Share

Kabanata 2

Ryland Morrison's POV

"BRO, YOU sure 'bout this ? Pwede pa naman sigurong umatras," my brother asked.

"I'm not backing out, Renz."

He's been asking me that since we got home from US. Today is the day that I will meet my fiance for the first time. My father already told me about this arrange marriage a year ago for the sake of our business expansion. I agreed after days of thinking. It's my responsibility to further strengthen our company and this is one of the best way to accomplish it.

Many girls would flirt with me and I'd flirt back sometimes, but I don't do commitments, that's a pure shit. But this one is different, it's like a marriage for convenience in my perspective. I don't know what kind of offer was given to the woman I'd marry that made her agree with this set up.

It's also a favor for me since I don't have to waist my time searching for a bride. I don't know what has gotten into my father but marriage is his main requirement for me to fully inherit his company. I am also a professor and a co-owner of a prestigious university so I'm really fuckin' busy.

"What was the name of the girl again?" He asked.

My brother, Renz Morrison will never stop asking me anything that comes in his mind.

"Heira Levesque," sagot ko.

Siya ang apo ng business partner ni dad na si Senior Alejandro. The sole heiress of Levesque Architecture and Engineering firm. Their company is one of the biggest firms for architects and engineers in the Philippines. And I hate to admit it, but i feel excited to meet her.

"Mas maganda ba yan sa babae doon sa canteen?"

Natigilan ako sa pagaayos ng manggas ng aking long sleeve dahil sa tanong ni Renz. Sumagi na naman sa isip ko ang napakagandang muka ng babaeng 'yon. I still remember how mesmerized I was in her thin and kissable lips, pointed nose, and those brown eyes... they're just so beautiful to look at. That girl has a soft and innocent feature, and seemed like she doesn't really care about her surroundings except when she's involved in it.

That was two months ago but her sweet scent is still lingering. That time, the urge of touching her beautiful face engulfed my system but I had to stop myself in the best way I could, it would be really weird if I did that. We're strangers and she might think that I'm harassing her, I can't afford a mess right now.

"Get out of my room, Renz." Imbis na sagutin ang tanong niya ay mas gusto ko na lang siya paalisin sa kwarto ko. Hindi talaga yan titigil sa kakatanong, he's like a curious kid that I want to get rid of.

"Sagutin mo na, bro!"

"Hindi ko alam, i don't have any idea the way she looks that's why I'm meeting her today, right?" Binuksan ko ang dalawang botones ng aking shirt at maingat kong pinasadahan ng kamay ang aking buhok. I'm not making any efforts here, I just have to look... presentable? Yes, presentable, what else? After all, I will also come face to face with one of the most powerful businessman in the country.

"Hindi ba ako pwedeng sumama? Gusto ko ring makilala ang mapapangasawa ng kapatid ko, pwede ba 'yon?"

"Hindi,"

"Bro naman?"

"I'm so sick of your questions, Renz. Kindly leave my room, please?"

Wala na siyang nagawa at umalis na lang. Ang gago, umirap pa bago isara ang pinto. Sa ugali niya, duda na tuloy ako sa pagiging magkapatid namin.

Heira's POV

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa aking condo. I feel so nervous. Ngayon ang araw na opisyal na ipapakilala ni lolo sa akin ang mapapangasawa ko and I really want to back out! But then, this is my choice, dapat tiisin ko.

Nung araw na nasa coffee shop kami ni Sean. Matapos m****a ang text ni dad ay hindi agad ako nakakilos, hindi ko alam ang gagawin ko nung sandaling iyon. Nagpaalam na lang ako kay Sean na uuwi na pero hindi talaga ako dumiretso sa bahay, dumaan muna ako doon sa paborito kong lugar kapag gusto kong mapag-isa. Sa tabing dagat.

Nanginginig pa ako habang papasok ng bahay ni lolo dahil sa sobrang kaba at humahalong lamig ng panahon. I really didn't expect that he'd be home sooner, parang kailan lang sinabi ni dad na uuwi na siya. Good thing hindi namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon, nandoon pa naman ang buong pamilya.

2 days after umuwi ni lolo ay saka pa niya binuksan ang usapin tungkol doon. He said that he found the man for me (in his words). Nung araw din na iyon ay nalaman ni kuya ang tungkol sa arrange marriage na pinagkasunduan namin ni lolo. He was mad, kabaliktaran sa reaksyon ni dad nang marinig nila ang pangalan ng lalaking iyon.

Ryland Morrison, that was the name of my soon to be husband. Bukod sa pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa fiance ko. At kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na siya kikilalanin pa.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago lumabas sa aking condo. Sabay kaming pupunta ni lolo sa restaurant na napag-usapan. I already suggested that I can drive my own way there but he wouldn't let me. So I've got no choice.

Nang makarating na ako sa parking ay nakita ko kaagad ang sasakyan ni lolo. His driver in blue uniform is waiting outside. Lumapit na ako doon at pinagbuksan ako ng driver ng pintuan.

I greeted lolo with a smile and he just nodded. I don't have the energy to speak right now. Kinakabahan pa rin ako. What if I just run away? Damn stupid.

"He's a good man." I heard lolo said. I looked at him but he was facing the window so I couldn't see his reaction. I sighed and let his words pass.

I tried to count every building or trees we passed by just to divert my attention but that Ryland Morrison keeps on running in my head.

Later on we arrived at a high class restuarant. Naunang pumasok si lolo at sumunod naman ako. A staff greeted us and lead the way to the VIP area.

Sa isang lamesa na may apat na upuan ay nakaupo ang isang lalaki na sa tantya ko ay nasa mga 50 na.

