Share

Chapter 15

I parked the car in front of Grandpa and Grandma's house. I went inside and upstairs to enter the world of writers again.

I took a deep breath and turned the doorknob. I was greeted by the wind that's different from the wind outside. I gasped in excitement. I'm thrilled to be back!

I was about to walk towards the house where Sofia was when a guy interrupted me to do so.

"Name po muna," he said.

I looked at the guy. "Hindi ako writer. Can you call Writan for me?"

Nangunot ang noo ng lalaki. Tiningnan niya ang blue book na hawak-hawak din ni Writan noon.

"Name, please."

I sighed. "Hindi nga ako writer pero nakapasok ako rito. Kaibigan ko si Writan at kakilala ako ni Bok."

Tumaas ang kilay ng lalaki pero wala pa ring pakialam sa sagot ko sa kanya.

"Are you Sofia? Or...Claudia?" he asked while reading it on the blue book. "Ang sabi rito, if the two went back to the other side, they shall not be allowed to come back again. Terrorist."

Naalarma ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"But...my sister's there!" I shouted while I pointed in the house of Bok.

"Wala ng tao ro'n. Pinaalis na."

Nanghina ang katawan ko. "What happened? Where's Bok, Writan, and my sister?!"

Tatakasan ko na sana siya pero nahila niya ang kamay ko pabalik sa harap ng pinto.

"Kapag tumakbo ka pa, dadalhin kita sa Council."

Humawak ako sa doorknob. "Council? Sino sila? Hindi ba leader si Bok?"

Tumango siya. "Leader siya ng lugar na ito pero nalaman ng Council na nagpapasok siya ng mga terorista kaya pinaalis siya rito kasama ng Writan na sinasabi mo."

Nalalaglag ang panga ko. Why did we become terrorists?

"Babalik ka sa mundo mo o hihilahin kita papunta sa Council? Hinding-hindi mo na makikita sina Bok, pinalayas na sila rito."

Tuluyan nang nanghina ang katawan. What should I do? Oh, my gosh. Mommy will kill me now. Napapikit ako nang mariin bago tumalikod at pumasok sa pinto.

Tumulo ang luha ko. Tiningnan ko ang attic. Dahan-dahan ako naupo sa karton na nando'n. Where could I find them? There's nowhere I know a place na pupuntahan nila.

Napasapo ako sa noo ko. I can't give up now. What if Sofia wasn't with Bok and Writan? What if she's in the Council?

I went to Grandma's table and sat on her chair. I covered my face with my hands and took a long breath. I have to enter that door again. But what's my plan after that? Should I go to the Council and explain to them that we're not terrorists?

I stopped and uncover my face. I looked at the thick paper beside my elbow. A plan hit me. I'm going to be a writer they want me to be then.

Kinuha ko ang papel at pen sa tabi ng lamesa at nagsimulang isulat ang naiisip kong kwento. It took me about ten minutes until I gave up.

"Damn!"

I'm not a writer! I can't just write and be done with this.

"Argh."

I'm hopeless. I sighed and looked at the door. What if I run after I enter that door? I'm not a good runner though. Should I try it? But if the guy ran after me. He's going to take me to the Council. They will lock me up or throw me back in here.

I held the paper. This is my last resort. I have to write at least a dozen novels or maybe more than that to pass as a publisher or the leader. After that, I could freely find Bok, Writan, and Sofia.

"Nakabalik ka na pala, e. Ba't ka nand'yan?"

Napatingin ako kay Jason. Tumayo ako.

"Uhm...I'm taking care of Sofia."

I played with my fingers. What should I do now?

"Nagsusulat ka?" tanong niya ulit.

Tiningnan ko siya. Tumango ako.

"I wanted to try writing. Grandma inspires me," I lied.

I can't even write a sentence.

"E? Sabi ko na nga ba, magiging manunulat ka."

I tilted my head. "How do you say so?"

Isinarado niya ang pinto ng attic at lumapit sa lamesa. Hinablot ko ang papel at itinago 'yon sa likod ko.

"I can't let you read this."

Tumawa siya. Nahiya ako bigla.

"Editor ako. Pwede mong ipabasa sa akin 'yan kung gusto mo ng opinyon ng isang propesyonal."

Napanganga ako. "So, you're a writer too?"

Tumango siya. Hawak niya ang batok habang umiiwas ng tingin sa akin. That's why he loves to read Grandma's books.

"Uhm...can you help me? I have this plot? Uhm...in mind. But I don't know how to deliver it into words. Can you?"

Tumango-tango siya. Naupo ako ulit at lumapit naman siya sa akin. Inilagay ko ang papel sa harap ko at hinawakan nang mahigpit ang ballpen.

"Tungkol saan? Anong tema? Anong panauhan ang gagamitin mo?"

Nablanko ang isip ko. Napakamot ako sa ulo. Ano raw?

I chuckled awkwardly. "Actually, I don't know anything about that."

Siya naman ang tumawa. Yumuko siya at kinuha ang papel sa 'kin.

"Bago ka magsulat, dapat alam mo 'yong ideya nang isusulat mo. Mahalaga rin ang genre. Tungkol ba sa pag-ibig ang naiisip mo?"

I nodded. I bit my bottom lip and watched him write the word Romance on it.

"Anong panauhan? Una ba, pangalawa? Suhestyon ko, mag-unang panauhan ka...'yon ang mas gusto ng mga mambabasa ngayon pagdating sa romance."

Tumango lang ulit ako. Pinanood ko siya nang isulat niya ang first person's point of view sa papel. I watched him clicked his tongue and wrote the word characters after that.

"Sinong mga karakters mo? Sinong bida? Sinong kontrabida?"

Lumunok ako. "Magkaibigan sila. Babae at lalaki."

"Anong pangalan?"

Kumurap ako. Wow. That's so much to think, magsusulat lang naman ng kwento. I thought about the story that Writan wrote. I smiled thinking about it. I understand now that writing isn't an easy and cheap passion. There's a lot of things to put up in a book.

"Writan, uhm...Quezon? Is that nice?"

Jason laughed at me. I blinked repeatedly.

"Hindi...hindi maganda?"

"Para kang nawawala."

Tumango ako.."To be honest with you, I was just inspired by Grandma's book, so...it won't be that good for a foundation to write a book, will it?"

Tumango-tango siya. "Pero kung inspirasyon mo talaga ang libro ni Lola Penya, 'wag kang susuko agad."

Tumango na lang ako. Nanatili akong tahimik.

"Jason...can you write me a story? I just can't write right now, I mean...it's all in my head but it's messed up...you know?"

Tumayo siya nang tuwid. Inilagay niya ang kamay sa magkabilang baywang bago naglabas nang malalim na buntong-hininga.

"Pwede naman pero para saan ba 'to? Ipapasa mo ba 'to sa publishing company o ano? Kasi kung ipapasa mo ire...hindi ako pupwede. Kailangan ikaw ang magsulat..."

I sighed in defeat. "I don't have a choice, do I?"

He shrugged. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Can I trust you, Jason?"

Naguluhan siya. "Oo naman. Anong meron ba, Claudia?"

Ibinaba ko ang papel sa lamesa.

"The truth is..." Lumunok ako at lumapit ulit kay Jason. "There's a world out there where writers live."

He nodded and cracked a laugh. "'Wag mo kong binibiro ng gan'yan, Claudia."

"I'm not joking. I need your help. Badly!"

Tumigil siya. I looked so desperate right now.

"Sofia isn't here. She's in there." I pointed the door for him.

"We were there before when you went to the hospital. I left her inside and I'm in trouble. All I'm thinking about to get in is to be a writer, and I'm not. Can you please help me get my sister back here?"

I closed my eyes tightly.

"I'll grant your wish after you help me get Sofia back. Anything!"

He put his hands up. "Sige na! Iiyak ka na agad. Seryoso ka ba na may mundo sa pintong 'yan?"

Tumango ako. "I'm serious. Kahit hanapin mo pa rito sa bahay si Sofia, hindi mo siya makikita. I left here there and if Mommy finds out, I'm dead."

Nanlaki ang mata niya. "Papatayin ka talaga niya?"

I gnashed my teeth and nodded.

In the end, he agreed to me to take him to the other side. I held Jason's hand.

"Ready ka na?"

Tumango siya. I could see him hesitating. There's a chance that that guy guarding this door will let me in if Jason's with me.

"Before that, what's your full name? Is your name related to writing?"

Napakamot siya sa ulo. "Ewan. Ang Jason ba?" He shrugged.

I'm damn screwed now. Iiyak na naman ako nang pigilan ako ni Jason.

"Liber Jason ang totoo kong pangalan. Book ang ibig sabihin no'n."

Nagliwanag ang paningin ko. Pinisil ko ang kamay niya.

"Talaga?" natutuwa kong tanong.

Tumango siya. Nakita ko ang pagtingin niya sa kamay ko. Nakikita ko rin ang pamumula ng pisngi niya. Hindi ko pinansin 'yon. Pinihit ko ang doorknob.

"Ready ka na talaga?"

Tumango lang siya ulit. Nang buksan ko ang pinto napakinggan ko ang pagsigaw ni Jason sa takot. Huminga ako nang malalim.

"Open your eyes, Jason."

Pinisil ko ang kamay niya. He slowly opened his eyes, then it widened, and his mouth fell open.

"Seryoso ka nga!" natutuwang tugon niya.

Tipid akong ngumiti. Tumingin ako sa kalsadang dati ay nilalakad lang namin ni Writan noon. I missed those days.

"Pangalan nila?" tanong ng ibang lalaki sa amin.

May hawak din itong blue book. Hindi siya 'yong nagtanong sa akin kanina.

"This is Liber," I introduced Jason to the guy.

"At ikaw?" tanong pa ng lalaki.

"Penna."

Tiningan ako ng lalaki at pagkatapos ay nagsulat.

"Pumunta kayo sa bahay na 'yon. Mag-asawa ba kayo?"

Nanlaki ang mata ko. Tumingin ako kay Jason. Nalilito ang mukha niya.

"O-Oo."

Hinayaan na niya kaming umalis sa harap niya. Masaya akong tumakbo papunta sa bahay ni Bok noon habang hila-hila pa rin si Jason.

"Nananaginip ba ako, Claudia?"

Umiling ako. Pinihit ko ang pinto ng bahay at pumasok kami ro'n. Ngumiti ako sa hindi ko kilalang babae na nasa desk.

"You're new?"

Tumango ako. "Mag-asawa kami."

Nagsulat ang babae bago ibinigay sa akin ang libro. Isinulat ko ang pangalan ko ro'n at pinirmahan 'yon. Hinampas ko si Jason sa bisig niya bago pa siya nakapagsulat sa libro.

Lumunok ako nang matapos 'yon. Ibinigay sa amin ng babae ang susi at pagkatapos ay in-instruct kami papunta sa kwarto naming dalawa ni Jason, na naging asawa ko.

Hinila ko ulit si Jason. Nang hindi ko na kinaya ay hinampas ko ulit siya sa bisig.

"Ba't ka ga namamalo? Naa-amaze ako rito, e."

Inirapan ko siya. Hinila ko ulit sa pataas ng hagdan.

"Saan tayo pupunta?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad. "We're going to find Bok, my grandfather, Writan, his friend, and my sister."

Tumigil sa paglalakad si Jason. "Anong sabi mo? Bok? Lolo mo? Buhay?"

Hinarap ko siya. Nakanganga na naman siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.

"Oo. It's a long story. We should find them. They might know where Sofia is."

"Bakit ga kasi iniwan mo ang kapatid mo? E, 'di sana no'ng lumabas kayo...hindi na ulit ikaw babalik dito."

Ako naman ang tumigil. Binasa ko ang labi ko bago naglakad naman sa pangalawang palapag.

"I still need to talk to my grandfather."

"Wow. Buhay pa talaga ang lolo mo? Bakit hindi siya lumalabas dito?"

Umiling ako. "Basta."

Nang tumapak kami sa second floor ay pumasok ako sa opisina ni Bok. Nagulat ako nang makita ang maraming tao sa loob. Nasa harap sila ng mga monitors na naroon.

Tumingin silang lahat sa akin. Bumitaw ako kay Jason.

"I-Inutusan kami ng Council na kuhanin ang mga gamit ni Bok at itapon 'yon," pagsisinungaling ko.

Lumapit sa akin ang babaeng nakaupo kanina katabi ng isang lalaki na naka-uniporme. Umiwas ako ng tingin.

Inilapag ng babae sa lamesa ang isang kahon na puno ng gamit ni Bok. I started to felt guilty because somehow it's my fault why he was running away from them.

"Salamat."

Tumalikod na ako.

"Wait."

Humarap ako ulit. Nakita ko ang babae na naglakad palapit sa akin. I thought she knows that I'm lying but when she put something inside the box again, my heart calmed down.

"Thank you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status