Share

Chapter 14

Zeph Pov

Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Biglang naglaho ang sakit at sugat sa aking katawan. Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong kakayahan na mapaghilom ng mabilis ang aking mga sugat?

Ang mga taong-lobo maliban sa akin ay may kakayahan na mapagaling ng mabilis ang kanilang mga sugat ngunit hindi ganito kabilis katulad ng nangyari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari sa akin ngunit ikinatuwa ko ang aking bagong tuklas na kakayahan. Nagulat ako at nagtaka ngunit hindi ko maikakaila na talagang natuwa ako sa nangyari. Sa wakas ay may kapangyarihan na rin ako. Hindi na ako isang ordinaryong taong-lobo lamang na parang normal na tao dahil may kapangyarihan na ako ngayon. Ngunit kailangan kong makasiguro na kaya ko nga ang magpagaling. Ngunit sino naman ang pagagalingin ko?

Tila sinasadya naman na biglang may nasagasaang rabbit sa aking harapan. Mukhang nakatakas lamang ang rabbit mula sa kanyang kulungan dahil malinis ito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status