Share

Chapter One: A Mistress

ALIYAH

Ang malakas na pagtunog ng alarm clock sa tabing lamesa ng kamang kinahihigaan ko ang gumising sa akin ngayong umaga. Antok kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng paghikap ko. Ilang segundo muna akong napatulala sa kisame bago ko maisipan na bumangon, pero isang mabigat na bagay ang agad kong naramdaman noong tangkain ko nang tumayo. Doon ko lang nakita ang braso na nakayakap sa may bandang baywang ko.

Tila ba tuluyang nabuhay ang diwa ko nang makumpirma kung sino ang aking katabi sa mga sandaling ito, si Sir Caleb.

Para akong ipinako sa pwesto habang nakatuon lamang ang tingin ko sa natutulog na si Sir Caleb sa tabi ko. Hindi magawang malihis ang tingin ko sa kaniya dahil aminado akong maganda sa mata ang perpekto niyang mukha na mahimbing ngayon ang tulog. Gawa ng higpit ng yakap niya sa aking katawan ay hindi ko na nagawang makatayo gaya ng plano ko sana kanina.

Ang akala ko kasi ay umuwi na siya kagabi sa kanila dahil hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta noong umalis na lamang siya rito sa bahay kagabi. Hindi ko tuloy inaasahan na gigising ako ngayong umaga na narito na siya sa aking tabi. Muli ay naramdaman ko ang kakaibang tibok ng dibdib, may kung ano sa aking sistema ang tila ba masaya at nabuhay ngayon gawa ng narito siya.

Maingat akong bumalik sa pagkakahiga ko sa kama at bahagya pang tumagilid para mas mapagmasdan ko pa ang kabuuan ng guwapong-guwapo niyang mukha.

Ang tangos din talaga ng ilong ni Sir Caleb, bagay na bagay sa hugis ng kaniyang mukha. Makapal din ang kaniyang kilay na dumagdag sa lalakeng-lalake niyang dating. Maging ang namumula niyang mga labi ay tamang-tama lang din para mabuo ang maganda niyang itsura na hinahangaan ng karamihan. Kung hindi lang palaging masungit si Sir Caleb ay sigurado ako na bagay na bagay sa mukha niya ang nakangiti.

Noong lumipas pa ang ilang minuto ay para akong natauhan sa ginagawang pagtitig sa kaniya. Gustuhin ko pa man pagmasdan ang kagwapuhan ng boss ko ay hindi pwede.

Kailangan ko pang pumasok sa trabaho upang makapagpaalam ako ng pormal kay Ma'am Lucy para sa pagliban ko sa trabaho ng ilang araw o baka abutin pa ng linggo.

“S-sir Caleb… Gising na po ba kayo?” mahina kong tanong, ngunit wala siyang sagot.

“G-good morning po, Sir Caleb. Kailangan ko na po kasing bumangon.” salita kong muli subalit mas magalang na. Nanatiling tahimik ang paligid dahil wala ulit siyang nagawa na sagot. Mukha nga talagang tulog pa siya sa mga sandaling ito.

Wala tuloy akong choice kundi tanggalin na lang ang nakayakap niya sa aking kamay para makaalis na ako sa kama.

Noong subukan ko nang umalis sa yakap niya ay gano'n na lang ang gulat ko ng mas lalo lamang niya akong kinulong sa mga kamay niya. Maingat lamang ang kaniyang pagkilos, ngunit ramdam ko ang kontrol niya sa akin nang magawa niyang ilapit pa ang katawan ko sa pwesto niya sa kama.

Katulad kanina ay sarado pa rin ang mga mata niya, subalit ang labi ay medyo nakauwang na at para bang nakangisi pa ito sa ginawa sa akin.

Dahil wala akong magawa para tumutol ay hinayaan ko na lang muna siya sa gustong gawin sapagkat mamaya pa naman talaga ang oras ng pagligo ko para sa aking pasok ng alas siete sa trabaho. Mag-aalas sais pa lang naman ng umaga, may ilang minuto pa akong pwedeng ibigay sa kaniya. Gayunpaman ay lumipas na ang mga minuto ay nanatili siyang nakayakap sa akin ng mahigpit, sa ginagawa niya ay para bang ayaw niya ako paalisin.

“S-sir Caleb, umaga—”

“Stay quiet, Liyah.” mahina niyang bulong kasabay ng marahan niyang paghaplos sa likuran ko.

