Share

Chapter:7 Jealousy!!!

Vanessa POV

Matamang naka tingin ako kina Tyrone at Althea na noon ay naglalaro sa sala, tila ang saya ng mga ito, kong titingnan mula dito sa malayo mukha silang mag ama. 

"Hindi kaya anak ni Tyrone ang batang yan sa ibang babae! " bulong ng isip ko habang naka tingin sa kanila. 

Biglang nagliwanag ang isip ko sa isipang iyon.. Paano kong may anak nga si Tyrone sa ibang babae! 

Hindi ba at malaking kahihiyan sa pamilya namin to! Kailangan kong alamin ang totoo! Gusto kong malaman kong nagsisinungaling nga sa akin ang asawa ko! 

Humanda siya sa akin oras na nalaman kong may anak siya! 

Pero teka nga! Hindi ba pagkakataon ko na to! Oras na nalaman kong mag ama nga sila! Pwede kong magamit iyon para makawala sa kasalang ito! Maiiwan ko na rin siya gaya ng gusto kong mangyari! 

Lihim akong napa ngisi, kailangan ko nalang ng DNA test nilang dalawa. 

"Mommy!" Tawag ni Althea bago pagtakbong lumapit sa ina. 

"Careful baby! " tili ko lalo na at bigla siyang tumalon para yakapin ako, buti nalang naging maagap ako sa pagsalo sa kaniya. 

Haist this brat!

Kanino ba siya nagmana! Napakatigas ng ulo niya! Napaka brat niya. 

"Sorry mommy, I'm too excited to hug you, hindi po kasi kita nakita last night bago ako natulog, daddy told me na your hanging out with your best friend," inosenteng wika pa nito while pouting. 

Naka ngiting inilapag ko siya sa couch bago marahang pinisil ang pisngi niya, bakit ba napaka cute ng batang to, hindi ko ma resist ang ka Inosentihan niya. 

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na tinatawag niyang mommy pero aaminin ko, kakaiba ang dulot nun sa akin.. 

"Gusto mo bang sumama mamaya sa lakad ni mommy? " naka ngiti kong tanong sa kaniya. 

"Kasama natin si Daddy? "

"Ah no. " agad kong sagot. " I mean, hindi natin pwedeng isama si Daddy, his too busy and besides gusto kong ma solo ang bonding nating to. " paliwanag ko sa kaniya. 

Inosenteng tumingin naman ang bata sa ama na tinanguhan lang ni Ron sa bandang huli.. 

"Okay lang baby, next time bawi si daddy okay,, at isa pa subrang hectic ng schedule ngayon ni daddy sa company. " pagsisinungaling ni Tyrone sa bata ang totoo wala naman talaga siyang plano ngayong araw. At pwede naman niyang e cancel ang meeting niya sa ibang investors.

"It's okay we can hangout sometime right, I love spending time with my daddy. " bulalas pa nito bago muling tumakbo sa ama ay pinupog ito ng halik sa pisngi. " I love you daddy. "

"I love you too sweetie. " masayang sagot ni Ron bago kinarga ang bata. 

Sa nakikita ko ngayon hindi maikakailang mag ama nga sila, plinano kaya lahat ng to ni Tyrone! Kaya napunta sa amin ang bata! Gusto niyang maging ina ako ng anak niya sa labas. 

Kaya lang bakit ganito? Bakit ang gaan ng loob ko sa bata? Sigurado akong hindi dahil sa napakalambing niya at napaka cute niya.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati! Kasalanan tong lahat ni Ron! Oras na napatunayan kong mag ama nga silang dalawa! Ito na ang katapusan ng pagpapanggap nila! 

Kailangan kong makakuha ng DNA sample ni Ron, hindi na ako mahihirapan pagdating sa bata. 

....... 

Gaya ng sinabi ko kay Althea, sinama ko nga siya sa lakad ko, which is ang pagkikita namin ni Kent. 

Hindi ko alam kong bakit subrang tahimik ngayon ni Althea, hindi gaya kapag kasama niya ang daddy Ron niya na tila yata walang mapag lagyan ang kakulitan niya. 

"Baby do you want something-" usisa ni Kent na hindi rin natapos dahil sa maagap na sagot ng bata. 

"No." Maagap na sagot ng bata sa tanong na iyon ni Kent. 

"Althea, hindi mo kailangan maging rude kay Tito Kent mo. " saway ko sa kaniya, umiral na naman kasi ang pagka brat niya. 

Noon lang siya tumingin sa mga mata ko, the sadness in her eyes, kahit na nasa murang edad niya, hindi ko alam pero kumislot ang puso ko sa sakit ng makita ang lungkot sa mga mata niya. 

I was about to talk ng umiwas siya ng tingin sa akin. 

