Share

Kabanata 17

Tila nabingi si Celeste sa mga narinig na salitang lumabas sa bibig ni Semion.

Naramdaman niya ang lubhang pagdilim ng paningin at pagkahilo dahil sa pagtakas ng dugo niya sa katawan. Natungkod niya ang kanyang isang palad sa upuan, habang ang isa'y nasapo ang kanyang noo nang umikot ang kanyang paningin.

Samantalang nakatayo kaagad si Semion upang lumipat ng pagkakaupo sa tabi ni Celeste at alalayan ito. Naramdaman niya ang panlalambot ng babae at ang panghihina nito. Mayroon ding malamig na pawis ang kumawala sa noo nito.

“Hey, don’t pass out now!” nag-alala siya at mabilis na kinuha ang folder upang ipaypay sa mukha ni Celeste. “I should have brought a nurse before I told you this!”

Hindi naman niya alam na ganito na lang kahina ang loob ni Celeste. Kinakabahan tuloy siya na baka atakihin ito sa puso.

Pinindot niya ang maliit na buton sa ilalim ng lamesa para sa ‘incase of emergency’ kung saan pinapahanda na niya sa labas ang mga tauhan niya kung may masama mang mangyari.

“Sabihin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status