Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.LONG STORY. DETAILED NARRATION. If hindi po okay sa inyo ang mahahabang kwento at madetalyeng narration skip this story na lang po! maraming salamat po! PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES.CHARACTERS' name pronunciationZehra Clarabelle Mineses Zeh-ra Cla-ra-belle****Thauce Arzen Alessandro CervelliToss Ar-zen A-les-sandro- Cer-vel-liThree Month Agreement by: PennieeeZehra Clarabelle MinesesAng kasabihan, hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap.Pero sa mga taong katulad namin? isang kahig isang tuka? kung hindi mangangalakal araw-araw ay walang maipa
"Ate, papasok na po ako."Nilingon ko si Seya. Tumayo ako at iniwan sandali ang pagtatali ng mga gulay. Kumuha ako ng singkwenta sa bag ko na pang-tinda at nilapitan siya."Baon mo," sabi ko.Masaya ako dahil isang taon na lang at makakatapos na si Seya ng kolehiyo. Hindi ko inakala na sa dami ng problema na kinaharap namin sa buhay ay ito ako ngayon, isang pangarap ang matutupad para sa kapatid ko."Naku, si ate! eh, baka wala na naman sa 'yong matira niyan?" tanong niya.Umiling ako, ako na mismo ang naglagay ng singkwenta sa kaniyang palad."Mayroon pa, saka, maglalako ako ng gulay sa palengke. Sa ganda kong 'to tingin mo hindi ako makakabenta?" biro ko.Tumawa siya at tinapik ako sa balikat."Iyon nga ata ang dahilan ate kaya ka nauubusan madalas ng paninda. Oh, siya ate! pasok na ako, ayokong mahuli, may recitation kami sa unang subject."Humalik siya sa pisngi ko at pagkatapos ay lumabas na ng apartment na inuupahan namin.Kahit papaano ay nakaakyat kami ng ilang palapag sa hamon
Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan sa aking harapan. Nasa hospital na ako at ang kasama ko ay si Lea at Letty. Tinitingnan pa rin ng doctor si Seya. Bakit biglang hinimatay si Seya? kanina lang naman ay maayos siya.Masigla at napakasaya niya pa."Zehra, wear this. Malamig dito," sabi ni Errol. Hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin. Naka-gown pa kasi ako at litaw ang balikat ko. Malalim rin ang hati sa gawing dibdib."S-Salamat," sabi ko."Maraming s-salamat rin sa kabutihan ninyo na ihatid kami ng kapatid ko dito sa ospital," sabi ko."Sino ang kamag-anak ni Seya Mineses?"Napatayo ako nang marinig ang boses ng doctor. Kaagad akong lumapit."A-Ako po, ako po ang kapatid niya. Ano po ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ko."Miss Mineses, your sister has stage 1 lung cancer."Para akong nabingi. Napapikit ako ng mariin ng dalawang beses at umawang ang aking mga labi para sana magsalita pero walang lumabas sa aking bibig."Sa tingin ko ay may nararamdaman na siya pero hindi niya
Madalas nang pumunta si Thauce sa Bar. Palagi ko itong nakikita na nakatingin sa àkin. Hindi pa rin ako nito tinitigilan tungkol kay Errol."Ate, nandito naman si Ate Lea, pasok ka na sa trabaho mo, baka mahuli ka," sabi ni Seya sa akin.Tumingin ako sa orasan. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Seya.Gabi-gabi ay tahimik akong umiiyak at nananalangin dahil sa malaking pagbabago sa katawan niya. Nasasaktan ako ng sobra, kung maaari ko lang akuin ang sakit niya ay ginawa ko na."Oo nga, Zehra, mahalaga ang trabaho mo, 'di ba? saka mabait ang amo mo," sabi ni Lea sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya."Salamat, Lea, ha? salamat sa pagbabantay kay Seya, makakabawi rin kami sa kabutihan mo at ng pamilya inyo nila Letty," sabi ko.Ngumiti siya sa akin, "Huwag mo nang isipin ang bawi-bawi na 'yan. Pamilya na tayo dito, Zehra, hindi ka man namin matulungan financially, sa ganitong paraan manlang ay maipakita namin ang pagmamahal sa inyo ni Seya."Niyaka