“WALA ka na bang balak umuwi sa bahay natin, Kuya?” tanong ni Aivi habang tinitingnan ang mga malalaking kahon sa loob ng condominium unit ng nakatatandang kapatid na si Aiden. Sinadya niya muna ang kuya bago pumasok sa trabaho.
Itinulak muna ni Aiden ang sofa sa gusto niyang pwesto nito bago niya binalingan ng tingin ang kapatid, “To be honest, ayoko nang umuwi sa atin. I don’t like it there anymore. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. At least kapag may sarili na akong condo unit, may kalayaan na akong gawin ang mga trip ko.”
Sumimangot si Aivi, “So iiwan mo ako dun? Hahayaan mo na lang ako sa bahay na yun?”
“Kung ayaw mo na rin dun eh ‘di umalis ka. Hindi naman magagalit sayo si Dad eh. Mas gusto pa nga niya kung bubukod na tayo. We’re adults now, Aivi. Basta ba huwag ka lang titira dito sa condo unit ko. There is no freaking way that I would let you stay here,” untag ni Aiden sa kapatid habang nagpupunas ng pawis sa mukha gamit ang kamay.
“Wala naman akong balak makitira sayo dito, ‘no. Gabi-gabi ka lang magdadala ng mga babae dito. Gosh, ayoko nang i-imagine ang mga ginagawa ninyo. The thought of it disgusts me. Kung kani-kanino ka na lang pumapatol, Kuya. It’s disgusting. Very disgusting,” umarte pa ang dalaga na parang nandidiri.
Natawa na lamang si Aiden sa reaksyon ng kapatid. Hindi kasi gusto nito ang pagiging playboy niya. “Alam mo, kung wala ka rin namang balak na tumulong sa akin, umalis ka na lang. Ang ingay-ingay mo. Tsaka naiistorbo mo itong pag-aayos ko dito.”
Hindi naman itatanggi ni Aiden ang pagiging isang playboy. Naeenjoy niya talaga ang company ng mga babaeng fini-flirt niya, and he makes the most out of it. Hindi niya naman ginagawang girlfriend ang mga babaeng ito dahil ayaw niya rin namang magkaroon ng seryosong relasyon sa kasalukuyan. Madalas ay puro fling lang ang inaatupag niya, at karamihan sa mga ito ay hindi na lumalampas sa isang buwan.
Kung itsura ang pag-uusapan, halatang-halata naman ang dahilan kung bakit hindi siya nauubusan ng babae. Kahit pa mukha siyang masungit at suplado, isang kabaliktaran naman niyon ang pag-uugali niya. At ang pagiging magandang lalaki ang naging puhunan ng isang Aiden Lazaro para maging isang sikat at matagumpay na modelo. Dahil na rin sa mga proyekto at photoshoot na kinabahagian niya, lumaki ang kanyang fanbase hindi lamang sa loob ng Pilipinas, kundi pati na sa ibang bansa. Libo-libo ang followers niya sa social media, na talaga namang nag-aabang ng mga updates at posts niya. Madaming fans ang talaga namang naglalaway at nagkakandarapa sa kanya. Dahil sa good looks na taglay niya, naging isang public figure ang binata.
Subalit kahit kilala siya ng lahat, pinipilit ni Aiden na gawing pribado ang buhay ng kanyang pamilya. Panganay na anak kasi si Aiden ng isang napakayamang businessman at philanthropist na si Antonio Lazaro, at nakatatandang kapatid ng chef na si Aivi Lazaro. Ayaw niyang madamay ang pamilya sa gulo at stress ng pagiging isang celebrity.
Dahil nagagawa niyang itago ang pribadong buhay mula sa mga mata ng mga tao, marami ang hindi nakakaalam na hiwalay na ang mga magulang nina Aiden at Aivi, dahil sumama ang kanilang ina sa ibang lalaki labindalawang taon na ang nakakaraan. 26 na ngayon si Aiden, subalit hindi pa rin naghihilom ang sugat na dulot ng pag-iwan sa kanilang pamilya ng ilaw ng kanilang tahanan.
Nasaktan nang labis si Aiden sa ginawa ng kanyang ina, at iyon ang itinuturing niyang dahilan kung bakit siya naging babaero. He does not take girls seriously, especially those types of women who throws themselves at him. Ayaw niyang sumeryoso ng mga babaeng easy-type, yung madaling sumasama sa lalaki kapag dinaan mo sa konting bola. Kung magseseryoso siya, gusto niya yung may challenge. Yung tipo ng babae na mahirap mapasagot at mahirap suyuin, para mas may thrill.
But so far, wala pa siyang nakikilalang ganoong babae, dahil karamihan sa mga babaeng nakakasalamuha niya ay iyong mga tipong kulang na lang maghubad na sa harap niya makuha lamang ang atensyon niya.
