Share

Chapter 5 "Ang pagngiti ng isang Anghel"

Kahit walang hango ng isda si Intoy sa araw na iyon, nakagawian na ng binata ang gumising ng maaga. 5:30 ng umaga na kaya nagpakulo na ng tubig ang binata at isinalin iyon sa thermos. Sinilip ng binata ang amain at nakita niyang himbing pa ito sa kuwarto. Maaga pa para lumabas at bumili ng pandesal kaya minabuti ng binata na magbukas na lang muna ng tv habang nagkakape.

Unang hirit ang palababas naabutan niya ang mainit na balita na isang car accident ang naganap malapit sa lugar nila kaninang alas 3 daw ng ng madaling araw nanyari. Lasing daw ang driver at nahulog sa tulay at sumabog ang sasakyan kasama ang driver nito na nakilala sa pangalang Yvone Margarette Gatchalian.

Ayon pa sa balita, lasing ang babaeng driver at nagaway daw ito at ang kanyang fiance kaya nangyari ang aksidente. Si Yvone Margarette Gatchalian ay anak ng may ari ng Sikat na Shipping Company na SnD at isa rin sa mga may ari ng mga sikat na Supermarket branch sa Pilipinas.

Eto ang panganay at nagiisang anak sa unang asawa ni Renato Gatchalian.Ipinakita sa screen ang litrato ng dalaga pero blurd ito tanging litrato noong bata pa ang malinaw. Ayaw daw ng pamilya. Nang mag commercial na ang television ay tumayo si Intoy at nag bukas ng pinto ng likod bahay at nagsindi ng sigarilyo. Laking gulat ng binata sa nakita..

May tao sa likod ng bahay nila. Duguan ito at putikan ang katawan at paa wala itong malay. Hindi na nagdalaqang isip ang binata . Tinungo ang kinaroroonan ng duguan saka inusisa ang kalagayan.

"Babae, isang magandang babae" bulalas ni Intoy.

"Miss, miss, gumising ka miss, anong nangyari sayo miss? Ok ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Intoy sa estranghera.Umungol saglit ang dalaga pero muling nawalan ng malay kaya kahit anong yugyog ni Intoy hindi na ito muling nagising.

"Ta*gna patay na ata si miss, idinikit ni Intoy ang tenga malapit sa dibdib ng dalaga, naririnig niya pa din ang tibok ng puso nito.

"Buhay pa siya.. buhay pa ang babae" umaliwalas ang mukha ng binata. Binuhat ni intoy ang dalaga at ipinasok muna sa bahay itinuloy niya ito sa kanyang silid. Sadyang nilapag niya ang dalaga na nakalaylay ang paa,napakaputik nito.

Pero ng makitang maputik ang bung katawan ng babae ay napamura si Intoy kakapalit pa lamang ng dapin niya at ung light color pa naman ang napili niya. Naisip ni Intoy na malamang sa pader sa likod bahay nila ito galing kung gayon ay sa kangkungan ito nagmula.. ano ang ginagawa ng babae na ito sa kangkungan.

Kumuha ng palanggan ang binata at marahang nilinis ang putikang paa ni Yvone. Nakamaong pants ang dalaga kaya pati pantalon nito ay putikan.. Nalinis na niya ang paa pero nag aalala si Intoy sa pantalon nito at sa baho ng suot. Inisip ng binatang tawagin ang kababatang si Lizel para tulungan siya pero nagdalawang isip ang binata baka kung ano isipin ang dalaga at pagselosan pa ang babae at hindi na naman ito titigil kaka kulit.

Nagdesisyun na lamang si Intoy na kumuha ng gunting at gupitin ang pantalon ng dalaga hanggang hita.Para tuluyang maalis ang bahaging maputik at mabaho. Pero maputik lalo ang bahaging puwitan nito. Kinuha ni Intyo ang kumot at hinubad ang pantalon ng babae sa ilalim ng kumot.

halos manginig ang kamay ni Intoy dahil dumadanta ang kamay niya sa bahaging hindi dapat. Binilisan na lamang ni Intoy ang ginagawa. Ang akala ni Intyo ay ligtas na siya mas magigng mahirap at nakakapanginig pala ng liinisin na niyan ang binti hanggang hita ng babae.