"Sr. Alejandro, it's really great to see you again." The man greeted formally. Tinignan ko siya ng mabuti at isa lang ang masasabi ko, he looked so familiar. Have i met him before?

"It's been a while, Miguel, I'm glad to see you here." Lolo said as they shook their hands. "By the way, this is my granddaughter, Heira Levesque."

"Nice to meet you, hija... I'm Miguel Morrison, tito na lang muna ang itawag mo sa 'kin." He said with a smile.

I greeted him as well at naupo na kami. Lolo took the seat in front of Mr. Morrison at ako naman ay sa tabi ng aking lolo. Muli kong tinignan ang lalaki, pamilyar talaga. Sinubukan kong alalahanin kung nagkiya na ba kami dati pero mukang hindi ganoon kaganda ang estado ng pag-iisip ko ngayon.

Nag-usap sila tungkol sa negosyo at nalaman kong pagbebenta ng mga kagamitan sa paggawa ng mga gusali ang pinagkakakitaan nila. Bukod doon ay mayroon pa silang ibang a*i-a*ian gaya ng mga hotel.

Minsan ay sinasali nila ako sa usapan pero tipid na sagot lang ang binibigay ko sa kanila. I was still out of place. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng  negosyo.

"My son is a bit late," tito Miguel said.

"Hayaan mo na, Miguel... baka na-traffic lang."

Hindi pa naman ganoon katagal ang paghi-hintay namin. It's still 7:08. Baka na-traffic lang talaga. Pero gusto ko nang matapos ang gabing ito, nang sa ganoon ay makakapagpahinga na ako. Gusto ko lang na pormal na makilala ang lalaking makakasama ko ng pangmatagalan at pagkatapos noon ay magpapahinga na ako.

Ilang saglit lang ay kinailangan kong gumamit ng restroom kaya magalang akong nagpaalam sa dalawang kasama bago umalis. Mula sa malaking salamin ay kitang-kita ko ang aking repleksyon. Suot ko ang isang simpleng white dress na hanggang sa ibabaw lang ng tuhod ko ang taas, lacy din ito. Ang muka ko naman ay nilagyan ko lamang ng manipis na kolorete. Hindi ako mahilig sa mga produktong pampaganda. Tamad akong gumamit ng mga ganoon.

"What now, Heira? Ano na mangyayari sayo?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa aking repleksyon. Mabuti na lang at walang tao rito. Ayaw kong isipin ng iba na nababaliw na ako dahil sa pagkausap ko sa aking sarili.

Nagtagal muna ako sa restroom ng mga ilang minuto bago ko naisipang lumabas. Nang malapit na ako sa table namin ay tila kusang bumagal ang aking mga paa sa paglalakad. Mula rito ay nakita ko kung paano nakipag-kamay at ngumiti si lolo sa lalaking kakarating lamang.

Hindi ko mapigilang titigan ang lalaki dahil gaya ni tito Miguel ay pamilyar din siya sa akin. Inisip kong mabuti kong saan ko sila nakita at isang tagpo lang ang pumasok sa aking isipan. Sa canteen... tama, sa canteen ng eskwelahan. Roon ko sila nakita. And that man... his cold eyes.

Parang may laway na bumara sa aking lalamunan nang magtama ang paningin namin. Hindi ko ito inaasahan. Inipon ko ang aking lakas upang makahakbang papunta sa kanila. Nanatili ang mga mata niya sa akin, at ganoon din ako sa kanya. Bakas sa kanyang muka ang pagkagulat at pagtataka. Did he remember me as well? Not that it's important for me, I'm just curious on what's going on his head right now.

"Apo..." tawag ni lolo sa akin na may ngiti sa labi. "This is Miguel's son, your soon to be husband.

."

Darn it! Bakit hindi ko kaagad naisip na baka siya ang hinihintay namin kanina? But am I not dreaming right now? Him? Soon to be my husband?

"Ryland... Ryland Morrison." He stretched his hand for a handshake and I wasn't able to respond right away. Medyo natulala pa ako.

Is this... really final?

"Heira Levesque," I replied as I held his hand hesitantly.

I felt him stiffened, and so am I. It's like a thousand of voltage went through my veins. Ako ang unang bumitaw sa amin dahil hindi ako komportable sa pakiramdam na iyon. Hindi ko alam... hindi ako sanay.

So he's Ryland Morrison... what a small world. Parang kailan lang ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin doon sa canteen.

Hindi ko na itatanggi na naging awkward ang atmosphere nang maupo kami. Kaharap ko siya. I'm not looking straight at him but I can see his glances in my peripheral vision.

"Hija, I heard you're still studying," wika ni tito Miguel.

"Ah.. opo, 4th year..."

"Sa Laurent?"

I was a little surprised at his question. Maybe he remembered me. I just nodded as an answer.

"If I am not mistaken, ikaw iyong nasa canteen na hanggang ngayon ay bukambibig pa rin ng isa ko pang anak," he said, laughing. So naaalala niya nga. At anak niya rin iyong isa nilang kasama noon? That explains their features

"Ako nga po 'yon..."

"Doon din pumapasok itong si Ryland, mabuti at sa Laurent ka nag-aaral, mas makikilala ninyo ang isa't isa..."

Napatingin agad ako kay Ryland at nagtama na naman ang paningin namin. So he's also a student in there, baka binisita lang siya ng kapatid at ama niya noon. Anong year na kaya siya? Muka kasing mas matanda at mas mature siya kumpara sa mga estudyanteng nakakasalubong ko.

I feel intimidated sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Pansin ko rin na medyo nagulat at namutla siya... ano naman kaya ang dahilan?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status