Share

Chapter:5 Missing Daughter!

Tyrone POV

Habang abala ako dito sa mga paper works biglang pumasok si Hanzo may dala siyang envelope, hindi ko alam kong saan galing, agad siyang naupo sa desk ko sabay lapag ng envelope. 

"Ano yan? " usisa ko sa kaniya, mukha siyang pagod ngayong araw. 

Oo nga pala, last night naalala ko siya ang pumunta sa Ocean Park para samahan ang anak ko, naging abala kasi ako sa work kaya hindi ako naka punta at isa pa baka magtaka na si Vanessa kapag nagkataon. 

"I don't know, someone approach me para sa bagay na yan. I mean the delivery man. " pagtatama pa nito. 

"Para sa akin? " tanong ko sa kaniya na may pagtataka, nang tinanguhan niya ako,saka ko lang kinuha ang envelope. 

Nagtataka man binuksan ko pa rin, napa kunot noo ng makita kong puro picture ang naroon. 

Hindi lang basta picture,, kundi mga larawan yun ni Vanessa at ni Kent! 

"Sandali! Apartment ba to? " tanong ko kay Hanzo na napa kunot noo pagkuway takang kinuha nito ang hawak kong picture. 

Napa kuyom ako ng kamao! Anong ginagawa ni Vanessa sa unit ni Kent! At bakit siya naroon? 

May namamagitan ba sa kanilang dalawa! Oo nga pala! Sinabi ni Vanessa sa akin na boyfriend niya ang lalaking yun! 

Habang wala ako, palihim din palang nakikipagkita ang asawa ko sa lalaking yun! Para gaguhin ako! Ito ba talaga ang gusto niya! Ang sirain ang sarili niya para sa lalaking yun! Para iwan ko siya! Ganun nalang ba ang galit na nararamdaman niya para sa akin! 

"Sir,, anong balak mo? " usisa ni Hanzo na nababahala. 

"Alamin mo kong kanino nanggaling ang mga to! Siguraduhin mong hindi kakalat ang mga larawang to. " utos ko sa kaniya habang pigil ko ang paghinga ng malalim. 

Napa kunot noo ako ng tumunog ang phone ko, kong saan nakita ko ang pangalan ni Vien. Agad kong sinagot ang tawag niya. 

"[Bakit-]"

Hindi pa man ako natatapos magsalita ng agawin niya yun. 

"[Ron! Nasaan ka! Have you seen the news! Hindi lang yun! Nawawala si Althea! ]" pagbabalita ni Vien mula sa kabilang linya. 

"[Ano! Ano bang nangyari? ]" ang di makapaniwalang tanong ko, tuluyan an akong napatayo. "[Nasaan ka? At anong news ang pinagsasabi mo? ]" litong tanong ko kay Vien. 

"[Ang sabi ni Yaya, nag tantrums na naman kanina si Althea, kaya sabi ko dalhin na muna nila sa Parke para makapag laro yung bata habang narito pa ako sa hospital, and for pity sake! Nalingat lang sila sandali nawala na si Althea, I already told them na huwag nilang iaalis ang tingin sa bata. ]" 

Agad kong pinutol ang tawag pagkuway hinarap ko si Hanzo na noon ay naka tutok sa phone. 

"Ron! Kailangan mo tong makita, nasa internet ba ang mga picture ng asawa mo at ni Mr. Zhang. " pagbibigay alam ni Hanzo na siyang ikinatigil ni Tyrone. 

"Nawawala si Althea, at ngayon may issue si Vanessa, hindi ko na alam kong anong uunahin ko sa kanilang mag ina! Bakit ba kasi namana pa ni Althea ang katigasan ng ulo nang mommy niya. " mariing tugon ko. 

Hindi ko na alam kong anong uunahin ko, masydong magulo ang isip ko ngayon.. Kailan ba ako magkakaroon ng katahimikan sa pamilyang to! 

"Nawawala na naman si Althea! Ano bang ginagawa ng mga maids at yaya niya? " ang halos pasigaw na nitong wika sa kay Tyrone. 

"We need to find her, saka ko na pag iisipan ang tungkol sa issue ni Vanessa." Sabi ko sa kaniya. "Oo nga pala, e-cancel mo lahat ng meeting na mayroon ako ngayong araw, maging ang meeting sa board director. " utos ko sa kaniya na agad naman niyang tinanguhan. 

