"Do I smell bad?”
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Kanina pa ako nalilito sa inaakto n'ya at may paghawak pa s'ya ng damit ‘yon pala tatanungin n'ya lang kung mabaho s'ya.
Napahinga muna ako ng malalim at saka lumapit sa d****b n'ya bago s'ya amuyin. Matangkad s'ya samantalang ako hanggang d****b n'ya lang kaya do'n sa parteng ‘yon ko s'ya inamoy dahil ‘yon lang ang abot ko.
"No need to use perfume na po, Sir,” nakangiti kong sabi.
"You don't need to use 'po'. Anyway… " Sandali s'yang napatigil at napatingin sa orasan na nasa itaas lang ng tv n'ya. "Pwede mo ba akong tulungan kumain? Ayoko na kasi magkalat katulad kahapon, ikaw pa rin kasi ang maglilinis no’n kapag nagkataon.”
Wala akong kahirap-hirap na tumango dahil wiling akong tumulong simula no'ng makita ko s'ya kahapon na gano'n kumain sinigurado ko na sa sarili ko na hindi na ulit s'ya mahihirapan ng gano'n.
"Oo naman po, Sir.”
"Remove the po,” seryoso n'yang sabi.
Natigilan naman ako at napatingin sa kan'ya dahil hindi ako sanay na walang po dahil bukod sa pasyente ko s'ya ay halata naman na mas matanda s'ya sa akin pero pwedeng ka-age ko lang din ngunit kahit na gano'n ay pasyente ko pa rin s’ya.
"Mas matanda lang ako sayo ng isang taon," seryoso n'yang wika. Narinig n'ya ba ang nasa utak ko? At paano n'ya nalaman ang edad ko?
Tuluyan na ngang rumehistro sa mukha ko ang pagtataka, it's not like his friends with the nurses na pumapasok dito sa k'warto n'ya para itanong ang edad ko tama ‘di ba? so how come that he already knows my age?
Sa kabila nang pagtataka ko ay sinuklian n'ya lang ako ng matipid na ngiti.
"Mas matanda pa rin po kayo.” Pilit ko. Nakita ko naman na biglang naglaho ang mga ngiti n'yang ‘yon.
"I didn't see that coming. I thought you will going to ask me how I know your age,"
"Are you going to answer me if I ask you that?” tugon ko pabalik. Muling sumilay ang ngiti n'ya bago umiling.
"Good you ask because I won't tell you."
Napatitig na lang ako sa kan’ya dahil nakikitaan ko na s'ya ng ugali katulad sa ugali ng ibang pasyente sa ibabang palapag. Magulo rin pala s'ya kausap.
Natigil ang aming diskusyon nang dumating na ang isang hospital aide na may hila-hilang trolley.
Simpleng cereals, gatas at saging lang ang dala n'ya.
"Kahit hindi ako kumain, hindi pa rin ako makararamdam ng gutom."
Narinig ko ang mahinang pagbulong n'ya habang pinagmamasdan ang aide na isa-isa nang nilalapag sa lamesa ang almusal n'ya. Hindi ko alam kung bakit n'ya nasabing hindi s'ya nakararamdam ng gutom, dahil ba ‘yon sa sabi n'ya na wala s’yang tiyan? Is that his hallucination?
Karamihan kasi sa mga pasyente dito sa mental institution ay nakararanas ng hallucination at normal na 'yon para sa kanila. They can't classify whether a certain event is real or not.
Lumabas na ang hospital aide tulak-tulak ang trolley n’ya kaya umupo na rin ang pasyente ko na handa nang kumain. Umupo na ako sa tabi n'ya at kinuha na ang isang mangkok na naglalaman ng cereal. Katulad kahapon plastic pa din lahat ng gagamitin n'ya.
Sumandok na ako ng cereal at itinapat ko na ‘yon sa bibig n'ya nang bigla ko na lang maramdaman ang isang bagay na nakatusok sa hita ko. Dahan-dahan ko ‘yong tiningnan at kita ng dalawa kong mata ang mahigpit n'yang pagkakahawak sa bagay na ‘yon habang dinidiinan n'ya pa ‘yon lalo.
Nang matauhan ako ay dali-dali akong tumayo at lumayo sa kan'ya ng kaunti dahil sa gulat. Dahil sa ginawa ko ay nagulat rin s'ya at tila natauhan kaya nabitawan n'ya ang plastic na tinidor.
Marahan kong hinimas ang binti ko at nakitang wala naman ‘yong sugat o ano mabuti na lang at plastic lang ang tinidor.
"Sorry!" gulat n'yang sabi sa akin habang nakatingin sa kaliwa n'yang kamay na tila hindi makapaniwala sa ginawa no’n.
"O-okay lang,” nanginginig kong tugon. Sa totoo lang natakot ako. Hindi ko alam bakit n'ya ‘yon ginawa.
"A-akala ko kasi hindi ka totoo."
Mas lalong umapaw ang kaguluhan sa isip ko nang sabihin n'ya 'yon. Hindi lang pala pangyayari ang hindi n'ya kayang i-determine kun'di mga tao o nakakasalamuha n'ya rin? Mas lalo tuloy akong nahihirapan alamin kung ano ba talaga ang sakit n'ya mabuti na lang at mamaya mag-uusap na kami ni Mrs.Romana tungkol sa sakit ng pasyente ko.
