Rosalyn's POV:
Naiwan kaming apat dahil kakababa lang namin mula sa Senior High School building at hindi matawaran ang pagod sa katatakbo sa ilalim ng araw, kaya napili muna naming mamahinga kahit saglit. Nagpunas ng mga pawis, nag-asikaso ng mga sarili, at nagpulong-pulong tungkol sa sayaw na itatanghal namin mamaya.
Apat na lang kami ang natitira dito sa dressing room, kaya medyo angkin namin ang lahat ng mga electric fan sa loob, maging ang sapat na espasyo ng buong silid para mag-unat-unat ng mga buto.
Habang sinusuklay ko ang aking buhok, bigla akong tinanong ni Leigh Ann. "Alin sa dalawang ito ang sa tingin mo'y mas bagay sa'kin?" tanong niya, pinapakita ang dalawang contact lenses na nasa kulay asul at kulay kape. Hindi ko alam kung bakit siya maglalagay nito sa mata, gayong hindi naman ito makikita sa malayuan. Sobrang laki ng entabladong aming sasayawan, at sobrang layo sa amin ng mga manunuod. Imposibleng
Rex's Pov: Dalawang linggo na ang nakalilipas matapos nangyari ang hindi inaasahan. Kasalukuyan akong nandidito sa sementeryo kung saan sila inilibing. Martes ngayon, galing akong Alejandro at dumaan lang ako dito para mag alay ng bulaklak at dasal. Hindi naging dahilan ang ulan para hindi ako matuloy. Mag-isa akong bumisita sa puntod nilang apat. Ang makita silang nakabaon sa ilalim ng malawak na libingan ay nagbibigay sa akin ng isang malungkot na atmospera. Hindi ko na kailangan pang makipag-sabayan sa ulan para lang mapagtantong umiiyak na ako. Alam ng lahat ng mga santo santo sa kalangitan kung gaano ako nagdadalamhati sa mga puntong ito. Kahit mismong ang Panginoon ay may ideya kung gaano ka bigat sa pakiramdam ang malunod sa mga emosyong ito. "You all will surely be missed," malumanay ngunit malugod kong bulong sabay patong ng mga bulaklak sa ibabaw ng lapida ng bawat isa sa kanila. Nag-uumapaw ang aking kalungkutan habang nakaluhod
Jode's Pov:Ginising ko si Rex mula sa kanyang pag-iidlip nang mapansin kong tumila na ang ulan. Agad naman siyang bumangon at inunat ang katawan."Good. Sa wakas at tumigil na ang ulan," aniya sabay hikab."Kaya nga. Tara na, uwi na tayo."Kinuha ni Rex ang kanyang bag at saka isinuot ito. "Sige, ihahatid na kita sa inyo.""Kahit huwag na. Kaya ko na ang sarili ko," pagtanggi ko."Kahit kaya mo na ang sarili mo, kailangan pa rin kitang ihatid." Pagpupumilit nito sabay kuha sa aking mga gamit. "Tara na.""Oh sige na nga,hatid mo na ko. Bahala ka, baka pagsisisihan mo to bukas." Pagbabanta ko sa kanya habang nag-umpisa na kaming maglakad.Napatingin ako sa aking relo and it's almost 6:30. Kaya hinikayat ko si Rex na mas bilisan pa ang paglalakad dahil ayokong mapagalitan na naman ni mama. Napagk
Cylvia’s POV:“Dan-dan-soy bayaan ta ikawMapuli ako sa payawUgaling kung ikaw hidlawunAng payaw imo gid lantawun.”Memories kept on flashing in my mind over and over as the song automatically played, giving chills to my entire body and causing my tears to rain down directly on my cheeks. It’s been a year. It’s been a year since my most beloved and cherished person who promised not to leave me alone broke her promise. It’s been a year of carrying heavy emotions on my shoulders. It’s been a year of living alone. At this exact day, at this exact moment, my Mom perished.Pumanaw siya na hindi man lang nakita ang kaisa-isahang anak niya sa huling saglit. Pumanaw siya na hindi man lang nahawakan ang mga kamay ko. Pumanaw siya na hindi man lang natanggap ang patawad na walang pagdadalawang-isip na ipinagkait ko.Isa akong anghel na minsan niya nang tinuring. Isaang hiwaga na kailanma’y hindi niya ginustong matuklasan.