"Sasama ako sa paghahanap kay Althea, para mapadali tayo. " wika pa nito. 

"Thank you. " ang tanging nasabi ko na lamang sa kaniya. 

"Sandali! Kapag lumabas ka para hanapin ang bata, malaking issue ang kakaharapin mo, ipaubaya mo na sa akin ang bagay na to, mas maganda kong ituloy mo nalang ngayon ang meeting ng board director bago pa sila maghinala. " suhestiyon ni Hanzo ng mapagtanto nito na baka malagay na naman sa issue si Ron. 

"It's okay, mag iingat naman ako, at isa pa hindi ko kayang maghintay nalang habang nawawala ang anak ko. We need to find her ASAP bago pa sila magkitang mag ina, ayaw kong masaktan si Althea kapag nalaman niyang hindi siya kilala ng mommy niya. " tugon ko sa kaniya. 

"Sige, tatawagan ko na rin ang CCP group para hingin ang tulong nila nang sa ganun mapadali ang paghahanap natin sa bata. " sagot nito na agad namang tinanguhan ni Ron. 

Matapos namin pag usapan kong saan hahanapin si Althea, nagmamadaling umalis kami ng office. Lalo na at kailangan ko pang ayusin ang issue ng asawa ko at ni Mr. Zhang. 

....... 

Vanessa POV

Napa kunot noo ako ng Sabay-sabay silang nakatanggap ng message sa kong sino mang nag send nun sa kanila, iisa lang din ang reaction nila! 

Ang tinutukoy ko ay ang mga kaibigan ko! Nandito kasi kami ngayon sa restaurant na isa lang naman sa mga pag mamay-ari ng pinsan kong si Janelle. 

"We need to find her ASAP! " panabay pang wika ng mga ito na sabay-sabay ding napatango sa isat isa. 

"Sinong kailangan nating hanapin? " takang tanong ko sa kanila. 

"Ah my cat,,, right girls. " wika ni Lorraine sa mga kasamahan na agad namang napatango. 

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, hindi lang yun, Sabay-sabay kasi ang ginawa nilang pagtango, bagay na siyang ikinataka ko, ganito kasi sila kapag may tinatago sa akin. 

"Kailan ka pa nagkaroon ng pusa e di ba nga may allergy ka sa balahibo ng pusa o kahit na anong pets. " taas kilay kong puna sa kaniya. 

"Ah hehehe oo nga naman Lorraine. " ngiwi ni Janelle sa kaibigan. 

"Sino ba kasing nagsabing pusa talaga ang tinutukoy ko, I was referring the kid, actually she's like a little kitten. " wika ni Lorraine na bahagyang napatawa. 

"At kailan pa nagkaroon ng bata sa bahay niyo? Eh di ba wala namang anak na maliit ang mga kamag anak mo. " muling puna ko sa kaniya na siyang ikinatigil ng apat. 

"Ang tinutukoy niya kasing bata ay anak ng yaya nila sa malayong kamag-anak, papunta kasi dito at inutusan si Lorraine na siyang mag babantay muna sa bata habang hindi pa sinusundo ng mga kamag anak nito. " wika ni Abe sabay hila kay Janelle. "Right girls. " aniya sa tatlo na napatango. 

"Baki-"

"Oops wala na kaming oras! Umuwi kana muna Vanessa at mag relax! " awat ni kristal sa kaibigan. 

Sa kinikilos nila mas lalo ko tuloy silang pinaghihinalaan na may ginagawang hindi maganda. Are they keeping secrets on me! 

Hindi pa man ako nakakapag salita ng mabilis nila akong tinalikuran, napapailing nalang na muli akong uminom ng tea at hinayaan sila sa gusto nilang mangyari.. I'm sure naman na may reason kong bakit sila nag keep ng secret sa akin. 

I trust them more than anything else, of course kasama ko sila mula pagkabata kaya walang rason para pag isipan ko sila ng hindi maganda. 

"Oy, girl, hindi ba siya yung nasa trend ngayon, yung na link kay Mr. Kent Zhang, nakita niyo ba ang nasa picture, she's cheating his husband. " anang isang babae sabay tapik sa katabi nito. 

