Warning: Prepare your tissue before reading this chapter.
Elaine's Point of View
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, kaagad naman bumungad sa akin ang isang malaking chandelier na kumikinang.
Nang sinubukan kong umupo ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot nito.
"It looks like you're awake," wika ng isang maskuladong boses na kaagad kong ikinalingon sa kaliwa ko.
Kaagad akong napanganga nung makita ko si Ashton na walang suot na pang-itaas habang prenteng prente na nakaupo at nakapa-krus ang kanyang hita at braso.
"Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ngunit, ngumiti lang s'ya sa akin at dahan-dahang tiningnan ang bandang dibdib ko.
"I think you should dress up before talking to me. How about that?" nakangising tanong nya at tumayo upang pumunta sa closet.
Elaine's Point of ViewNang magising ako ay kaagad kong tiningnan ang paligid, ito pa 'rin ang silid kung saan ako dinala ni Ashton.Ibig sabihin ay totoo ang nangyari kanina, akala ko ay isa lamang bangungot.Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ashton tungkol sa relasyon namin ni Louis.Wala akong kaide-ideya na may gano'n pa lang kasunduan na nagaganap sa pagitan namin.Ang akala ko ay ang kasal namin ay kabayaran sa utang ng aming pamilya sa mga Montemayor, ngunit, mukhang nagkakamali ako.Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?Ito ang kabayaran sa pagtitiwala ko ng sobra, kung alam ko lang ay hindi ko na sana binuksan ang puso ko sa isang tao na balak lang na gamitin ako laban sa ibang organisasyon.Hindi ko alam pero wala akong balak gumalaw mula sa kinauupuan ko parang bumigat ang buong ka
Elaine’s Point of ViewNang makabalik ako sa loob ng venue ay kaagad lumapit sa akin si Venice. “Mabuti naman at narito ka na, baks. Hinihintay ka ng lahat sa balcony para masimulan nang ibigay sa inyo ni Louis ang regalo nila Tita Hacel,” aniya habang hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa kaba.Ano na naman ba ang pakulo ng pamilyang Montemayor?Kaagad naman akong nagpilit ng ngiti nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Venice. Wala s’yang kaalam-alam kung ano ang meron sa pagitan namin ni Louis. Hays, hindi ko s’ya masisisi dahil sigurado akong itatago sa kanya ni Volstrige ang bagay na yun.“Pasensya na, mukhang na-late na naman ako. Gumamit kasi ako ng restroom saglit,” usal ko at akmang ihahakbang na ang mga paa ko nang biglang hawakan ni Venice ang braso ko, dahilan upang mapatigil ako.“Sandali lang naman, baks. Talagang inabangan kita rito dahil may balak akong ibigay sa’yo
Elaine’s Point of ViewNaalimpungatan ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tunog ng ringtone na nagmumula sa cellphone ni Louis.“Answer your call,” usal ko habang nakita ko naman si Louis na pinatay ang tawag at binalik ang pagtitig sa akin.“I’m sorry for waking you up,” wika ni Louis habang kinuskos ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makita ang mukha nya dahil medyo madilim sa silid.“Ayos lang, naalimpungatan lang ako. But why are you still awake?” tanong ko sa kaniya at akmang babangon para sana kumuha ng maiinom sa kusina.Aray.Kaagad akong napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang kirot sa bandang ibaba ko. Ganito rin ang nangyari sa akin nang unang pagtatalik namin. Parang binibiyak ang katawan ko sa dalawa.Nang mapansin ni
Elaine's Point of ViewNabitiwan ko ang hawak kong bag dahil sa gulat nang makita ko ang babaeng nakahandusay sa swimming pool na para bang nilunod ito, nanginginig akong bumaba upang tingnan ang babaeng ito at mukhang nawalan lang siya ng malay. Ngunit ang babaeng ito ay si Mariella, ang babaeng mahal na mahal ni Louis.Dalawang linggo na ang nakalilipas nang inuwi siya ni Louis sa mansyon at sa araw-araw na nandito sila ay para lamang akong bula. Mag-iisang taon na rin simula nang pinirmahan ko ang kontrata na nagpapatunay na ang pagpapanggap ko bilang asawa niya ay magiging kabayaran ni Ama sa utang niya hanggang sa magkaroon siya ng tagapag-mana upang makuha ang mamanahin niya sa kaniyang ama at isa pa, dahil lang sa kagustuhan ng magulang niya kaya niya ako pinakasalan."Mariella, gumising ka. Hindi magandang biro ang ginagawa mo!" sigaw ko habang tinatapik siya. Hindi kami in good terms lalo na sa tuwin