Samantha’s POVCylvia badly needed me now. She needed someone's shoulder to lean on. Someone who could make her feel comfortable despite of all the problems that had been breaking her. If there's anyone who could fit in that position, it had to be me.Kung hindi lang sana kasi ako inutusan ni Ms. Dolor na hanapin ang principal, maybe I was able to lessen the burden of my dear friend. I'm worried about her. But right now, there's nothing I can do except to find the principal as soon as possible para mabalikan ko si Cylvia.I found myself strolling, following the trail away from the students' study area while giving a gaze at the wide blue sheet of skies with the cottony clouds up above. The glimmering rays of the afternoon sun kissed my face as I went on.I must admit, it felt kind of boring to walk alone in the pathways beneath the green broad quadrangle of the University, that's why I convinced myself to take my he
Ok, this is it. At the count of three.One.Two.Three.Buong lakas kong tinulak ang nangangalawang na pinto at lumikha ito ng isang malakas na tunog. Agad na bumungad sa akin ang ‘di hamak na dilim. Nakakabulag na dilim. Nakakalulang dilim.Iniwan kong nakatiwangwang ang pintuan para kahit papaano’ y may kaunting liwanag man lang na magsisilbing ilaw sa silid. Subalit hindi ito naging sapat. Sa katunayan, kinain lang ito ng kadiliman.Kaya napilitan akong paandarin ang flashlight ng aking cellphone na sa pakiwari ko’y hindi na rin magtatagal dahil 12% na lang ang natitirang baterya nito.Nagmatyag ako at muling tinutukan ng atensiyon ang tinig na kani-kanina ko lang narinig. Sa mga puntong ito, mukhang malabo nang maulit pa iyon.Then all of a sudden, namatay ang kakarampot na ilaw na nagmumula sa aking cellphone. I tried to c
Vhynz’s POV:Kasalukuyan kami ngayong naglalakad patungong school clinic. Kasama ko sina Andrei, Janvic, Geodie, Jermaine, Rabiya, at Yuri. Wala kaming motibo kung bakit nahimatay si Samantha. I thought it was just an over fatigue. Palagi kasi talaga siyang nahihimatay sa tuwing nagkulang sa kain at nasobrahan sa pagod. Palagi siyang pinagsasabihan nila Mom at Dad na uminom ng kaniyang gamot, pero minsan ay nakakaligtaan niya ito nang hindi sinasadya. Kaya ang mga senaryong ito, hindi na ito bago pa kay Samantha.Takang-taka kami ngayon kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. Lahat sila ay mukhang patungo sa likod—sa mini forest, kung hindi ako nagkakamali.“Eh? What’s happening?" Nagtatakang tanong ni Yuri. May mga linyang nakaguhit sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay sa gitna.“Is there any activities today? Like fire drills, earth
Sobrang takang-taka ako kung bakit sila pumasok dito gayong nalinis na rin naman ‘yong crime scene. Ano pang gagawin nila dito? Are they looking for evidences? Or are they getting rid of them?Bunsod ng labis na pagtatak at labis na pagkasabik na malaman ang kadahilanan kung bakit sila naririto, napilitan akong sumunod sa likod nila. Pinauna ko lang sila nang kaunti upang hindi nila ako maramdaman, habang sa parehong pagkakataon ay naghahanap na rin ng ligtas na lugar na pwedeng pagtaguan. Pumasok ako sa ilalim ng hagdanan sa pagitan ng first floor at second floor ng old building para masiguradong walang makakakita sa akin.Medyo madilim at maalikabok dito pero okay na rin. Kahit papaano ay malapit-lapit sa kanila nang kaunti kaya masasabi kong maririnig ko ang mga pag-uusapan nila nang hindi nila ako nakikita.Malamok sa loob ng limitadong silid na pinagtataguan ko. May parang teacher’s table na luma na; kung ako ang magkikilatis ay mukhang
Rabiya’s POV:Parang hagibis ng hanging habagat ang mabilis na pagdaan ng Sabado at Linggo. Parang bente segundos lang ang lumipas at ngayon ay Lunes na naman. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung paano kami tinakot ng grabe. Kung paano kami pinagpawisan ng grabe. Kung paano kami nanginig ng grabe. Parang sintimyas ng bukang liwayway kung pababalikin pa namin ang mga alaalang iyon. Ang hirap, mga bangungot na hindi na pwedeng takasan, mga sigwa na hindi na pwedeng pagtaguan. Sobrang hirap, pero sigurado akong bukod pa doon ay may mas hihirap pa.“Rabiya! Wala ka bang balak pumasok? Lunes na Lunes ngayon ah?” nakaramdam ako ng isang malakas na yugyog na siyang bumasag sa aking mahimbing na pagkakaidlip. Teka, Lunes na pala? “Bumangon ka na diyan. Wala ka talagang plano sa buhay mo no?” dagdag pa ni Mama na mas maingay pa sa mga manok ni papa, at sa busina ng mga sasakyan na nagsisidaanan sa labas.While taking a quick look a