MEDYO MASAMA MAN ang kalooban ay agad namang ginantihan iyon ni Gavin. Niyakap niya ang asawa kahit na nagtatampo siya. Hindi niya kayang tiisin ang asawa dahil sa kabila ng mga sinabi niya, sobrang mahal niya pa rin ito.“Hindi mo kailangang solohin ang lahat. Sabi mo nga mag-asawa tayo. Dapat magkasama tayo. Magkatulong. Hindi mo kailangang sarilinin ang lahat ng problema at sakit. Ilang beses akong umuwi. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol sa kanya. Sana ibinahagi mo sa akin ang sakit na mag-isa mong dinala. Pinaghatian natin iyon. Hindi mo kailangang solohin, Attorney. Di ba asawa mo ako? Partner mo? Kaya dapat ipinaalam mo. Sorry, kung naging isa ako sa pabigat sa’yo…sorry…dahil ina ako at asawa mo…kung may mali man akong mga nasabi, patawarin mo ako pero hindi kita sinisisi. Kasalanan ko ang nangyari sa amin noon ni Gabe dahil nagmatigas ako. Naging matigas ang ulo ko. Ako ang may mali at hindi ikaw, Gavin…kaya huwag mong sisihin ang sarili. Hindi mo kailangang angkinin ang laha
KINABUKASAN AY MAAGANG ginising ni Gavin ang asawa kahit na nasa kasarapan pa ang tulog nito. Ayaw pa sanang bumangon ni Bethany noon na nagawa pang yakapin ang anak na mahimbing pa rin ang tulog, ngunit napilitan pa rin na sundin ang asawa sa bulong nito. Kailangan nilang mag-usap ni Bethany dahil hindi nila iyon magagawa kapag nasa paligid ang kanilang anak. Tiyak na aangkinin na nito ang ina niya na hindi malamang mangyari dahil kilalang-kilala ito ni Gavin. Baka nga kahit yakap, ipagdamot na sa kanya.“Bangon na, Thanie…” “Ang aga pa, Attorney. Bakit?” “Marami tayong dapat na pag-usapan tungkol kay Gabe. Samahan mo akong uminom ng kape.” “Antok pa ako.”“Kaya nga iinom tayo ng kape, pampagising. Tulog na lang ulit tayo mamaya.” Naramdaman ni Bethany ang paghalik ni Gavin sa labi ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Para bang buong buhay niya after na manganak at ng mga nangyari ay iyon ang pinakamasarap na tulog na mayroon siya. Pilit pa rin siyang hinihila ng hig
ISANG LINGGO ANG matuling lumipas. Hindi pa rin makapaniwala si Bethany sa natatamasa niyang kasiyahan sa piling ng kanyang mag-ama sa kanilang marangyang villa. Naisip niya na marahil ay hindi pa alam ng ibang kamag-anak na nasa bansa na siya. Hindi rin siya nag-reached out lalo na sa tiyuhin sa Baguio dahil tutok siya sa anak. Sa loob ng isang Linggong iyon ay para pa 'ring nananaginip lang siya ng gising sa lahat ng mga nangyayari. Dati hangad lang niya iyon, kumbaga ay naiisip lang niya pero ngayon ay tunay pala. Hindi pa rin maabot iyon ng kanyang isipan pero unti-unti rin niyang napaniwalaan na totoo ang lahat at hindi bahagi ng ibang mundo niya.“Hindi naman niya kailangang araw-araw na pumasok ng school. Masyado pa siyang bata. Thanie, isinali ko lang siya doon para naman may pagkaabalahan siya habang nasa trabaho ako. Ang hirap niyang iwanan at hindi ko naman pwedeng dalhin siya sa office ko at ibang environment iyon sa kanya.” ito ang naging sagot ni Gavin nang magtanong ang
LUMAKAS ANG HALAKHAK ni Bethany na nakababa na ng hagdan. Nilingon niya ang asawa na para bang nalugi ang hitsura sa tinuran ng kanilang anak. Hindi makapaniwala ang kanyang mga mata. Napalingon pa si Bethany sa mga maid na naglilinis ng mga vase ng kanilang villa sa gilid ng hagdan na paniguradong narinig ang usapan ng mag-ama na walang kakwenta-kwenta. Na-back to you agad ng anak ang ama niya. Gusto sanang dugtungan ni Bethany ang pang-aasar ng anak nila sa asawa, kaya lang ay baka naman umiyak na sa inis niya si Gavin.“Gabe, bawiin mo ang sinabi mo. Di ba sabi mo noon gusto mo ng baby brother at baby sister? Anong nangyari? Bakit binabawi mo naman iyon anak? Walang bawian. Sa korte, kapag sinabi mo na at na-record na bawal na iyong bawiin at salungatin.”Nasa hapag na sila pero iyon pa rin ang topic nila. Naiiling na lang si Bethany sa mag-ama. Ini-upo na niya si Gabe na agad hinagilap ang kubyertos niya.“Wala kang ebidensya Daddy na sinabi ko ‘yun. May patunay ka bang maiipakita
PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay tumigil ang sasakyan ni Gavin sa isang kilalang high end kindergarten sa lugar. Sabay na lumabas sina Gavin at Bethany sa loob ng sasakyan upang kunin ang anak nila sa likod. Si Gabe na sa sandaling iyon ay malawak na nakangisi. Iniisip ng bata na ito na ang pagkakataong matagal niya ng pangarap; mabuo sila at makita iyon ng lahat ng mga kaklase niya. Tumatalon-talon pa ang munting mga paa habang hawak ng ama at ina ang tig-isang munting palad habang papasok sila ng gate ng paaralan kung saan napapatingin ang ibang nakakakita sa kanila.“Teacher, ito po ang Mommy ko!” may kalakasang bulalas niya na sinadya upang iparinig iyon sa iba pa. Napalingon ang maestra nila na hindi na nagulat sa sinabi ni Gabe. Alam niya naman kung sino ang asawa ni Mr. Dankworth kung kaya wala na doong kagulat-gulat.“Anong masasabi mo sa kanya, Teacher?”Pa-squat na naupo ang Teacher sa harap ni Gabe at bahagyang hinaplos ang gilid ng panga ng bata na naghihintay ng sagot ni
MULA SA GABING iyon kung saan nasabi na ni Gavin ang lahat sa asawa ay unti-unti silang umayos at bumalik sa normal na pamumuhay. Habang abala si Bethany na ubusin ang oras niya sa anak, unti-unti rin na bumabalik sa trabaho si Gavin hindi bilang abogado dahil mula ng mag-retiro ay wala na siyang planong bumalik pa. Isa na siya ngayong full time businessman na ini-expand ang negosyo sa Asia. May mga business trips, pero sa lahat ng iyon ay sinasama niya ang kanyang mag-ina upang maibsan ang kanyang pag-aalala kapag nasa malayo siya. Nagagawa niyang pagsabayin ang pamilya at negosyo nila.“Kailan mo ba kami papayagang umakyat ng Baguio? Baka magtampo na sina Tita Victoria, Lola Livia at si Tito Giovanni niyan sa akin. Ilang buwan na ako sa bansa tapos hindi man lang ako nagpapakita sa kanila.”“Hindi sila magtatampo. Alam naman nilang sinasama ko kayo ni Gabe sa mga business trips ko.”“So kailan nga, Gavin?”“After natin makipag-dinner sa mga magulang ko.”Nanlaki ang mga mata ni Beth
NANG SUMUNOD NA weekend ay nagpasya ang pamilya Dankworth at Bianchi na magkaroon ng banquet sa mansion ng mga Dankworth. Disguise na family dinner iyon pero lingid sa kaalaman ni Bethany ay pupunta ang lahat ng kapamilya niya doon upang e-surprise siya. Hindi lang iyon, maging ang kanyang ama na si Mr. Conley ay umuwi pa ng bansa kasama ang kanyang asawa na kalaunan ay tinanggap na rin si Bethany bilang anak ng kanyang asawa. “Bakit kailangan pang naka-dress? Hindi ba at normal family dinner lang naman natin iyon kina Mommy at Daddy? Baka naman pagtawanan nila ako na ganito ang ayos ko ngayon, Gavin? Napakabonggan naman yata ng pa-dress.” “Hindi porket sa loob lang iyon ng mansion gaganapin ay hindi ka na mag-aayos, Thanie.” Sa halip na makipagtalo ay sinunod na lang ni Bethany ang gusto ng kanyang asawa. Isa pa, twinning sila ni Gabe na sadyang ipinasadya pa ni Gavin. Iyon ang unang beses nilang gagawin iyon ng anak kung kaya naman pareho silang excited na magkita. Matapos na ayu