“Wala naman talaga akong balak na tumulong sayo, ‘no. Dumaan lang ako para i-check kung nakapag-ayos ka na ng mga gamit. Tsaka gusto ko rin ma-meet yung neighbors mo dito. Baka mamaya may mga creepy na palang tao dito. Baka kung ano ang gawin sayo.” Sincere naman sa sinabi niya si Aivi. Nag-aalala rin siya para sa kapatid.
“Wow, ang sweet naman ng kapatid ko,” Aiden stretched his arms wide, waiting for his younger sister to come to him, “Halika nga dito. Payakap ako sa baby sister ko.”
“Ew, no way! Naliligo ka na kaya sa pawis. You stink, Kuya,” sabi ni Aivi sabay pisil sa ilong.
“Excuse me, mabango kaya ang pawis ko. Nag-aaway ang mga babae para maamoy lang iyan, ‘no,” pagyayabang ni Aiden sa kapatid.
“Well, those girls are stupid,” mataray na sabi ni Aivi sa kanyang kuya, “Anyways, I need to leave. Bibisitahin na lang kita ulit. Huwag ka nang mambababae, okay? And be good to your neighbors, especially if they’re women.”
“You don’t really have to worry, dear sister. I think you know that your brother is exceptionally good with women,” tugon ni Aiden, habang may isang makahulugang ngisi sa gwapo niyang mukha.
“Ibang good ang ibig kong sabihin, Kuya. Nakakastress ka naman. Ang dumi talaga ng isip mo!” naiinis na sabi ni Aivi bago binato ng isang throw pillow ang kapatid. “O sige Kuya, maiwan na kita. Bye!”
“Bye din. Ingat sila sayo – I mean, ingat ka sa pagdadrive,” biniro pa ni Aiden sa kapatid habang hinahatid ito papunta sa elevator.
Nang makaalis si Aivi ay naglakad na pabalik si Aiden sa kanyang unit, pero natigilan siya nang mahagip ng paningin niya ang pintuan ng kabilang condominium unit. Hindi niya mapigilang mapangiti habang naaalala ang itsura ng babaeng kapitbahay niya.
Tumutulong siya noon sa mga trabahador para dalhin ang mga gamit niya sa nilipatan nang maabutan niya ang isang babae na nakatayo sa gitna ng dadaanan niya. Nakapikit ito at humihinga nang malalim, na para bang kinakalma ang sarili. Mukhang hindi nito napansin ang pagdating niya kaya nagkaroon ng kaunting segundo si Aiden para pagmasdan ang dalaga.
Nang dumilat ang mga mata ng babae ay parang nagulat ito nang makita ang mga paa niya. Marahil ay hindi nito akalain na may nakatayo na sa harap niya. Unti-unting inangat ng dalaga ang mukha niya, and Aiden knew she was staring at his body. Hinubad kasi ni Aiden ang suot niyang t-shirt dahil pinagpapawisan na siya kakabuhat ng mga gamit niya.
Umangat pa nang kaunti ang paningin ng dalaga, kaya iyon na ang naging pagkakataon ni Aiden para masilayan nang maayos ang mukha ng babaeng kaharap. And what he saw pleased him very much. His neighbor is ridiculously beautiful. Mahaba at malago ang buhok nito na aabot hanggang sa kalahati ng likod. Her eyes reminded him of almonds, at taglay rin niya ang mahahabang pilikmata na nakapagpapungay sa mga mata nito. Matangos ang ilong nito na binagayan ng mapupulang labi na parang ang sarap halikan. Mestisa rin ito at sa tantiya ni Aiden ay hanggang dibdib lamang niya ang dalaga. Hindi nga lang mawari ni Aiden ang hubog ng katawan nito dahil nakasuot ito ng isang black leather jacket.
What a beauty… ani Aiden sa isipan niya. Napangisi siya dahil sa pagtitig ng dalagang kaharap sa mukha niya. Kakausapin niya sana ito, pero bigla na lamang itong nagtatakbo papunta sa elevator.
Nang makaalis ang dalaga ay natawa na lamang siya. Her reaction and her beautiful face were more than enough to stimulate Aiden’s interest.
“I shall see more of you, my pretty neighbour,” sabi ni Aiden habang nakangising naglalakad papasok ng unit niya.