"Oo nga, kawawa naman ni Mr. Tyrone, subrang crush ko pa naman siya, napaka gwapo at bait pa niyang CEO. Tapos lulukuhin lang siya, sana ako nalang ang babaeng pinakasalan niya o kaya naman yung ex niyang si Ms. Kz Dee, mas bagay pa nga sila non " cheka ng isang babae. 

"Hindi ba't kabilang siya sa Luxury Princess, isa sa mga pinakasikat na model sa buong mundo, Under sa kompanya ng mga Mendoza. " anang isang babae. 

Dinig kong bulungan ng ilang tao sa paligid, kaya naman bago pa makilala ako ng lahat minabuti kong umalis nalang. 

Oo sikat ang Luxury Princess, kaya karamihan kilala kami. 

Pero sandali! Anong issue ang sinasabi nila? Pagdating ko sa car agad kong tiningnan sa social media account ko ang issue na sinasabi nila. 

Ganun nalang ang pagka gulat ko ng makita ko kong anong news yun! Pero sandali! May tao bang palihim na sumusunod sa akin? Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na to! 

Gusto niya bang masira ang buhay ko! Ang taong sinabihan ko na boyfriend ko si Kent ay walang iba kundi si Ron! Kagagawan niya kaya ang bagay na to! 

Alam kong galit siya sa akin, kaya marahil balak niyang sirain ang reputasyon ni Kent! Ni hindi na niya naiisip ang kapakanan ko! 

Kaya naman inis na nag drive ako patungo sa office! Humanda talaga sa akin ang lalaking yun! 

Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang to! Gusto niyang sirain ang buhay ko! Pero bakit kailangan pa niyang idamay si Kent! 

Sa ginawa niyang to! Pinapatunayan niya lang na wala siyang kwentang lalaki! Napaka gago niya! 

Pagdating ko sa office agad akong sinalubong ng isang secretary niya na siyang unang naka puna sa akin. 

"Good day Mrs. kim, narito ho ba kayo para kay Sir Tyrone? " usisa ng Secretary ng makita si Vanessa. 

"Nandito ba siya, nasa Conference room na ba siya? " pormal kong tanong habang naka cross arm. 

"Wala ho, umalis po siya kasama ang secretary niya. "

"At saan siya nag punta? " usisa ko. 

"Wala pong sinabi, pero pina cancel niya ang meeting niya sa board Director. " sagot nito. 

"Kasama niya ang driver niya? " usisa ko habang naglalakad patungo sa desk. 

"Hindi ko lang po alam pero narinig ko po may iniutos ang CEO sa kaniya. " sagot nito na napapaisip. 

"Ganun ba. " napapatangong wika ko. 

Saglit kong pinasadahan ang office niya mula sa maliit na estante napansin ko ang picture namin. 

Kuha iyon nang kasal namin, hindi ko maintindihan kong ano ba talaga ang gustong palabasin ni Ron! Hindi niya ako mahal! Pinakasalan niya lang ako dahil sa posisyon! Yon ang totoo! 

Kaya naman namumuhi ako sa kaniya! Nang dahil sa posisyon inilagay niya ang sarili niya sa pagkakatali sa akin! 

At ngayon nilagay pa niya sa office niya ang picture namin nong kasal naming dalawa! Anong gusto niyang palabasin! 

Sa totoo lang naguguluhan na ako sa ginagawa niya! Namumuhi ako sa kaniya! Kaya lang, may bahagi ng puso ko ang tila ba natutuwa bagay na hindi ko nagugustuhan! Ayaw kong ma attach sa kagaya niyang lalaki! Wala siyang kwenta! 

Napaawang ang labi ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ng may maalala ako. 

"Masyado kang makasarili! Gusto mo ikaw nalang palagi ang nasusunod! Sana isipin mo naman ang nararamdaman ko! Kong gusto ko ba ang bagay na gusto mong mangyari! " sigaw nang isang lalaki. 

Nanghihinang napa hawak ako sa gilid ng desk upang doon kumuha ng lakas. 

Bakit may mga alaala akong ganun! At bakit hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking yun? At bakit may naririnig akong iyak ng sanggol! 

Ano ba talaga ang nangyari! Sa tuwing tinatanong ko sa mga magulang ko ang bagay na yun! Pilit nila akong iniiwasan! 

Nong araw na nagising ako sa hospital! Sigurado akong hindi ako na accidente dahil sa naka inom ako! Bakit hanggang ngayon walang malinaw na kasagutan sa mga tanong ko! 

....... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status