Share

CHAPTER 11

Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. 

Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki!

The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya!

Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. 

“Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit.

“Shit! Nasaan naman kaya ako?” ani niya at tumayo. Pilit binabalikan sa alaala ang mga nangyari kagabi. Ang malinaw lang ay nag-iinuman sila nila Gino at Tupak— dumating ang huli kasama ang pamilya nito galing probinsiya. Tinawagan siya ni Gino para ipaalam ang pagdating ng kaibigan— ngayon ay hindi niya sigurado kung nakauwi ba siya o kung nasaan siya.

Napansin niya ang side table, nakapatong roon ang litrato ng isang bata. Kung titingnan ay nasa sampong taon pa lamang ang bata nang kunan itong litrato. Sino kaya itong napakagwapong bata?

Bubuksan na sana niya ang pinto nang bumukas ito at tumambad sa kaniya ang isang bulto ng tao. “Good morning, little sister!” nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig at mapagsino ang nagsalita. 

Napakurap-kurap siya habang iniisip kung bakit ito narito at anong ginagawa nito… hindi naman siguro siya nakauwi kagabi at…

Oh No!” mahinang sambit niya nang mailibot ang tingin.

Anong ginagawa ko sa kwarto ng siraulong 'yon?!

Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Morning,” mataray niyang bati tsaka nagmamadaling lumabas at tinakbo ang kwarto niya. Bubuksan na sana niya pero naka-lock ito. Kinapa niya ang bulsa para kunin ang susi nang maalalang nasa bag niya iyon. "Nasaan ang bag ko?" 

"Wala kang dalang kahit na ano noong umuwi ka kagabi." napatalon siya sa gulat nang magsalita ito. Iiwas na sana siya ng may ibato itong susi sa kaniya. "Oh, tinanong ko kay Papa kung nasaan 'yong mga spare key. Gamitin mo muna 'yan, tsk!" ani nito at iniwan siya.

Napasandal siya sa pintuan nang maisara iyon. Ang lakas nang tibok ng puso niya!

Napasigaw na lang siya sa inis dahil hindi niya maalala ang mga nangyari at ginawa niya noong makauwi siya kagabi. Matapos magsisisigaw ay naligo na lang siya para kahit papaano ay mahimasmasan siya.

Sumilip muna siya kung naroon pa ang mokong bago tuluyang lumabas ng kwarto. Ayaw niya muna itong makita, mas kumikirot lang ang ulo niya kapag nakikita ang nakakabwiset nitong mukha!

Kaagad niyang tinungo ang kusina dahil gutom na siya, sana lang ay may pagkain na. Naabutan niyang may sinigang na baboy na nakahain sa lamesa. Kinuha niya ang kutsara na nandoon at humigop ng sabaw. Ang sarap!

“Masarap ba?” 

Muntik na siyang mabulunan sa biglaang pagsulpot ni David sa gilid niya. Hindi niya ito napansin dahil nakatalikod siya sa pintuan ng kusina.

“Papatayin mo ba ako?!” asik niya rito.

“Sabi na demonyo talaga paggising e, tsk!” nangingiting sambit nito.

Tinaasan niya naman ito ng kilay. “What? Anong demonyo, huh?” 

“Mali pala,” ngumiti ito nang nakakaloko, “Mas bagay pala sa’yo ang tiyanak.” Ani nito habang pinapasadahan ang kabuuan niya tsaka siya tinalikuran.

Napakurap-kurap siya. Siya ba yung sinabihan nitong tiyanak? “Huhh! Hoy, siraulong lalaki! Kung ako tiyanak, ikaw naman impakto!” sigaw niya rito.

“Shhhh. Natutulog si Papa, kararating lang non.” Ani nito at nag-abot sa kaniya ng gamot. “Ubusin mo na ‘yang sabaw at inumin mo itong gamot. This will help to lessen your headache.”

Imbes na abutin ang gamot ay nagdududang tiningnan niya lang ito. Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin niya rito, sa sabaw, at sa hawak nitong gamot.

Napadaing na lang siya nang tuktukan nito ang noo niya. “Walang lason yang sabaw at Ibuprofen ‘to! Nagmamagandang loob na nga yung tao, ang sama pa ng ugali!”

