"Snow White! Snow White!" ‘yan ang kaniya-kaniyang sigaw ng mga pasyente na naabutan ko.
Tinapik ko ang balikat ni Fei dahil mukhang hindi n'ya napansin ang pagdating ko. May mga iba't ibang pambatang libro ang nakapatong sa kan'yang lamesa para basahin sa harapan ng mga pasyente.
Mistulang malaking classroom ang buong k'warto na ‘to ang kaso lang ay may glass wall na nakapagitan sa amin at sa mga pasyente dahil kadalasan ay may bigla-bigla na lang sinusumpong at sinusugod ang mga nurse na nagbabantay sa kanila. Ngunit kahit gano'n pa man ay hindi naging hadlang ang glass wall dahil klaro pa ring naririnig ang boses ng isa't isa.
"Oh andito ka pala, Angelic, bakit?” tanong n’ya bago ako lingunin sa kan'yang likuran.
"Wala naman, gusto ko lang alamin kung anong ginagawa ng isang Psychiatric Nurse.”
"Watch and learn,” mayabang n'yang sabi at binuklat na ang librong Snow White na gustong ipakwento ng mga pasyente.
Magsisimula pa lang sana s'ya sa pagbabasa nang biglang mag-react ang babaeng pasyente na nasa unahan.
"That book! That book is not real!” sigaw nito na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean?” seryosong tanong ni Fei.
"You wanna know?" nakatatakot ‘tong ngumisi bago tuluyang tumawa.
"Gan'yan talaga sila." Baling sa ’kin ni Fei na tila sanay na sanay na sa mga ugali ng pasyente dito.
Matinis at masakit sa tenga ang pagtawa ng pasyente. Nakakaisang buwan pa lang ako dito sa institution na ‘to pero hindi pa rin ako sanay.
"Okay tell us, Ms.Froth, why is this book is not real?" kalmadong sabi ni Fei na ikinatigil naman bigla nang pagtawa ni Ms.Froth.
Sumeryoso at naging nakatatakot na ang awra ng mukha n'ya. Sandali n'yang tinitigan si Fei hanggang sa lumipat sa ‘kin ang dalawang matatalim n'yang titig habang unti-unti na ulit sa pag ngisi.
"In Disney version, the Queen asks the huntsman to kill Snow White and bring her heart but the huntsman cannot do that that's why he brings a boar heart. But, in the original version, the Queen asks for the liver and the lungs of Snow White. And do you know that Snow White's lungs is inside of me?” Muling sumilay ang nakatatakot n'yang ngiti at sinundan n'ya ‘yon nang pagkanta.
"Nurse! Nurse!" sigaw ni Fei kaya kaagad rumesponde ang mga nurse na nasa tabi lang namin.
Napakasakit sa tainga nang pagkanta n’ya na halos buong lalamunan n'ya ay gamitin n'ya na.
Tatlong nurse kaagad ang humawak sakan'ya ngunit nagpupumiglas s’ya kaya walang nagawa ang mga nurse kundi hilain na lang s'ya palabas upang maibalik sa kan'yang k'warto.
"Akala ko mababasag na eardrums ko,” panimula ni Fei. Napailing-iling naman ako.
"Goodluck,” saad ko. "O s'ya aakyat na muna ako.” Tumango lang sa ’kin si Fei na mukhang nakuha naman ang ibig kong sabihin kung saan ako tutungo kaya lumabas na ako ng tuluyan sa k'wartong ‘yon.
Pagharap ko sa elevator ay humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyan do'ng pumasok. Wala akong nakasabay na iba dahil ang elevator na ‘to ay exclusive lang para sa 13th floor. Ang iba kasing elavator dito sa ospital ay walang buton na number thirteen.
Mariing nakasuksok lang ang kamay ko sa white coat na suot-suot ko habang hawak ko lang sa aking magkabilang kamay ang dalawang bagay na ibinigay sa ‘kin ni Mrs.Romana.
Mabilis na nanuot sa buong pagkatao ko ang katahimikan ng buong pasilyo ng tuluyan na akong makatapak sa 13th floor na ‘to. Walang mga Nurse at Psychologist na naglalakad-lakad tanging ako lang.
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa takot at kaba sapagkat kakaiba ang palapag na ‘to kumpara sa ibang palapag na mayro'n ang ospital na 'to. Una ay napakatahimik na tila paghinga mo lang ang ‘yong maririnig at pangalawa lubos na mas malaki ang lugar na ‘to dahil meron lang ‘tong tatlong k'warto ibig sabihin bawat k'warto ay kompletos rekados na.