"I'm sorry Mr. Zhang. " hinging paumanhin ng bata bago tahimik na uminom nang juice. 

Pansin ko parang nagbago siya, naging malayo siya sa akin ng mga sandaling yun habang tila dinudurog ang puso ko sa pinapakita niya. Mas sanay kasi akong naglalambing siya kahit na pinagsasabihan ko. 

Natapos ang buong pamamasyal namin na napaka tahimik niya, kapag kinakausap ko naman siya YES at NO lang ang sagot niya. 

At her young age, naging cold siya sa akin,, hanggang sa umuwi kami,, tahimik lang siya na naka tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. 

"Thea,, " tawag ko sa kaniya, I hold her tiny hands pero wala akong reaction na natanggap mula sa kaniya. "Galit ka ba kay Mommy dahil sinaway kita kanina,the way you talked to him. "

"No." Sagot pa nito

"Thea I know-"

"Finally we're home! Makikita ko na si Daddy. " masayang wika nito bago nagmamadaling bumaba ng sasakyan at hindi na inantay ang ina na matapos sa sasabihin. 

Takang naka tingin ako sa mga kamay ko, ngayon niya lang ako binitawan ng ganito, parang away niyang madikit ako sa kaniya. 

Malungkot na sumunod ako sa kaniya sa loob ng bahay kong saan nakita ko siyang naka kanlong kay Ron habang naka siksik ang ulo nito sa leeg ng ama. 

Tumingin sa akin si Ron, pero blanko ang mga mata niya, ang tingin na yun ay parang kagaya ng kay Althea. 

What have I done! 

Walang imik na tinalikuran ako ni Ron habang nasa bisig niya ang bata. Yun ang unang pagkakataon na tumingin sa akin si Ron ng ganun, napaka lamig ng mga tingin niya, hindi ko mabasa ang nasa isip niya. 

Pero sigurado akong may kinalaman doon si Althea? 

........ 

Tyrone POV

Hindi pa nga tapos ang issue niya sa lalaking yun, nagawa pa niyang makipagkita kasama ng anak ko! 

Kilala ko si Althea, kapag may bagay siyang hindi nagustuhan.. 

Hindi ko inaasahan ang narinig ko kanina sa kaniya habang yakap niya ako at karga ko siya. Doon ako nadurog sa sinabi niya bilang ama niya. 

"Daddy, I wish Mama Vien is my real mom, she really cares about us. "

Ang sinabi niyang iyon, ang siyang dumurog sa puso ko.. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na makita ang mommy niya pero bakit bigla niya yun sinabi sa akin matapos ang lakad nilang dalawa. 

Sa subrang lungkot ng anak ko, nakatulog siya sa mga bisig ko bago pa pumasok ang mommy niya sa bahay. 

Para pigilan ang inis ko, minabuti kong dalhin si Althea sa kwarto niya. Matapos ko siyang maihiga naupo ako sa gilid ng kama niya. 

"Mama,, Vien,, I'm scared. "

Saglit akong natigilan sa sinabi niya, oo malapit ang loob niya kay Vien, halos si Vien ang kinalakhan at kinilala niyang ina. 

Hindi ko maiwasang maiyak habang naka tingin sa kaawa-awa kong anak. 

"It's okay baby, dadalhin kita sa mama mo, I'll make sure you'll spend time together. " bulong ko habang masuyong hinahaplos ang buhok niya. 

Ilang sandali lang ang lumipas narinig kong bumukas ang pinto, bagamat hindi ko na nilingon pa, alam ko namang siya yun. 

"Ron,, I'm sorry I'll make her upset. " hinging paumanhin ni Vanessa sa asawa na naka tingin pa rin sa bata. 

"Anong nangyari? " usisa ko. 

"Kasama namin si Kent, sinaway ko lang naman siya na huwag maging rude kay Kent, hindi ko inaasahan na magagalit siya sa akin ng ganun. " paliwanag ni Vanessa, bagay na hindi naman niya dapat gawin. 

Hindi na ako magtataka kong bakit nagalit ang anak ko. 

"Hindi pa tapos ang issue niyong dalawa pero nagkikita pa rin kayo ng patago. Vanessa I'm so sick in kind of relationship,, siguro nga tama ka,, huwag nating ipilit ang bagay na hindi naman dapat.. Mula ngayon malaya kanang gawin kong anong gusto mo, tama ka sa papel nalang tayo mag asawa, mag panggap nalang tayo sa harapan ng mga magulang natin. " sabi ko sa kaniya habang pigil ang sakit na nararamdaman ko.. 

Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko, pero hindi ko na hinintay pang makasagot siya,agad akong tumayo at umalis sa silid ni Althea. 

Sa guest room ako tumuloy, para mapag isa,, siguro ito nalang muna ang gagamitin kong silid. 