“Nakakapagtaka lang talaga. Hindi kasi ikaw yung tipo ng taong babait ng isang gabi lang! Yung totoo? May ginawa ka sakin kagabi 'no?”

“Ako, wala naman, ikaw meron.”

Nanlaki ang mga mata niya, “A-ano?”

“Bakit hindi mo alalahanin lahat ng pinag-gagagawa mo kagabi?” kibit-balikat na sagot nito.

Gago ba siya? Kung kaya ko lang alalahanin 'di na sana ako nagtanong!

“Damn! Just tell me what happened last night!"

“Clean my car first, then I'll tell you.” Hamon nito.

Galit na tinitigan niya ito pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay. Ayaw talaga sabihin! Padabog siyang lumabas ng kusina nang pigilan siya nito.

“Ubusin mo muna ‘to,” turo nito sa sabaw. Inirapan niya muna ito bago sumunod. Kailangan niya nga pala muna kumain, gutom na talaga siya! 

Hindi naman ganoon karumi ang kotse kaya madali niya lang itong natapos. “May pera naman kasi bakit hindi na lang magpa-car wash, tsk!”

Nang matapos ay hinanap niya si David at natagpuan niya ang lalaki sa sala na nanonood ng pelikula.

“Sabihin mo na.” mahinahon niyang sabi.

  

“Sabihin mo munang gwapo ako.”

“Alam mo, tangina ka!” Tinawanan lang siya ng lalaki. “Kung ayaw mo sabihin edi 'wag!” padabog siyang umakyat sa kwarto niya. 

Inis na inis siya sa lalaki. Hindi siya makapaniwalang nagpauto siya rito!

From: Miss Divine Mabisco

You can rest today, I'll stay at home.

Iyan ang natanggap niyang text mula kay Divine. Upang makasigurado ay tiningnan niya ang location ni Divine. Naglagay siya ng tracking device sa ilang sasakyan nito na madalas nitong gamitin. 

Nagsisinungaling ang babae dahil gumagalaw ang sasakyan nito. Umalis ito!

Saan ka pupunta?

Mabilis niyang inabot ang jacket at sinuot iyon. Namamadaling lumabas siya ng kwarto.

“Where's your key?”

“Why?”

Hindi na siya sumagot pa at inis na nilibot ang tingin, nang makita ay mabilis niyang kinuha ang susi na nasa istante at nagmadaling sumakay ng kotse.

“Hey! That's my car!”

“I will return your car when you tell me what happened last night!” Sigaw niya sa lalaki tsaka pinaharurot ang sasakyan.

Hindi niya pwedeng gamitin ang sariling sasakyan dahil baka mapansin iyon ni Divine at malaman pa nitong minamanmanan niya ito.

Nakasunod lang siya sa sasakyan ni Divine, malayo-layo rin ang pagitan nila para hindi nito mapansing nakasunod siya. Papunta itong Pampanga. 

“Ano naman ang gagawin niya sa Pampangga?”

Huminto ang sinasakyan nito sa isang abandonadong Ospital sa Mabalacat, Pampangga. 

Bago bumaba ay nagsuot siya ng mask at cap upang 'di makita ang mukha niya.

Nakakatakot ang lugar. Kapansin-pansing matagal na itong abandonado, parang ito yung lugar na pinamamahayan na ng mga ligaw na kaluluwa. 

Marahan siyang naglalakad para hindi siya makagawa ng ingay at mapansin. May naririnig siyang nag-uusap, boses ng lalaki at isang babae sa tagong parte ng Ospital.

Sinundan niya ang mga boses at dinala siya noon sa kinaroroonan ni Divine at isang pamilyar na lalaki. Nagtago siya sa pader 'di kalayuan sa dalawa, sapat lang para marinig niya ang usapan ng mga ito. 

“Sigurado ka bang walang nakasunod sa'yo?” galit na tanong ni Divine.

“Don't worry, Divine malinis akong kumilos!” 

Naikuyom niya ang kamao. Kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na iyon kahit hindi niya makita ang hayop na pagmumukha nito!

James Alejo!

