Kasalukuyang nasa bar si Lucas at Sammy kasama nila si Sofia dahil kanina lang ay magkasama ang dalawa bago inaya ni Lucas ang kaibigan. "Shot pre! Alam mo ba hindi ito nagiinom dati." Sambit ni Sammy sa kasama nila na si Sofia."Nahiihilo na ako pre, cr muna ako." Paalam niya sa kaibigan. Akma pa siyang mabubuwal nang pagtayo niya ay parang umiikot na ang kanyang paningin. Tinungo niya ang daan papunta sa banyo ng bar, ng matapos makapag banyo ay pabalik na sana siya sa kanilang lamesa nang napalingon siya sa gawi ng maiingay at natanaw niya si Leah. Ito pala ang naririnig niyang malakas na tumatawa. Tinitigan niya ito ng matalim dahil halos lahat ng mga kasama nito sa lamesa ay mga lalake may isang babae na naka kandong pa sa kasama nilang lalake hindi naman nito nakikita si Noel na may kalandian ding lalake dahil tago ito at natatakpan ng ibang mga kasamahan nito "Nasaan ba ang asawa nito? Paano siya pinapayagang mag bar ng ganitong oras?" Sambit niya sa sarili. Nakita niyang pa
Malapad ang ngiti ni Leah na nakahiga sa kama nito, hindi maputol putol ang ang ngiti nito sa mga labi na kanina pa iniimagine ang nangyari sa kanila ng lalaking iniibig. Maliwanag na ngunit hindi parin siya nakatulog dahil sa hindi makalimutan kung paano siya pinaligaya ng lalaking ibinaon niya ng matagal sa kanyang puso. "Leah..!" Bigla siyang natauhan sa malakas na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto, sa gulat ay bigla siyang napatayo at kinabahan baka nalaman na ng kanyang ina ang nangyari sa kanila ni Lucas."Bakit 'ma?" Tanong nito sa ina ng pinagbuksan niya ito ng pinto. "Bakit naman hinayaan mo na sa sofa lang matulog ang iyong kaibigan, baka pinag pyestahan na yan ng lamok kagabi." Litanya sa kanya ng kanyang ina."Ho? Paanong dun siya natulog? E hinatid ko pa yan sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko."Sagot nito sa ina na nagulat sa sinabi ng ina."Teka anak, bakit ang lalalim ng mga mata mo? Para kang zombie natulog kaba o hindi?!" Sambit ulit ng kanyang ina na
"Sir, kaylangan niyo pong e check ang files ni Miss Monica Villamonte." Sambit ng kanyang secretary habang inaabot ang folder na naglalaman ng detalye ng modelo.Isang sikat na modelo si Monica siya ang bagong nililigawan ng kompanya para maging modelo sa bagong brand ng whisky. "who's this?" Tanong niya ng kinuha niya ang folder na ipinatong sa lamesa ng kanyang secretary."Ang modelo na gustong kunin para sa bagong brand ng alak." Sambit ng secretary ni Lucas na nag abot sa kanya ng folder na naglalaman ng detalye ng modelo. Binuklat niya ang folder, binasa niya ang vital statistics ng modelo habang nakatingin sa litrato nito. Kita niya ang babaeng modelo na nasa litrato mahaba na maitim ang buhok at na binagayan ng medyo singkit na mata na may mahahabang pilik mata at pointed na ilong at medyo makapal na labi na mapula dahil sa lipstick.Kung ikokompara niya ito kay Leah, ay hindi sila masyado nagkakalayo sa ganda. Ang lamang lang nito sa dalaga ay dahil matangkad ito na hindi n
Hindi lang isang buwan, kundi apat na taon ang lumipas bago nakauwi ng pilipinas si Lucas. "Yes please, nasa airport na kami." Sambit niya sa kausap sa cellphone nang sumakay na siya sa sasakyang sumundo sa kanila ni Monica sa airport. Ibinaba na niya ang tawag mula kay Sammy na naghihintay sa kanyang penthouse sa kanilang pagdating. Si Sammy ay nagpahanda ng pagkain sa maids para sa pagdating ni Lucas at Monica, katulong niya si Sofia na ngayon ay kasintahan na nito. "Honey, paayos naman ng flower." Tawag nito sa kasintahan na kasalukuyang tinutulungang maglagay ng mga plato sa mahabang lamesa ang kasambahay."Okay." Ani ni Sofia."Kaylangan maganda at presentable ang dating para naman hindi nakakahiya sa kasintahan ni Lucas." Sambit nito na sinisipat pa ang bulaklak kung nasa gitna naba ito ng lamesa. "Maayos yan ikaw pa." Ani naman ni Sofia na proud sa kasintahang si Sammy.Napaka elegante ng pagkaka ayos nila sa lamesa na may anim na hilirang upuan, at tig iisa sa dulo may ini