Mabilis akong namula ng maalala kong wala akong suot na panloob ngayon. Ramdam na ramdam ko tuloy ang init ng palad niya sa aking balat nanb sadya niyang ipasok ang kamay sa suot kong pantulog ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin ko, sa totoo lang. Gusto ko naman talaga ang ginagawa niya, pero alam kong dapat ay tumutol ako dahil dadagdag na naman ito sa konsensya na nararamdaman ko sa araw-araw kong buhay.

“Breathe, Liyah.” salita niyang muli nang mahalata niya siguro na nagpipigil ako ng hininga. 

Hindi naman kasi talaga ako makahinga ng maayos dahil sa paglilibot ng kamay niya sa katawan ko. Sa ginagawa niya ay imbes lamigin ako dahil sa nakabukas na air-conditioner sa kuwarto namin ay nag-iinit ang buo kong katawan. Alam na alam ko sa aking sarili na hindi ko kayang tanggihan ang ginagawa niyang pagpapainit sa akin.

“Kailangan ko p-pong pumas—” hindi ko na nagawang matapos ang sinasabi nang patahimikin niya ako gamit ang labi niyang tinititigan ko lamang kanina.

Sht! Ano ba ang gagawin ko?

Hindi pa nakuntento si Sir Caleb sa ginagawang halik sa labi ko at marahan pang ibinaba ang halik sa leeg ko. Ramdam ko ang mga iniiwan niyang marka sa lugar na madampian ng kaniyang labi't halik. Nangangamba akong hindi ito matakpan mamaya, nakahihiya kung may makakita. Kailangan ko pang lumabas ng bahay mamaya.

Nang mapunta ang kamay niya sa bandang baywang ko ay ibinaba niya ng kaunti ang suot kong pajama para madama ang nag-iinit kong balat. Para ata akong lalagnatin sa sensasyong naidudulot niya sa sistema ko sa mga sandaling ito. Nang huminto ang ginagawa ay napamulat ako at napakagat sa aking ibabang labi.

Alam kong mali na magtalik kami, ngunit hindi ko kayang ihinto niya ang ginagawa kaya kusang gumalaw ang kamay ko para abutin ang kaniyang batok upang maabot ko ang labi niya ng halik. Ako naman ngayon ang nag-umpisa ng paghahalikan namin, para akong nalulunod sa ginagawa ko subalit hindi ko rin naman mapigil ang sarili ko.

“Let me do it, Liyah.” salita niya sa pagitan ng halik na ginagawa namin at tuluyan nang pumaibabaw sa akin ngayon.

Muli niya akong hinalikan sa aking labi habang ang kamay ay maingat na lumilibot sa katawan ko. Kusang napauwang na lamang ang aking labi noong maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng aking dibdib. Maingat ang ginagawa niya sa akin doon, kaya hindi ko maiwasang hindi gumawa ng mahihinang ungol ngayon.

Ayaw ko man tanggapin sa aking sarili, ngunit alam ko ang lakas ng epekto ni Sir Caleb sa pagkatao ko. Sa apat na beses na may nangyari sa amin sa loob ng anim na buwan ay palagi kong nararamdaman itong kakaibang pakiramdam ko para sa kaniya.

Tuwing inaangkin niya ako ay pakiramdam ko ay wala akong ni isang problema sa mundong ‘to at normal lang ang lahat sa buhay ko. Masyado na rin siyang pamilyar sa buo kong katawan, kaya alam niya kung saan ako pinakananghihina sa lahat. Dahil siya lamang ang lalakeng nakatalik ko ay maging ang katawan ko ay kilalang-kilala na rin siya, kaya tuwing hinahalikan niya ako sa sensitibo kong parte ng katawan ay naghahanap pa ako ng kasunod. 

Ito talaga siguro ang resulta ng pagkuha niya sa kainosentehan ko bilang babae noon. Dahil siya lamang ang lalake na hinayaan kong angkinin ang katawan ko ay masyadong naging pamilyar na sa kaniya ang lahat sa akin.

Kaya kahit ayoko ang resulta ng p********k namin pagkatapos ay wala akong magawa kundi hayaan ang sarili kong magpa-angkin sa lalakeng nasa ibabaw ko. Siya at siya lang palagi ang hinahanap-hanap ng sistema ko, at tuwing hinahalikan niya ako ay alam kong handang-handa na ako sumuko sa kaniya.

