Share

ONE

RAFAELA'S POV

"Ano na, Raffi, papayag ka ba? Kailangan mo ng pera, 'di ba?" Napatingin ako sa matalik kong kaibigan,  Kimberly Trina Ann Salcedo,  a fine woman who was contented of being somebody else's mistress.

"Ano nga  ulit ang sinasabi mo?" tanong ko rito ng mawala ako sa pokus sa pinag-uusapan namin nang may makita akong isang gwapong lalaki na pumasok sa D****e cafe na pag-aari ni Trina, kasama ito ng isa sa mga lalaking kaibigan ni Trina at papalapit sila sa gawi namin.

Sasagot na sana si Trina sa akin nang marinig niya naman ang pagsambit ng kaibigan niya sa pangalan niya, "Trina." Kaya napalingon ito at napatayo... niyakap niya ang lalaki at nagbeso-beso sila.

"Siya na ba iyon, Atlas?" tanong naman ni Trina sa lalaki at tumingin sa gawi ng kasama ni Atlas na isang gwapong nilalang. Sana... sana ay single pa ito. Please po, Lord... sana siya na lang ang lalaking nakatakda para sa akin. piping panalangin ko naman sa aking isipan habang nakatingin at pinagpapantasyahan siya.

"Ah, yes... meet Gabriel Mondragon, one of my good friends in college," pakilala naman ni Atlas sa kaniyang kasama.

Gabriel Mondragon... ang lalaking bagay sa akin, at babagay lang sa akin.

Napa-upo naman ako ng maayos nang mapatingin ito sa gawi ko.

"Oh siya, maupo na kayo upang mapag-usapan na natin ang mga dapat pag-usapan."

Umupo naman si Atlas sa tabi ni Trina at syempre sa tabi ko naman umupo si Gabriel.

"Sino ang magandang babaeng kasama mo, Trina?" biglang tanong naman ni Atlas kay Trina nang mapadako ang pansin nito sa akin. Ngumiti lang din ako. Maganda raw ako eh!

"Ay oo, si Rafaela nga pala... Rafaela Santiago, kaibigan ko at ang sinasabi ko sa 'yo na maaaring makatulong sa kaibigan mo." Napakunot-noo naman ako sa sinabing iton ni Trina, anong makakatulong? Wala naman itong binabanggit sa akin ah.

"A-anong sinasabi mo, Trina?" pagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pag-iling at ngisi ni Atlas.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Trina... you are always making things so complicated with the people around you. Akala ko ba pumayag na ang kaibigan mo..." 

Hinawakan naman ni Trina ang kamay ko na nakapatong sa mesa, at tinignan ako ng seryoso...

"You need money, right? At ayaw mo namang humiram sa akin. Ito na ang sagot sa problema mo, Raffi... just a night with him, and nine months of bearing his child."

"What do you mean? Surrogacy?" kunot-noo kong sambit kay Trina at napatingin sa gawi nong Gabriel Mondragon na tahimik na nakikinig lang sa amin.

"Oo, Raffi... in simplest term, maging baby-maker ka niya. And he is willing to give any amount that you needed. Right, Mr. Mondragon?"

Napansin ko naman ang pagtango nito bilang pagtugon kay Trina. Dumako naman ang pansin nito sa akin.

"Yes, I am willing to pay you in any amount that you want, basta mabigyan mo lang ako ng anak... an heir," sambit nito. 

There are sadness in his beautiful green eyes. And he had this aura na so powerful at kaya niyang ipaikot ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pera niya, na kaya niyang makuha ang lahat ng gustuhin niya... ngunit may kulang, I can feel it sa paraan ng pagtingin niya sa akin. He looks begging to me for something that will make him whole as a man, again.

"Any amount? Even a million?" seryosong tanong ko sa kaniya.

Kung hindi ko lang kailangan ng pera... hindi ko ito gagawin. Ngunit may isang bagay lang na tumatakbo sa aking isipan. Isang tanong...

"Kailangan mo ng anak, bakit hindi ka na lang mag-asawa at gumawa kayo ng mga tagapagmana niyo? Why get a baby-maker like me?"

Napabuntong-hininga naman si Gabriel... pero si Atlas na ang sumagot ng katanungan ko.

"Gabriel is already married..."

At parang nabuhusan naman ako ng napakalamig na tubig nang maramdaman ko ang pangangatog ng aking tuhod, mabuti na lamang at naka-upo ako kaya hindi ako natumba dahil sa panghihina nito.

Kasal na siya... Hindi na kami pwede...

"Iyon naman pala eh! So why need me?" 

Alam ko naman na ang maaaring sagot sa tanong ko ngunit mas pinili ko pa ring marinig ito mismo mula sa kanila. I don't want to assume anything hangga't hindi ito harapang sinasabi sa akin.

"Dahil hindi pwedeng mabuntis ang asawa ko..." marahang sagot ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya.

"At iyon din pala, Raffi... hindi pwedeng malaman ni Rowena Mondragon, ang mamamagitang kontrata sa inyo ni Gabriel. Sekreto lang ito between the four of us." Napatingin ako kay Atlas dahil sa sinabi niya.

"Paano iyon? Paano ang bata? Pagkatapos ko siyang iluwal, paano siya mapupunta sa kanila?" Naguguluhang tanong ko naman kay Trina.

"Ipapalabas ni Gabriel na mag-aampon siya... and that would be, iyong magiging anak niyo. Ano... okay na ba, Raffi? Are you willing to do the job... you need money,"

Napatingin ako kay Trina... alam ko gusto lang akong tulungan ni Trina, maresolba ang problema ko sa Hacienda namin. And maybe, Gabriel Mondragon is the right person to help me resolve it by me helping him resolving his own problem.

Just only a night with him and nine months of bearing his child...

"Teka, kailangan ba talagang sexual intercourse? Hindi ba pwedeng Intrauterine insemination, sperm niya, matres ko... ganoon lang."

"No, mas mapapadali ang lahat, Raffi, kapag mag-sex kayo, isang gabi lang naman... at siguradong makakabuo na kayo..."

"How sure you are, Trina na makakabuo kaagad kami sa isang gabi lang?"

"Dahil alam kong regular kang pumupunta sa isang Obgyne to check your fertility, di ba?"

"Oo, and so far... normal at healthy naman ako. And my doctor said, mabilis lang akong mabubuntis kaya pinag-iingat niya ako."

Tumikhim naman si Gabriel kaya napatahimik kami na naging signus naman niya para magsalita... at napansin ko ang pagbabago sa aura niya. Bigla siyang naging intimidating and nakakatakot.

"So, it's settled then... simple lang naman ang conditions ko na nasabi na rin naman ni Atlas, hindi ito maaaring malaman ng asawa ko, ayoko siyang masaktan... at isiping nabuntis ko ang kabit ko. I just want a happy life, a happy family with her and my own flesh and blood."

Napatingin naman ito sa akin, nag-iba na ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ngayon unlike kanina na puno ng pagsusumamo. Now, he was looking at me na parang ang dumi kong babae to accept this kind of job. Kaya napayuko ako...

"Ako ang bahala sa lahat ng kakailanganin mo, kapag buntis ka na... I will pay in any amount that you want. At kapag nabayaran na kita, wala ka ng pakialam sa magiging anak natin, akin ang bata, sayo ang pera... at doon na matatapos ang kontrata natin sa isa't-isa, hindi ka maghahabol sa kung ano man. Deal?"

Napantingin ako kay Trina, at napataas-kilay lang ito at tumango.

A sign na pumayag na ako dahil ito lang ang pinakamabilis na paraan para mabawi ko ang Hacienda namin sa kamay ng mga De Guzman.

Just a business deal... nothing more, nothing less.

"Basta ba kukunin mo na kaagad sa akin ang baby, pagkaluwal ko sa kaniya... and don't you dare fall in love me," sambit ko at tumango naman siya sabay ngisi bilang pagsang-ayon sa mga kondisiyon ko.

"Then... it's a deal."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status