Puti lang ang buong paligid at iilang ilaw lang ang pinapagana dahil wala naman masyadong nagro-round dito at base sa narinig ko ang pasyente ko lang ang nandito sa palapag na ‘to ngayon. Walang laman ang dalawa pang mga k'warto malamang ay magaling na sila. Muli na naman tuloy akong ginapangan ng kaba.
Marahan na akong naglakad at dumiretso sa pinakadulong k'warto dahil nando'n ang pasyenteng titignan ko. Pagkalapit ko sa pintuan ay imbis na kumatok muna ako ng tatlong beses ay dahan-dahan ko na kaagad pinihit ang doorknob para makapasok.
Nang sandali na akong makapasok tumambad sa ‘kin ang napakalaking k'warto. Ngunit ito na yata ang pinaka kakaiba sa lahat ng k'wartong napasukan ko. Hindi kulay puti o itim ang kulay ng k’wartong ‘to kundi pinagsamang itim at pula. Gumapang sa buong pagkatao ko ang takot. Napansin ko rin na mali ako ng pag-aakala dahil akala ko kumpleto na ang lahat sa ganitong set-up ng k'warto ngunit sala at cr lang ang nakita ko at isa pang pintuan. Wala ‘tong kusina o iba pang k'warto kaya mas lalo akong nagtaka.
Sa laki ng k'wartong ‘to ‘yon lang ang meron?
Madilim ang awra ng k'warto dahil na din siguro sa pintura nitong pula at itim.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong lugar at hindi ko maiwasang mangunot ang noo nang mapansin ang isang bagay na nasa labas ng isang pinto.
Funeral register stand
Kaagad akong lumapit do'n upang tignan ang mga pangalang nakasulat do’n, mga Psychologist at Nurse na minsan na din sigurong nakapasok sa k'wartong ‘to ang nakatala. Nandito rin ang pangalan ni Mrs.Romana kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na isulat din doon ang pangalan ko. Pipihitin ko pa lang sana ang pintuan nang makarinig ako ng boses mula sa likuran ko.
"What are you doing here?”
Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa lalim ng boses ng pasyenteng nasa likuran ko. Pumikit ako saglit at dahan-dahan na s’yang hinarap. Pero muli na naman akong nagulat at nangunot ang noo dahil imbis na katulad ng mga pasyente sa ibaba at sa ibang palapag ang makita ko, tila isa lang s’yang normal na tao at hindi isang pasyente ng mental institution.
Nakatayo lang s'ya sa bandang sala at nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng kan'yang black jagger pants. Nakablack tshirt rin s’ya na suot. Ngunit hindi tulad sa ibang lalaki ang katawan n'ya ay medyo payat. Ngunit kahit gano'n ay normal na normal lang s'ya tingnan. Mukha rin s'yang galing sa mayaman na pamilya base sa tindig at pananamit n’ya.
Ngayon lang ako natauhan nang mapansin kong nagtama na ang mga mata namin. I can't interpret what I am feeling right now. My heart race but it doesn't mean that I am scared of him it's just that there is something on his deep looking eyes.
Until now, neither of us averted our gaze. It's like we're on a staring contest and whoever wins has the prize. Our eyes were frozen at each other as if we're examining our soul. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko na lang ang sariling mga paa na lumalakad na papalapit sa kan'ya. Mas lalo pa ‘tong naghuramentado ng tuluyan na akong makalapit sakan'ya at nasa harapan ko na s'ya.
"This is the first time I saw you."
Walang salita ang lumabas sa bibig ko kahit simple lang naman ang sinabi n'ya. Napalunok na lang ako at pinilit ang sarili na sumagot. "O-opo,” nauutal ko pang tugon.
Tumango lang s'ya at naglakad na papunta sa pintuang bubuksan ko sana kanina. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa makalagpas na s'ya sa ‘kin. Amoy na amoy ko ang pabango n'ya. Mas lalo tuloy akong napapaisip kung ano ba talaga ang sakit n'ya. Sinusubukan kong hanapin ang mali at kakaiba sa kan'ya dahil sa paningin ko normal na tao talaga s'ya. Hindi kaya fan lang s'ya ng mga horror movies kaya gan'to na lang ang design ng k'warto n'ya?
Hindi katulad ng mga pasyente sa baba higit na mas matino s'ya kausap. Nakakausap s'ya ng maayos hindi tulad ng iba na tatawanan ka at ang lalayo pa ng sagot sa tanong.
