Share

Chapter 14

Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si mommy at nasa tapat na ako ng kanyang kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa kwartong kinaroroonan ni mommy. Agad nama na napatingin sa akin ang mga magulang ko at si Eric. He's here.

            

Naglakad ako palapit kay daddy at magmamano sana ako nang biglang malakas na dumapo sa aking pisngi ang kanyang kamay. Na siyang dahilan kung bakit napahawak ako sa aking pisngi. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

            

"D—Dad," wika ko at napatingin sa kanya. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin at magkasalubong na ang kanyang mga kilay.

            

"You're a disgrace to our family! I never imagined that I raised a child like you. Walang ibang ginawa kundi bigyan ng kahihiyan ang ating pamilya. Alam mo ba kung anong idinulot nang ginawa mo noon sa nakatakdang kasal niyo ni Eric? You put our family in shame. Kahihiyan na nakatatak na sa kokote ng mga tao." Tila nadurog ang aking puso sa mga sinabi ni daddy. Isang kahihiyan naman ngayon ang turing nila sa akin. Ano pa bang aasahan ko sa kanila? Ni hindi nga nila ako maituring nang maayos bilang anak nila. Masyado ba akong naghahangad kung gusto ko lamang na itinuring nila ako nang maayos? Kahit man lang minsan.

            

"I—I'm sorry dad. Kung nagdulot ako sa inyo ng kahihiyan. I'm sorry na nagkaroon kayo ng anak na tulad ko. I'm sorry but I know that I tried to be the best daughter that you have," wika ko at hindi ko na napigilang hindi maiyak. Lumuhod ako sa harapan niya at patuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha. Hindi ito umimik at naglakad paalis sa aking harapan. At isang malakas na pagsara ng pinto ang aking narinig.

   

"Diana," wika ni Eric at tinulungan akong tumayo. Napatingin naman ako sa kanya at nakaramdam ako ng guilt dahil sa nagawa ko sa kanya.

            

"E—Eric."

            

"Huwag mong isipin na hindi ako galit sayo porket mahal kita Diana. Alam mo naman na mahal na mahal kita pero kahit anong gawin ko ay hindi mo ako kayang mahalin. Palagi mo na lang akong sinasaktan Diana pero kahit ganoon ay mahal pa rin kita. Sana dumating yung araw na mahalin mo rin ako."

            

"Eric—" Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang umalis na ito sa aking harapan. Kasalanan ko ba na mahulog ang loob ko sa ibang lalaki at hindi kay Eric? Hindi ko naman inaasahang makikilala at mamahalin ko si Allen eh. 

            

Napadako ang aking tingin kay mommy na nakatingin din sa akin pero ibinaling niya ang kanyang tingin sa ibang direksyon.

            

"Mommy," wika ko at umupo sa upuan na nasa tabi ng kanyang higaan.

            

"I'm sorry for what happened. I just don't want to marry Eric. I don't love him mom and I hope you understand it." Hindi pa rin niya ako nililingon bagkus nakatingin lang siya sa may bintana. Hinawakan ko ang kanyang kamay pero iniiwas niya lamang iyon.

            

"Mom I'm really sorry pero hindi ko kayo susundin sa gusto niyong magpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal. Magalit man kayo sa akin nang lubos-lubos ay hindi ko pa rin kayo susundin." At sa pagkakataong iyon ay nilingon niya na ako. Wala akong mabasang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.

       

"Pero ginagawa namin iyon para sa ikakabuti mo. We know what's best for you Diana so, just please listen to us." 

            

"No mom because I'm not happy with it and honestly, it's not the best for me, mom. You know that i've been listening and following all the things you want me to do since I was at a young age. Ngayon ko lang kayo susuwayin kaya naman sana hayaan niyo akong magdesisyon para sa sarili ko. Alam kong alam niyo na mula nung bata pa ako. Kayo lagi ni daddy yung nagde-desisyon para sa akin sa lahat ng bagay. Pero mommy hindi na ako bata, malaki na ako mommy. Alam ko na kung ano yung tama at mali. Ganoon din pagdating sa paggawa ng desisyon. Kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko kaya hayaan niyo na akong piliin ang kaligayahan ko." I said and my voice broke as a tears escaped from my eyes.

            

"At saka isa pa mommy, hindi ako isang bagay na pwede niyong ipagpalit. At alam niyo kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mahal niyo ako dahil itinuturing niyo akong isang bagay na pwedeng gamitin sa paraang gusto niyo. Kaya nakikiusap ako sa inyo mommy. Hayaan niyo na akong piliin yung makakapagpasaya sa akin," muli kong wika at pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. Huminga muna ako nang malalim at tumayo. Sa pangalawang pagkakataon ay lumuhod ako. 

            

"I'm sorry mommy," wika ko habang nakaluhod at nakayuko. Mayamaya'y tumayo na ako.