Third Person's Point of View“Anak ng tupa, ngayon pa nasiraan kung kailan malapit na. Saglit lang po, Boss Montemayor,” wika ni Brennon habang dali-daling bumaba upang i-check ang makina habang si Louis Montemayor naman ay inip na inip na dahil dito. Ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya. Ngayong araw lang siya available upang kilatisin ang nahuli nilang pumipigil sa negosyo niya at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang hindi pag-amin nito kung sino ang nag-utos sa kaniya na nagpapainit ng ulo niya ilang araw na.Nagkakamot ng ulo pumasok si Brennon na assistant ni Louis sa organisasyon, marahil dahil siya ang pinakaayos pagdating sa pagmamaneho. Isa itong racer at kayang-kaya iwasan ang mga tatamang bala sa kanila kapag sumulpot ang isa sa kalaban ng organisasyon nila.“Bossing, wala, eh, kailangan na nating dalhin ang isang ito para maiayos,” sambit nito nang buksan niya ang pinto sa harapan. Nagkakam
Elaine's Point of View“Aba'y lumayas-layas na kayo sa apartment ko, mga walang silbi. Pabigat! Magbayad kayo ng renta hindi puro kayo bukas!” asik ni Mang Pedro habang gigil na gigil sa amin ni Itay. Ang totoo niyan ay wala kaming sapat na pera para ipambayad sa renta dahil nagtatrabaho lang si Itay bilang tricycle driver dahil natanggal siya sa trabaho niya noon.Kuwento nga nila ay maginhawa ang buhay namin noong nagtatrabaho pa sila sa mga Montemayor kaya lang, sa kasawiang palad, napalitan sila ng ibang mga trabahador na galing sa Pransya na ikinalugmok ni Itay kung kaya't nabaon siya sa utang sa mga ito. Ngunit nang masawi si Ina ay ro’n na rin ito nagsimulang magbago at winaldas ang pera sa kung saan-saan. Mabuti na lamang ay may natira pa sa akin kahit isa sa gamit namin at 'yon ang kwintas na binigay sa akin ni Ina.“Mang Pedro, bigyan n’yo pa po kaming isang tsansa. Magbabayad rin po kami ngayon, pa
Elaine's Point of View"Ha, a...a-no po?" tanong ko habang nako-confuse, magkatinginan pa rin kami habang ang masasabi ko lang ay napakagwapo talaga niya. Siguro, kung iba ang waitress ngayon ay kikiligin na at aakalain na isa siyang actor. Napaiwas naman ako ng tingin at dumapo ang tingin ko sa babaeng kasama niya, masama ang tingin nito sa akin na parang kakainin ako nang buhay.May nasabi ba akong masama?"Baby, ano bang sinasabi mo?" tanong ng babae habang hinahawakan ang kamay nito na nasa table. Girlfriend niya pala ito, akala ko ay nanay niya lang, char."Girlfriend ka po niya?" tanong ko habang bigla namang napatingin sa akin ang babae at tatayo sana nang magsalita ang lalaki na kasama niya."Leave," maawtoridad na wika nito habang tinuturo ang pintuan ng restaurant.Pinapalayas niya ba ako?"Hindi mo ba narinig, lumayas ka raw!" sigaw ng
Third Person Point of View“Bossing, patawarin n’yo po kami. Hindi po namin akalain na asawa n’yo po pala ang pangit— este si ma'am,” wika nito ngunit hindi sila pinakikinggan ni Louis. Galit ang namayani sa buong katawan niya. Ang bilin sa kaniya ng ama niya ay bantayan si Elaine dahil ito ang nais nilang makasal sa kaniya upang makuha niya ang mana niya at hindi lang 'yon ang dahilan niya kaya nais niyang pakasalan si Elaine, may mas malalim pa ro’n.At isa pa, sira ang damit nito at tinadyakan pa ng mga ito si Elaine sa harapan niya na ikinaubos ng pasensya niya. Ang akala niya kasi ay kung sinong babae lang 'yon.Dinala niya ang babae sa sasakyan niya habang nakatingin naman si Brennon. “Sir, hindi ba, 'yan ’yong babae na—” wika nito ngunit pinalayas niya lang ito ng sasakyan habang dahan-dahang hiniga si Elaine sa upuan. Nakita niya na ang pink na bra nito na mas lalong mas nakakagigil sa kan