Lumabas na ulit s'ya ng k'warto papunta sa sala at may kung anong kinuha sa drawer na nando'n. Pagkakita ko ay isang pabango pala ang kinuha n'ya. Hawak-hawak n'ya na ‘yon gamit ang kaliwang kamay. Akala ko ay mag-s-spray lang s'ya sa sarili n'ya but I didn't expect him to open the perfume using his mouth and poured it on his head as well as on his body. And now he is already wet.
what the?
Naguguluhan at nagtataka ko lang s’yang pinapanood sa ginagawa n'ya. Mabango naman na s'ya kanina pa pero bakit kailangan n'ya pang ibuhos ang buong pabango sa katawan n'ya? Napalingon s'ya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Narinig ko na lang ang pagbuntonghininga n'ya kaya tiningnan ko ulit s'ya.
"I think I smell like rotting flesh, that's why."
Mas naguluhan ako sa sinabi n'ya pero hindi ko na lang pinahalata ‘yon.
Naglakad s'ya pabalik sa k'warto n'ya at hindi ko na s'ya sinundan pa. Iginala ko na lang muna ang mga mata ko ulit sa kabuuan ng lugar. Hindi nagtagal may dumating ng isang aide na may tulak-tulak na trolley kung saan puno ‘yon ng pagkain.
"Hi,Doc!” Bati sa ’kin ng hospital aide. Binati ko naman s'ya pabalik at nginitian.
"Nasaan po pala ang pasyente, Doc?"
"Ahh, pumasok lang s'ya sa k'warto n'ya, dito mo na lang siguro ilagay ‘yong pagkain wala kasi s’yang kusina."
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa ‘kin ang bagay na ‘yon kung bakit walang gano’n sa k'wartong ‘to.
Agad namang sumunod sa akin ang aide at isa-isa nang inilalapag sa lamesa ang mga pagkain ng sandaling lumabas na ulit ang pasyente mula sa k'warto n'ya.
"Hindi ba sabi ko hindi na ako kumakain?” Nagulat na lang ako dahil bahagyang tumaas ang boses n'ya na parang nagalit s'ya dahil sa mga pagkain na dala ng aide.
"Pero, Sir, kailangan niyo pong kumain,” paliwanag ng aide na katabi ko.
"Saan dederetso yang pagkain? Wala naman akong tiyan!"
Mas lalo akong napanganga dahil sa isinagot n'ya. Kaagad dumako ang mga mata ko pababa sa tiyan n'ya. Operado ba s'ya?
Pilit ko na lang na inignora ‘yon kahit gustong-gusto ko nang magtanong. Curiosity is killing me but I don't think matutuwa si Mrs.Romana kung magtatanong ako sa pasyente ko dahil ang gusto n'ya ay mag-evaluate ako. Sabagay, para malaman rin n'ya kung may natutunan ba talaga ako sa pagma-masteral ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga pagkaing binabalik na ng aide sa trolley.
"Ako na ang bahala,” saad ko sa aide na ikinagulat n'ya naman ng bahagya pero tumango na rin lang.
"Sir, kailangan niyo pong kumain para gumaling na po kayo," mahinahon at nakangiti kong sabi. Makailang beses n'ya pa akong tinanggihan pero sa huli ay napilit ko pa rin s’yang kumain.
Ngayon ko lang napansin na puro plastic ang plato, baso, kutsara at tinidor na dala ng aide. Anong meron, bakit hindi stainless o kaya ay babasagin? Allergic ba s'ya sa mga stainless na gamit?
Nakita kong tinititigan n'ya lang ang mga pagkain kaya muli akong nagsalita.
"May iba po ba kayong gusto, Sir?" tanong ko.
"None,” tipid n'yang tugon at sinimulan nang sumandok ng kanin gamit ang nanginginig n'yang kaliwang kamay. Halatang hindi ‘yon ang ginagamit n’ya dahil hindi s'ya do'n sanay.
"Ah…Sir, tulungan ko na po kayo.” Alok ng aide na katabi ko nang bigla n'ya na lang ilapag ang kutsara ng pagalit.