            

"Bibisitahin ko nalang po kayo ulit sa susunod na araw." Pinahid ko muna ang mga munting luha na tumulo sa aking pisngi kanina bago umalis at umuwi sa dating apartment na tinutuluyan ni Allen.

                                             

                                     ~~~

 "Kumusta ang pagkikita niyo ng mommy mo?" tanong sa akin ni Allen nang dumating siya mula sa kanyang trabaho.

            

"Hindi naging maganda ang kalalabasan. But I just wished na tanggapin na nila tayo. 'Yun lang naman 'yong hinihingi ko sa kanila eh."

            

"Siguro hindi pa nila matanggap ngayon pero siguradong darating 'yong time na tatanggapin din nila kung ano man ang meron tayo," wika niya kaya kahit papaano at napangiti ako sa kanyang tinuran kaya niyakap ko siya.

            

"Let's have a dinner outside," wika ko at tumayo. 

            

"Mabuti pa nga dahil wala pa tayong mga groceries."

            

"Maybe we can go to the supermarket tommorow. But for now, let's eat dinner outside," wika ko at naglakad na kami palabas ng apartment. Pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa amin si Celestine. May hawak itong nga plastic bags na may laman.

            

"Hello there love birds."

            

"Celestine. What brings you here?" 

            

"Well, I brought a dinner for us. Wala kase akong kasamang kumain sa bahay. Mom and dad were at a business trip. Ang dami kong pinaluto sa cook namin kaya naisipan kong pumunta dito at dalhin ang mga pagkain na pinaluto ko para sabay-sabay tayong kumain. Mabuti na lang naabutan ko pa kayo." mahabang litanya ni Celestine.

            

"Mabuti nga at hindi pa kami nakaalis. Actually, paalis na sana kami pero mabuti na'lang dumating ka," wika ko.

            

"Pwede bang tara na sa kusina para malantakan na natin itong mga dinala kong masasarap na pagkain?" wika ni Celestine at kumindat pa.

            

"Sige tara na," wika naman ni Allen. Kaya nagtungo na kami sa kusina para kumain na dahil nagugutom na rin ako at amoy na amoy ko na ang masarap na mga pagkain na dala ng pinsan ko.

            

"So, Diana kumusta naman ang pagtatagpo niyo nina tita?" tanong ni Celestine habang kumakain kami. Napatingin naman ako kay Allen at nginitian niya ako.

            

"Uhm it didn't go well. They are mad at me. I already expect it but I'm still also hoping that they'll understand me." 

            

"Cheer up cuz. Just do and choose the things that makes you happy. And you know, I can't understand them why they keep pushing you to Eric. Yes, he has a god-like look. He came from a wealthy and known family but he's not the one you love. It just means that it's not about someone's status to fall in love with but with someone that makes your heart beat like a crazy mad man."

            

"Thank you Celestine for always cheering me up and for always being there for me, especially when I'm feeling down. I'm so grateful to have a cousin like you. Who supports me and understands me. I really owe you a lot cousin," wika ko at tila maluluha na naman ako.

            

"Hayst you don't have to thank me cousin. I'm doing all this because I love you and that I also owe you a lot when we were still young," wika naman niya. Kaya napatayo ako at nilapitan siya para yakapin.

            

"I like the relationship between the two of you. Para kayong magkapatid." Napatingin naman kami ni Celestine kay Allen na nakangiting nakatingin sa amin. Kumalas na ako sa pagkakayakap kay Celestine at bumalik sa aking upuan. 

  

"Syempre naman noh. Mula pa noong mga bata kami ay palagi na kaming magkasama at hindi mapaghiwalay. We love and treat each other like sisters. We may not be sisters by pure blood but by heart and no one or nothing can make us destroy the bond we have." Muli akong napangiti sa tinuran ng aking pinsan. Ang swerte ko kase siya yung naging pinsan ko. Kahit kailan hindi niya ako pinabayaang mag-isa. She always comforts me whenever I have a problem or struggling on something. She will do everything for me and I will also do everything for her.

            

"Hayy nagda-dramahan na naman tayo eh. Mabuti pa kainin nating lahat 'tong mga pagkain," wika ni Celestine.

            

"Oo nga, mabuti pa," wika naman ni Allen. Kaya nagpatuloy na kami sa pagkain ng iba't-ibang putahe na dinala ni celestine. She's really the best. 

            

"Ahh I'm so full. I did have fun having dinner with you guys. So, gabi na kaya kailangan ko nang umuwi," wika ni Celestine at tumayo.

            

"Salamat sa pagkain Celestine," wika naman ni Allen.

            

"Naku, wala iyon noh. Sige na alis na ako."

            

"Mag-iingat ka cuz. Bye."

            

"Sige. Kita-kits na lang tayo bukas. Bye," wika niya at umalis na. Dahil hindi pa kami inaantok ni Allen ay napagdesisyonan naming manood muna ng palabas sa television. Kaya nagtungo kami sa kwarto at binuksan ang television. Nakahiga lang kami sa kama habang nanonood hanggang sa unti-unti na akong makaramdam ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status