Share

Chapter 1

"Don't let me see your face again." malamig niyang sabi sa akin ng humakbang ako para lumabas sa opisina niya.

Lumingon ako at malungkot akong ngumiti sa kanya.Pilit kong pinatatag ang aking sarili kahit nag-uunahan ng malaglag ang mga luha sa aking mga mata. Napakasakit isipin na ang lalaking inalayan ko ng aking sarili at buong puso kong minahal ay ganito ang ibabalik sa akin.

I can't believe na sa ganito lang pala matapos ang lahat ng nangyari sa amin. Akala ko naiiba siya pero nagkamali ako dahil parehas lang siya sa ibang lalaki. Nabulagan lang pala ako sa pagmamahal ko sa kanya, pero hindi pa huli ang lahat kaya ko pang isalba ang aking sarili mula sa kanya.

"You can't fool me anymore. I hate that I wasted months with a cheap whore like you. " he said in a blank expression but his words were like knife that keep stabbing my heart into pieces. 

Hindi pa siya nakuntento tinapon niya ang pera sa aking harapan. Nagliparan ang mga ito at nagkalat sa sahig. He's not the Ethan I know. Puno ng galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Tinakpan ko ang bibig saka tumungo. Sobrang panliliit mula sa kanya ang aking naramdaman ngayon.

"That's what you want right?" his voice roared. " Take all that, b*tch!"  tinuro niya ang mga perang nagkalat. 

Umiling ako at pinigilan ang panginginig na aking boses saka huramarap sa kanya.

"How could you do this to me Ethan?"  hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.  "Kailanman hindi ko hinangad ang kayamanan mo. Hindi yan ang kailangan ko!"

"Why? It isn't enough?" he chuckled and smirked at me. Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng mesa niya saka muling kumuha ng bungkos ng pera at muling tinapon sa akin. 

Kinuyom ko ang aking kamao para pigilan ang panginginig ng aking katawan.

"Take all that and disappear!" he spatted angrily.

I heaved a deep breath and took all the courage I have. Kahit sa ganitong paraan man lang maibangon ko ang aking sarili sa kanya, sa kalupitan niya.

"Wag kang mag-alala Mr. Dominguez, hindi ako maghahabol sayo.Hindi kita kailangan at kailanman hindi ko kakailanganin ang pera mo. " I said trying hard to stop my sobs.

 "Tatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin. Salamat sa lahat ng masasakit na salita, babaunin ko ito saan man ako mapunta." puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya saka tumalikod pero bago pa man ako makalabas muli siyang nagsalita.

"I don't need you either. I don't need a slut like you. I don't need a gold digger...but well,  you fuck good in bed." dama ko ang pang-uuyam mula sa kanya.

Hindi ko na hinintay na tapusin niya pa ang gusto niyang sabihin sa akin. Tumakbo na ako palabas ng opisina niya.  I don't need a man who will just degrade me. Kung nakaya niyang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin kakayanin ko din.

Hindi ko napigilan ang sariling mapahagulhol habang naglalakad papunta ako sa locker para kunin ang mga gamit ko. Maraming customer ang nakatingin sa akin pero wala na akong pakialam, ang gusto ko lang ay makalabas sa lugar na ito. Ramdam ko ang sakit sa aking puso, parang dinurog ito ng paulit-ulit sa sobrang sakit. 

"Gurl! Nag-usap na ba kayo ni Sir Etha--" hindi natuloy ni Mica ang sasabihin niya ng makita niyang hilam ng luha ang mukha ko. " Hala, anong nangyari sayo?" 

"A-ayos lang ako, Mic." bulong ko saka pinahid ang luha sa aking pisngi. Dumiritso ako sa locker kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

"Anong nangyari?"  nagpapanic itong tumayo saka kumuha ng tubig. "Inom ka muna gurl..."

"Ayos lang M-Mic...ayos l-lang..."pilit kong tinago ang mga luhang muling kumawala sa aking mga mata, saka nagmamadali kong kinuha ang aking bag at ang pagkaing pinadala ni Mamang para sa akin. 

"Gurl ano ba kasi ang nangyari? Pinagalitan ka ba? Tutulungan kita, kakausapin ko si Sir Ethan."

Sana nga ganun lang pero hindi...mas higit pa ang ginawa niya sa akin. Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin. Para akong basura na basta niya na lang tinapon. Para akong may sakit kung pandidirihan niya. 

Muling bumalik sa aking isipan ang mga masasakit na salitang binitawan niya. Mga salitang kailanman hindi ko inaasahan na marinig mula sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sariling muling mapaluha pero mabilis ko din itong pinahid. 

"Gurl nag-aalala ako sayo..."

"Ayos lang  ako Mic. Salamat sa lahat ng tulong mo ah."

