"Pre, Welcome back." Sambit ni Sammy kay Lucas sabay aper ng magkabilang palad. "Hey, kumusta?" Sempling ngiti lang ang ibinigay niya sa kaibigan."Ikaw ang kumusta pre?. Grabi ang laki ng ipinag bago mo." Pagka sambit ay umupo ito sa sofa na nasa loob ng opisina niya. "Ahh okay naman, mahirap pero kinakaya ko naman lahat para kay daddy" Lumapit siya sa kaibigan at umupo din sa sofa. Siya na ang pumalit sa posisyon ni mr.Guirero dahil 2yrs ago ay nag resign na ito, bilang CEO ay nagagampanan niya naman ng maayos ang pagpapalakad ng kompanya. Kakabalik lang niya galing ibang bansa, mas gusto niya sa pilipinas dahil mas sanay siya na manirahan dito. "Pre, may ibabalita ako sayo." Lumapit sa kanya ang kaibigan at tinabihan siya sa upuan."Wag mong sabihin na kalukuhan na naman yan." Napapa ngisi at napapailing nalang siya sa kaibigan dahil kahit malayo sila ay puro kalukuhan lang ang mga ikini kwento nito sa kanya."Iba ito pare, seryuso. Si Leah pre, sabay kayong dumating dito sa pi
"Pre, anong problema?" Bungad ni Sammy sa kanya kadarating lang nito sa restaurant."Porkit tinawagan ka may problema agad, diba pweding kakain lang tayo." Sambit niya dito."Libre mo ba ito? Alam mong hindi ko afford ang pagkain dito." Pabirong sambit sa kanya ng kaibigan."Oo na, lagi naman eh.." "Yes! sabi na nga ba eh." "Waiter?" Tawag niya sa waiter na nakita niya."Pre ano nakita muna ba si Leah." Tanong sa kanya ni sammy na ikina taas ng kilay niya."Paano naman nasali si Leah." Singhal niya sa kaibigan sa mahinang boses."Wag kana mag diny pre, nakita kong umalis ka kanina katapos natin mag usap. Ano tama ang sabi ko diba ang na malaki ang pinagbago ni Leah." "Pwedi ba pre umorder ka nalang baka magbago pa isip ko, sa karenderya talaga bagsak natin makita mo." Nanahimik nalang si Sammy para hindi na makulitan si Lucas.Ibinigay na nila ang kanilang order sa waiter at saka uminom ng tubig si Lucas. Habang sumusipsip siya ng tubig sa baso ay napatingin siya sa babaeng naglala
Leah's POVKasalukuyan kami ni Noel naka upo sa balkunahi ng aming bahay. Dalawang maliit na bahay lang ang pagitan ng bahay ko at ang bahay ni Lucas, kaya kita ko nung may pumarada na magarang sasakyan. Sinipat ko kung kanino ba ito, ngunit dahil kita naman sa harap kung sino ang driver ay agad ko itong nakilala. Kumabog ang dibdib ko si Lucas matalim na nakatingin sa'min ni Noel. Paano siya nagkaroon ng magarang sasakyan? Alam kong nagtatrabaho siya sa isang sikat na kompanya. Sabagay matagal rin ako nawala baka nakaipon siya ng pambili ng sasakyan.Kunwari ay hindi ko alam na nakatingin lang siya sa'min, lumapit ako kay Noel at kunwaring naglalambing. "Anong ginagawa mo Leah?" Nagtatakang tanong niya dahil inakbayan ko siya at umupo pa ako sa kandungan niya."Wagkang magreklamo nakatingin satin si Lucas, magkunwari kang sweet tayo." Ani ko, na pilit ang ngiti para hindi halatang nagsasalita."Eh ano naman kung nandiyan siya?" Singhal nito."Ano kaba? Diba nag usap na tayo n plano
Kasalukuyang nasa bar si Lucas at Sammy kasama nila si Sofia dahil kanina lang ay magkasama ang dalawa bago inaya ni Lucas ang kaibigan. "Shot pre! Alam mo ba hindi ito nagiinom dati." Sambit ni Sammy sa kasama nila na si Sofia."Nahiihilo na ako pre, cr muna ako." Paalam niya sa kaibigan. Akma pa siyang mabubuwal nang pagtayo niya ay parang umiikot na ang kanyang paningin. Tinungo niya ang daan papunta sa banyo ng bar, ng matapos makapag banyo ay pabalik na sana siya sa kanilang lamesa nang napalingon siya sa gawi ng maiingay at natanaw niya si Leah. Ito pala ang naririnig niyang malakas na tumatawa. Tinitigan niya ito ng matalim dahil halos lahat ng mga kasama nito sa lamesa ay mga lalake may isang babae na naka kandong pa sa kasama nilang lalake hindi naman nito nakikita si Noel na may kalandian ding lalake dahil tago ito at natatakpan ng ibang mga kasamahan nito "Nasaan ba ang asawa nito? Paano siya pinapayagang mag bar ng ganitong oras?" Sambit niya sa sarili. Nakita niyang pa