Tama naman ang ginawa ko di ba? Subra na rin kasi akong nahihirapan sa kaniya.. Ako nalang ba palagi ang iintindi? Nakakasawa na! 

........ 

Kinabukasan araw ng linggo  nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas,, napapailing na tumayo ako at lumabas ng kwarto. 

Nagulat pa ako ng makita ang luxury Princess na narito sa bahay.. 

Napatingin ako sa paligid, ang daming paper bag at sigurado akong mga laruan yun.. Galing sa mga ito. 

"Good morning Ron! " panabay na bati ng mga ito maliban kay Vanessa na nasa counter habang nag titimpla ng Juice. 

"Daddy! " tawag ni Althea at kumaway sa ama habang nasa kanlungan ni Janelle. "Mommy Janelle is too sweet. " pagbibigay alam pa nito. 

Halatang nagulat ang mga ito sa sinabi ng bata, maging si Vanessa ay natigilan rin, mula kasi kahapon matapos ang gala nila, hindi na siya tinawag ng bata na mommy. 

"You call me mommy! Oh my gosh! My baby is so cute. " bulalas ni Janelle at pinupog ng halik ang bata. 

"Call me mommy too. " wika ni Kristal. 

"Call us mommy too. " masayang wika ng mga kaibigan ni Vanessa. 

"I have a lots of mommy, right Daddy, but I only have one Mama. " sabi pa nito ng naka ngiti. 

Takang naka tingin si Vanessa kay Althea, hindi niya maiwasang magselos sa mga kaibigan niya ng mga sandaling iyon,, Gustong-gusto niyang hawakan at halikan ang bata kaso natatakot siyang iwasan nito. 

"Aw thats too cute, I feel envy. " pout ni Janelle sa bata bagamat yakap ito. 

"She really looks like her mom. " sambit ni Lorraine ngunit agad ding natigilan ng sikuhin siya ni Abegail. "I mean, she really looks like Vanessa, kong hindi pa nga natin alam, iisipin talaga natin na mag ina sila. " wika pa niya. 

Naka ngiting naka tingin lang ako sa kanila, ang galing nilang mag panggap na hindi kilala ang anak ko, buti nalang matalino ang anak ko at nasasakyan ang trip nila. 

Madalas makasama ng Luxury Princess ang anak ko, kahit na lumaki si Althea sa pader ni Vien, madalas pa rin magtungo ang mga kaibigan ni Vanessa doon para lang makasama ang anak ko. 

"Nga pala Ron, I heard may bagong model ang Kim's Entertainment, it was Kz De Guzman, she's a Famous model too, sa katunayan muntik na siyang maging member ng Luxury Princess bago dumating si Vanessa. " wika ni Abegail na halatang may pinagseselos. 

"You mean, yong taong pinalitan ko, hindi ko alam ang tungkol sa kaniya, pero hindi ba kusa siyang umalis bago pa siya tuluyang matanggal. " sagot ni Vanessa na napapaisip. Minsan na niyang nakita si Kz maganda ito at pasado sa taste ng Luxury Princess. 

"Yes, at balita ko, Ex ni Tyrone ang babaeng yun," wika ni Janelle na may halong pang aasar. 

Hindi ko alam kong anong trip ng mga ito, pero bahala na sila,, sariling issue nila yan.. Mababait naman talaga ang Luxury Princess, mahilig lang mang asar. 

"Kinuha ng kompanya ang babaeng yun? " tanong ni Vanessa habang naka tingin kay Tyrone. 

"Daddy, I like her, pwede ko ba siya maging mommy? " tanong ni Althea na mukhang nahawa ng mga kaibigan ni Vanessa. 

"No! " mariing sagot ni Vanessa sa bata pagkuway nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " hindi mo pwedeng tawaging mommy ang isang stranger. " paliwanag pa niya. 

"Then I should not call you mommy. " inosente pa nitong sabi habang naka pout.samantalang pigil ni Tyrone at ng mga kaibigan ni Vanessa ang matawa sa inasal ng bata, tunay ngang may pinagmanahan ito. 

"What? No! I mean yong mga hindi mo kilala, I'm your mom. " wika ni Vanessa. 

"But you already have someone, someday iiwan mo rin kaming dalawa ni Daddy,, kaya maghahanap ako ng magiging mommy ko para kay Daddy, it should be Mama Vien or Ms. Kz. " wika pa nito. 

"Kahit alin sa dalawa baby, pero alam mo mas gusto ko kay Vien, mabait na napaka ganda pa. " pang gagatong ni Janelle sa bata. 

Samantalang hindi naman naka imik si Vanessa sa sinabi ng bata, napaka prangka nito, magkapareho nga sila ng ugali.. Muli siyang napa sulyap kay Tyrone na noon ay naka tingin kay Althea. 

......... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status