"Hala ayoko ng ganyan. Bakit ka nagsasalita ng ganya--"

"Mauna na ako, Mic..."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya sa akin. Nagmamadali akong tumakbo palabas ng bar. Nanlalabo ang aking paningin dahil punong-puno ng luha ang  aking mga mata, pinara ko ang unang taxing dumaan pero hindi paman ako nakasakay may isang brasong pumigil sa akin. 

Sa nanlalabo kong paningin nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kuya Gustavo. Agad niya akong inalalayan dahil bigla na lang nanghina ang aking katawan. Kung hindi niya pa naagapan ay baka bumagsak na ako.

"What happened Z?" tatlong salita mula kay Kuya at pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya kasabay ng muling pag-uunahan ng mga luha sa aking mga mata. 

"K-kuya...p-please ilayo mo ako dito." yon lang ang nasabi ko at naramdaman ko na lang ang pagbuhat ni Kuya Gustavo sa akin.

Maingat niya akong isinakay sa kanyang sasakyan at agad na umalis . Walang ibang tanong. Hinayaan niya akong umiyak. I was crying hard, sobs after sobs that I can barely breath.  Hindi ko napaghandaan ang ganitong klase ng sakit. Para akong mamatay sa sakit na aking nararamdam ngayon. 

Pinuno ang sasakyan ni Kuya Gustavo ng mga hikbi ko. Walang ampat ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. I was shaking in pain...too much pain, hanggang sa maramdaman kong biglang sumakit ang aking puson. 

"A-aray..." napakagat ako sa aking labi para pigilan ang sakit pero lalo ko lang itong naramdaman.

"What's wrong? bakas ang pag-aala sa boses ni Kuya.

Hindi ko na nasagot ang tanong nya ng maramdaman ko ang likidong lumabas sa aking pagkababae. Dahan-dahan ko itong kinapa at parang namanhid ang utak ko ng makita ko ang dugo sa aking palad.

 "K-kuya... tulungan mo ako." nanghihinang pakiusap ko sa kanya.

"Fuck!" dinig kong sabi ni Kuya pero wala na akong lakas para lingunin siya. All I know is that I need to go to the hospital. 

Ang baby ko...Oh God ang baby ko. Hindi pwedeng mawala ang baby ko...

"K-Kuya please d-dalhin mo ako sa hospital." sabi ko sa mahinang boses. Ramdam ko na rin nagsimula ng mamanhid ang aking katawan.

"Shhh...stop talking. I'll bring you to the hospital, okay. " I heard his voice is panicking. "Just open your eyes Z, open your eyes..." 

Dinig ko ang ilang beses na sunod-sunod niyang pagbosena. "Tang-ina! Let me pass." he shouted desperately at muli na namang bumusina. Ilang malulutong na mura na ang lumabas sa kanyng bibig at binuksan niya pa ang bintana ng sasakyan.

"Zia Alejandra, don't close your eyes on me, please." Inabot niya pa ang kaliwang kamay ko saka pinisil. " Z...we're near, open your eyes..."

"Kuya, pakisabi kina Mamang at Papang at Kuya Noel na mahal na mahal ko sila." nanghihinang sabi ko sa kanya. Sakali mang  may mangyaring masama sa akin, nasabi ko pa ring mahal ko silang lahat.

"Hey! Don't say that Alejandra, malapit na tayo." naramdaman kong mas binilisan niya ang pagmaneho. " Fuck whoever did this to you! Fuck you! Fuck you!"

Malungkot akong ngumiti sa kanya saka pumikit. Kahit nakapikit ako na-iimagine ko pa rin ang matapang at masungit na mukha ni Kuya Gustavo. He and Gaston are so protective of me dahil parang kapatid na ang turing nila sa amin ng Kuya Noel ko.

 "Salamat sa lahat Kuya ah..."

"Stop..please stop."

"...e -kumusta mo na lang ako kay Gaston pangit." pilit ko mang idilat ang mga mata ko hindi ko na kaya, namimigat na ang aking talukap. Dinig ko pang kinakausap ako ni Kuya Gustavo pero hindi na ako nakasagot hanggang sa nawalan na ako ng malay.

***

"Take care of your wife, Mr. Sandoval, maselan ang pagbubuntis niya." yon ang huling sinabi ni Doktora Castillo bago ito lumabas ng silid. Madami pa itong binilin kay Kuya Gustavo na mga dapat at hindi dapat gagawin. 

Gusto ko mang iwasto ang doktora pero hindi ko na nagawa dahil si Kuya Gustavo na mismo ang nagsabing asawa niya ako. I know he's just doing that para wala ng maraming tanong pa. 

The room is filled with defeaning silence but I can feel that Kuya Gustavo is staring at me intently.  Alam kong madami siyang gustong itanong sa akin pero pinili niyang tumahimik at respetuhin kung ano ang nararamdaman ko ngayon. 