“S-sir C-Caleb…” habol hininga kong banggit nang hindi na siya nakatiis at ibinaba na ang suot kong pajama kasama ang underwear kong suot.

Ramdam ko na ngayon ang lamig ng buong silid na kinaroroonan namin dahil sa hubad ko nang ibaba.

Dahil maliwanag ang kuwarto gawa ng sinag ng araw sa labas— na tumatagos sa puting kurtina na nakababa— ay nakaramdam ako ng hiya. Naiisip ko pa lang na nakikita niya ng malinaw ang hubad kong ibaba ay gusto ko nang maglaho ngayon dito. Ngayon lang kasi namin ginawa ito ng umaga at hindi madilim ang paligid.

“Kailangan ko na—” muli ay hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang muli niya akong sunggaban ng halik. Naramdaman ko na rin ang kamay niyang itinataas na ang pangtaas kong damit kaya napahawak ako sa kamay niya upang pigilan ito, sa ginawa ko ay kita ko ang taka niyang tingin sa akin ngayon.

“M-maliwanag po…” para akong tanga nang sabihin iyon.

Akala ko ay magagalit siya sa binanggit ko, pero narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa. Gawa niyon ay namula ako sa hiya at napaiwas ng tingin. Nakita kong inabot niya ang remote sa side table at ginamit iyon para ibaba ang blinds ng bintana namin.

Doon ko lang naalala na may ganoong function pala ang bintana namin, automatic nga pala ito katulad lamang sa mga ilaw at aircon na may remote rin sa bahay na ito.

“You can’t stop me, Liyah. Not today.” nang marinig ko ang sinabi niya ay medyo naging agresibo na siyang gumalaw. Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko pababa sa aking dibdib ay muling nanumbalik sa akin ang init. 

Gawa ng pag-usbong ng kakaibang sensasyon ay napakapit na lamang sa braso niya, idagdag pa na naramdaman ko na ang pagbaba ng kaniyang kamay sa kaselanan ko.

Siya ang kahinaan ko pagdating sa ganitong bagay, kaya hindi ko na mapigil ang mahihinang ungol na lumalabas sa aking bibig. Para akong nababaliw— naadik. Hindi ko makontrol ang sarili ko at hinahayaan na lamang siya sa ginagawa. 

Natauhan lamang ako nang maramdaman ko ang pag-alis niya saglit sa ibabaw ko para mahubad din ang suot niyang mga damit. Hindi ako tumingin dahil hindi ko kaya, kahit hindi na ako inosente sa bagay na ito ay hindi ko siya kayang tignan habang naghuhubad sa harap ko.

Nang makabalik siya sa ibabaw ko ay mabilis niyang sinakop muli ang aking labi, doon ko naramdaman ang paggalaw ng mga daliri niya sa ibabang parte ng aking katawan. 

Sa ginagawa niyang iyon ay gusto kong ibaling ang ulo ko sa ibang direksiyon, ngunit hinahalikan niya ang labi ko kaya hindi ko magawa. Para akong nalulunod—  hindi sa pag-ibig ngunit sa bugso ng init ng aking katawan. Parang nagliliyab ang buong paligid dahil sa pakiramdam na ibinibigay niya sa akin. 

“I want you now, Liyah... I f*cking want you.” mahina niyang bulong sa tainga ko habang rinig na rinig ang paghahangad sa boses niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa, subalit hindi ako makasagot sa kaniya. Bumalik sa utak ko na kailangan ko pang pumasok ngayon sa trabaho.

“P-pero kailangan ko pa pong— ahhh…” napalitan ang pagsasalita ko ng ungol nang dahan-dahanin niya ang ginagawa sa aking ibaba. Mas lalo akong nababaliw sa bagal ng daliri niya sa loob ko, para akong aatakehin sa puso.

Kita ko kung paano sumilay sa labi niya ang isang ngisi bago niya tuluyang itigil ang ginagawa sa akin. Muli ay seryoso niya akong tinignan, ilang segundo siyang hindi nagsalita habang nakatingin lamang sa akin. Alam ko na namumula na ngayon ang buo kong mukha dahil sa hiya, gayunpaman ay nanatili lang din sa kaniya ang mga mata ko. 

