Share

Ikalawang Kabanata

"Ci---"

"Don't call me by my name, Hara. You know the rules," nagbabantang sabi ng lalaki.

Naiinis ang lalaki sa tuwing tinatawag nito ang pangalan niya. At higit sa lahat, malapit na siyang labasan. Gusto niyang labasan na kaso napakaingay ng dalaga at hindi matuloy-tuliy ang gusto niya.

"But---ohhh! Oh, God! Sige pa. Ahhh!"

Hindi na nga napigilan pa ng dalawa ang sarili at narating na nga nila ang r***k ng kanilang kaligayahan. Sobrang sarap sa pakiramdam lalo na at pangatlong beses na nila nito sa gabing iyon. At mas lalo pang naging kapana-panabik ang kanilang pakikipagtalik dahil nasa isang pampublikong lugar sila--- sa loob ng men's bathroom.

"Ci---uhmmm... Orcy, kailan ulit tayo magkikita? Balita ko sasabak ka na talaga sa negosyo ng pamilya mo. Mind telling me your plans, mister?"

Walang ganang tumingin ang lalaki sa kanya at itinaas na lamang ang pang-ibaba. Kaya lang naman siya nakipagkita rito ngayon dahil sa nais niyang mapaligaya ngayong gabi. Dahil sa mga susunod na araw, hindi na mangyayari iyon.

" This is the last time we'll be meeting, Hara. Pinagbigyan kita as a parting gift," sagot ng lalaki.

Napatigil sa pagsusuot ng bra ang babae at nakakunot-noong tiningnan ang kanyang friend with benefits. Or should I say, ex with benefits.

"Wait, what? Don't tell me---"

"Don't tell you what, Hara? Nasabi ko na sa iyo at ikaw na rin ang nagsabi. I am planning to get seriously involved in the family business."

Napahinga nang marahas si Hara sa narinig. Ayaw niyang matapos ang relasyon nila ng lalaki.

"You can do that while f*cking!" argumento nito. "And besides, what's in it for you? I thought you don't want a complicated life. And live a laid-back one. We can just... f*ck forever."

Nang-aakit na muling hinawakan ni Hara ang mga balikat ng lalaki na nakaupo pa rin sa bowl. Kinagat niya ang labi at muling umupo sa hita nito. Ibinuka niya ang mga hita at siniguradong nakasiksik ang katawan upang damang-dama ng lalaki ang kanyang pangangailangan. Ngunit, tinitigan lamang siya ng lalaki. Ni hindi na ito tinigasan sa ginagawa ng kaharap. Sa totoo lang ay wala na siyang nararamdaman sa dating nobya kundi libog. Ngunit, nararamdaman niya lamang iyon kapag ito mismo ang nang-aakit sa kanya. Ngunit sa ngayon, wala na talaga.

Bigla niya na lamang itinulak pataas ang babae na siyang ikinagulat nito. Inayos niya ang pagkaka-lock ng sinturon at isinuot muli ang polong nakalapag sa sahig. Nanatili lamang si Hara na pinagmamasdan ang kasama. Hindi siya papayag na ganito.

"You know what, Hara. Just leave. Wala ka ng mapapala sa akin."

Marahas na kinuha ni Hara ang kanyang mga damit at isinuot ito. Hinayaan muna ng lalaki ang ex niya na makapagbihis at maunang lumabas. Nakakahiya naman kung biglang may pumasok na lalaki at maabutan ang babae roon na mag-isa. Baka may mangyari pang masama.

Napatingin na lamang ang lalaki sa mga lalaking walang tigil na pinapaligaya ang sarili gamit ang mga babae. Imbes na mga binata at dalaga, karamihan sa mga nasa club na ito ay matatanda na at mga babaero pa. Sigurado siyang mga may malalaking pangalan ang mga ito kahit na wala naman talaga siyang kilala sa mga ito.

"Ngunit wala silang binatbat sa amin," nasabi niya na lamang sa sarili.

Naglakad siya sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao na tila ba walang pinoproblema sa buhay. May iilang mga nakakatapak at nakakasagi sa kanya ngunit hindi niya na pinairal pa ang init ng ulo. Ayaw niyang masangkot sa gulo. Kung tutuusin, hindi nga siya dapat tumatambay rito. Dahil sa bayan ng Garapal, isa lamang siyang hamak na tindero.

"Ano ba! Umalis ka nga!"

Nakalabas na siya ng bar nang marinig niya ang inis na sigaw ng isang babae. Hindi siya nagdalawang-isip at naglakad papunta sa kinaroroonan ng sigaw.