Malapad ang ngiti ni Leah na nakahiga sa kama nito, hindi maputol putol ang ang ngiti nito sa mga labi na kanina pa iniimagine ang nangyari sa kanila ng lalaking iniibig. Maliwanag na ngunit hindi parin siya nakatulog dahil sa hindi makalimutan kung paano siya pinaligaya ng lalaking ibinaon niya ng matagal sa kanyang puso. "Leah..!" Bigla siyang natauhan sa malakas na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto, sa gulat ay bigla siyang napatayo at kinabahan baka nalaman na ng kanyang ina ang nangyari sa kanila ni Lucas."Bakit 'ma?" Tanong nito sa ina ng pinagbuksan niya ito ng pinto. "Bakit naman hinayaan mo na sa sofa lang matulog ang iyong kaibigan, baka pinag pyestahan na yan ng lamok kagabi." Litanya sa kanya ng kanyang ina."Ho? Paanong dun siya natulog? E hinatid ko pa yan sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko."Sagot nito sa ina na nagulat sa sinabi ng ina."Teka anak, bakit ang lalalim ng mga mata mo? Para kang zombie natulog kaba o hindi?!" Sambit ulit ng kanyang ina na
"Sir, kaylangan niyo pong e check ang files ni Miss Monica Villamonte." Sambit ng kanyang secretary habang inaabot ang folder na naglalaman ng detalye ng modelo.Isang sikat na modelo si Monica siya ang bagong nililigawan ng kompanya para maging modelo sa bagong brand ng whisky. "who's this?" Tanong niya ng kinuha niya ang folder na ipinatong sa lamesa ng kanyang secretary."Ang modelo na gustong kunin para sa bagong brand ng alak." Sambit ng secretary ni Lucas na nag abot sa kanya ng folder na naglalaman ng detalye ng modelo. Binuklat niya ang folder, binasa niya ang vital statistics ng modelo habang nakatingin sa litrato nito. Kita niya ang babaeng modelo na nasa litrato mahaba na maitim ang buhok at na binagayan ng medyo singkit na mata na may mahahabang pilik mata at pointed na ilong at medyo makapal na labi na mapula dahil sa lipstick.Kung ikokompara niya ito kay Leah, ay hindi sila masyado nagkakalayo sa ganda. Ang lamang lang nito sa dalaga ay dahil matangkad ito na hindi n
Hindi lang isang buwan, kundi apat na taon ang lumipas bago nakauwi ng pilipinas si Lucas. "Yes please, nasa airport na kami." Sambit niya sa kausap sa cellphone nang sumakay na siya sa sasakyang sumundo sa kanila ni Monica sa airport. Ibinaba na niya ang tawag mula kay Sammy na naghihintay sa kanyang penthouse sa kanilang pagdating. Si Sammy ay nagpahanda ng pagkain sa maids para sa pagdating ni Lucas at Monica, katulong niya si Sofia na ngayon ay kasintahan na nito. "Honey, paayos naman ng flower." Tawag nito sa kasintahan na kasalukuyang tinutulungang maglagay ng mga plato sa mahabang lamesa ang kasambahay."Okay." Ani ni Sofia."Kaylangan maganda at presentable ang dating para naman hindi nakakahiya sa kasintahan ni Lucas." Sambit nito na sinisipat pa ang bulaklak kung nasa gitna naba ito ng lamesa. "Maayos yan ikaw pa." Ani naman ni Sofia na proud sa kasintahang si Sammy.Napaka elegante ng pagkaka ayos nila sa lamesa na may anim na hilirang upuan, at tig iisa sa dulo may ini
Leah's POV"Noel, bakit naman kasi nagpunta kayo sa event? Diba ang sabi ko sayo na hintayin niyo ako sa mall?!" Singhal niya kay Noel dahil sa inis."Paano kasi hinahanap ka na ng anak mo, ano hayaan ko lang yung bata na umiyak sa loob ng mall?" Ani ni Noel sa kanya."Nakita siya ni Lucas, ano na ng gagawin ko?" Sambit niya sa kaibigang bakla."Bakit ako ang tinatanong mo?!" Angal nito. Hindi na muna bumalik si Noel sa canada dahil nakiusap siya na samahan muna sila ng anak niya dahil ang kanyang magulang ay nag bakasyon sa probensiya na hindi niya sigurado kung babalik pa dito sa maynila. Nakiusap naman si Noel sa kanyang mommy sa canada na sasamahan muna sila dito sa pilipinas, nagsinungaling din sila sa magulang ni Noel na anak nilang dalawa ang bata na kanyang isinilang. Simula nung may nangyari sa kanila ni Lucas ay hindi na niya ito nakita, hanggang sa nalaman niyang nagdadalantao siya. Hindi niya sinabi sa magulang niya na si Lucas ang ama, nag sinungaling siya sa kanyang ma