"Ayos lang 'yon.” Pilit akong ngumiti at dahan-dahan na ulit lumapit sa kan'ya para maipagpatuloy n'ya na ang pagkain.
Ngayon, alam ko na kung bakit ‘di s'ya hinahayaang gumamit ng mga metal na kubyertos dahil pwede s’yang makasakit ng kung sinuman ang mag-a-assist sa kan'ya.
Patuloy pa rin ako sa pagtulong sa kan'ya kumain at minsan ‘di ko maiwasang mapangiti dahil kahit papaano ay maayos na ang pagkain n'ya ‘di katulad kahapon na nakahahabag s'yang panoorin.
Pagkaubos n'ya ng mga pagkain ay tumawag na kaagad ako ng hospital aide para kuhain na ang mga gamit at para makalabas na din ako. Every hour naman s'yang pinapa-check sa akin ni Mrs.Romana kaya walang problema do'n.
Akmang sasabay na sana ako sa hospital aide palabas nang magsalita ulit s'ya.
"I'm sorry again for what I did earlier, Angelic.”
Nagulat ako nang lumabas mismo sa bibig n'ya ang pangalan ko. Hindi dapat ako magulat dahil sa sitwasyon n'ya alam kong kaya n'yang magbasa at alam ko rin na nakuha n'ya ang pangalan ko sa puting coat na suot-suot ko pero ‘di ko pa rin maiwasang magulat. Bakit iba ‘yong pakiramdam parang iba ang dating no'n nang s'ya na ang nagbigkas ng pangalan ko?
Isang ngiti ang ipinakita ko sa kan'ya. “H'wag na po kayo mag-alala, Sir, okay lang po ako.” I guaranteed him.
"Mas hindi ako mag-aalala kung tatanggalin mo na ang po sa bawat pakikipag-usap mo sa akin.”
"If that's what you want, Sir,” tugon ko.
Sinuklian n'ya rin ako ng isang ngiti bago ako tuluyang lumabas ng k'warto n'ya. Kita ko sa kan’ya na nagsisisi talaga s'ya sa nagawa n'ya kanina at alam ko naman na hindi n'ya talaga 'yon sinadya. Sa gan'tong trabaho pag-unawa at pasensya talaga ang kailangan.
Mabait s'yang tao kahit kahapon ko lang s'ya nakilala. Ramdam ko at kita ko ‘yon sa mga mata n'ya sa tuwing magkakatitigan kami.
At dahil doon gusto ko rin s’yang suklian ng kabutihan kaya kahit anong mangyari I'll take care of him.
Kanina pa ako kinakabahan dito pero wala pa rin si Mrs.Romana dahil sabi ng isang Nurse na nakakita sa kan’ya ay may inaasikaso pa ito sa Medical Records Department.
I can still feel my sweat flowing from my forehead kanina pa ako punas ng punas pero ‘di naman sila nauubos. Malamig naman dito sa office ni Mrs.Romana sadyang kinakabahan lang ako sa pwede kong malaman mamaya.
Sa dami ko nang napapansin at nakikitang sintomas ng kan'yang sakit mas lalo akong napapaisip kung ano ba talaga ang sakit n'ya. Gusto ko maging knowledgeable sa sakit n'ya para maunawaan ko s'ya ng mas mabuti. Habang tumatagal kasi mas tumitindi ‘yong kagustuhan kong matulungan s'ya.
"Nandito ka na pala. Good morning, Ms.Yuzon.”
Boses pa lang n'ya ay kaagad na akong napatayo ng tuwid at humarap sa gawi n'ya kung saan naglalakad na s'ya papunta sa harapan ko.
"Good morning po, Mrs.Romana."
"You may seat.”
Kaagad ko naman s'yang sinunod gano'n din ang ginawa n'ya umupo na s'ya at do'n ko lang napansin na may bitbit pala s'ya kanina matapos n'ya ‘yong ilapag sa lamesang pumapagitna sa amin. May kakapalan ang folder na ‘yon at mukhang 'yon na ang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko.
May kung ano sa loob ko na gusto na ‘yon simulang basahin pero nasa sistema ko rin na kinakabahan ako sa malalaman ko.
Marahang itinulak ni Mrs.Romana ang folder palapit sa akin.
"Masasabi ko na kahit papaano ay mapupunan n'yan ang mga naipong katanungan sa ‘yong isipan pero hindi ko maigagarantiya na kompleto ang lahat ng impormasyon d'yan.”
Kumunot saglit ang noo ko.
"Bakit po hindi ‘to kompleto?" nagugulumihanang tanong ko.
Pinakatitigan n'ya lang ako sandali bago sumagot. "He has a rare case."
Mas lalong gumapang ang kyuryusidad ko sa buo kong sistema kaya mas lalo akong naengganyo na simulan na ‘tong basahin. Simula nag-aral ako ng Psychology nahilig na akong magbasa sa internet ng mga kakaibang sakit na hindi pa kilala ng karamihan pero sa kaso ng pasyente ko, ‘di ko alam kung na-encounter ko na ‘to noon.