“We have a deal, Divine, give me half of your share in Mabisco Corp. and I will keep your secret!” ani ni Mr. Alejo.

Secret? Hindi kaya ay alam nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Divine?

“But that’s too much! I can’t just give it to you, maghihinala si Daddy!” 

“Madali lang naman akong kausap, Divine! Nasa sa’yo rin kung malalaman ng mga Mabisco ang totoo o hindi.”

“No! Don’t you dare!” histerikal na sigaw ni Divine.

Humalakhak ng tawa si Mr. Alejo at nagpalakad-lakad sa harapan ng babae. “Ang perang hinihingi ko sa’yo, barya mo lang iyon kung tutuusin. But if they find out you’re not a Mabisco, wala ni isang barya ang matitira sa’yo!” mapanuyang anas nito.

Shit! Alam nga nito ang tungkol sa pagkatao ni Divine! Kung ganoon ay ang lalaki marahil ang kausap nito noong araw na iyon!

“Fuck! I know! I know! Can you please shut the fuck up!” galit na sigaw nito sa matanda. “Okay. I'll give you the 10%—”

“Not enough!”

“I'll give you the rest soon, so fucking wait and shut your mouth!”

“Okay, deal! I will keep my promise and you must keep your promise as well. By the way, if you—”

“Boss, may nakasunod!” narinig niyang sigaw mula sa likuran niya. Damn it! Nahuli pa!

Mabilis niyang hinarap ang lalaki sa likod niya at inagaw ang baril na hawak nito. Sa bigla nito ay hindi agad ito nakahuma kaya ginamit niya ang pagkakataong iyon para patulugin ito. Pinaputukan niya rin sa binti ang dalawang papalapit sa kaniya.

Nang lingunin niya ang kinatatayuan ng dalawa kanina ay wala na ang mga ito. 

Gulat na lang siyang napayuko ng muntikan na siyang tamaan ng bala. Buti na lang mintis! Kaagad siyang nagtago, parami na nang parami ang mga tauhang sumusugod sa kaniya. Ayos lang na gamitin niya ang hawak na baril dahil hindi naman sa kaniya ito. Hindi siya magkakaproblema!

Tinamaan sa tiyan nang binaril niya ang isang tauhan ni Alejo. Muli siyang tumakbo palabas ng building habang sunod-sunod niyang pinaputukan ang mga Gago!

Wala na roon ang sasakyan ni Divine nang makalabas siya.

Muli siyang nagkubli sa sasakyan ni David upang 'di siya makita ng mga ito. Nasa kanan siya ng kotse at nasa kaliwa ang manibela ng sasakyan. Hindi niya na pinalapit sa kaniya ang mga ito at sunod-sunod na pinagbabaril at mabilis na umikot para sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon.

Nakita niyang sinundan siya ng mga bala at alam niyang tumama iyon sa sasakyan. Mabuti na lamang at hindi natamaan ang bintana. Lagot ako nito!

Alam niyang magagalit sa kaniya si David kapag nakita nito ang tama ng baril sa likuran ng kotse nito. Anong sasabihin ko?! Inis na naiumpog na lang niya ang ulo sa manibela.

Sa labas pa lang ng gate ay naroon na si David, naghihintay. Mula sa kinaroroonan niya ay ramdam na niya ang masamang tingin nito.

Kanina pa ba ito roon? Tangina, bakit ba nasa labas ‘yan?

Binuksan na nito ang gate nang matanaw siya. Pinasok niya ang kotse sa loob. Hindi pa man siya nakabababa ay narinig na niya ang galit na sigaw ng lalaki.

“The fuck, Raven! What did you do to my car?!”

Dahan-dahan siyang lumipat sa passenger seat. Humugot muna siya nang lakas ng loob bago mabilis na lumabas doon.

“Babayaran ko na lang! Sorry!” sigaw niya habang tumatakbo papasok sa bahay.

Naiwan itong nagsisisigaw sa galit at kahit nakapasok na siya sa sariling kwarto ay naririnig pa rin niya ang lalaki.

Pagod siyang humiga. Kailangan niya ng kumilos. Kailangan niyang pag-isipan ang lahat.

Oras na para magbayad ang mga taong sumira sa pamilya niya!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status