Share

The Legitimate Playboy Heir
The Legitimate Playboy Heir
Author: Black_Jaypei

TLPH 1

NIKO VANRIELLE

Paghinto ng Van sa garahe ay agad akong bumaba bitbit ang traveling bag na dala ko. Mabilis akong tumakbo papasok ng Mansion. Matinding kaba ang nararamdaman ko sa bawat hakbang papasok sa loob ng Mansion.

Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang paborito niyang musika. Bumuga ako ng marahas na hangin ng makita ko siyang bibong-bibo na sumasayaw kasama ang mga anak ni Gael na edad Lima at tatlo.

What the fuck!

Napatitig ako sa dalawang bata na tunuturuan niya ng nakaluma niyang moves. Parang manok lang na iniinsayo dahil may laban. Atras-abante at kaunting lambot ng katawan habang kasabay sa galaw ang kamay na animo’y lilipad na. Napangiwi ako ng nakita sa dalawang bata ng ang araw na kami ni Gael ang sumasayaw ng ganiyan kasama niya.

Sobrang badoy pala!

Hindi ako mapakali sa byahe dahil okupado niya ang isipan ko, mula Thailand walang pahinga deritso dito sa Hacienda. Minsan ang sarap rin ni Tanda gisahin ng mga tanong. Bakit kasi mas gusto niyang dito sa Hacienda? Ano bang mayroon sa Lugar na ito na hindi niya maiwan-iwan?

Putikan ang mga tao dito. Iyan ba ang gusto niyang nakakasalamuha kaysa sa mga businesses partner niya na hindi na dadapuan ng kahit isang alikabok.

Ngayon makikita ko lang siyang walang ka sakit-sakit, mukhang hindi naman isinugod sa hospital! Putangina! Akala ko ba nakaratay na siya sa kama at hindi na magawang makakilos?

Hindi naman sa hindi ako masaya na makita siyang nasa maayos na kalagayan pero nakakagago! Ginamit niya ang sakit niya para umuwi ako, bumalik sa kinamumuhian kong Mansion!

Umikot siya dahilan para makita niya na ako. Napatigil siya sa pagsayaw at pinakatitigan ako. Kahit may salamin siya kitang-kita ko ang paglaki ng mata niya sa gulat na makita ang gwapo niyang apo.

“Kael?” Tawag niya sa akin.

“Apo?!” Tumango ako.

“Hindi mo ba bibigyan ng yakap ang Papa mo?” Tanong niya at idinipa ang mga kamay.

Umiling ako bago napangiti. Ibinato ko sa sofa ang bitbit kung bago lumapit sa kaniya at niyakap siya. Mahigpit ang ganting yakap niya sa akin at rinig na rinig ko ang mahinang tawa niya na parang sayang-saya siya na makita ako. Well...

I miss this freaking old man!

Bumitaw siya sa yakap at ipinatong sa magkabilaang balikat ko ang mga kamay niya na para bang sinusuri ako.

“Is that really you, Kael?” I chuckled.

Sa ibang bansa lang ako namalagi hindi na makapaniwala na ako talaga ‘to. Tsk! Matanda nga naman!

“Your the most handsome grandson, the only one.” I grin.

“Mabuti naman at na pasyal ka dito...” I rolled my eyes.

Anong na pasyal? Gago! Talagang sinadya kung umuwi dahil tumawag sa akin ang family doctor na matindi na ang sakit niya!

“Tss. Stop, fooling around. I know you plan this and it's not funny at all...” I rolled my eyes.

Sumalampak ako sa sofa at isinandal ko ang ang ulo ko sa likod ng sofa at mariing ipinikit ang mata ko. Masaya akong makita siyang maayos pero hindi ako natutuwa na makatungtong sa pamamahay na ito!

“This is the only way I know to make you coming home. Matangal-tagal na ng huli tayong nagkita and—”

“Papang. May maganda pong babae sa labas ng—Kael?” She cut old man.

Iminulat ko ang mata ko at napatingin sa magandang boses ng babae. Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko ang magandang babae na malapit kay Tanda. She's still the girl I meet before but I think she's full for nine months...

Mika.

Tumayo ako. “Ow, Hi. Kamusta?” Ngumiti siya.

Hinaplos niya ang umbok niyang tiyan bago tumingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya, well, I didn't see it wrong.

“Ito... Buntis ulit.” I nodded.

Ide ikaw na sharpshooter, Gael!

In my high school days I court—Flirt with her but she's so fucking hard to get. Kita mo nga naman sa Hamilton pa rin ang bagsak niya pero hindi lang sa akin.

“Hiro, Kiro... Batiin niyo ang Tito Kael niyo.”

Napatingin ako sa dalawang batang lalaki na kasayaw ni Tanda kanina. Lumapit ito sa amin at pinakatitigan ako.

“Hello po!” They said in unison.

Sa unang tingin walang duda na isa silang Hamilton, lalong-lalo na si Hiro kitang-kita ang pagkakapareho nila ni Gael. Walang hiyang Gael, buntisin ba naman taon-taon si Nika.

“Hey, boys!”