LATE na nakauwi si Kit, at bakas ang labis na pagod sa mukha niya. Buong araw kasi inabot ang photoshoot, pagkatapos ay may pinuntahan pa siyang event kung kaya hatinggabi na siya nakauwi. Masakit na ang katawan niya, and the only thing she wants is to rest her tired body on her soft bed. Dumiretso siya sa elevator, at isinandal niya ang likod sa pader nito. Magsasara na sana ang sliding doors nang biglang may isang kamay na lumusot sa siwang upang pigilan ito. To her frustration, ang bago niya pang kapitbahay ang pumasok sa elevator. Awkwardness at hiya ang nararamdaman ni Kit ngayong nakita niya muli ito. Kung pwede lang ay malusaw na lamang siya sa kinatatayuan niya.May kasama itong babae na nakayapos sa kanya. Mukhang galing ang mga ito sa isang bar o sa isang party, at pareho silang nakainom. Alam na ni Kit kung ano ang kahihinatnan nun, pero wala naman siyang pakialam. Kapitbahay lang
KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay dumaan na rin sa isang kainan para bumili ng lugaw. Pagkatapos ay bumalik na siya sa condo unit para magpahinga buong araw. Sakto namang wala siyang lakad kaya pwede siyang matulog kahit gaano pa katagal. Pagpasok niya sa elevator ay bigla namang sumulpot ang kapitbahay niya na pumasok rin sa loob. Walang lakas para mairita si Kit, kaya tanging malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi niya naman ugali ang maging harsh sa mga kapitbahay niya, pero hindi niya talaga basta mapapalampas ang pag-iingay nito na naging dahilan ng pagsakit ng ulo niya ngayon. Pero kahit pa nakasimangot siya a
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapalabas si Aiden. Nang
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapa
“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.” Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!” “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “ “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo. Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer
PAG-UWI ni Kit, sakto namang nakasabay niya muli si Aiden sa elevator. Kaya lang, may kausap ito sa phone kaya hindi siya nito kinausap at inistorbo. Bahagyang nakahinga nang maluwag ang dalaga, lalo na’t masyado siyang stressed at pagod para makipagtalo at mainis kay Aiden. But somehow, parang nadisappoint si Kit na hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. Pakiramdam niya ay namimiss niya na ang ingay at ang ngiti nito. Madaldal kasi ito at makwento, at kahit pa hindi siya sumasagot madalas ay nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng lalaki. Hindi naman siya bingi. Teka nga… Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ano ba yan, Kristina! Nababaliw ka na ata. Bakit mo naman namimiss ang kakulitan ng playboy na yan? Napapikit at umiling-iling na lamang si Kit na para bang sinesermunan niya ang sarili sa loob ng isipan niya. Huminga siya nang malalim at itinuon na lamang ang tingin sa sliding doors ng elevator. Hindi niya na lamang papansinin ang binatang kasama. Pagkalabas ng elevator ay
DUMAAN si Kit sa isang convenience store para bumili ng alak. Balak niya sana itong inumin sa condo unit niya, pero nang makita niya ang text ng ina na hinihintay siya nito roon para makapag-usap sila ay nagdesisyon na lamang siyang inumin ito sa isang park na nasa tapat lang ng condominium building. Kung sakaling malasing siya, madali lang siyang makakauwi. Sigurado naman siyang aalis rin ang nanay niya maya-maya, kaya hihintayin niya na lang na iwan nito ang condo unit niya. Dahil ayaw niyang uminom nang mag-isa, tinawagan niya ang bestfriend na si Mikka. “Mikka…” ani Kit habang sinisimulan na ang pag-inom. “Napatawag ka ata. May kailangan ka ba?” tanong ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. “Samahan mo nga akong uminom.” “Uy, iinom ka? Bakit? Anong nangyari? Hoy bruha ka, tigilan mo nga yan! Nasaan ka ba?” bakas sa tinig ni Mikka ang pag-aalala. “Nasa park. Sa tapat ng condominium,” tugon ni Kit bago muling uminom mula
NAGISING si Kit sa ingay ng musika na umaalingawngaw sa kwarto. Kahit gusto niya pang matulog ay hindi niya na magawa dahil sa malakas na tugtugin na kanyang naririnig. Nang idilat niya ang mga mata ay napatitig siya sa kisame. Alam niyang merong mali. Sa pagkakaalala ko, meron akong malaking ceiling fan sa kisame. Bakit wala na? Oh shoot! Hindi kaya nanakawan ako? Napaupo bigla si Kit, at nang iginala niya ang mga mata sa buong silid ay mas lalo niyang napagtanto na hindi naman siya nanakawan. Wala masyadong gamit sa loob ng kwartong iyon, subalit may ilang malalaking kahon sa may bintana. May flat screen tv at isang couch, at nagkalat na mga damit ng lalaki. Babalik na sana sa pagtulog si Kit, pero nang mapagtanto niyang panlalaki ang mga damit na nakakalat ay nagtaka na siya. Kailan pa siya nagkaroon ng boxers? Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa paligid. Sa pagkakataon pa lamang na iyon talagang nagising ang diwa ni Kit. Wala siya sa kanyang condo unit! “Hala… Ano bang