HINDI AKMA SA okasyon pero ganun na lang ang gulat ni Bethany sa sinabi ng asawa. Ang tagal niya ng nakauwi pero ngayon niya lang ito nabanggit. Nakokonsensya tuloy siya na ngayon pa niya ito napansing wala ang presensya.“Ano? Bakit niya naman gagawin iyon?” Medyo nakaramdam pa ng pagkakonsensya pa si Bethany dahil hindi niya ito nabanggit sa asawa. Kinukumusta niya ito kay Gavin, pero hindi siya ang literal na nagre-reached out sa hipag. Ni hindi niya nga ito natawagan dati eh at nagui-guilty siya dahil noong nasa hospital siya, nagawa pa siya nitong bantayan kahit na tinakasan niya pa ito dati. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap hanggang ngayon? Anong taon na?” “Thanie, problemado na tayo noon sa buhay natin iisipin pa ba natin siya? Malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali. Saka kung gusto niyang umuwi, palagi namang bukas ang tahanan namin sa kanya. Hayaan mo na ng matuto.”“Matuto? Gavin, Gabriella is your only sister. Noong may problema t
SA NARINIG NA dahilan ay bumaba na rin si Giovanni ng kama at hinagilap ang kanyang mga damit na hinubad. Mabilis niyang sinuot iyon. Nagtaka na doon si Briel. Ipinilig niya ang ulo nang maisip na bakit nagmamadali itong magbihis ng damit. Itinuon na lang niya ang pansin sa pamumulot ng mga damit na hinubad nito na kanyang planong labhan sana kanina na dalawang beses ng naudlot. Dadalhin niya muna iyon sa ibaba, siya na ang kusang magsasalang sa washing at babantayan na rin. Paniguradong tulog na ang mga maid at hindi na makatao kung gigisingin pa niya para utusan. Siya na lang ang gagawa noon. “Saan ka pupunta, Giovanni?” lingon na niya sa lalaki nang makita sa gilid ng mga mata ang pagsunod nitong ginagawa nang patungo na siya sa pintuan, “Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Kukunan na lang kita ng tubig. Dito ka na lang. Dito mo na lang ako hintayin. O baka naman gusto mo ng kape? Titimplahan kita.”Umiling si Giovanni na hindi inaalis ang tingin kay Briel. Namumula na naman ang buong mukha
MALAPAD ANG NGISING iniiling ni Briel ang kanyang ulo na tila wala na rin sa tamang pag-iisip. Sa kabila ng lantarang warning ni Giovanni na malapit na siya ay hindi man lang siya kinabahan kahit na katiting. Lalo pa ngang na-excited doon si Briel na mas ginalingan ang paggiling sa ibabaw nito hanggang sa maramdaman niya sa kanyang loob ang mainit na katas nito na sinundan nang sabay at malakas nilang ungol na dalawa. Nanghihinang bumagsak ang katawan ni Briel na katawan ni Giovanni na agad namang niyakap ng Gobernador. Bumalatay ang masiglang ngiti sa kanyang labi na hindi makapaniwala na muling may nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas at inalis niya si Briel sa kanyang ibabaw na halatang pagod at parang nanlalantang gulay ang katawan “Shower tayo, Baby…” bulong niya nang makita ang kalat ng kanyang katas na kumapit sa katawan. Umungol si Briel at umiling ngunit wala itong nagawa nang buhatin niya na ang katawan at walang imik na dalhin sa bathroom. Yakap
NAMUMULA ANG MAGKABILANG tainga na lumabi na si Giovanni na agaran ang naging pag-iling ng kanyang ulo. Natatawa siya sa reaction ni Briel at the same time ay napuno ng gigil ang kalamnan. Walang pasubaling hinugot niya ang kanyang sarili at muli pa iyong ibinaon nang mas malalim sa lagusan nitong sobrang dulas at basang-basa na. “No, Baby, it’s not that big at wala akong anumang ginamit. Kung ano ito noong huli mong natikman, siya pa rin ito hanggang ngayon. Your pretty pussy were just tight and of course you’d missed me.” paanas niyang tugon binasa na ng dila kanyang labi. Halos tumirik ang mga mata ni Briel na napahawak na sa buhok ng Gobernador nang mas bilisan niya pa ang pagbagyo at sunod-sunod na ang paglabas at pasok sa kanyang bukana. Dama na ng Gobernador na mas nag-init pa doon si Briel sa dami ng tubig na inilalabas ng pagkababae niya kaya mas ganado siya. “Ang sarap mo pa rin talaga!” puno ng gigil na turan pa ni Giovanni na patuloy sa ginagawa sa ibabaw. Sa tindi nam
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm