KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay dumaan na rin sa isang kainan para bumili ng lugaw. Pagkatapos ay bumalik na siya sa condo unit para magpahinga buong araw. Sakto namang wala siyang lakad kaya pwede siyang matulog kahit gaano pa katagal.
Pagpasok niya sa elevator ay bigla namang sumulpot ang kapitbahay niya na pumasok rin sa loob. Walang lakas para mairita si Kit, kaya tanging malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi niya naman ugali ang maging harsh sa mga kapitbahay niya, pero hindi niya talaga basta mapapalampas ang pag-iingay nito na naging dahilan ng pagsakit ng ulo niya ngayon.
Pero kahit pa nakasimangot siya ay nakangiti pa rin sa kanya ang lalaki, “Good morning, neighbor.”
“Hmm,” ang tanging itinugon ni Kit. Wala na siyang pakialam kung isipin nito na wala siyang modo.
“Mukhang hindi maganda ang morning natin ah – “
“Sorry, but I don’t talk to strangers,” matalim na untag ni Kit, habang nagbabaka-sakaling titigilan na siya ng lalaki.
Sinapo ng kapitbahay niya ang sariling noo at natawa, “How rude of me. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si Aiden Lazaro. You can call me Aiden. And you are?”
Aiden Lazaro? Familiar name… “I’m Kit Ramirez.”
“Kit is probably a nickname. Ano ba ang totoo mong pangalan?”
Curious pa ba ‘to o nagpapaka-atribida na lang? “It’s none of your business,” malamig na tugon niya sa binata.
Pero sa halip na makitaan ng inis ay nanatili itong nakangiti, “Hmm… Mukhang hindi ata maganda ang naging gising mo, Kit.”
Paano ba ako magkakaroon ng matinong tulog eh dinig na dinig ko yung pagmimilagro mo kagabi… “Ganito lang talaga ako kapag bagong gising. Masungit.”
Napatango na lamang si Aiden, “Ahh, kaya pala. Well, I have never seen a lady as pretty as you kapag nagsusungit. Amazing.”
Ang aga naman maglandi nito. “Ako rin, amazed,” sarkastikong untag ni Kit, “I have never seen a man as noisy as you are.”
Iyon sana ang hint ni Kit sa binata para tumigil na ito sa pagkausap sa kanya, pero mukhang hindi ata nito naintindihan ang ipinapahiwatig niya. Sa halip ay sinabi nitong, “Mahilig lang talaga kasi akong makipag-usap. Tsaka kapitbahay kita. I should establish good ties with you.”
Magsasalita na sanang muli si Kit, pero sakto namang bumukas ang elevator. She found this as an opportunity to escape from Aiden, kaya mabilis siyang naglakad palabas. Agad namang sumunod sa kanya ang binata na waring hinahabol siya.
“By the way, gusto sana kitang i-invite na mag-lunch mamaya – “
“I’m busy,” biglang untag ni Kit para putulin ang pagsasalita ni Aiden habang binibigyan ang huli ng isang matalim na titig.
Matapos noon ay mabilis na tinype ni Kit ang passcode sa pintuan ng condo unit niya, at agad na pumasok sa loob, slamming the door shut on Aiden’s face.
******
ILANG ARAW din ang lumipas, subalit parang hindi pa rin naiintindihan ng kapitbahay ni Kit na si Aiden ang pagsusuplada sa kanya ng dalaga. Habang mas lalo niyang sinusungitan ang binata, mas lalo naman itong nangungulit at nang-iirita. Araw-araw siya nitong binabati ng ‘Good morning’ kapag nagkakasabay sila sa umaga. Lagi siya nitong kinakausap at kung minsan ay iniimbita pang kumain na lagi namang tinatanggihan ni Kit. She avoided him, and dared not to cross paths with him para hindi nasisira ang araw niya.
Subalit ang pinaka-kinaiinisan ng dalaga ay ang halos gabi-gabi nitong pagdadala ng mga babae sa unit nito. Ang gawaing ito ni Aiden ay talaga namang naging pasakit para kay Kit, dahil nahihirapang matulog ang huli dahil sa ingay na nagagawa ng pagniniig sa unit ng binata. Gusto man magreklamo ni Kit, nakaramdam siya ng hiya dahil baka kung ano ang isipin ng lalaki. Isa pa ay hindi ugali ni Kit ang mang-istorbo o mangialam sa buhay ng ibang tao.
Isang gabi ay isinantabi na ni Kit ang nararamdamang hiya, at buong-tapang na sinugod si Aiden sa unit nito. Gusto niya na rin makatulog nang matino, at walang mangyayari kung magngingitngit lang siya lagi sa loob ng unit niya.
Huminga muna nang malalim si Kit para kalmahin ang sarili bago nag-doorbell.
Ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas si Aiden. Hindi nito tuluyang binuksan ang pintuan, at bagkus ay nakalitaw lamang ang ulo nito sa siwang. Sa hula ni Kit ay nasa kalagitnaan ito ng pagmimilagro kaya hindi nito magawang lumabas. Bahagyang na-eskandalo ang dalaga, pero pinairal niya na lamang ang pagiging matured at hinayaan na lamang si Aiden.
“May kailangan ka ba, Kit?” tanong nito sa kanya nang may nang-aakit na ngiti sa mukha.
Kit rolled her eyes before looking at him coldly, “Alam kong karapatan mong mag… you know. If you can’t stop, then just keep it down, will you? Ang ingay ninyo ng kasama mo. Hindi lang ikaw ang nakatira dito. Nahihirapan na akong matulog dahil sa inyo.”
“Ah,” ani Aiden na para bang may napagtanto, “Okay, pauuwiin ko na lang siya.”
“W-what? That’s not what I meant!” Napakamot si Kit dahil sa pagka-irita, “I just told you to keep it down, para naman hindi kayo nakakaistorbo. Hindi ko sinabing paalisin mo na ang girlfriend mo – “
“…Hindi ko siya girlfriend.”
“Well then, whoever she is.”
“Kaya nga papauwiin ko na siya eh. Para hindi na makaistorbo sayo,” tugon ni Aiden habang nginingitian siya nito. Mukha naman itong sincere sa sinasabi niya, pero napepeste lang talaga si Kit dahil hindi nito naiintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.
“Damn it. I am just asking you to keep it down. Nothing more, nothing less,” matapos noon ay naiinis na bumalik si Kit sa kwarto niya.
Luckily, tila umepekto ang pagrereklamo niya, dahil noong gabing iyon ay wala na siyang narinig pang mga halinghing at kalabog mula sa kabilang unit. Sa hula niya ay sineryoso nga ni Aiden ang pagpapauwi nito sa babaeng kasama niya doon.
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapalabas si Aiden. Nang
Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya. “Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!” Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!” Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapa
“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.” Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!” “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “ “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo. Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer
PAG-UWI ni Kit, sakto namang nakasabay niya muli si Aiden sa elevator. Kaya lang, may kausap ito sa phone kaya hindi siya nito kinausap at inistorbo. Bahagyang nakahinga nang maluwag ang dalaga, lalo na’t masyado siyang stressed at pagod para makipagtalo at mainis kay Aiden. But somehow, parang nadisappoint si Kit na hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. Pakiramdam niya ay namimiss niya na ang ingay at ang ngiti nito. Madaldal kasi ito at makwento, at kahit pa hindi siya sumasagot madalas ay nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng lalaki. Hindi naman siya bingi. Teka nga… Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ano ba yan, Kristina! Nababaliw ka na ata. Bakit mo naman namimiss ang kakulitan ng playboy na yan? Napapikit at umiling-iling na lamang si Kit na para bang sinesermunan niya ang sarili sa loob ng isipan niya. Huminga siya nang malalim at itinuon na lamang ang tingin sa sliding doors ng elevator. Hindi niya na lamang papansinin ang binatang kasama. Pagkalabas ng elevator ay
DUMAAN si Kit sa isang convenience store para bumili ng alak. Balak niya sana itong inumin sa condo unit niya, pero nang makita niya ang text ng ina na hinihintay siya nito roon para makapag-usap sila ay nagdesisyon na lamang siyang inumin ito sa isang park na nasa tapat lang ng condominium building. Kung sakaling malasing siya, madali lang siyang makakauwi. Sigurado naman siyang aalis rin ang nanay niya maya-maya, kaya hihintayin niya na lang na iwan nito ang condo unit niya. Dahil ayaw niyang uminom nang mag-isa, tinawagan niya ang bestfriend na si Mikka. “Mikka…” ani Kit habang sinisimulan na ang pag-inom. “Napatawag ka ata. May kailangan ka ba?” tanong ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. “Samahan mo nga akong uminom.” “Uy, iinom ka? Bakit? Anong nangyari? Hoy bruha ka, tigilan mo nga yan! Nasaan ka ba?” bakas sa tinig ni Mikka ang pag-aalala. “Nasa park. Sa tapat ng condominium,” tugon ni Kit bago muling uminom mula
NAGISING si Kit sa ingay ng musika na umaalingawngaw sa kwarto. Kahit gusto niya pang matulog ay hindi niya na magawa dahil sa malakas na tugtugin na kanyang naririnig. Nang idilat niya ang mga mata ay napatitig siya sa kisame. Alam niyang merong mali. Sa pagkakaalala ko, meron akong malaking ceiling fan sa kisame. Bakit wala na? Oh shoot! Hindi kaya nanakawan ako? Napaupo bigla si Kit, at nang iginala niya ang mga mata sa buong silid ay mas lalo niyang napagtanto na hindi naman siya nanakawan. Wala masyadong gamit sa loob ng kwartong iyon, subalit may ilang malalaking kahon sa may bintana. May flat screen tv at isang couch, at nagkalat na mga damit ng lalaki. Babalik na sana sa pagtulog si Kit, pero nang mapagtanto niyang panlalaki ang mga damit na nakakalat ay nagtaka na siya. Kailan pa siya nagkaroon ng boxers? Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa paligid. Sa pagkakataon pa lamang na iyon talagang nagising ang diwa ni Kit. Wala siya sa kanyang condo unit! “Hala… Ano bang
PAGBALIK ni Kit sa condo unit niya ay napasandal na lamang siya sa pintuan habang binabatukan ang sarili. Pinilit niyang alalahanin kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ni Aiden kagabi, pero parang wala siyang mapipiga sa utak niya. Sinubukan niya nang untugin ang sarili para lang may matandaan, but to no avail. “Bakit pa ba kasi ako uminom eh!” Sumalampak na lamang siya sa sahig sa sobrang frustration. Hindi naman siya naniniwala na may nangyari sa kanila ni Aiden. Pero ang pagiging malandi niya kapag lasing at ang pagiging natural na malandi ni Aiden ay talaga namang isang masamang kombinasyon, lalo na kapag nilagay mo ito sa isang kwarto sa isang malamig na gabi. Parang maiiyak na napatitig si Kit sa kisame habang iniisip na maari talagang may nangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi eh. Imposible naman yun. Kasi wala naman akong nararamdaman na iba sa katawan ko… Tama, imposible talagang may naganap sa pagitan n
PAGKATAPOS niyang maligo ay agad niyang chineck ang phone para makita kung may tumawag at nagtext sa kanya. Doon niya na napansin na kailangan niya nang mag-charge, kaya agad niyang hinanap ang bag kung saan nakalagay ang charger ng phone. Hinanap niya na ang bag sa buong unit niya, pero wala talaga. Nafufrustrate at naiinis na rin siya dahil ayaw na ayaw niya talagang namimisplace ang mga gamit niya. Sumilip siya sa ilalim ng sofa, “Asan na ba yung bag ko…” Natigilan siya nang mapagtantong dala niya ang bag na iyon kagabi, at may malaking chance na naiwan niya iyon sa condo unit ni Aiden. Nasapo niya na lamang ang noo nang marealize ang kapalpakan niyang iyon. “Bwisit naman… Paano ko naman kukunin yun?” Napaupo na lamang siya sa sofa at napaisip. Nakakahiya kung babalik siya doon para kunin ang bag niya. Baka kasi asarin lamang siya ni Aiden, o kaya ay ipaalala na naman sa kanya ang fact na posibleng may nangya