“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
view more“Dad! Aalis na po ako!” Ani ko na sinadyang lakasan ang boses upang marinig ito ni daddy. Kasalukuyan siyang nasa kusina at kumakain ng agahan. “Iha, hindi mo ba hihintayin ang Ninong Vincent mo?” Tanong ni daddy. “Nagmamadali ako dad, meron pa kasi akong kailangan na bilhin para sa isang subject ko. Pakisabi na lang po kay ninong, bukas na lang ako sasabay sa kanya.” Ani ko pa at mabilis na naglakad palabas ng bahay habang kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko. May pagmamadali ang bawat hakbang ng mga paa ko na wari mo ay hinahabol. Anumang oras kasi ay siguradong darating na si Ninong, kaya kailangan ko ng makaalis para hindi ako abutan nito. Sa ngayon kasi ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si ninong. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa oras na makaharap ko na siya. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata, dahil nitong nagdaang gabi ay napagtanto ko ang isang bagay. Natuklasan ko kasi na gusto ko si ninong Vincent hindi bilang ama, kuya o n
“8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila
“Remember”— “No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito. Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila. They go out with their boyfriends and girlfriends. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy ay si Ninong ang kasama ko. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko. “Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat
“Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran. “Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang hawak kong cake. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” See? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong a
“Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k
“Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments