Share

Chapter 9

"Kamusta na si Spens?" tanong sa akin ni Megumi habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Pinatigil na kasi niya ako magbaon dahil may mga mura naman daw na tinda dito at tama nga naman siya dahil marami rin ang murang bilihin, yun nga lang mas marami ang mahal. "Nakakainis kasi iyon, ayaw akong pumupunta sa bahay niya" Paano, ang ingay niya kaya ayaw siya ni sir sa bahay.

"Pabayaan mo, papayagan ka rin nun pag naglaon" sagot ko sa kanya.

"Eh kayo Isha? Kamusta kayo? Kayong dalawa lang sa bahay niya tapos lalaki at babae pa kayo--" di ko na pinatapos si Megumi magsalita at sinalpakan ko na ng tinapay na binili ko ang bibig niya.

"Alam mo naman ang ugali ng pinsan mo, saka duh! Di ko type ang pinsan mo" pinakita ko pa sa kanya na tila imposible talaga ang iniisip niya. Well, gwapo si sir Spencer, kahit patpatin may dating pa rin ang katawan-- pero he's a beast! Kaya ekis siya sa mga type ko-- grr.. ekis na nga ba?

"Hi girls, pwede sumabay kumain?" may pagtataka akong napatingin kay sir Johan matapos niyang lumapit sa amin at magtanong.

"Sige ho sir" sagot ko saka umusog ng bahagya sa mahabang upuan na inuupuan ko.

"Bakit ka nandito, may sariling cafeteria ang mga teacher hindi ba?" matabang na sabi ni Megumi. Lagi na lang galit itong si Megumi kay sir Johan, pansin ko lang.

"So ayaw mo akong nandito?" tanong niya.

"Duh, sino bang may gustong nandito ang isang lalaking walang isang salita" pinaikot pa ni Megumi ang itim ng kanyang mata.

"Meg, that was year ago bakit hanggang ngayon iyan pa rin ang ikinagagalit mo?" mahinang sagot ni sir. Spell awkward?

"Pero yung sinasabi mong year ago, nandito pa rin" may diing sabi pa ni Megumi habang tinuturo ang kanyang dibdib o sabihin na nating kanyang puso.

Akma pa sanang magsasalita si sir Johan ng umeksena si Kenji. "Alam ninyo pinagtitinginan na kayo kahit pa sabihin ninyong mahina ang boses ninyo, obvious na obvious na nagtatalo kayo"

"I'm sorry, sige aalis na ako" mabilis na pagkilos ang ginawa ni sir Johan upang makaalis na sa cafeteria.

"Is he your ex?" may kahinaang tanong ni Kenji kay Megumi matapos umupo sa inalisan ni sir Johan. Amazing talaga itong lalaking ito, di pinapaupo, umuupo. "Silence means yes"

"Kenji" saway ko sa kanya. "Kumain na lang tayo"

"Lou, can I ask you something?" napabaling ako kay Kenji na patuloy lang na kumakain.

"Sige, ano iyon?" tanong ko pabalik.

"Kaano ano mo iyong lalaking iyon?" plain na tanong niya na ikinataka ko dahil sa pagkain lang naman siya nakatingin. "Iyong nasa kaharap nating table, yung maputing lalaki na nakataas ang buhok at nakabukas ang dalawang butones ng polo" otomatikong hinanap ng mata ko ang sinabi niyang lalaki at laking gulat ko ng mapansin na si sir Spencer ang tinutukoy niya. Matalim siyang nakatingin sa banda namin.

"Si Spencer?" tanong bigla ni Megumi.

"Kung iyon ang pangalan niya, so kilala ninyo pala" sabi pa ni Kenji saka tumingin sa amin ni Megumi.

"Pinsan ko iyon at malamang nakita niya ang naging pag-uusap namin ni Johan kaya iyan ganyan, alam niya kasi ang past namin ni Johan" paliwanag ni Megumi. So talagang may past sila.

"I think, hindi iyon ang dahilan" biglang ngumisi si Kenji saka itinuon ang atensyon sa akin. "Don't move" utos niya saka niya unti unting inilapit ang mukha sa akin.

OMG! Ano ang dapat kong gawin? Hahalikan ba niya ako?

Mariin akong napapikit habang hinihintay ang gagawin ni Kenji.

Eksakto matapos kong marinig ang isang padabog na pagtayo sa paligid ko at ilang yabag ay biglang tumawa si Kenji. "Now, I know"

"Huh?" pagtataka ko. Buti na lang, hindi niya tinuloy dahil pag nagkataon, siya ang magiging first kiss ko.

"Nothing, anyway anong naramdaman mo noong inilapit ko ang mukha ko sayo? Talagang pumikit ka pa ha" natatawa tawang tanong niya.

"Sira ka ba? Syempre kahihiyan!" giit ko matapos makitang nasa amin ang atensyon ng lahat at maging si Megumi ay nakatulala. "Earth to Megumi, hello"

"A-ano? Sorry nagulat lang ako sa biglang ginawa ni Kenji. Biglaan eh" sagot ni Megumi na lalong ikinatawa ni Kenji. Sira ulo talaga.

Inilibot ko muna ang paningin ko bago muling kumain para malaman kung may mga nakatingin pa. Well, marami pang nakatingin at lahat ng emosyon na inilalabas ng tingin nila ay negative. Pero laking dismaya ko ng pagbaling ko sa mesa na pinupwestuhan nila Spencer ay wala na sila.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nadismaya noong makita kong wala na siya doon. Nasisiraan na ba ako?

"Boyfriend mo ba iyon?" matapos ang ilang araw na hindi niya sakin pagpansin ay ito siya at binungaran ako ng tanong matapos akong makita sa kusina na naghahain ng hapunan niya.

"Hindi ho sir, kaibigan ko lang ho iyon" sagot ko saka umayos ng tayo.

"So pagkaibigan pala, pwede ng humalik halik sayo, ganun ba yun?" may halong pangungutyang sabi niya.

"Hindi naman ho niya ako hinalikan, nagbibiro lang--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng walang anu-ano niya akong hinalikan.

Good bye first kiss...

"Sa susunod na gumawa ka ulit ng hindi ko magugustuhan, mas malala pa dyan ang gagawin ko sayo" saka siya tumalikod at pumanik sa kwarto niya habang naiwan naman akong tulala sa kusina.

Lumipas ang isang oras, hindi pa rin bumababa si sir Spencer kaya kahit ayoko ay inakyat ko na siya sa kwarto niya at kumatok sa pintuan.

"Sir, kumain na ho muna kayo sa baba bago kayo matulog" sabi ko mula sa labas ng kwarto niya pero kaysa sagutin ako ay wala akong natanggap na kahit anong ingay mula sa loob kaya pumasok na ako sa kwarto niya. Lumapit ako sa kama niya kung saan siya mahimbing na natutulog. Bawal siyang gisingin pero kailangan niyang kumain. "Sir, gising ho, kailangan mong kum--"

"Hindi mo pa ba alam na ayoko ng ginigising ako! Hindi ba nakasulat naman yun sa folder ko?!" sigaw niya saka binato ang unan sa akin.

"Kumain na ho kasi muna kayo!" pasigaw ko ring sagot na ikinaupo niya sa kama habang nakataas ang isang kilay. "Dadalhin ko na lang ho yung pagkain ninyo dito"

"Hindi na, bababa na ako, umalis ka na sa kwarto ko" pagtataboy niya.

Hanep! Matapos manghalik, masama pa rin ang ugali sakin. Ano ba talagang topak niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status