Gunulo ko ang buhok nila. Naglakad ako papalapit sa traveling bag na ibinato ko kanina sa sofa.

“May pasalubong ako, guess what?”

Nagkatinginan ang dalawa bago tumingin sa akin na may malapad na ngiti sa labi.

“Toys!”

“Chocolate!”

They said in unison that's make me chuckled.

I know that Gael have a sons so I buy pasalubong for them.

“Taran!”

Inilabas ko ang isang set ng toy cars at isang box ng chocolates. Nagningning ang mga mata nila ng makita ang hawak ko. Mahilig si Hiro sa mga laruan Gael na Gael ang ugali. Si Kiro naman ay mahilig sa chocolates halata naman dahil mukhang kinain na ng chocolate ang apat na ngipin niya sa unahan.

“This is for you.” Ibinigay ko kay Hiro ang toy cars. “...And for you.” Inabot ko kay Kiro ang chocolates.

Matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Hiro. Napangiti ako ng bumungisngis si Kiro dahilan para bumungad sa akin ang bungi niyang ngipin.

“Mommy! Mommy, look...” Nagtatalon si Kiro sa harap ni Mika habang ipinapakita ang chocolate na hawak nito.

“Yes, baby. Anong sasabihin niyo kay Tito Kael?” Hinaplos ni Mika ang mukha ng anak niya. Nagkatinginan ang dalawa bago tumingin siya akin.

“Thank you po Tito!” Nginitian niya ako.

“You’re welcome.” Ginulo ko ang buhok ni Hiro.

“Sayamat po!” Gigil na sambit ni Kiro.

I chuckled it was so cute to hear his words, it was salamat. Yumuko ako para magkapantay kami.

“Walang anuman po.”

Gaya ko sa boses niya na ikinalaki ng mata niya. Para bang hindi siya makapaniwala na marinig iyon mula sa akin.

I chuckled. “Give me five?”

Malapad siyang ngumiti at inilapat ang maliit niyang kamay sa nakabukas kong palad.

“High five!” He grin.

This kid is fun.

“Go on, baby. You can play and eat but don't forget to share to each other.” Paalala ni Mika sa mga anak na tumango naman ang mga ito bago tumakbo papunta sa veranda.

Tumayo ako ng tuwid at tumingin kay Mika. “May pasalubong rin ako sa'yo...” I scratch my nape. “Nasa sasakyan pa.” She nodded and smile.

“Ahhhh!!”

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng matinis na boses. Kunot-noo akong napatingin kay Mika na nakatakip sa bibig.

“Are you with someone?” She curiously asked.

Oh, fuck!

Napatakbo ako pababa ng maalala ko may kasama ako. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko siyang napapalibutan ng tatlong malalaking aso na abot hangang bewang niya.

It was color black, brown and white pitbull dogs.

Napalunok ako ng makita ang sobrang takot sa mukha niya. Halos makadikit na siya sa halaman na malapit sa kinatatayuan niya. Mahigpit na nakahawak sa maleta niya.

“Shoo! Shooo! Stay away from me, you stupid dogs!”

Singal niya sa mga aso dahilan para mas lumapit pa ito sa kaniya. Ang isa ay mukhang na galit pa sa kaniya.

Patay!

Napatingin siya sa akin ng mapansin akong nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya at nakamasid. Kitang-kita ko sa maganda niyang mukha ang pagmamaka-awa na tulungan ko siya.

“Kae—wahhh!” Iniharang niya ang maleta sa harapan niya bago tumingin sa akin. “Help me! Help me, Kael!” Sigaw niya sa akin.

Gusto kung matawa sa itsura niya pero hindi ko magawa dahil baka matigang ako mamaya. Sumipol ako ng tatlong beses dahilan para mapalingon sa akin ang mga aso.

They bark and run towards me.

“Whoah! Whoaah!” To my surprised.

Dinilaan ako ng isa sa mukha ang isa naman ay kinakagat-kagat ang pantalon ko habang ang isa naman ay tumayo at pinagdidilaan ako sa pisngi.

Mukhang na miss ako ng mga alagad ni Tanda wala na silang balak na tigilan ako kung hindi pa sumipol si Tanda dahilan para maging maamong tupa ito at bumalik sa kaniya-kaniyang lunga.

That's my boys!

Iginaya ko si Hazel papasok sa loob ng bahay. Halatang takot na takot siya dahil ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

“Hi. You okay?” Tanong ko kay Hazel.

Sinamaan niya ako ng tingin na para bang papatayin ako. “Do I look okay after I'm almost died because of that crazy dogs?” Bulong niya sa akin na may bahid ng inis.

“Don’t worry baby... They won't bite pretty lady...” Kinindatan ko siya.

“Ahem.”

Napatingin ako sa tumikhim at nakita ko si Tanda na seryosong nakatingin sa aming dalawa. Mas tamang sabihin na kay Hazel siya nakatingin na para bang sinusuri niya ito.

Inakbayan ko si Hazel. “Old man this is Hazel...”

Nilingon ko si Hazel nakatingin siya sa akin na para bang naghihintay ng sunod kung sasabihin.

