Share

Chapter 5

Artemis’ POV 

Panandalian akong napaatras nang magtungo sila sa gawi ko. Bahagya akong napangiwi nang maapakan ang ilang bubog. Narinig ko ang malulutong na mura ni Zelo doon subalit wala akong panahon para pansinin ‘yon. Iritado ko lang na kinuha ang ilang piraso ng bubog before I aim to there vital points. Ang ilan ay hindi na nagawang makipaglaban sa akin.  

Only Zelo was the one who was able to restrain me subalit bago niya pa ako matuluyang hawakan ay naihagis ko na rin sa kaniyang braso ang bubog na hawak.  

“Can you fucking calm down, Artemis?” Nahinto lang ako nang banggitin niya ang pangalan ko. He doesn’t know my name. He knows me by the name shadow so I think he got his research now.  

“Who started it? I’m settling down but who the fuck tried to ask his bodyguards to have fight with me?” tanong ko na napataas pa ang kilay sa kaniya. He take that as opportunity to get me at mabilis niya lang akong naitali sa kama gamit ang suit niya. This jerk really train himself so hard. Hindi pa siya nakuntento at kumuha pa ng isang tela para itali nang doble ang kamay ko.  

“Fucking stay still, Woman,” malamig niyang saad bago nilingon ang PSG.  

“Call Doctor Tanyag and also get a handcup. Please, call the head maid to clean this place first,” utos niya sa mga ito. Nagmamadali namang lumabas ang kaniyang mga tauhan habang siya’y nanatili ang malamig na tingin sa akin. He looks like he was so annoyed with me. I know that I reflect what his eyes are saying too. Hindi ko na sinubukang alisin ang tali dahil ako lang ang masasaktan sa sobrang higpit nito. Pinagmasdan niya pa ako.  

Malamig na tinignan ang paa kong sugat-sugat dahil sa bubog at sa katawan kong puno rin ng sugat.  

“If you just make yourself shut up then you are not going to get hurt like this,” malamig niyang sambit sa akin.  

“Oh, I didn’t know that you are concern with me. Why, Zelo? Still dead over heels when it comes to me?” nakangisi kong tanong sa kaniya na hindi niya pinansin dahil dumating na rin ang mga tauhan niya. Hindi ako nanlaban nang ginagamot ako. It’s not that deep kaya wala rin naman akong pakialam.  

Nilingon ko si Zelo na siyang nakatingin lang sa akin tila ba ako ang pinamababang uri ng tao para sa kaniya.  

“Why don’t you enlighten me so I can fucking stop this rebellion?” Bahagyang napatikhim ang Doctor dahil sa tono ng pananalita ko kay Zelo na nakahalukipkip habag nakatingin sa akin. Hindi siya nagsalita at hinintay lang na matapos ang paggamot sa aking sugat.  

Naupo siya sa malayong parte ng kama nang makaalis ang lahat.  

“You are really going to make fuss of everything, aren’t you? I fucking have a meeting right now, Woman. Aren’t you a bit ashame?” tanong niya na parang kasalanan ko pa na hindi siya naka-attend sa meeting na sinasabi niya. Hindi ko mapigilan ang mapairap habang nakatingin dito.  

“As if I’m at fault here?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.  

“Baka nakakalimutan mong I waited patiently here but you never visited. Ano bang plano mo? Kung papatayin mo ako’y bakit hindi pa ngayon?” Iritado kong tanong kaya napairap siya.  

“Stop acting like a brat. I just got busy for the state problem,” aniya na inirapan pa ako.  

“What happened to my son? Huwag mong hintaying tumakas ako rito at ako mismo ang aalam, Zelo,” malamig kong sambit sa kaniya dahilan kung bakit ito napatawa.  

“As if you can still go when you already enter the tiger’s den,” nakangisi niyang saad sa akin.  

Malamig ko siyang nilingon dahil doon.  

“Ang dami mong sinasabi, bakit hindi mo na lang ikwento kung anong nangyari sa anak ko?” inis kong tanong.  

“He’s my son. Fine, my head is hurting because of you.” Napahilot pa siya sa kaniyang sentido kaya hindi ko maiwasan ang mapairap.  

“He almost got kidnap by an unknown man. It’s good that the security are tight.” Napaawang ang labi ko roon.  

“Kidnap? How is he today? Is he okay? Nasaktan ba siya? Who fucking did that? It’s probably one of your enemy from the politics!” Sunod-sunod ang pananalita ko habang nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagdududahan niya o ano.  

“I don’t care about what you think but it’s not me. However, you should be really wary of me, I would like to take my son,” nakangisi kong saad dahilan kung bakit siya umirap.  

“He does not know about the kidnapping. He’s good. Stop being headache and rest for now.” Tumayo na siya nang makatanggap ng tawag. He answer it softly, ibang-iba sa tono nang pananalita niya sa akin. Napairap na lang ako dahil mapagpanggap talaga ang isang ‘to.  

“Bakit ba ang damot mo? Why don’t you tell me everything you know? Anak ko rin naman si Hades,” malakas kong saad. So whoever he was talking to would know that he was the mother of his son. I don’t even know why I’m doing this.  

Sinamaan niya ako ng tingin at panandaliang pinatay ang tawag bago niya ako nilingon. Iritado siyang naupo sa tapat ko. Napapikit pa siya habang hinihilot ang kaniyang sentido.  

“I already told you, we haven’t find the suspect. Kaya ko siya inuwi sa Pilipinas. His life is endangered.” Kita ko pa ang tingin niya sa akin tila ba hinihintay ang magiging reaksiyon ko.  

“I’ll help find the suspect,” sambit ko. Tila nag-iinit na agad ang dugo sa kung sino man ang nagtangkang kidnap-in ang anak. Paano nila nagagawang idamay ang bata kung si Zelo ang kanilang sadya? 

“How sure are you that you aren’t the suspect?” nakangisi niyang tanong bago tumayo. Hindi ako nagsalita at pinanood lang ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Iritado na ilang beses ko nang inulit na hindi nga ako.  

“Whatever. Think whatever you want. Tell me all about the information that you know,” ani ko. 

He just rolled his eyes na para bang sa pananatili lang dito’y drain na drain na siya. May pumasok na security sa loob at tinatawag na siya. Mukhang may emergency din sa labas. Napairap na lang ako at hinayaan siya.  

Hindi ako kumportable habang nakahiga sa aking kama. Malalim din ang iniisip habang iniisip kung anong plano ngayon. Nakatulog na lang din ako sa pag-iisip, masiyado ring napagod sa pagwa-warm up kasama ang kaniyang mga tauhan.  

Nagising lang ako sa maiingat na yakap na papalapit sa akin. Lumalim ang kunot ng noo ko nang may tumapat na ilaw ng flashlight sa akin. Mukhang gabi na dahil sa dilim. Tanging liwanag lang ng flashlight ang mayroon.  

“Put down the flashlight before I put you down.” 

“Oh, I think they are mistaken. You look like a fairy instead of beast po.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status