"Kaya ko." Nagkatinginan na lang kami ng aide dahil sa naging reaksyon n’ya. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin ulit sa buong paligid. Wala namang espesyal dito sadyang kakaiba lang dahil sa kulay nito. Sa paglibot ng mga mata ko ay nahagip ko ang funeral wreth na nasa gilid ng tv nakalagay. Lalapitan ko na sana ‘yon nang bigla akong tawagin ng aide. "Ahm…Doc, kung ayos lang po maiwan ko po muna s'ya sayo? pinapatawag po kasi ako. Pasensya na po talaga.” Wala namang kasong tumango ako kaya lumabas na s'ya. Lumapit na din ako do'n sa funeral wreth para basahin ang nakasulat do'n sa ribbon no'n. It was his name. Nawala ang atensyon ko do'n nang bigla kong marinig ang mahinang pagmura ng pasyente ko sa likuran ko. Nakita kong nagkalat na sa damit n'ya ang pagkain, malamang ay nahulog ‘yon mula sa kutsara maging ang gili
"Napakaswerte talaga namin sayo, Angelic," tuwang-tuwa na sabi ni mama habang pinagmamasdan ang puti kong coat na may nakaburdang pangalan ko at may RPsy na sa dulo. Isa na akong ganap na Psychologist. Sa wakas. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at talagang maaga pa lang ay pinaghanda na ako ni mama para raw fresh ako pagpasok. Susme, kahit anong fresh ko pagpasok t'yak na paglabas ko ay para akong binomba dahil sa sobrang stress sa ospital pero kahit gano'n ay ito naman ang pinili kong tahakin na landas. Minsan na akong nagduda sa sarili ko dahil unang mga taon ko pa lang sa kolehiyo ay grabe na at puspusan na kaagad ang pag-aaral ko, akala ko pa nga no’n ay ako ang unang mababaliw kaysa sa mga magiging pasyente ko, pero I'm proud of myself na kinaya ko. Naging Psychometrician ako at ngayon isa nang ganap na Psychologist. Marami na rin ang nagtanong sa ’kin bakit Ps
"Do I smell bad?” Halos malaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Kanina pa ako nalilito sa inaakto n'ya at may paghawak pa s'ya ng damit ‘yon pala tatanungin n'ya lang kung mabaho s'ya. Napahinga muna ako ng malalim at saka lumapit sa d****b n'ya bago s'ya amuyin. Matangkad s'ya samantalang ako hanggang d****b n'ya lang kaya do'n sa parteng ‘yon ko s'ya inamoy dahil ‘yon lang ang abot ko. "No need to use perfume na po, Sir,” nakangiti kong sabi. "You don't need to use 'po'. Anyway… " Sandali s'yang napatigil at napatingin sa orasan na nasa itaas lang ng tv n'ya. "Pwede mo ba akong tulungan kumain? Ayoko na kasi magkalat katulad kahapon, ikaw pa rin kasi ang maglilinis no’n kapag nagkataon.” Wala akong kahirap-hirap na tumango dahil wiling akong tumulong simula no'ng makita ko s'ya kahapon na gano'n kumain sinigurado ko na sa sarili ko na hindi na
Axle, sabi ko bilisan mo naman ang pagmamaneho." Kanina pa ako naiirita dahil sa napakakupad ng kapatid ko mag-drive. Late na nga ako tapos gan'yan pa s'ya. "Anong magagawa ko eh traffic, sana bulldozer na lang binili mo." Sa kabila ng pagtataas ko ng boses sa kan’ya ay s'ya namang hinahon pa din at may pagbibiro pang boses n'ya. That's the other thing I loved about him, kahit ga'no na kagulo sa bahay s'ya, nananatili pa ring kalmado. Pero sa sitwasyon kasi ngayon iba, late na ako at kapag lumampas pa ng sampung minuto ang pagkaka-late ko, mapapagalitan na ako ni Mrs.Romana. Si Fei na lang ang tanging nakikita kong pag-asa kaya nawa'y ilusot n'ya ako kapag nagtanong si Chief kung nasa’n ako. Sabagay, bakit ko ba kasi sinisisi kay Axle ang pagkaka-late ko eh
Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. "G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. "Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that. "Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinukli
"Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei. "Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can
Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? "Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. "Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her. Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tu
"O bakit parang basang balut ka?" Isang sulyap lang ang ginawad ko kay Fei para lang makita s'ya bago muling ituon ang atensyon ko sa damit na pinupunasan ko. Naramdaman ko ang paglapit n'ya sa likuran ko hanggang sa kalabitin n'ya ako at ialok ang isa pa n'yang kape na wala pang bawas. "Nag alay-lakad lang naman kasi ako," tamad kong sagot bago tanggapin ang kapeng binibigay n'ya. "Bakit? Anong nangyari?" natatawa n'yang tanong bago bumalik sa upuan at sumimsim ng kape. "Iniwan ako no'ng pambihira kong kapatid dahil may outing daw sila at ito namang si mama hindi ako sinabihan edi sana inagahan ko ang paggising para nakapagpahatid sana ako!" Hindi pa rin matanggal sa sistema