Share

Chapter Eight (Part Four)

Avyanna's POV

"Miss Avyanna, kilala mo po ba si Sir Rowan?" Tanong agad saakin ni Ms. Natividad pagkatalikod na pagkatalikod ni Rowan.

May tumawag kasi sa kanya kaya medyo lumayo siya saamin. Nakaharap siya sa mga naglalakihang buildings at ang malapad niyang likuran ang nakaharap saamin kaya malaya namin siyang mapagtsitsismisan nang hindi niya nalalaman.

Kaming dalawa na lang ni Ms. Natividad ang naiwan dahil pumuntang banyo ang iba naming kasamahan.

"Hindi." Matipid na sagot ko bago ako pumangalumbaba sa lamesa nang hindi inaalis ang tingin kay Rowan.

Sinulyapan pa muna ni Ms. Natividad si Rowan bago niya ako hinarap. "Weh? Bakit iba siyang tumingin saiyo? Parang sinasabi ng mga mata niya na sa kanya ka lang?"

Hindi ko mapigilang mapasinghal. Kailan pa ako tinignan ni Rowan ng ganoon? She must be hallucinating.

"Kailangan mo nang magpatingin ng doktor Ms. Natividad. Kung ano-ano na ang nakikita mo." Tamad na sagot ko.

Tinakpan ko ang bibig ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status