Share

Chapter 1 "Suntok sa Buwan"

"Tol....tol,. Intoy gising putcha gumising ka nga anak ng teteng" Pupungas pungas na gumising si Intoy.

"Oh bert ikaw pala, bakit anong atin?"Tanong ni Intoy sa kaibigang si Bert na humahangos pa.

"Tang'na tol yung tiyuhin mo nagwawala n naman sa labasan, Kahit anong pakiusap ng mga tanod ayaw sumunod, pati nga si Kapitan ayaw pakinggan eh magtatawag na daw ng pulis , kaya sinundo kita.Biglang balikwas ni Intoy sabay hablot ng tshirt na naka sampay sa alambre malapit sa may bintana.

"Anak ng, tara"At mabils na tinungo ng magkaibigan ang labasan, bagamat makipot ang iskinita ay mabilis na narating ni Intoy ang labasan.Sa may labasan ay kumpol ang mga tao.Kanya kanyang usisa kanya kanyang oponyon , kanya kanyang paraan para mapanuod ang kaguluhan.Mas mahalagang makapanuod at makasagap ng balita kesa matakot sa sarilng kaligtasan.Eksenang kina bubwisitan ni Intoy.

"Pareng Ramon,maghunos dili ka , halikat pagusapan natin yan," awat ng isang baranggay tanod sa noon ay nag aamok na si Ramon, hawak nito ang isang bote ng basag na gin at kutsilyo naman sa kabilang kamay."Mang Ramon, halina hot umuwi na Tayo, nakakaabala na po tayo at natatakot na ang mga tao sa inyo ho"Pakiusap ni Mario ang tumatayong Kapitan ng lugar.

"Hindi!! mga walang hiya kayo, mga hayop, wag nyo ko pinaglololoko.Mga manloloko kayo mga anak kayo ng diablo.Magsilabas kayo, nasaan kayo mga gago." Nagwawalang sigaw ni Ramon.

"Tiyo Ramon" malakas na sigaw ni Intoy na humahanhos,hinawi ang mga batang nakikiusisa sa kaguluhan."Naku, Intoy mabuti naman at naritoKa na, baka mapakiusapan mo ilit itong amain mo, hindi namin mapuwersa dahil sa pakiusap moKaso lang may hawak kaseng patalim hindi tulag noong mga nakaraan eh lasing lang.Iba na ngayon magtatawag na san alo ng pulis kase hindi na namin mapakiusapan eh baka makapanakit Sa ating kabaranggay.

MahabangPaliwanag ng ni Mang Mario ang tumatayong Kapitan sa lugar.Kaibigan ito ng amain kaya marahil nauunawaan nito ang kalgayn ng huli pero may katunglulan itong pangalagaan din ang kaligtasan at laayusan ng lugar.

"Pasensiya na po Kap, kalausapin ko pp si Tiyo , maaari na lb po bang pauwiin niyo na ang mga usiserot usisera"pakiusap ni Intoy sa Kapitan.

"Ay siya sge ikaw ng bahala sa Amain mo" at initusan agad nito ang ilang tanod na pauwiin ang mga bata o kaya ay lumayo man lang sa kaguluhan.Tumahimik ang lahat ng pumagitna si Intoy.

"Tiyo Ramon! Muling sigaw ni IntoyMatikas na nakatindig tatlong dipa mula naghuhurumintadong si Mang Ramon.Nilingon siya ng nang lalaki At sinigawan din.

"Bakit, wag kang makialam dito Edward, balik ka ng bahy at magaral"Sigaw nito sa kanya, Hindi siya tinatawag nitong Intoy tulad ng mga kaibigan niya Sa totoo niyang pangalan siya tinatawag nito kahit noon.Umuwi daw siya at magaral sigaw nito kung gayon bukod sa lasing ito ay sinusumpong na muli.

"Cge uuwi na ako, halika na at ihahatid mo ako hindi ba" pagsakay ni Intoy sa sitwasyun ng amain at unti unting lumapit sa huli.

"Tiyo Ramon " mahuhuli n po ako sa Exam, halina po umuwi na tayo at ng makapaligo ka na , aba eh, kapag mabaho kayo ay di kayo papapasukin ni teacher ko"

" dugtong pa ni Intoy sa sinabi.Malapit na si Intoy sa amain sobrang lapit na, isang maling galaw ni Intoy ay maaring masaktan ang binata.Lalong nanahimik ang lahat pigil ang hininga ng usiserot usisera.Nag aanatay sa susunod na kabanata.