“Alam kong mas kailangan mo ako, Liyah. You're wet, babe. Are you sure you don't want me to take you?” may nakalolokong ngiti ang labi niya na tila ba tinutukso niya ang buo kong pagkatao.

Alam na alam ni Sir Caleb ang ginagawa niya sa akin ngayon, kaya kahit hindi ko siya sagutin ay alam kong nabasa niya na agad ang utak ko.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at inalis ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko. Lumapit pa ng kaunti ang mukha niya sa akin at muli akong binigyan ng halik sa aking labi, hindi ito nagtagal dahil muli siyang nagsalita.

“Answer me, Liyah. Do you really want me to stop?”

Kusang umiling ang ulo nang marinig ang tanong niyang iyon. Sa ginawa niyang pagbitin sa sensasyon ko kanina ay mas lalo lamang naghahabol ang sarili ko sa kaniya. Nang makuha niya ang sagot ko ay naramdaman ko ang ginawa niyang halik sa noo ko, bago niya ibalik ang kamay ko sa katawan niya para roon ako kumapit.

Pababa nang pababa ang halik niya na nagpapaliyad sa akin dala ng matinding sensasyon. Kinakagat ko na lamang ang labi ko para pigilan ang pagsabog ng ungol sa bibig ko gawa ng nararamdamang kiliti’t ligaya sa paggalaw niya sa katawan ko.

“You're so beautiful, Liyah…” banggit ni Sir Caleb habang inihahanda ang katawan ko sa gagawin niyang pagpasok.

“S-sir…”

“Just, Caleb. We're having sex— I don't want to hear you call me Sir while I am f*cking you.” bakas man ang inis sa boses niya ay mas matimbang ang nararamdaman kong paghahangad sa kaniya, kaya tumango na lamang ako.

“C-caleb…” banggit ko sa pangalan niya na halos ungol na lamang gawa ng sensasyong dulot ng pagsimula niyang pagpasok sa katawan ko.

Ang sakit… Hindi na ito ang unang beses na gawin namin ito, ngunit masakit pa rin sa akin.

“That’s right, babe. I like my name better…” nakangiti niyang sagot at muling h******n ang labi ko habang pabilis nang pabilis anh paggalaw niya sa ibabaw ko.

Alam kong pagsisisihan ko na naman ang resulta ng p********k naming ito, ngunit hindi ko kayang hindian ang nararamdaman ko para sa kaniya sa mga oras na ito.

Masyadong nilalamon ng init sa katawan at pangungulila sa kaniya ang buo kong sistema, kaya heto ako at hinahayaan na lamang ang nangyayari sa aming dalawa.

Basta kapag si Sir Caleb ay mahina akong tumanggi.

***

“Here, take this. It’s twenty thousand cash. Ikaw na ang bahala kung ano ang bibilhin mo sa pera na iyan para sa pangangailangan mo rito sa bahay, just make sure your groceries will last a week. Buy everything that you will need and take the extra for yourself. Naiintindihan mo ba ako, Liyah?” may awtoridad sa boses ng sambitin iyon ni Sir Caleb habang inaayos niya ang kwelyo sa suot niyang polo.

“N-naiintindihan ko po, Sir C-caleb.” utal kong sagot t kinuha na ang sobreng inilapag niya sa kama.

Hindi ko na ito binuksan pa at inilagay na lamang sa ibabaw ng side table. Nakaupo ako sa gilid ng kama ngayon habang ang buong katawan ay nakabalot sa kumot. Kagigising ko lamang sa pagtulog pagkatapos ng ginawa namin kaninang umaga, at gaya ng inaasahan ko ay balik na ulit sa normal ang lahat sa kaniya. Parang walang nangyari sa aming dalawa.

Ayon sa oras na natanaw ko sa dingding kanina ay ala una na ng tanghali. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko at pagod kaya hindi pa ako nagtatangka na tumayo. Nanlalambot pa ang mga kalamnan ko, kaya nakahawak lamang ako sa tiyan ko para pakiramdaman ang aking sarili.

Masakit medyo ang ibabang parte ng katawan ko gawa ng ilang beses niya akong angkinin kanina. Inabot ng ilang oras ang p********k namim, kaya alam ko na masyadong nabugbog ang katawan ko. Ngayon tuloy ay parang wala na akong lakas para lumabas ng bahay mamaya.

“Are you okay?” tanong niya kaya umangat ang tingin ko pabalik sa kaniya at tumango na lamang. Kita ko ang pag-aalala sa mata niya pero saglit lang iyon dahil naging seryoso muli ito.

