Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag
Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”“The billin
Ramdam ni Wixon ang nanlalamig na mga palad ng kanyang asawa. Nasa isang latest edition luxury car sila ngayon, at papalapit na sa Casas height, isa sa pag-aari ng mga Foltajer. Isa ito sa pag-aari nila na nananatiling namamayagpag sa Folmona kahit ilang taon na ang lumipas. Isa itong five star hotel and restaurant. Tanyag na puntahan ng mga guest sa Folmona sa tuwing may malalaking pagtitipon ng mga mayayaman. Isa rin ito sa assets niya na hiniwalay sa pag-aari ng mga Foltajer, upang maiwasang madamay sa kasagsagan ng krisis noon sa kanyang pamilya. Ito ay nasa pangangalaga ni Froso at Osmond, bilang plantalya na may-ari nito hanggang sa ngayon. Basi sa kwento ng kanyang ina, ang kambal ay naiwan sa pangangalaga ng iba pa nilang mga tauhan nang namatay ang mga magulang nito noong na-ambush ang ama niya. Mula noon ay halos ibinigay na ng kambal ang buhay ng mga ito sa pamilya niya.“Ma-mahal . . . Ki-kinakabahan ako,” sabi nito na mas humigpit pa ang kapit sa kanyang braso at palad. M
“Umica, aking apo, bakit ’di mo sinabing nakalabas ka na pala mula sa Ospital? Hindi ka man lang nagpasundo sa Tito Yandro mo o ’di kaya ay sa iyong Tita Sandra. How are you feeling, hija? Baka ay masyado mong pinipwersa ang iyong sarili?” Wixon felt the urge to squeeze the old man's throat habang nakikinig sa mga pagkukunwari nito. Hawak nito ngayon ang kamay ng asawa niya. Malinaw naman niyang nakikita sa mukha ni Umica ang matinding kasiyahan. Mga ngiting may kalakip na pressure kung kanyang tawagin kahit noon pa man. He couldn't blame his wife kung bakit ganito ito. After all, his wife was raised to become a good follower sa pamilya nito. Ngunit ramdam niya sa hangin ang matinding pagkukunwari sa awra ng matandang Sares.“Lolo . . . Ayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung ’di ako nakadalo sa last meeting sa kumpanya. Nagkaroon lamang po ako ng emergency,” anito at dahan-dahang lumingon sa likuran nito. ‘Is she going to tell them that I'm alive?’ But Umica didn't say any
Kararating lang ng buong angkan ng mga Sares, maging sila ng kanyang asawa. Buong akala ng mga ito ay wala silang masasakyan. Ngunit hindi inaasahan ng mga ito na mismong si Osmond ang maghahatid sa kanila ni Umica sa main mansyon ng mga Sares sa loob mismo ng Monato subdivision. Alam niyang galit ang mga ito sa kadahilanang ang taong halos yukuan ng lahat ng mga taga Folmona ay nagmaniho lamang ng sasakyan para sa kanila ng asawa niya. Tanda pa niya sa kanyang isipan ang itsura ng mga nakakita sa pangyayari kanina na kulang na lang ay sumuka ng dugo.Matapos ang pangyayari sa Triad launching, kung saan ay bumida nang husto ang kanyang asawa ay agad na silang dumeritso sa mansyon ng mga Sares. Sa mansyon na kahit kailan ay hindi siya naging welcome maging hanggang sa ngayon. He could still vividly feel the hostile atmosphere that is undeniably suffocating. Alam niyang kung ’di dahil sa kanyang asawa ay kanina pa siya pinakaladkad palabas ng mga guwardiya ng matandang Sares. Sa ngayon
Halos umabot sa dalawang oras ang usapan nila ng kanilang buong mag-anak. Kaya nang nagpapahinga na ang lahat ay halos ’di siya magkamayaw sa paghihintay sa kanyang asawa sa kanilang silid.‘This is it! Masusulo na rin kita ulit, mahal ko.’ Para siyang bata na excited makuha ang kanyang premyo, matapos gumawa ng isang magandang bagay. No words can express how excited he was. Inayos niya ang kama maging ang apakan sa sahig. Pati ang mosquito net ay ’di niya rin pinalampas. Ginamit din niya ang dimmer ng lamp light upang mas maging romantic ang dating ng silid. Tumayo siya sa gilid ng queen size bed upang suriin kung perpekto na ito.Five minutes . . . Ten minutes . . . Hanggang umabot sa labinlimang minuto ang kanyang paghihintay. Sakto namang bumukas ang pinto ng banyo nang tumingin siya roon at iniluwa si Umica na ngayon ay tanging bathrobe lang ang suot.“Mahal, ang buong akala ko ay nakatulog ka na,” anito sabay punas sa basa pa nitong buhok. Naglakad ito tungo sa salamin at doon a
Habang kumakain ay panay ang tingin ni Umica sa asawa niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maaawa rito. She was just trying to mess with and tease her husband last night. Pero humantong iyon sa naging tulog na tulog siya. For that was the first night in her life na naging panatag ang kanyang kalooban. Hindi man iyong masasabi niya na walang dapat ipag-alala, ngunit iyong pakiramdam na may kasangga na siya tulad nang dati. Noong mga panahon na nariyan lang ito upang alalayan siya sa kahit na anong paraan na alam nito. Ang asawa niya ang kanyang knight in shining armor. Kaya ngayon na narito ito ay muling bumalik ang pakiramdam niyang ’di na siya nag-iisa sa bawat laban ng kanyang buhay.“Mahal, here, kumain ka nitong salad na gawa ni mama. I know you badly miss this,” aniya sabay lagay ng isang serve ng salad sa pinggan nito. “Hehe . . . Tha-thank you, mahal,” sagot naman nito na may kasamang titig sa kanya. Pakiwari niya ay sinasabi ng mga mata nitong . . . ‘You’re the one t