Nanatili lamang akong nakatulala pagkatapos sabihin sa akin ng doktora na buntis ako hanggang sa nakaalis na ito. Naramdaman ko na ito ako bago pa man nangyari ang lahat. I was just waiting for...h-him to come back para sana sabay naming kumpirmahin pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. 

Hindi ko inaasahan na ganun lang niya ako kadaling iwan. Mabuti at naagapan agad kaya walang nangyaring masama sa baby ko. Kung hindi pa ako nakita ni Kuya Gustavo baka kung ano na ang nangyari sa amin.

Muli akong yumuko para itago ang aking mga luha pero wala namang silbi dahil kaming dalawa na lang ni Kuya dito sa silid at kanina pa siya nakatingin sa akin.

"H-how are you feeling?" aniya saka hinila ang upuan at umupo sa gilid ng kama. 

Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang pero alam ko namang hindi siya maniniwala sa akin. Nanatili akong tahimik hanggang sa naramdaman kong pinupunasan niya na ang mga luhang nahulog sa aking pisngi.

"It's alright Alejandra, don't cry over that jerk." sabi niya sa mababang boses pero andun ang diin sa bawat salitang kanyang binitawan.

"Ang sakit-sakit Kuya."Hindi ko na napigilan ang sariling magsumbong sa kanya. 

"Ayoko nito Kuya..ang sakit sakit..." Hinampas ko ang aking dibdib para maging manhid ito,  baka sakaling mawala ng sakit na nararamdaman sa loob ko.

Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan na tila ba sinasabing ilabas ko ang lahat ng sakit na aking nararamdaman ngayon. 

"Wala akong kasalanan Kuya. Tanging kasalanan ko lang ay minahal ko siya." sabi ko at muli akong humagulhol.

Muli niyang pinahid ang mga luha sa aking mga mata at masuyo siyang tumingin sa akin. Ramdam ko ang awa sa mga mata niya pero may nakita ko din akong galit sa mga ito.

 "It's not your lost, Alejandra. Let that a**hole taste his own medicine. I will help you. " may diin niyang sabi.

"Whoever the fuck he is, fuck him! Tang-ina niya. Wag lang mag-krus ang landas naming dalawa kundi babasagin ko ang pagmumukha niya."

"Para akong nalulunod sa sakit Kuya at hindi ko alam  kung paano umahon." pinigilan ko ang sariling muling mapahagulhol pero ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ay muli na namang lumakas ang  aking pag-iyak.  

"You're strong Alejandra..." aniya sa mababang boses. " You don't need that as* in your life."

I cried harder again. Sakit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon hindi lang para sa kanya pati na rin sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari sa akin ang lahat ng 'to. Pumunta akong Manila para sa mga pangarap ko pero nakalimutan ko ang lahat dahil sa lintek ng pagmamahal ko sa kanya.

"Mahal na mahal ko siya Kuya na kinalimutan kong magtira para sa sarili ko." lalong lumakas ang aking mga hikbi.

Tumayo si Kuya Gustavo at niyakap ako ng mahigpit. I was crying hard like a lost child in his stomach at hinayaan lang ako ni Kuya. Nababasa ko na ang damit niya sa mga luha ko pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"He's not worthy of your tears, Alejandra." he murmured. Hinaplos niya ang buhok ko para pakalmahin ako. " There's a bright future ahead. Don't drown your self in pain."

"Kung sana hindi ko hinayaan ang aking sarili na mahulog sa kanya, hindi mangyayari sa akin to. Hindi ko man lang naisip ang paghihirap ng mga magulang ko. I was so selfish Kuya, sarili ko lang ang iniisip ko."

"It's done Zia, it's not the time for you to blame yourself." sabi niya sa mababang tono. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka hinayaan siyang umupo sa gilid ng kama.

"It's okay...I'm here for you. I'll help you."

Umiling ako sa kanya saka malungkot na ngumiti. 

"Tama na ang pagligtas mo sa amin ng anak ko, Kuya.  Ayokong maging pabigat sa'yo."

"I won't take no for an answer Alejandra." mariin niyang sagot sa akin. Alam kong seryoso siya dahil nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya.

"Pero Kuya..."

"No buts, Zia Alejandra." putol niya sa akin. "...pero kung ayaw mo talagang tulungan kita, sabihin mo sa akin kung sino ang gagong nanakit sayo." nakita ko na muling umigting ang panga niya. Bigla akong nakadama ng takot sa galit na pinakita ni Kuya Gustavo.

"Z!"

Hindi ko na nagawang sumagot kay Kuya dahil ang seryoso at nag-aalalang mukha ni Gaston ang bumungad sa amin. Saglit kaming nagtinginan tatlo, ngunit biglang nagbago ang expression ng mukha ni Gaston. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya ng mabaling ang tingin niya sa kamay ni Kuya Gustavo na nakahawak sa akin.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Kuya sa kamay ko. "I told him you're here." sabi nya ng tumingin ako sa kanya. 

