siya nakapagpa picture with Hugh. Natulala na lang talaga siya. Nakaka starstruck lang kasi talaga. Napabuntunghininga na lang siya sa sobrang panghihinayang. 'Sayang naman.' Once in a lifetime lang hindi pa niya nasulit. Hindi pa naman siya sigurado kung kailan niya muli itong makikita. Sana soon. ASAP. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa pathway ng BISU. "Siopao for my Ash!" 'Isa pa naman ito. Bigla bigla na lang sumusulpot.' Nasa harapan na niya ngayon si Zanjoe habang iniaabot sa kanya ang paper bag na may lamang siopao mula sa isang kilalang convenient store. "Ano na naman 'to? Tumataba na ako sa mga binibili mo eh. Paano pa ako magugustuhan ni Hugh My Loves nito?" Hindi makapaniwalang tumingin
Dahil ayaw na niyang gambalain ang mahimbing na tulog ni Ashley, ipinasya niyang huwag itong gisingin at pangkuin na lang hanggang sa silid nito. Hinayaan naman siya ni Manang Lydia na ihatid ang dalaga sa silid nito. Nang maibaba ang dalaga ay dahan - dahan inalis niya ang sapatos at medyas nito upang hindi ito magising. Lumuhod siya sa gilid ng kama at tinitigan ang magandang mukha ng dalaga. Maging sa pagtulog nito ay halatang may dinaramdam. Inilinga niya ang mata sa loob ng silid. There goes their pictures together. Simula pagkabata hanggang ngayong mga dalaga't binata na sila. 'Hays. Ito talaga ang mahirap sa magkasamang lumaki. Maaga pa lang ay na friendzone na siya. How he wished they didn't grew up together.' For Ashley what they have is a platonic relationship, but for him it was the other way around. He didn't know when did he start lo
"How do you feel now?" tanong ni Zanjoe kay Ashley na kasalukuyang nakahiga pa rin sa kama nito. Marahil gawa ng pangyayari kahapon samahan na naulanan ang dalaga kaya masama ang pakiramdam nito. Inilapag ni Zanjoe ang dalang prutas para kay Ashley bago umupo sa gilid ng kama nito. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng dalaga. Nanatili lang na nakatingin sa kanya ang dalaga. "Are you mad at me?" nag - aalangan niyang tanong dito. Hanggang ngayon kasi sinisisi pa rin niya ang sarili niya kung bakit nangyari iyon sa dalaga. Mula sa pagkakahiga ay marahan itong umupo na maagap naman niyang inalalayan. "No. I'm not. Bakit naman ako magagalit sa iyo? Hindi mo naman ginusto na mangyari iyon Zan. Thankful ako sa 'yo kasi lagi kang nandiyan. You're the best man ever!" bagaman malamlam an
Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang Bahamas Flipflops slipper sa kakaparoon - parito niya sa may garden nina Ash. Kanina pa siya pinapapasok sa loob ng kabahayan ni Apollo ngunit panay ang tanggi niya. Nanawa na rin yatang magyaya kaya hindi na umulit si Apollo. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa dalaga. Dapat nandito na yun kanina pa. Nagtext ito sa kanya na bibili lang ng VCD sa Oddysey Multi Media Store sa isang kilalang department store. Natrauma na talaga siya sa nangyari dito a month ago. Kung puwede nga lang kasama niya ito 24 hours a day, ginawa na niya. 'Damn! Pick up the phone Ash!' Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Hindi nakakatulong ang hindi nito pagsagot sa kanyang mga tawag sa kaba at takot na nararamdaman. Pumasok na siya sa kabahayan nina As
Ilang araw na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin makapaniwala si Ashley na may komunikasyon sila ng songwriter slash singer slash actor slash model na si Hugh Perez. Tuwing umaga hindi ito nakakalimot magtext at bumati sa kanya. Sa gabi naman ay through video call. Kaya naman tuwing hapon ay excited na siyang umuwi ng bahay upang makausap na si Hugh. Hindi naman niya magawang ishare ang kabanata ng buhay niyang ito sa kaibigan niyang si Zan dahil tiyak na tatawanan na naman siya nito. Baka isipin na naman nitong nababaliw na siya gaya nang dati. It was a dream come true. From the moment she laid her eyes on him noong contender pa lang ito ng XYZ Factor, agad na napukaw nito ang kaniyang atensiyon at interes. Hindi naman siya couch potato at mahilig sa mga artista but when she saw Hugh, hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa binata. Total package ito, hindi trying hard na tulad ng iba at talaga namang t
"Ano! Manonood ka ng concert sa Manila nang mag - isa? Are you crazy?" hindi napigilang itanong ni Zan kay Ashley. Umiling naman ang dalaga. "Hindi naman ako mag - isa eh. Kasama ko naman sina Bergz, Jean at Eufritz." Tukoy niya sa mga kaklase at kaibigan sa BISU na sina Bergilen, Jean at Eufracia. 'You should have told me earlier. Para nagawan ko sana ng paraan na may nakarelyebo ako sa Sweet Buds at para nasamahan ko kayo." anitong hinihilot ang sentido. Wala na itong choice ngayon kundi magpaiwan dahil sold out na rin ang tickets ng concert nina Hugh Perez, Keith Pangilinan at Matthew Valdez. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso nito. "Sorry Zan.. naging excited lang ako. Nakalimutan kong sabihin sa'yo." Sinimangutan at sinamaan lamang siya nito ng tingin. Mukhang masama talaga ang loob nito sa kanya.
Sa kabila ng mga tilian at hiyawan ay walang ibang naririnig si Ashley kundi ang malakas na tibok ng kanyang pusok. Nang dumistansiya sila ni Hugh sa isa't isa ay nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Maya maya pa'y dumating si Kristel sa harap ng entablado at nakangiting ikinawit ang mga braso sa beywang ng binata. Humarap naman si Hugh sa dalaga. A w k w a r d! Hindi pa man siya inihahatid ng binata pababa ng stage ay inunahan na niya ito. Yumukod at ngumiti siya sa mga ito. Malawak ang entablado pero wari niya'y napakaliit para sa kanilang tatlo. Three is a crowd, they say. Isa pa hindi na niya makayanan ang masasamang tingin, parini