Share

Chapter 14

Daisy’s POV [Year 2022, month of June]

“Good morning!”

Abala ako sa pag-aayos ng hapag nang may marinig akong sumigaw. Ngumisi ako nang makita ko ang tumatakbong si Thena pababa ng hagdan. Nakasuot na siyang uniporme niya; plain grey na palda, puting blouse at grey din na coat. Nasa Pilipinas naman kami kaya naiisip ko kung hindi ba sobrang init ng uniporme nila?

"Good morning, baby!" nakangiti ko ring bati sakanya sabay halik sa noo niya. "I just cooked, sakto ang gising mo."

Ngumiwi si Thena habang hinihila ang upuan niya tsaka siya umupo roon, "Ma, I’m about to turn sixteen; I’m too old for you to call me that way.”

"Baby kita kahit mag sixty o mag sixty thousand years old ka pa," pang-aasar ko sakanya.

Tumaas ang gilid ng labi niya pagkatapos ay umirap. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. I can't help it, nasanay na akong gan'on ko siya tawagin. Nakita kong nakaharang sa mukha niya ang buhok niya kaya akma ko nang hahawiin iyon nang siya na ang gumawa. Pasimple niya lang gin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status