“Hindi na kailangan,” desididong sabi ni Daisie. “Hindi ko siya pwedeng bigyan ng gulo. Ayos lang ako basta alam kong ayos siya.”Ngumiti si Cameron pero walang sinabi. Mas gusto niya si Daisie kaysa kay Waylon. Kung tutuusin, malambing siya at mabait na babae. Hindi lang yon, masayahin siya at prangka, hindi tulad ng kuya niya.Kung mayroon siyang nakababatang kapatid tulad niya, ibibigay niya lahat nang pera na mayroon siya.Samantala…Tinitingnan ni Nollace ang account ng The Commune sa study. Hindi nagtagal, napagtanto niyang may kakaiba. Ilang hindi alam na funds ang lumabas mula sa account ng The Commune sa mga lumipas na taon nang nasa The Serpents ang kapangyarihan.Hindi lang yon, kundi hindi lang yon maliit na halaga ng pera. $600, 000 yon tuwing withdrawal.Tinawag niya si Jake sa loob ng study. Si Jake ang binigay na katulong sa kaniya ni Sunny. Inabot niya ang account book kay Jake at sinabing, “Tulungan mo akong malaman kung saan napunta ang fund.”Kinuha ni Jake a
Bahagyang nagulat si Daisie. Nakapanood na siya ng musical, play, at opera pero ito ang unang beses na naranasan niya ang tulad nito. Mapapanood niya lang yon sa pelikula o kapag nasa shoot siya ng show.Kinuha niya ang kaniyang baso at sumandal sa mesa. “Ano sa tingin mo? Masarap sa pakiramdam, hindi ba? Masarap ang tsaa at maganda ang nagtutugtog ng musika sa atin.”Lumingon si Daisie pata tingnan si Cameron. “Mukhang alam mo talaga kung paano magsaya sa buhay.”Sumimsim si Cameron ng tsaa at sumagot, “Well, kailangan nating magsaya habang nabubuhay tayo. Napansin ko na bored ka na kaya dinala kita sa labas para makita ang tradisyon ng isla namin. Kung tutuusin, hindi kita papayagan na bumalik nang walang nakukuha mula sa isla ko.”Habang sumisimsim ng tsaa, sumagot si Daisie, “Alam niyo talaga kung paano maging masaya sa buhay.”“Dahil yon sa lolo ko.” Tumawa si Cameron at kinaway ang kamay niya. “Tradisyunal na lalaki ang lolo ko. Palagi niyang tinuturuan ang dad ko na huwag k
Kumunot si Nollace. “Paano kapag nalaman mo kung saan napunta ang pera?”Sumimsim ng tsaa si Sunny at tumingin sa mesa bago sumagot, “Hindi na sila pwedeng manatili dito. Ito na ang huling awa na ipapakita ko sa kaniya.”Pagkatapos non, idinagdag niya, “Oh yeah, tulungan mo akong bantayan ang tao sa paligid ni Florence. Sa tingin ko ay nagtaksil na kay Joaqin ang iba sa kanila. Hindi niya lang alam ang tungkol doon.”Nakatayo si Daisie sa harap ng pinto. Kumatok siya sa punto dahil narinig niya ang usapan nila.Nang nagda-dalawang isip siya, may waiter na dumating sa likod niya. “Miss, bisita ka ba ng private room na ito? May maitutulong ba ako sa inyo?”Napatalon si Daisie sa takot at kinaway ang kamay niya. “Wala.”Agad siyang umalis.Binuksan ni Nollace ang pinto. Nakita niya ang waiter sa labas ng pinto, nakatitig siya sa direksyon kung saan nawala si Daisie na may nagtatakang mukha.Tumingin siya sa direksyon na yon at pamilyar sa kaniya ang katawan na nasa dulo ng corrid
Pero hindi nakaramdam si Daisie ng kahit anong emosyon doon—sobrang dismayado lang siya.Nalulungkot siya sa pinagdadaanan ni Nollace at sa pagtitiis niya da kapahamakan at sa sitwasyon niya ngayon.Gusto rin ni Daisie na harapin sila kasama si Nollace pero hindi niya pwedeng ibuking si Nollace.Matapos ang mahabang panahon, kumawala si Daisie sa bisig ni Nollace, nanunuyo ang ngalangala niya. “Kailangan ko na umalis ngayon, Nollace. Hindi makakapagpaliwanag nang maayos si Cameron kay Waylon pag hindi niya ako makita.”Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie, at may bakas ng saya ang lumabas sa puso ni Daisie.Binitawan siya ni Nollace. “Umalis ka na, at huwag ka na lumingon.”Tumango si Daisie, binuksan ang pinto, at lumabas papunta sa corridor.Sumandal si Nollace sa pader, tinaas niya ang ulo niya at huminga nang malalim, kahit na may sandaling ayaw na niyang bitawan at paalisin si Daisie.Pinakalma ni Daisie ang sarili niya at bumalik na sa private room.Nakaupo na sa kwart