"Hindi, hindi ako naniniwala sayo pareho kayo ng nanay mo, umuwi ka na wag kang makialam dito" galit na sabi ni Mang Ramon.

Sinubukan ni Intoy na lumapit pang lalo pero dito pero un ang pagkakamali ng binata dahil sa inakala ng amain na sasaktan siya inamba nito ang kutsilyo at iwinasiwas sa hangin, at dahil malapit na malapit ang binata ay nahagip siya ng kutsilyo . Nagsigawan ang mga taong nakasaksi sa nangyayari. Maging ang mga baranggay tanod ay umakmang lalapitan na ang matanda handang pwersahan ng dakpin si Mang Ramon pero mabilis na nakabawi si Intoy at pinigilan ang mga tanod.

"Wag! Lalo po siyang magwawala , susubukan ko po ulit siyang pahinahunin at pakiusapan.Muling sinubukan ni Intoy na lumapit "

Hindi inalintana ang dumadaloy na dugo sa balikat.Mabuti na lamang at nakailag agad ang binata nahulaan na kase nito ang magiging galawan ng amain alam niyang kalawete ito kayat alam niya kung saan patungo ang unday ng patalim kaya nagawa niya itong iwasan.

Tiyo Ramon, huminahon ka hindi ka nila sasaktan, ako to si Edward at hindi ako nagsisinungaling talagang lang late n tayo sa school, halika na paandarin mo na ang motor .Eto o tingnan mo hinahanap na ako ni teacher. Ipinakita ni Intoy ang larawan ng isang babaeng naka pre record na ang sinasabi," Asan na kayo , bilis Ramon, Edward , asan na kayo . Boses yung nang kanyan ina, nerecord niya iyon mula sa video clip ng kanyang ina noong nasa dubai ito.

Lumambot ang hitsura ng mukha ni Mang Ramon at inot inot na kinuha ang cellphone ni Intoy.Yun lamang ang hinihintay ni Intoy na pagkakataon,Nang sandaling kinuha ng matanda ang celpon ,binitiwan nito ang patalim at mabilis namang kinuha ni Intoy ang basag na bote ng gin na hawak nito sa kabilang kamay at ibinato sa bakanteng bahagi ng lugar.

"Nakangiting umupo ang amain sa isang sirang sofa na matatagpuan sa gilid na bahagi ng lugar at masiglang kinakausap ang tao sa celpon na akala mo eh live na kausap.Malungkot na pingmasdan ni Intoy ang amain,naaawa siya dito naging parang tunay na ama ito sa kanyaWalang araw na hindi nito ipinaramdam sa kanya noon ang pagmmahal na hindi nito naramdaman sa biological father niya.

Naikuwento nman ng kanyang ina ang tungkol sa kanyang ama may larawan pa nga siya ngunit hindi siya interesado, iniwan sila nito bago pa man siya ipinanganak at para sakanya doon na nagtapos iyon.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid , para nang nabunutan ng tinik ang mga tauhan ng barangay."Ok na ho, tapos na po ang palabas mga ka lugar maaari na po ba tayong magsiuwi, para po hindi muling magpanic si Mang Ramon."pakiusap ng Kapitan.

"Pasensya na po kayo sa kaguluhan" hinging paumanhin ni Intoy sa mga kalugar.Maya maya pa ay iniwan na sila ng mga taga baranggay.Ang mga tao naman ay paisa isa ng nagsisipulasan.

Hinayaan muna ni Intoy ang amain sa ganun Sitwasyun , kilala na niya ito at kabisado .kapag nasa ganung mood na ito ay makakahinga na siya ng maluwag.

"Bert diskarte ka ng lutpo natin " sabi ni Intoy sa kaibigan na kanina pa din nakamasid at alertong nka alalay sa kaibigan.Inabot namannito ang 50 pesos n inabot ni Intoy.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"mas ka abang2x..."
goodnovel comment avatar
m_🏹
"bakit kaya siya nag wala,!?!
goodnovel comment avatar
m_🏹
"katakot na man yong amain ni intoy.."
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status