Share

Chapter 20

Beta Keiver Pov

Kasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter.

"Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.

Nakaramdam ako ng galit nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status