"Alis sabi eh!"

"Sandali lang naman. Sigurado akong masasarapan ka rito. Huwag ka nang pumalag," nakakadiring sabi ng kung sinong manyak.

Nakita ng lalaki ang pamilyar na mukha ng babaeng muntik ng masagasaan kanina. Ang magkabilang-braso nito ay nakapiin sa pader at hawak-hawak ng lalaking nakangisi habang inaamoy ang leeg niya.

" P*TA---Gago ka ba?"

Napairap na lamang si Ruanne dahil sa katangahan ng lalaki. Akala siguro nito ay makakaisa siya. Hindi naman ganoon kalasing si Ruanne para maging kawalang laban-laban. Hindi siya papayag na basta-basta na langbsiyang momolestsahin ng kung sinu-sino.

" Bagay lang iyan sa iyo noh! Ikaw ang nagsimula kaya wala kang gana magreklamo."

Inismiran na lamang ni Ruanne ang lalaking namimilipit sa sakit. Sinipa niya lang naman ang ari nito. Ganoon kasi dapat ang ginagawa sa mga taong katulad niya.

"Patay ka sa akin!" sigaw nito na hindi niya na pinansin.

Kahit na pasuray-suray ay pinilit na maglakad ni Ruanne. Medyo nahihilo na siya kahit ilang baso lang naman ang nainom niya. Namumula na rin ang kanyang mga pisngi at papapikit na ang talukap ng mga mata.

"Feisty."

Napalingon si Ruanne nang marinig ang isang boses na nagsalita. Ikinalat niya ang paningin sa paligid ngunit wala naman siyang nakita.

"Nanaginip na siguro ako," komento niya sa sarili.

Pinagpatuloy muli ni Ruanne ang paglalakad. Dahil sa sobrang kalasingan at kadiliman ng paligid, hindi niya namalayan na may bato pala sa kanyang dinadaanan.

Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata at napaawang ang bibig nang siya ay matapilok. Hinintay niya ang pagbagsak ng kanyang mukha sa lupa ngunit hindi iyon nangyari. Mariing nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata hanggang sa napagtanto niyang hindi siya bumagsak at may humahawak sa kanya sa kanyang pwesto.

"Baka gusto mong tumayo nang maayos, binibini."

Napahawak naman si Ruanne sa balikat ng lalaking umalalay sa kanya at nagmadaling ayusin ang sarili. Palibhas ay lasing, wala nang natitirang inhibisyon sa katawan ang dalaga.

"B-Bakit ba ha? Sino ka ba?"

Natawa naman ang lalaki sa katapangan niya.

"Ako lang naman ang umalalay sa iyo para hindi sumubsob ang mukha mo. Ikaw, sino ka?"

Umirap na lamang si Ruanne at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pakialam mo? Bahala ka nga riyan!"

Inis na naglakad muli si Ruanne at hindi na lumingon pa. Sa sobrang kaba niya dahil sa nangyari, hindi niya na binigyang-atensyon ang ideyang sumakay sa isang sasakyan. Maglalakad na lamang siya.

Natawa naman ang lalaki sa pasuray-suray na dalaga. Alam niyang marahil ay epekto lang ng alak ang katapangan nito, ngunit bihira lang ang may lakas pa rin kapag lasing na. Nakangiti niyang pinagmasdan na lamang ang dalaga habang muntik-muntikan na itong natutumba.

"Young Master, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?"

Nawala ang ngiti ng lalaki at humarap sa nagtanong sa kanya. Sumeryoso ang kanyang tindig at mga salita.

"Oo nga, Demetrio. Dapat nga. Mabuti pa ay umuwi na tayo," tugon ng lalaki.

Hindi naman umalis sa kinatatayuan si Demetrio at nag-isang linya ang labi.

"Akala ko ho ba'y magseseryoso na kayo at ang unang hakbang nga ay ang pakikipaghiwalay niya kay Hara. Ngunit, bakit parang nakahanap na kayo agad ng bago niyong pampalipas-oras."

Napangisi naman ang lalaki at napailing-iling sa terminong ginamit ng tauhan. Napangiti na lamang siyang muling napatingin sa direksyon ng dalaga. Nakaupo ito ngayon sa sahig at mukhang nananakit ang paa. Malamang natalapid ito nang dahil sa heels niya.

Nanliit ang mga mata ng lalaki sa kanyang nakikita. Tunay ngang nakakatuwa ang dalaga.

"Hindi naman. I'm just... curious."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status