"Dios ko po nanang ko . wag nnyong hayaang magalit ang mga dragon ball. Tumutulong lang ako" dasal ni Intoy na natatawa sa kalukuyang naiisip. Kumuha si Intoy ng short mula sa damitan niya at dahan dahang isinuot iton sa babae. Sa katarantahan ay under short o boxer short ang nahablot niya.

At dahil pinipilit na wag tumingin sa hita na hind natatakpan ng tuwalya n . namalayan na lamang ni Intyo na naisuot na niya sa babae ang boxer short niya. Hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ni Intoy dahil akialngan naman niyang alisin ang blouse at bra ng babae.

Kinuha ni Intoy ang tuwalyang nakatakip sa hita ng babae at itinakip naman sa katawan ng babae saka niya ililagay ang kamay sa ilalim at marahang kinapa ang mga botones ng blousa . nag matagumpay na naalis ay kinapa naman niya ang likod ng babae para e unhook ang bra nito'

natawa si Intoy may silbi naman pala ang escapad nila ni Bert noonf fresh man siya kapag ina unhook niya ang bra ng ka date sa sinehan. Literal na binatukan ni Intoy ang sariling ulo. Subukan mo lang yang katarantaduhan mo' sita ni Intoy sa sarili.

"Hoy gentelman to oy, kita mo nga may tuwalyang nakaharang. Yung sa sinehan yung ka date ko lang ang request nun, hindi ko kayang tumanggi kapag ganun' pagbibiro ni Intoy habang kausap ang sarili.

Pagkatapos punasan ang katawa ng bnabae sa ilalim ng tuwalya nagmadali rin ang binata na humablot ng damit sa kabinet kaya jersey ang naisuot niya padabog na lumabas si Intoy.

"Pagminamalas ka nga naman. Saan ka ba naman nakakita ng malaking isda sa kangkungnan"

Nilabhan ni Intoy ang damit ng babae para matuyo ito kinabukasan ,para may maisuot ito pag gising nito.

"Teka magigising pa ba ito? paano kung hindi na? paano kung dito mamatay ang babae? tarantang sabi ni Intoy.

"Humihinga diba so paano mamatay, nawalan lang yan ng malay"sabi ni Intoy sa sarili. Kung sa bagay sa lagay niya na iyon kahit naman sino hindi kakayanin ng katawan. Payat ung babae Seksi. bulong pa ni Intoy. Nang makita kung alin ang nilalabhan ay napamura ang binata.

"Anak ng teteng hindi ko akalain na sa edad ko ng ito ko mararanasa ang maglaba ng bra"

Pero napangiti ang binata ng sumagi ang isang kapilyuhan saka tiningnan ang sukat ng bra na suot ng babaeng nasa silid niya.

"Ahh sheet naman pagminamalas ka talaga ,makapagbanyo na nga lang,nagwawala ang dragon ball... Sheet"

Pagbalik ng binata sa silid dala ang medicine kit. Nalantad sa binata ang kagandahan ng legs ni Yvone maputi makinis at tila kumikinang ayon sa diskripsiyon ni Intoy. Napalunok muna ang binata bago itinuloy ang paglalagay ng betadine sa mga galos at maliliit na sugat nito sa binti at sa taas na bahagi ng hita. Ngayon laamng nanginig si Intoy ng ganito.

Ngunit lalong namoroblema si Intoy nang mapadako sa noo ng babae ang kanyang mga mata .May sugat ito doon. hindi matapos tapos ang paglalagay ni Intoy ng betadine at band aid sa sugat ng babae dahil palagi siyang natutulala sa labi ng walang malay na babae. Para itong may mahika o batobalani na umaakit sa kanya. Ito lamang ang unang pagkakataon na hindi makakilos at makatitig si Intoy sa babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status