Share

Alliyah's Confession

“Ba’t kasi pinatulan po pa ang Harold na ‘yon? Lasing siya, sana’y pinabayaan mo na lang.” Hindi mapatda ang bibig ko sa kakasermon kay Julian habang nilalapatan ng yelo ang pasa sa kaniyang may labi. Aba naman kasi nakipagbanatan pa sa kapatid niyang wala naman ibang alam kundi ang magmayabang.

“Ano’ng gusto mong gawin ko, pabayaan na insultuhin niya ang ina ko? Aray!”

Napatigil ako sa sagot niyang ‘yon, It was not my point, pero ‘wag na baka hindi lang kami magkaintindihan parehas na rason namin.

“Okay, sige na, mali na naman nga siya kung gayon. Siguro nextime ay mas lawakan mo na lang ang pasensiya mo. Para namang hindi mo kilala ang kapatid mo na ‘yon, sadyang mainit na talaga ang dugo no’n sa ‘yo noon pa.”

Patuloy lang ang pagdadampi ko ng towel na may yelo sa kaniyang sugat. Nanggigigil ako sa kaniya, lalo na sa ganitong malapitan na posisyon namin. Kitang-kita ko kung gaano kakinis ang mukha niya’t kung ilan ang maliit na nunal sa may malapit sa kaliwang mata niya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status