"G..." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi nga ako sigurado kung narinig niya ba ang pagtawag ko sa pangalan niya. 

"What's happening here, Kuya?" seryosong tanong ni Gaston at palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Kuya Gustavo at sa kamay naming magkahawak.

Walang sumagot sa aming dalawa kaya lumapit ito sa amin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang galit sa kanyang mga mga mata. 

Sinubukan kong kalasin ang kamay ko pero hinigpitan ni Kuya ang pagkakahawak dito. Alam ko namang walang ibang ibig sabihin si Kuya doon, concern lang siya sa akin.

"What the fuck, Kuya?"

"Sit down, Gaston. Don't be a baby. " kalmadong sabi ni Kuya Gustavo. Tinuro nito ang upuang ginamit niya kanina pero hindi sumunod si Gaston sa kanya. Umikot siya sa kabilang bahagi ng kama at umupo sa tabi ko.

"Kuya pwede mo ba kaming iwan ni Zia saglit?" 

Hindi sumagot si Kuya Gustavo ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman ang pag-alis nito sa aking tabi. Isang malalim ng buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Naramdaman ko ang mahinang paghaplos niya sa ulo ko kaya napalingon ako sa kanya. Ang kulay asul niyang mga  mata ay nagbabadya ng panganib pero biglang lumambot ng tumingin ito sa akin.

"I'll go outside, Alejandra. Babalik din ako." sabi niya saka nakipagsukatan pa ng tingin sa kapatid.  

Tango lang ang naging sagot ko kay Kuya. Kung natatakot ako sa kababata kong si Gaston mas natatakot ako kay Kuya Gustavo. Tahimik lang kasi ito at minsan lang nagagalit.

"Don't stress her Gaston, I'll be back in ten." bilin niya sa kapatid bago sinara ang pinto.

"Z..." tawag ni Gaston sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya. Ngayong kaming dalawa na lang ang naiwan muling bumalik sa akin ang sakit. Ilang beses niya kasi akong pinagsabihan na wag ibuhos ang lahat pero hindi ako naakinig sa kanya.

"Tell me what happened..."

Tinikom ko ang aking bibig  para pigilan ang hikbing gustong kumawala sa akin. Tumingala pa ako para pigilan ang panunubig sa aking mga mata pero nag-uunahan ng mahulog ang mga ito sa aking pisngi. 

"What happened Z? Who did this to you?" maingat niyang sinakop ang aking mukha at pinaharap ako sa kanya. Isa-isang niyang pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata pero wala paring ampat ang pagtulo nito.

Ang akala ko kanina ay ubos na ang mga luha ko pero ngayong nasa harapan ko si Gaston at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha ay muli na naman akong napaluha. 

"Fuck!" malutong niyang mura. "Sino ang tumarantado sayo ha?"desperado niyang tanong. 

Hindi ako sumagot patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko habang nakaharap sa kanya. Pakiramdam ko sa mga oras na to nakahanap ako ng mga taong masasandalan. Nakahanap ako ng kakampi...ng taong magtatanggol sa akin.

"I'm sorry..." bulong ko. " I'm sorry kung hindi ako nakinig sayo." I said crying, puno ng pagsisi pero huli na ang lahat. Tapos na. Tapos na akong nasaktan.

"Tell me who did this to you, Zia Alejandra." bakas ang galit sa boses ni Gaston. Alam kong galit siya dahil buong pangalan ko na ang binanggit niya.  "Tang-ina! Si gago ba?" 

Tatayo na sana si Gaston pero agad ko siyang pinigilan. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya. Ayokong madamay sila ni Kuya dito sa gulong pinasok ko lalo na sa Gaston dahil alam kung handa itong ipagtanggol ako kahit kanino.

"Fuck!" aniya saka mahigpit na yumakap sa akin.

"I'm sorry, G. A-akala ko h-hindi niya ako sasaktan. Akala ko hindi niya ako iiwan." muli akong humagulhol sa bisig ng kaibigan ko.

"Ang sakit sakit Gaston...ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin. Para akong basura na pinandidirihan nya. Hindi niya lang ako basta tinapon, yinurakan niya pa ang pagkatao ko."

Humagulhol ako sa bisig ni Gaston. Dinig sa buong silid ang paghihinagpis. Binuhos ko sa kanya ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. I cried harder, sob harder hoping that after this, the pain will fade away. Umaasa ako na sana pagkatapos kong umiyak ay mawala rin ang lahat ng sakit na binigay niya sa akin. 

He didn't say anything, niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinayaang umiyak hanggang sa maubos ang luha ko. Hanggang sa maging manhid ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status