“...Kaibigan ko.” I added.

Pinandilatan ako ni Hazel at pa simpleng kinurot sa tagiliran. “Anong kaibigan?” Bulong niya sa akin na halatang pinipigilan na sumigaw.

I grin. “Sakyan mo na lang...” Ganti kong bulong sa kaniya at kinindatan siya.

Hindi naman pwede na agad-agad kung sasabihin na shota ko siya. Masyadong complicated ang buhay ko sa Mansion na ito hindi tulad sa Thailand na pino-problema ko lang kung paano ako magpapasaya sa maghapon.

Tumingin ako kay Papa. “Hazel, Ralphierro Hamilton in front of you... My grandfather.” I introduce him to her.

Yeah. He's my grandfather. I grow up with him so he is my family.

“Hi, good afternoon. What do you want me to call you? I can call you Daddy if you want to.” She sweetly smile that's make old man raised his eyebrow.

“I don't want to. We are not related to each other for you to call me like that.” Inirapan ni Hazel si Tanda.

Ako nga Tanda lang tawag sa kaniya. S****p naman ang isang 'to!

“Don. Call me Don Raphael.” He added.

Bakas sa boses niya ang inis. Napalunok ako ng bumaling sa akin ang matalim niyang tingin. Patay! Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin kay Hazel na gulat na gulat ang itsura ng tingin siya ni Tanda ay napayuko siya.

“Anong ginagawa niya dito? Fiesta?” Malamig na tanong ni Tanda.

Napakamot ako sa gilid ng ilong ko. “She’s here to have a break from work. Vacation...” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Tanda.

“What kind of work?”

“She’s a famous model in Thailand.”

“I don't care.” Napalunok ako. “Hacienda ito hindi resort at hindi bakasyonan.” Dagdag niya.

He look at Hazel. “Hindi basehan ang ganda para masabi mong mabuti ang isang tao. Hija, iayun mo sa Lugar ang suot mo. Kung ayaw mong mabastos sa pamamalagi dito, ayusin mo ang pananamit mo.”

Napayuko si Hazel sa paghiya sa kaniya ni Tanda. Mukhang mahihirapan si Hazel na makuha ang loob ni Tanda ah.

“Tanda—”

“Cheska!” He cuts me off.

Napalunok ako ng marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon. Bakit kailangan niyang tawagin ang babaeng iyon? Anong gusto niyang palabasin? Putangina naman!

“Cheska!” Pag-uulit niya.

“P-Po?!” I hear her sweet voice.

Napatingin ako sa likod ng pader na pinanggagalingan ng boses. Nakita ko siyang nakatingin sa kinaruruonan namin. Nagtama ang paningin naming dalawa bago ibinaba ang tingin kay Hazel. Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa kaniyang mukha.

“What are you standing at? Where's my grandson?” Mahinahong tanong ni Tanda.

“Ew. Did you even take a bath? Oh, I have an extra shampoo I will give you some.” Hazel insulted her.

Umigting ang panga ko ng makita ang pagyuko ni Cheska dahil sa kahihiyan habang si Tanda naman nanlilisik ang mata kay Hazel. Ayaw na ayaw niya sa lahat na may na aapi sa loob ng pamamahay niya.

“Cheska.” He's voice is full of authority.

Napalunok ako. Pabalik-balik ang tingin ko kay Tanda at Cheska. ”N-nasa kwarto po, tulog...” Mahinahon niyang tugon.

Walang pinagbago napakalambing ng boses niya. Inosenteng-inosente pa rin ang datingan niya sa akin. She's so simple in her duster yet so attractive.

“Wag na Pa, ako na lang ang pupunta.” Pigil ko.

Yeah. I used to call him Tanda to teased him but I call him Papa.

Pinakuha ko ang maleta ni Hazel sa isang katulong. Iginaya ko siya papunta sa veranda kung na saan si Mika na binibigyan ng gatas ang mga anak niya na naglalaro. Lumapit siya sa amin at ngumiti sa akin bago tinapunan ng tingin si Hazel.

“Dito ka na muna, makipag-kuwentuhan ka sa kaniya. Maganda na at bait pa...” Kinindatan ko si Hazel.

“Bolero ka talaga!” Mahina namang natawa si Mika at hinampas ako sa braso bago ko sila iniwan sa veranda. Sumunod sa kuwarto na pinasukan ni Cheska.

Old man is a very strict person. Tinitingala siya ng maraming tao hindi lang ng mga taga dito sa Hacienda kundi pati na rin sa larangan ng negosyo. He's a business man. Iginagalang at makapangyarihang tao.

Mabait naman si Tanda... Sa akin nga lang.

Kita mo naman hinayaan niya akong tawagin siyang tanda samantalang kung iba kanina pa naparusahan.

Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa tenga ko ang iyak ng sanggol. Bumungad sa akin ang maliit na kwarto pero sapat lang iyon para sa kanilang dalawa. Maliit na kama, may crib at halos lahat ng nasa loob ay gamit ng bata.

Cheska is our maid and luckily I got her pregnant! I, Niko Vanrielle Hamilton, sharpshooter!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status