"Don't be too surprised with his case instead, aralin mo or try to dig more research on the internet para mas malinawan ka. H'wag mo na rin sana ipagsabi sa iba ang kaso ng pasyente mo. From now on, ikaw na muna ang magmamay-a*i n'yang folder. Take good care of it.”
Gano'n nga siguro s'ya ka-rare kaya unti lang ang impormasyon tungkol sa sakit n'ya pero dahil dito sa folder na ‘to magkakaroon na ng linaw lahat ng katanungan na bumabagabag sa isip ko.
Sandali ko ulit tinitigan ang folder at binasa ko ang nakasulat sa pabalat nito The Vapid Patients case
Axle, sabi ko bilisan mo naman ang pagmamaneho." Kanina pa ako naiirita dahil sa napakakupad ng kapatid ko mag-drive. Late na nga ako tapos gan'yan pa s'ya. "Anong magagawa ko eh traffic, sana bulldozer na lang binili mo." Sa kabila ng pagtataas ko ng boses sa kan’ya ay s'ya namang hinahon pa din at may pagbibiro pang boses n'ya. That's the other thing I loved about him, kahit ga'no na kagulo sa bahay s'ya, nananatili pa ring kalmado. Pero sa sitwasyon kasi ngayon iba, late na ako at kapag lumampas pa ng sampung minuto ang pagkaka-late ko, mapapagalitan na ako ni Mrs.Romana. Si Fei na lang ang tanging nakikita kong pag-asa kaya nawa'y ilusot n'ya ako kapag nagtanong si Chief kung nasa’n ako. Sabagay, bakit ko ba kasi sinisisi kay Axle ang pagkaka-late ko eh
Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. "G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. "Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that. "Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinukli
"Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei. "Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can
Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? "Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. "Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her. Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tu
"O bakit parang basang balut ka?" Isang sulyap lang ang ginawad ko kay Fei para lang makita s'ya bago muling ituon ang atensyon ko sa damit na pinupunasan ko. Naramdaman ko ang paglapit n'ya sa likuran ko hanggang sa kalabitin n'ya ako at ialok ang isa pa n'yang kape na wala pang bawas. "Nag alay-lakad lang naman kasi ako," tamad kong sagot bago tanggapin ang kapeng binibigay n'ya. "Bakit? Anong nangyari?" natatawa n'yang tanong bago bumalik sa upuan at sumimsim ng kape. "Iniwan ako no'ng pambihira kong kapatid dahil may outing daw sila at ito namang si mama hindi ako sinabihan edi sana inagahan ko ang paggising para nakapagpahatid sana ako!" Hindi pa rin matanggal sa sistema
Nakatitig lang sa kan'ya ang mga mata ko at bakas na bakas ang marahang pagkagulat sa mga mata n'ya ngunit kaagad din naman s'yang nakabawi do'n. "I can't tell you that, Ms. Angelic." I know na privacy na ni Rue 'yon pero hindi ba dapat ko ring malaman ang dahilan lalo na't titira kami sa iisang lugar? Ayokong sumabak sa isang desisyon na wala naman akong ideya. "Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip, hindi mo kailangan ngayon sagutin ang offer ko." Tanging pagtango na lang ang nagawa ko dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin. Tal
" 'Wag mo na kaming isipin ng kapatid mo, ayos lang kami dito tsaka dapat sarili mo ang isipin mo dahil ikaw ang malalayo sa amin." wika ni mama. Kahit hindi man siya umiiyak ngayon sa harapan ko alam kong nalulungkot rin siya dahil magkakahiwa-hiwalay kaming tatlo. "Oo nga naman ate atsaka nandito naman ako para bantayan si mama kaya wag ka ng mastress diyan," gatong naman ni Axle na biglang umakbay sa akin. "Ikaw wag kang puro gala ah! Tumulong ka dito kay mama sa gawaing bahay. Tanda tanda mo na kahit maglaba ng pinaghubaran mo 'di mo magawa," bulyaw ko sa kapatid ko. Marahan naman siyang napakamot ulo dahil totoo ang mga sinabi ko. "Ate naman aalis ka na nga lang manenermon ka pa,"
Dere-deretso lang ako papasok hanggang sa makarating ako sa kaniyang sala. Wala naman siya kaya imbis na mag-antay na paupuin ako ay kusa na akong umupo. Mahigit isang minuto kong nilibot ang paningin ko sa buong opisina niya bago ako nakarinig ng yabag. "Hindi ka naman siguro mangingibang bansa hindi ba?" alam ko ang tinutukoy niya... ang maleta ko. Lumingon ako sakaniya at sinundan siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa harapan ko. "Maraming salamat sa pagtanggap ng alok ko pinapangako kong hindi ka magsisisi dahil kung tutuusin pabor naman lahat sayo." Marahan niyang dinekwatro ang kaniyang mga binti bago ngumiti sa akin "Ngunit kahit ganun gusto ko parin ng kasunduan." deretso kong saad. Tumango tango naman siya bago pinadulas sa lamesang namamagita