Expected ko namang magiging ganito siya pagkatapos ng p********k namin, kaya hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit parang hindi pa rin ako sanay sa kaniya. Sabagay… may inabot kasi siya sa aking pera, kaya pakiramdam ko ay bayad lamang iyon sa pagpayag ko sa nangyari sa aming dalawa kanina.

Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamababang babae sa buong bansa sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ni Sir Caleb ngayon. 

“Just tell me if you need more cash for yourself, Liyah. I will give it to you right away.” salita niya at naupo sa tabi ko para suotin na ang sapatos niya. Sa itsura niya ay sa opisina ang punta niya at hindi sa bahay lang nila.

“And tell me if you feel something is wrong. Okay?” dagdag niya pa na kinatigil ko. Mahina lang ang pagkakasabi niya roon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay ramdam ko ang sinseridad doon. Himala ito sa kaniya.

“Opo, Sir Caleb.” maikling sagot ko dahil iyon lang talaga ang lumabas sa bibig ko. Tumayo na siya nang matapos ang ginagawa at kinuha na ang teleponong nakapatong din sa side table. 

Nakita kong may tinitignan siya roon kaya saglit na nilamon ng katahimikan ang silid bago siya magsalitang muli.

“Bukas dadating ang pamilya ko sa bansa, kaya bukas ka na rin hindi pwedeng lumabas pansamantala. You have my number, right? Just text or call me whenever you feel unsafe. Okay?” tumango muli ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ba ako nauubusan ng salitang maiisagot sa kaniya sa mga sandaling ito, kaya puro pagtango lang ang nagagawa ko.

“Good. Now, I need to go. See you soon, Liyah. I will check on you from time to time. Take care.” iyon ang paalam niya sa akin bago ako tignan sa huling pagkakataon. Kinuha niya na ang ilan pang gamit niya at agad na rin namang lumabas sa pinto ng hindi hinihintay ang sagot ko.

Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga nang mapag-isang muli. Sa unang pagkakataon ay nagpaalam siya sa akin at sinabihan akong mag-ingat. Ayaw ko mang isipin na nagbabago na ang pakikitungo ni Sir Caleb sa akin ay hindi ko magawa, may parte rito sa puso ko ang umaasa na totoo nga ito. 

Kahit mali— umaasa ako na maging maayos ang ugnayan naming dalawa kahit papaano.

***

“Bakit ngayon ka lang, Aliyah? Akala ko ay hindi ka na papasok ngayong araw. Sobrang late na, ah?” bungad na tanong ni Jacob sa akin nang makarating na ako sa karenderia pasado alas tres ng tanghali. 

Siya si Jacob Lopez, kaibigan ko rito sa trabaho— ang natatangi kong kaibigan. Dalawang taon lamang ang tanda niya sa akin kaya nagkasundo agad kami noong unang pasok ko rito sa karenderia. Siya lang ang bukod tanging nakaiintindi sa sitwasyon ko sa buhay. Siya nga rin pala ang head chef ni Ma’am Lucy. Sa lahat ng katrabaho ko ay si Jacob lang talaga ang mabuti ang trato sa akin, ang iba kasi ay hinuhusgahan lang din ako. Kung hindi naman ay kinaiinisan.

“Okay ka lang? Mukhang may problema ka kasi, e.” tanong niya kaya agad akong ngumiti sa kaniya at umiling.

“Ano ka ba naman. Ayos lang ako, Jacob. Kailangan ko lang kausapin si Ma’am Lucy para makapag-paalam na liliban ng isang linggo sa trabaho. Nasaan pala siya?” sagot at tanong ko sa kaniya na halatang nagbigay sa kaniya ng gulat.

“Huh? Saan ka naman pupunta?” tanong nya na puno ng pagtataka. Hindi muna ako sumagot at hinila muna siya palabas, marami kasing tao sa loob at baka may makarinig pa sa amin kaya rito na lamang sa labas. Mahirap na.

“D-darating ang pamilya ni Sir Caleb sa bansa para sa reunion ng pamilyang Walton. Alam nila ang tungkol sa pagiging— alam mo na. Kaya binilinan ako ni Sir Caleb na huwag munang lumabas at magpakita sa mga media at ibang tao. At heto nga ako, kailangan kong magkulong sa bahay ng isang linggo simula bukas. Siyempre, takot din naman ako sa pamilya niya. Baka kung anong gawin nila sa akin.” halos bulong ko na ng ipaliwanag sa kaniya ang lahat ng iyon.