‘Bahagyang malalim ang boses niya marahil ayun ay dahil sa maliit niyang katawan. Hindi masyadong nakikita ang hugis ng katawan niya sa kaniyang suot. Pero ang tunay na lalaki ay walang kasing liit ng bewang at balikat niya. Kahit ang kaniyang leeg ay maliit at ang kamay niya ay hindi kasing laki ng sa lalaki.’ Hindi nagsabi ng kahit ano si Waylon, at walang nakakaalam ng iniisip niya. Kinatok ni Daisie ang ulo niya na malayo pa rin ang iniisip. “Hayaan mo na. Baka masyado ko lang iniisip ang mga bagay-bagay.”Sa Parkin Chamber ng Commerce…Hinila ng mga naka-itim na bodyguards si Collin papuntang office. Walang ideya si Collin sa kung ano ang ginawa niya para magalit ang mga tao mula sa Parkin Chamber of Commerce. Tiningnan niya si Buchanon na nakaupo si Couch. “Mr. Gibson, para saan ang lahat ng ito?” “Para saan ang lahat ng ito?” Inisip ni Buchachon ang mga sinabi ni Fabio noong binalaan siya nito kaninang umaga. Kung hindi talaga siya nakahanap ng kahit anong clue, iyon n
Hindi nagtagal matapos masabi ang mensahe, nakatanggap ng tawag si Buchachon mula kay Fabio.May sinabi sa kaniya si Fabio sa kanilang tawag, sumang-ayon si Buchachon sa sinabi niya at ngumiti. “Oo, naiintindihan ko. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala.”Pinatay na niya ang tawag, tumalikod at masamang tiningnan si Collin. “Nakakaawa ka naman Collin. Dahil lumabas na ang plano mo, Hindi ka na pwedeng manatili sa tabi ni Mr. Puzo.”Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ni Collin, humawak siya sa paa ni Buchachon. “Naloko talaga ako! Si Ms. Serrano ang nanloko sa akin! Please sabihin mo kay Mr. Puzo na bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon!”Hindi pinansin ni Buchachon ang iyak ni Collin at kinaway ang kamay niya. Lumapit ang dalawang bodyguard sa likod ni Collin, tinakpan ang bibig nito, hinawakan ang ulo niya at hinawakan ang baba, malakas at madiin ang paghawak niya dito.Napatabingi ang ulo ni Collin, at hinila ng mga bodyguard ang katawan niya pababa sa hagdan. Sa kabila
Tinaas ni Joaquin ang ulo niya, walang ekspresyon sa mukha niya. “Ikaw ba ang nag hire ng taong papatay kay Cameron sa teritoryo nila?” Hindi inaasahan ni Florence na tatanungin siya ng Dad niya tungkol doon, nagdilim ang mukha niya. “Ano naman kung ako iyon? Pag namatay si Cameron, pwede na nating—”“You f*cking piece of sh*t!” Sobrang galit si Joaquin na sinanggi niya ang teacup sa mesa papuntang sahig. Tumayo siya, lumapit siya kay Florence, tinaas ang kamay niya, at sinampal niya ito. Si Florence na nasampal ulit ay nag-igting ang ngipin, namumula ang mata niya habang tumatawa. “Lagi ka na lang takot sa mga Southerns. Hindi na nakakapagtaka bakit lagi ka na lang nilang minamaliit nitong mga nagdaang taon. Napakaduwag mo!” “Manahimik ka!” Umumbok ang asul na ugat sa noo ni Joaqin. “Ang lakas talaga ng loob mo na gumawa ng ganung bagay sa teritoryo ng Southern Clan? Sa tingin mo ba may kapasidad kang makipaglaban kay Cameron?” Masama ang tingin ni Florence kay Joaqin. “Bak
Tinaas ni Cameron ang latigo sa kamay niya. “Gusto mo ba matuto?”Nagulat si Daisie at tinuro ang latigo. “Gusto mong matuto akong gumamit ng latigo mula sayo?”“Huwag mong maliitin ang kapangyarihan ng latigo. Ang latigo ay isang cold weapon na ginagamit noong ancient times pa. May labing isang paraan para manduhin ang latigo, may soft at hard na latigo rin. Pwede ka gumamit ng isang latigo o dalawa. Ang pinaka ginagamit lagi ay metal at leather, ito ay leather, ang pinaka common sa dalawa. Ito ang pinakamadaling imando para sa mga beginner.”Kinuha ni Daisie ang pulang maikling latigo kay Cameron. Gawa nga iyon sa leather, at malamig ito pag hinawakan. Ang key ay napaka portable nito, at sobrang ganda ng pagkakagawa.Ngumiti si Cameron. “Kung gusto mo niyan, ibibigay ko na lang sayo.”Nagulat si Daisie ng ilang sandali. “Hindi pwede yun…”Binigay ni Cameron ang latigo na nasa kamay niya. “Hindi mo kailangan maging sobrang galang sa akin. Sayo na yan. Tatawagin ko si Mahina para