Leah's POV"Noel, bakit naman kasi nagpunta kayo sa event? Diba ang sabi ko sayo na hintayin niyo ako sa mall?!" Singhal niya kay Noel dahil sa inis."Paano kasi hinahanap ka na ng anak mo, ano hayaan ko lang yung bata na umiyak sa loob ng mall?" Ani ni Noel sa kanya."Nakita siya ni Lucas, ano na ng gagawin ko?" Sambit niya sa kaibigang bakla."Bakit ako ang tinatanong mo?!" Angal nito. Hindi na muna bumalik si Noel sa canada dahil nakiusap siya na samahan muna sila ng anak niya dahil ang kanyang magulang ay nag bakasyon sa probensiya na hindi niya sigurado kung babalik pa dito sa maynila. Nakiusap naman si Noel sa kanyang mommy sa canada na sasamahan muna sila dito sa pilipinas, nagsinungaling din sila sa magulang ni Noel na anak nilang dalawa ang bata na kanyang isinilang. Simula nung may nangyari sa kanila ni Lucas ay hindi na niya ito nakita, hanggang sa nalaman niyang nagdadalantao siya. Hindi niya sinabi sa magulang niya na si Lucas ang ama, nag sinungaling siya sa kanyang ma
"Paanong nangyari na nawawala ang anak ko?!" Galit na sambit ni Leah kay Noel. Humahangos itong dumating sa hopital sa pagmamadali na masabihan ang dalaga na nawawala ang anak."Hindi ko alam! Saglit ko lang siya iniwan sa balkunahi, dahil may kinuha ako sa loob. Pero pag balik ko wala na siya." Paliwang ni Noel sa dalaga habang hindi mapakali ang kamay at natataranta pa.Dahil hindi na niya malaman ang gagawin ay walang paalam na nilisan ang hospital, patakbo siyang lumabas mula roon at mabilis na nakasakay sa kotse ni Noel, sumunod lang sa kanya ang bakla at mabilis din itong nakasakay ng sasakyan at pinaandar."Diba ilang besis na kita sinabihan na wag mo siya iiwan kung saan.!" Galit parin niyang sambit sa bakla habang nasa loob ng sasakyan at papunta sila sa police station para makapag report sa anak nitong nawawala."I'm sorry Leah.." Sambit ni Noel na may pag aalala sa kaibigan at sa bata. "Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko!? Bilisan mo!" Umiiyak na ang dalaga dahil hindi
"Sabihin mo kung saan siya nakatira.!" Agad naman ibinigay ni Sammy ang address ng kaibigan at mabilis pa sa alas kwatro ang takbo ni Leah na sinundan naman ni Noel. Mabilis na tumatakbo ang minamanihong sasakyan ni Noel, si Leah ay hindi n mapakali. "Wala nabang ibibilis sa sa pagmamaneho mo?" Sambit niya sa kaibigang bakla."Hito na nga eh, binibilisan na.!" Angal naman nito sa dalaga. Habang si Leah ay hindi mapakali ang pwet sa upuan panay ang lingon ng kaliwat kanan kasama pati katawan.Ilang minuto na nila binabaybay ang daan at dahil minamadali ang kanyang pagmamaneho ay nilalagpasan niya ang mga sasakyang nauuna sa kanila, dahil may kaluwagan na ang kalsada sa pagmamadali ay nag overtake siya sa nasa unahan ng kanilang kotse, ngunit hindi niya napansin na may makaka salubong pala silang 10 wheeler truck.Huli na nung naikabig nito ang manebila ng kotse dahil agad na sumalpok ang kanilang sasakyan sa malaking truck. Umogong ang malakas na salpukan ng dalawang sasakyan na nasu
"Leah may gusto kabang kainin, bibili ako sa labas." tanong ng binata sa dalaga. Sinabi ni Lucas kung ano ang totoong pangalan ng dalaga para mabilis itong maka alala."A-ahm wala busog pa ako" tumango nalang ang binata. "Nahihiya kaba sakin?" Sambit niya sa dalaga sa seryusong mukha."A e hindi no" tanggi ng dalaga sa tanong ng binata at nagyuko pa ito ng ulo at kunwari ay may kinakalikot sa hospital dress."Pag magaling kana, ipapasiyal kita sa mga lugar na dati natin pinupuntahan baka sakaling maalala muna ako" saad niya sa binata."Diba naikwento mo na may asawa ako?" Tanong ng dalaga sa binata sabay ang pag angat ng kanyang ulo."Leah kasama mo siya sa aksidenti, dead on the spot ang sabi ng doctor." kwento niya sa dalaga. "Naipalibing narin siya habang naka comatose kapa" dagdag pa ng binata habang nakayuko itong nagsasalita."Hindi ko manlang siya nakita bago ilibing" Malungkot ang dalaga pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya maiyak gayong nalaman niya na namataya