Share

Kabanata 2

Maria's pov

Mainit na noong pumunta ako sa University para magenroll. Dala ko ang mga requirements na nilagay ko pa sa brown envelope para hindi matupi.

Mahaba na ang pila sa registrar pagkarating ko. Masakit na rin ang paa dahil naglakad lang ako. Medyo malayo rin pala ang studio type apartment na kinuha ko. Nakalipat na ako roon noong isang araw. Mabait ang may-ari at maayos kausap kaya mas panatag ako roon keysa sa dating apartment.

May mga window sa registrar at numero roon na nakalagay siguro kada department ang window doon kaya nagtanong ako sa mga babaeng nakaupo sa waiting area kung anong window ba ang CAS department since Bachelor of Arts in English Language ang kukunin kurso.

I was hesitant at first to ask because their gaze is killing me like I did something terrible to them.

“H-hello.. puwede po magtanong?”

Nagtaas agad ng kilay ang nasa gitna nila na tila ba'y ang bastos kong sumingit bigla sa kung ano man ang pinag-uusapan nila kanina.

“Yes?”the other girl on the left answered.

“Uhm saan pong window iyong sa CAS department?”I asked shyly, nevermind their almost murdering gaze.

Hinead to foot ako ng nasa gitna. Agad akong nahiya at nailang sa ginawa niya. I step back a bit, remembering what I'm wearing today.

Nakasuot lang ako ng blouse na puti at maong na kulay blue. Ang sapatos ay hindi pa nalabhan dahil sa ibang kulay nito. Dati ay puting-puti pero ngayon ay may halo ng itim dahil sa halos araw-araw kong pag-suot kapag aalis ng bahay.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. I can sense that they wanted to laugh about something.

“Bago ka?”the right girl asked.

“O-opo, nakapasa po kasi ako sa CAT k-kaya naisipan kong magenroll ngayon. BAEl po iyong kursong kukunin ko k-kaya–”

Tinaas ng babaeng nasa gitna ang kaniyang kamay na tila pinapatigil ako sa pagsasalita. I bit my lower lip. Stupid, Maria! Dapat hindi ka na nagexplain pa!

Baka isipin ng mga babaeng ito na feeling close ako o ano. Mukha pa naman silang mayaman dahil sa tatak ng bag ng babaeng nasa gitna.. channel. At ang mga dress nilang maganda sa mata.

“There's a guard their doon ka magtanong. Do we look like an assistant box to you? Cheap, nageexplain pa as if we care,”the girl in the middle said in her disgust tone making me feel ashamed.

Nagtawanan pa sila ng mga kasama niya at nagbulungan nang hindi na ako nakasagot dahil sa pamamahiya nito.

“Paano ba nakapasok iyan dito? She looked like a commoner. I bet she couldn't even afford buying new shoes.”

“She should enroll in other University, AU is high end and she's just as loser at her shoes.”

They laugh again like my feelings isn't important at all. Like the pain they've cause to somebody isn't a big deal to them. Kaya naman nilang pagtakpan ang mga pambubully nila dahil mayaman sila kung sakaling may magreport.

I feel hurt yet I set aside it and swallow everything. Wala naman akong magagawa kung ganun tingin nila sa akin. They are rich and had many influences.

Tama rin naman sila AU is high end. Mahal ang tuition fee at mayayaman ang nag-aaral dito. Siguro ngayon lang sila ng nakakita ng bagong studyante na mahirap kaya ganoon ang mga reaction nila. I can't blame them though kahit ako kapag nakikita ko ang sarili sa salamin, I always thought I'm a loser.

Imbes na patulan ang mga pinagsasabi nila ay tumalikod na ako at ngumite sa sarili. I told you so, Maria. Not everyone is nice. Money can't really buy good attitude.

Nagtanong nalang ako sa iba. Buti nalang ay mababait ang sunod kong pinagtanungan. Ana ang pangalan ng babae at katulad ko ay mahirap din sila. Nakakuha lang daw ng scholarship kaya nakapag-aral dito. Nalaman kong parehas din pala kami ng kurso kaya mas madali sa akin na kausapin ito ng hindi naiilang.

Siningit niya ako sa pila para sabay na raw kami. Tumanggi pa ako dahil nakakahiya kung isisingit niya ako lalo pa't maaga iyong iba rito para lang makapagsumbit din ng maaga pero sinabi niya na okay lang daw dahil marami rin daw gumagawa ng ganoon. Still, I apologize to those students. Ngumite lang iyong iba at sinabi na basta makapasa at huwag macut-off'n ay ayos lang daw.

Matapos naming maipasa ang requirements sa registrar ay pumunta muna kami sa canteen para makapagmeryenda. Sinabihan lang kami na intayin nalang ang Assessment certificate para makabayad na sa accounting at tuluyang makaenroll.

Madaldal si Ana at parang hindi nauubusan ng kuwento habang kumakain kami. Bumili lang ako ng sopas at mountain dew pantawid ng gutom dahil hindi ako nagbreakfast kaninang umaga.

“Naku mag-ingat ka sa mga mayayaman dito. Wala silang kinakatakutan. Halos lahat kasi ng parents nila ay nagdodonate sa school o may share kaya hindi sila takot mambully!”Ana informed me nang naikuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina.

Tumango naman ako. Iyon din ang iniisip ko iiwasan ko sila kung gusto kong maging payapa ang pag-aaral ko rito.

“Anway kung wala kang scholarship edi nagwo-work ka? Anong work mo?”she asked curiously while slowly chewing the siomai in her mouth.

“Waitress,”I answered shortly and continued sipping on the sopas’ soup.

Wala namang mali sa tanong niya ngunit kapag usapang trabaho ay hindi ko mapigilang mailang kaya hindi ko madetalye ng maayos ang sagot.

Who would be proud if your work is selling your nudes online just to make a living?

“Hala, parehas pala tayo ako rin waitress!” she chuckled.

I looked at her, slightly curious. “Saan?”

“Dyan lang sa malapit.” Kinumpas niya pa ang kamay na tila ba'y sinasabi na sa tabi-tabi lang.

“Ikaw? Saan ka nagwa-waitress?”balik niya sa tanong ko.

I sighed. If she will judge me then it's fine. “Sa bar,”walang pag-aalinlangan kong sinabi.

Her eyes widened and her hand flew onto her mouth like she was shocked at my line of work. I smiled forcedly at her reaction and just continued eating my sopas like it's not a big deal to me.

“Shitt, parehas tayo!”bulalas niya bigla dahilan para mag-angat ako ng tingin na namimilog ang mga mata.

I don't know why but I suddenly feel relieve. Maybe, because I just found someone else who work in a bar too. I find ally in her words.

“T-talaga?"

Tumango-tango siya at uminom sa kaniyang tubig. Pagkatapos ay humilig siya palapit na tila ba'y ayaw marinig ng iba ang sasabihin.

“Oo, malaki ang kitain eh kaya sinunggaban ko na. Pinipilit pa ako ng kasamahan ko roon na ibenta ang sarili pero ayoko! Desperada ako pero mahal ko ang sarili ko!”she said like she's aiming for a fight.

I smiled sadly. “Same.”

“Inofferan ka rin?” She looked amused while looking at me.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Oo pero tumanggi ako. Gaya mo.. mahal ko rin ang sarili ko.” Sinungaling.

Tumango-tango ulit siya at sinubo ang huling siomai sa kaniyang cup.

“Pero alam mo, pinag-iisipan ko iyon ngayon. Mahirap talaga kami at kung tatanggapin ko ang trabaho ay mababayaran ko na ng buo iyong bahay namin!”sabi niya na parang wala sa sarili.

Hindi ko siya masisisi kung ganoon ang iniisip niya. Kahit ako kung maraming gastusin ay hindi ko mapigilang ikonsider ang trabaho na iyon. But right now I'm still contented.

“Ana, marami pang ibang trabaho dyan. Kaya nga tayo mag-aaral para makahanap ng magandang trabaho bukod sa pagwa-waiter eh,”I said to make her refuse considering it.

Ngumuso siya. “Maria, virgin ka pa ba?”

My lips parted and couldn't talk for a second. I looked at her with confusion and shocked.

“Yes, why?”I answered hesitantly.

Kinagat niya ang ibabang labi at parang nahihiya pa niyang amining, “Ako kasi hindi na.”

Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako sa kaniya. Kung gulat ako paniguradong hindi kita iyon sa aking mukha. Namumula naman ang pisngi niya sa pag-amin. Sigurado ay iniisip niya na jinujudge ko siya.

Who am I to judge her? Besides Ana is pretty and bubbly. By just one look you'll know that she's nice and friendly. Ngunit gaya ng sabi ko hindi lahat ng nakakasalamuha mo ay mabait. Everyone has a skeleton in their closet.

“No need to feel bad about it, Ana. Magiging masama lang kung iniisip mong ikonsider ang ganoong klaseng trabaho dahil lang sa hindi ka naman na virgin,”pambabasag ko ng katahimikan.

Hindi siya nagsalita kaya dinagdagan ko. She just keep looking at her cup that's now empty as if she's thinking of what I'd just said.

“Selling yourself to other people will not make you happy. Kumikita ka nga ng malaki pero mag-iiba na tingin mo sa sarili mo. You'll feel disgusted that you couldn't even look at yourself in the mirror. Money is everywhere, Ana hindi pinupulot pero kinikita sa tamang paraan o trabaho,”dagdag ko.

I know I'm being hypocrite for telling her advices that I don't even do. I'm also selling nudes to other people and they pay me big but I'm not happy. I always feel disgusted and dirty of myself. It's not easy to deal with clients every video call just to touch any part of my body to satisfy them.

My face isn't seen but I own my body. I'm not afraid for sending them nudes because some of it we're not mine. Hindi akin ang iba kaya minsan nakakampante akong magsend at kumita.

Tumango si Ana at hindi na nakasagot. I just hope she realizes and understand the consequences of accepting that job. Once you enter you won't be able to get out easily. You are forever chained and the only way to come out is to.. die.

Two o'clock kaming natapos sa enrollment ni Ana. Sumabay siya sa akin sa waiting shed dahil parehas din pala kami ng way. Pagod na ako kakatayo sa pila kaya naisipan ko nalang na magjeep para mas mabilis makauwi sa apartment.

Sumakay kaming dalawa nang may tumigil na jeep sa tapat namin. She paid for my fare even though I refused. Sabi niya pasasalamat nalang daw niya sa akin iyon dahil sa sinabi ko kanina. Hindi na raw niya ikokonsider na magtrabaho roon.

I was happy to hear it. Maybe, heaven sent her to me so that I wouldn't dare considering the job too. Before we parted ways, kinuha niya ang F******k ko para raw doon kami magkuwentuhan habang hindi pa nagsisimula ang klase. Binigay ko sa kaniya bago ako tuluyang bumaba ng jeep.

Bumili ako ng dinner sa malapit na karinderya sa labas ng apartment. Munggo at fried tilapia ang binili ko dahil iyon lang ang nagustuhan ko sa tinitinda roon.

Hindi pa ako nakakabili ng bagong rice cooker para sana mas madaling magluto ng kanin kaya pati kanin ay binili ko muna para hindi na ako mag-abalang magluto. Bukas bibili na talaga ako ng rice cooker tutal may sapat na pera na ako para makabili.

Pagkatapos kumain ay naligo ako para icheck ang page kung may kliyente ba ako ngayong gabi. As of now, there's two client who wants me to send feet pics kaya naman nagpicture ako ng paa at sinend sa kanila.

I even respond to some possible clients who are asking how much is the payment, where they could sent their payment and more. I was about to log out but then a familiar name pop out from my messages. I click the name to read his message.

Jackson:

No need to give it back. Just considered it as an advance payment.

Isabella:

Advance payment for what, sir? Hindi po kasi ako nagpapaadvance.

Jackson:

Typing..

Kumunot ang noo ko nang tumigil ang pagtype niya na tila ba'y hindi alam ang isasagot. Ilang minuto bago ulit ito lumitaw pero bago ko pa makita ang sinend niya ay nakatanggap muna ako ng text message galing sa banko na may nagsend ng 50 billion sa account ko!

What the hell? Did he just.. in trembling hands I click his profile and I got stunned by his message.

Jackson:

I think that's enough payment to buy you, hu? Maybe now I can finally see your face every video call or even in person. Try to send that back, you will regret it.

Nabitawan ko ang cellphone dahil sa panginginig ng mga kamay. Parang may kung anong dumagan na malaking bagay sa aking dibdib na sa isang iglap ay parang hindi ako makahinga.

Anong tingin niya sa akin? Bayaran na babae?! Sinabi ko naman na sa kaniya na hindi ako ganun!

Yes, I sell nudes but it doesn't mean that I'm a prostitute. Hindi ako ganoon. Hindi!

Umiling ako at pumikit ng mariin. May naramdaman akong lumandas na luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinawi.

No, you won't cry over this, Maria! Bakit mo iniiyakan ito? Pinili mo ito kaya magtiis ka! I sniffed and composed myself.

I swallowed hard and picked up my phone to check if there's other message rather than that but there's none so I type in a message.

Isabella:

Hindi po ako bayaran, sir kaya ibabalik ko po ang pera niyo. I know girls who sell themselves puwede po kitang irekomenda.

I send the message like I never humiliated at all. Agad ko ring pinatay ang cellphone para hindi ko na ulit makita kung nagreply ba siya o hindi.

Humiga na ako sa kama at nagpasyang matulog. Kinabukasan ay tahol ng mga aso at katok sa pintuan ang nagpagising sa akin. Kinusot ko ang mga mata at bahagyang humikab bago bumangon.

I reached for my phone to see what's the time and it's still six in the morning. Kumunot ang noo kong napatingin sa pintuan dahil nakarinig ulit ako ng katok galing doon.

I grab my towel and put it on me before walking at the door. Binuksan ko ito ng dahan-dahan and to my surprise I saw Ayanna on my doorsteps. May dala siyang maleta at isang bagpack.

I panicked when I saw her face! Mugto ang mga mata niya at kawawang-kawawa ang itsura!

"A-anong nangyari?!"nag-aalala kong tanong.

Imbes na sagutin ako ay niyakap ako nito ng mahigpit at humagulgul sa aking balikat. I was so shocked that I don't know what to do!

What the hell?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status