Dahil sa sinabi ko ay agad kong nakita ang pag-iba ng timpla ng mukha niya at tinignan ako ng seryoso. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang galit at inis na makikita ko sa kaniyang mga mata nang malaman niya ang mangyayari.

“T*ng ina, Aliyah! Ginagawa ka nang kriminal ng g*gong Caleb na ‘yan, e. Kumakabet siya sa ibang babae pero hindi niya kayang panindigan!” galit na pahayag niya na labis kong kinabigla.

Palagi siyang nagagalit kay Sir Caleb kapag nagkukwento ako ng mga ganap sa buhay ko kasama ito, pero iba ang galit na nakikita ko sa kaniya ngayon. Ramdam na ramdam ko sa kaniya na sobra siyang nag-aalala para sa akin kaya masaya akong isipin na kaibigan ko nga ang isang katulad niya.

“W-wag ka maingay, Jacob! Sa palagay ko, kaya niya ako hindi pinapalabas dahil concern siya na baka mapahamak ako… iyon lang ‘yon.” may tipid na ngiti sa aking labi nang sabihin ko iyon na kaniya, subalit mabilis ding nawala ng makita ko ang pagsilay ng ngisi sa kaniyang labi kasabay ng pag-iling ng kaniyang ulo.

“Concern? Siya? Kanino? Sa 'yo, Aliyah? Come on, para sa lalake na katulad niya— sa mayayamang walang magawa sa pera nila— parausan ka lang. Ayaw niyang mawala ka sa kamay niya dahil kailangan pa niya ang katawan mo. Hindi mo ba nakikita na pampalipas oras ka lang niya, Aliyah? Ginagawa niya ito dahil gusto ka niyang gamitin ng mas matagal pa.” saad ni Jacob. Bawat salitang sinabi niya tungkol sa akin ay ramdam na ramdam ko talaga sa aking dibdib.

Hindi ko matukoy, alam ko namang may parteng tama siya pero nasaktan ako sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga bagay na iyon tungkol sa akin. Alam kong galit siya kay Caleb at sa ginagawa nito sa buhay ko, ngunit nalungkot bigla ako sa kaniyang sinabi. Mas masakit pala kapag sa kaniya ko narinig ang mga bagay na iyon. Bawat salitang naibato niya tungkol sa akin ay labis dumurog sa puso ko. Hindi ko alam kung pinagsasabihan niya lang ba ako o minamaliit na.

“G-grabe ka naman makapagsalita, J-jacob!” nauutal kong sagot sa kaniya at pinipigil ang mga luhang nagbabadya na sa mga mata. Dahil sa bugso ng nararamdaman ko na parang maiiyak na ng wala sa oras ay hindi ko na pigilan ang sarili kong masabi iyon sa kaibigan.

“P-pasensya na sa nasabi ko, Aliyah. Hindi ko naman sinasadya na husgahan—”

“A-ano ka ba, Jacob? O-okay lang. Alam ko namang tama ka.” putol ko sa sinasabi niya at pilit na ngumiti.

“Sige na at mauuna na muna ako sa loob. Kailangan ko pang mag-paalam kay Madam, e.” banggit ko na lamang para lang maiwasan ang luha. Hindi ko na nahintay ang sagot niya at pumasok na lang din kaagad ako sa karenderia.

Ayokong maramdaman niya na nasaktan ako sa sinabi niya, kaya kahit nasaktan talaga ako sa sinabi niyang ’yon ay ngumiti pa rin ako sa kaniya bago ako tumalikod. Baka kapag nagalit kasi ako kay Jacob ay mag-away pa kami, edi mas mawawalan ako ng kaibigan. Nag-iisa na nga lang siya, e. Ayaw ko naman atang mangyari iyon sa aming dalawa. Malaki rin naman kasi ang naitutulong sa akin ng kaibigan ko.

Si Jacob ang natatakbuhan ko kapag may problema ako sa buhay, kaya kahit may mga bagay siyang nasasabi na nakasasakit sa parte ko ay hindi ko kayang magalit o magtampo man lang sa kaniya. Ayokong pati siya ay mawala pa sa buhay ko… mahirap iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status